SINALUBONG SI OLIVER ng tunog ng mahinang machine na nakakabit sa katawan ng kanyang asawa at ng amoy ng gamot na sumasama sa hangin na umiikot lang sa air condition na silid na iyon. Habang papalapit sa kama ng kanyang asawa ay nanlabo na ang mga mata ng lalaki habang kumakalabog sa sakit ang kanya
NASA KALAGITNAAN NG gabi nang magising si Alia. Malabo ang kanyang mga mata pero naaninag niya na may imahe na nakasubsob sa gilid niya. Sobrang sakit ng katawan niya na para bang binugbog siya ng sampung tao. Pakiramdam din niya ay wala siyang lakas ng naririra sa katawan. Naburo ang kanyang mga ma
TAHIMIK NA SINUNDAN ni Oliver ang nurse na magdadala sa kanya kung nasaan si Doctor Lim. Napaangat lang nang bahagya kay Oliver ang mukha ng doctor nang pumasok sila sa opisina nito. Agad din naman silang iniwan ng nurse. “Maupo ka Mr. Gadaza, kailangan natin mag-usap ng masinsinan.” Sinunod ni Ol
NAGPALIPAS MUNA NG ilang sandali si Oliver bago bumalik sa loob ng silid ng kanyang asawa. Tumayo si Manang Elsa na nakaupo malapit sa kama ni Alia nang makita niya ang pagpasok ng among lalaki. Hindi na niya pinansin ang pamamaga at pamumula ng mga mata ng lalaki na paniguradong nag-breakdown haban
PINANOOD NI OLIVER ang pag-alis ng kanyang secretary upang gawin ang ipinag-uutos niya. Matapos na humugot nang malalim na hininga ay muli siyang bumalik sa loob ng silid ng asawa na wala pa ‘ring pagbabago ang kalagayan. Nanatili itong nakahiga sa kanyang kama. Nanghihina at walang lakas na bumango
BUMALIK SA LOOB ng silid si Oliver na parang walang nangyari. Inaantok na noon si Alia nang dahil sa ininom na gamot. Sa halip na mahiga sa tabi nito ay naupo lang si Oliver sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ng asawa. Ilang beses niyang masuyong hinaplos-haplos iyon. Hindi naman nakaligtas kay
NAPAHAWAK NA LANG sa kanyang noo si Alyson at sinundan na lang ng tingin ang likod ng kapatid na tumalikod at nag-walked out habang kausap niya. Hindi pwede ang gusto nito. Kailangan niyang mahadlangan ang plano nito bago pa mas lalong lumala ang problema ng kanyang kapatid. Nang makauwi sila ni Geo
NAPAKUNOT NA ANG noo ni Alia nang bahagyang marinig ang malabong boses ni Alyson na puno ng pag-aalala. Kinuha na ni Oliver ang kanyang cellphone. Kung sisigawan niya lang din ito pabalik, hindi rin siya nito maririnig. “Alyson, hindi mo kailangang mag-alala. Aalagaan ko siya doon. Babalik din kami
NAIINTINDIHAN NAMAN IYON ni Addison na pakiramdam niya ay normal lang naman. Inisip na lang niya na marami itong inuuwing trabaho at ayaw magpa-istorbo kung kaya naman busy siya pagdating ng condo nila. Ni katiting ay hindi siya nagkaroon ng bahid ng pagdududa sa kinikilos ng kanyang asawa na may ib
NANG SUMARA ANG pintuan ng condo ay bumalik si Loraine sa kusina at tinawag ang kasama niyang si Jinky. Magkaharap silang naupo sa hapag-kainan upang kumain. Maaga silang nagtungo doon kung kaya naman hindi na nila nagawa pang kumain ng almusal bago umalis ng apartment. Hindi lang iyon ipinaalam ni
KINABUKASAN, PAGDILAT PA lang ng mga mata ni Landon ay naroon na sa condo niya si Loraine may limang maletang dala na nakaparada na sa sala habang prenteng nakaupo sila sa sofa ni Jinky. Hinihintay na magising ang anak at lumabas ng silid. Ibinilin na ni Landon sa mga maid na papasukin ang ina oras
KASABAY NG PAG-ALIS ni Addison patungo ng two weeks na photoshoot sa Puerto Princesa ay siya namang muling pagpapakita ni Loraine sa labas ng condo ng kanyang anak na si Landon upang igiit na naman ang kanyang gusto. Kamuntikan pang atakehin sa puso ang lalaki sa labis na gulat nang makita niyang bi
SAMANTALA, NAPALINGON SA labas ng sasakyan si Addison nang marinig niyang may kumatok sa salamin bago pa man niya tuluyang mabuhay ang makina ng sasakyan at mapaalis sa parking lot ng building. Napakunot ang kanyang noo nang makitang ang asawa niyang si Landon iyon na seryoso ang mukhang nakatingin
ANG BUONG AKALA nilang mag-asawa ay tapos na doon ang trip ni Loraine na panggugulo sa kanila, ngunit kinabukasan ay pumunta ulit ito ng kanilang unit. Bagay na hindi nila parehong inaasahan. Sa pagkakataong iyon ay natutulog pa ang mag-asawa kung kaya naman ang mga katulong lang ang nagbukas ng pin
NAPAAWANG NA ANG bibig ni Addison na hindi inaasahan na sasabihin iyon ni Landon sa mismong kanyang harapan. Hindi inaalis ang mga mata sa mukha ng asawa na napakurap na ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala na pagtataasan siya ng tono ng asawa sa nakakapikong paraan. Hindi niya na tuloy mapigi
NAPAG-ISIPAN NA RIN ni Loraine ang tungkol sa bagay na ito bago magtungo ng araw na iyon doon. Ipre-pressure niya ang mag-asawa na magkaroon na ng mga anak na mukha namang wala pa sa plano nila. Iyon ang isang nakikita niyang dahilan na magkakasira ng kanilang relasyong mag-asawa kung hindi siya. “
MULI PA SIYANG kinulit ni Landon sa pamamagitan ng paglapit-lapit sa kanya habang panay naman ang usog ni Addison papalayo sa kanya kada magdidikit ang kanilang balat. Sa paraang iyon ay ipinapakita niya ang frustration na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon dahil sa naging topic nila ng asaw