HININTAY MUNA NI Carolyn ang ilang minuto matapos na lumabas ni Oliver sa conference room bago ito puntahan sa kanyang opisina upang kausapin. Medyo masama pa ang hilatsa ng mukha ng amo niya dahil sa ilang pakikipagtalo at diskusyon sa mga investors ng bago nilang project. Sa kunot nito noo at guso
NAGING MABILIS ANG paglipas ng mga oras sa pagitan ng magkapatid. Hindi nila namalayan na panahon na para muli silang maghiwalay nang lumapit sa kanila ang isa sa mga bodyguard upang sabihin na tapos na ang oras ng kanilang pagkikita. Hindi na umalma doon si Alia kahit na hindi sapat para sa kanya a
ANG BUONG AKALA ni Alia ay kasama nila ang anak na si Nero patungo ng Batangas, kung kaya naman hindi siya mapalagay nang sabihin ni Oliver na hindi nila ito kasama bago sila mahiga ng kama sa gabing iyon. Medyo na-bother siya kung bakit. Pwede naman nila itong isama at ang Yaya dahil may silid nama
KINABUKASAN AY MAAGA silang nag-biyahe patungo ng Batangas. Hindi pa sumisikat ang araw at kasalukuyang natutulog pa noon si Nero. Parehong hinalikan ng mag-asawa ang kanilang anak na pinuntahan pa sa kanyang silid bago tuluyan silang umalis. Nag-booked ng presidential suite si Carolyn sa isang five
NATUTOP NA NG Professor ang kanyang bibig pagkarinig pa lang ng pangalan ng lalaking asawa ng kanyang dating estudyante. Bakit hindi siya magugulat? Kilalang-kilala ang lalaking ito sa bansa. Ang ipinagtataka lang niya, hindi naman na-announce ng lalaki na may asawa na pala siya. Ganunpaman ay naisi
ILANG MINUTO PANG napatanga si Alia sa kanyang kinatatayuan. Umikot na siya upang sundan ng tingin sina Victor at ang asawa nitong kasama na ilang beses pa siyang nilingon. Marahil ay nang dahil iyon sa naging reaction niya kanina. Hindi pa rin nawawala ang kanyang mga ngiti sa labi. Naisip niyang s
PUPUNGAS-PUNGAS NA NAKADILAT na ng mga mata si Alia sa marahang tapik ni Oliver sa isang balikat niya. Nag-inat siya at umayos na ng upo nang makita ang asawa. Makaraan pa ang ilang minuto ay lumabas na sila ng sasakyan at pumasok na sa loob ng presidential suite na inukopa nila. “Tamang-tama lang,
ANG MGA ILAW na kristal sa itaas ng pasilyong iyon ay kumikinang sa napakarilag na damit na suot ni Alia, biglang dumilim iyon na kagaya ng kanyang maputlang mukha na puno ng hinanakit ng mga sandaling iyon. Naghinang ang mga mata nilang dalawa ni Oliver ng ilan pang minuto. “P-Pasensya na sa abal
NADAGDAGAN PA NOON ang isipin ni Alia. Natutulak pa siya na pagbigyan nga ang hiling ng dating asawa, kahit na may kaunting takot at matinding kaba. Ano pa nga naman ba ang kinakatakutan niya? Na-hit na nila noon pa man ng dating asawa ang kailaliman ng relasyon nila. Umabot pa nga sila sa puntong g
BUONG BIYAHE NILA pabalik ng townhouse ay tahimik lang si Alia habang nagmamaneho. Tutok na tutok ang kanyang mga mata sa kalsada. Nasa passenger seat lang muli si Oliver habang ang mga bata sa likod ay parang mga manok na inaantok. Hapong-hapo sa kanilang paggala. Panaka-naka ang sulyap ni Alia kay
LINGGO NG UMAGA ay maagang nagsimba ang kanilang pamilya. Lunes after lunch ang biyahe ni Oliver pabalik ng Pilipinas kung kaya naman gusto niyang sulitin ang araw ng Linggo para sa kanyang mag-iina na alam niyang mami-miss niya. Pagkatapos nilang magsimba, diretso sila sa park kung saan nagkaroon s
NANG SUMUNOD NA mga oras ay wala namang unusual na nangyari hanggang sa kumain sila ng hapunan. Panay ang harutan lang ng mag-aama habang si Alia ay inabala ang kanyang sarili sa loob ng studio na kagaya ng plano kanina. Iyon ang buong akala ng mag-asawa dahil nang antukin na ang mga bata, nag-aya n
DALAWANG MAGKASUNOD NA araw na nagawa ni Oliver nang maayos ang kanyang plano, ngunit pumalpak iyon sa pangatlo. Late na kasi siyang nagising at tapos na ang breakfast nilang mag-iina nang sapitin niya ang townhouse. Sa pagtatampo ni Nero, hindi siya nito pinapansin kahit na kinakausap siya ng ama.
MALIIT NA NGUMITI si Oliver upang kalamayin ang kanyang sarili na huwag ipakita kung gaano na siya noon kinakabahan. Nagulat siya sa biglang pagtatanong ni Alia pero hindi niya iyon ipinahalata. Tinanggal niya sa bulsa ng suot na short ang dalawang palad na isinilid niya dito kanina at saka umayos n
MATAPOS NA MAGPALIT ng damit at kumalma ay pumanaog na rin si Alia. Malikot ang mga mata niya habang pababa ng hagdan na kunawari ay wala siyang ibang nakikita. Hindi siya pwedeng magtagal sa silid at baka isipin ni Oliver na apektado pa rin siya. Kailangan niyang panindigan na wala na siyang pakial
PAG-UWI NI ALIA kinahapunan ay nagulat siya sa nadatnan at lihim na napatanong sa sarili kung bakit naroon si Oliver at kalaro ang mga bata. Ang buong akala niya kasi ay umaga lang ito pupunta doon upang mag-spend ng oras sa kanila. Ganunpaman ay hindi niya ipinakita dito ang reaction niya. Baka isi
LUMAKAS PA ANG tawa ni Alia nang mas maburo pa ang mga mata sa kanya ni Dawn na para bang hinahanap sa kanyang mga mata ang ebidensya ng kasinungalan sa kanyang mga sinasabi. Anong gagawin niya? Wala nga siyang alam kung anuman ang tinutukoy nito? Ni minsan ay hindi rin siya nag-stalk ng account ni