SA VIP WARD nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Nero. Nakaratay ang katawan sa kama at hindi pa magaling. Hindi natupad ang pangarap nina Alia at Oliver na kauna-unahang out of town para sa kanilang pamilya. After lunch ng araw na iyon ay bumisita naman si Alyson. May dala itong basket ng prutas, h
GABI NA NANG sunduin ni Geoff si Alyson sa hospital. Dinaanan siya nito doon. Tahimik na nakaupo ang babae sa passenger seat na parang ang lalim ng kanyang mga iniisip na hindi nakaligtas sa paningin ng asawa. Nang dumating sila sa may intersection at huminto, nilingon na ng lalaki ang kanyang asawa
TANGHALI NG ARAW ‘ding iyon ay lumabas ang result ng check up ni Alia. Gulat na gulat ang doctor nang mabasa ang findings niya lalo pa at nakita niyang tila kalmado lang ang pasyente. Tinanggal pa nito ang kanyang suot na salamin ng ilang sesgundo bago muling isinuot iyon at hinarap na si Alia na ka
MAGANDA ANG SIKAT ng araw noon kung kaya naman nasa bakuran ang mag-inang sina Alia at Nero. Parang lantang halaman ang hitsura noon ni Alia ngunit nagawa niya pang ngumiti kay Manang Elsa at saka marahang tumango sa kanyang anak kahit na masama ang timpla ng kanyang katawan. Kanina pa sila doon mab
HUMAHANGOS NA DUMATING si Alyson sa hospital mula sa airport nang malaman niyang dinala ng asawa doon ang hipag. Hindi niya pa alam ang buong detalye dahil hindi iyon sinabi ni Geoff. Aniya, pagdating na lang nito saka ipapaliwanag kung ano ang tunay na nangyayari sa dati niyang secretary. Putlang-p
NABITAWAN NI OLIVER ang hawak niyang box ng cake at bouquet ng bulaklak na bumagsak sa may kanyang paanan, nang makita na kasabay ng pag-on ng knayang cellphone ay sunod-sunod na tumunog iyon sa dagsa ng kaniyang notification galing sa kapatid, sa bayaw, sa secretary niyang si Carolyn at kay Manang
UMIGTING NA ANG panga ni Oliver sa tahasang pagbibintang na ginagawa sa kanya ng kapatid. Hindi na niya gusto ang tabas ng dila nito na para bang nais niya ang mga kamalasang nangyayari na iyon sa kanyang pamilya.“Olivia, pwede ba? Hindi mo ba nakikitang problemado na ako? Huwag mo na sanang dagdag
SINALUBONG SI OLIVER ng tunog ng mahinang machine na nakakabit sa katawan ng kanyang asawa at ng amoy ng gamot na sumasama sa hangin na umiikot lang sa air condition na silid na iyon. Habang papalapit sa kama ng kanyang asawa ay nanlabo na ang mga mata ng lalaki habang kumakalabog sa sakit ang kanya
PINILI NI ALIA na palawakin pa ang sakop ng kanyang pang-unawa kahit na pigtas na pigtas na iyon. Iyong tipong parang malulunod na siya sa lalim noon ay pilit niya pa ‘ring lalanguyin ang mas pinalalim niyang pundasyon ng pasensya para kay Jeremy. Hindi niya pwedeng sabayan ang galit nito dahil kasa
PARANG SINAMPIGA SA mukha si Alia ng mag-asawang sampal sa lakas ng boses ni Jeremy at hindi lang iyon nakasingga pa ang nobyo. Noon na lang siya muling nakarinig na pagtaasan siya ng boses magmula ng magdesisyon siyang iwanan ang dating asawang si Oliver. Gumapang ang takot sa bawat himaymay ng kat
BUONG GABI AY hindi nagawang makatulog nang maayos ni Oliver nang dahil sa gumugulong sitwasyon sa kanya. Pinagninilayan niya iyon pero sa huli ay palagi pa rin nagwawagi ang kagustuhang huwag muna. Saka na lang siya magkita. Ayaw niyang mabasa sa mga mata ng anak ang awa sa kalagayan niya. Ayaw niy
NAHIGIT NA NI Oliver ang kanyang hininga nang marinig ang pangalan ng dating asawa mula sa bibig ng kanyang kapatid. Ano raw? Nagkita sila? Sanay naman siyang marinig ito mula dito now and then pero kinakabahan na siya sa maligayang tono sa boses ng kapatid ngayon. At saka bigla siyang naging curiou
NAGING VIRAL ANG mga nangyari noon sa kanila ni Oliver sa Paris kaya naman malamang ay alam nito na may asawa na siya. Imposibleng hindi niya iyon malaman dahil active din ang lalaki sa social media account gaya ng kaibigan nitong si Geoff. Iyon ang pagkakaalam ni Alia na ngayo na lang din niya kusa
HINDI NA ROON makapagsalita si Alia na tila ba naumid ang kanyang dila sa loob ng bibig. Biglang naisip na nakalimutan na yata ni Alyson ang mga nangyari sa nakaraan nila, na hindi sana mawawala ang mga magulang ni Helvy kung hindi nang dahil sa kagagawan ng kapatid nitong si Oliver. Naburo pa ang m
TOTOONG NATAWA NA si Alia sa reklamo ni Alyson. Gumapang pa ang inggit sa puso niya sa mga sandaling iyon. Sila kaya? Siguro kung hindi naging mapanakit si Oliver sa kanya o kung hindi siya sumuko at muli itong pinatawad at nagpakatanga siya, baka nadagdagan na rin ang mga supling nila. Sila Alyson
PINAG-ISIPAN NI ALIA kung babanggitin niya pa ba kay Alyson ang tungkol sa paglalakad niya ng mga kailangang documents pero sa huli ay inilihim na lang niya iyon. Ang weird naman kung ipapaalam niya pa iyon sa hipag. Parang wala siyang respesto. Baka isipin nito na gusto niyang malaman ni Oliver na
ILANG BESES NIYANG sinubukang kontakin ang secretary ni Alyson upang ipaalam sa dating hipag ang sadya niyang pakikipagkita upang mapag-usapan ang sadya ni Nero sa kanyang ama, ngunit nasa meeting daw ang amo nito kung kaya naman nabago ang kanyang naunang plano. Sasabihin na lang daw nito umano na