PUPUNGAS-PUNGAS NA NAKADILAT na ng mga mata si Alia sa marahang tapik ni Oliver sa isang balikat niya. Nag-inat siya at umayos na ng upo nang makita ang asawa. Makaraan pa ang ilang minuto ay lumabas na sila ng sasakyan at pumasok na sa loob ng presidential suite na inukopa nila. “Tamang-tama lang,
ANG MGA ILAW na kristal sa itaas ng pasilyong iyon ay kumikinang sa napakarilag na damit na suot ni Alia, biglang dumilim iyon na kagaya ng kanyang maputlang mukha na puno ng hinanakit ng mga sandaling iyon. Naghinang ang mga mata nilang dalawa ni Oliver ng ilan pang minuto. “P-Pasensya na sa abal
INILAPIT NA NI Oliver ang kanyang mukha sa asawa upang halikan ito ngunit mabilis naman iyong inilihis ni Alia. Nandidiri siya sa lalaki. Kanina lang kitang-kita ng dalawa niyang mga mata na hinalikan nito ang ibang babae, tapos ngayon gusto nitong halikan ang labi niya? Hindi siya papayag! Anong ti
KINABUKASAN, WALA NA si Oliver sa tabi ni Alia nang magising siya. Matapos na bumangon ay nagtungo siya ng banyo. Matapos na maghilamos ay umihi. Blangko ang mga mata ni Alia na napatingin sa tubig na nasa bowl nang makitang kulay pula iyon. May kasamang dugo ang kanyang ihi. Kinusot-kusot niya pa a
PAGKATAPOS MAKUHA ANG result ng test na pinagawa ng doctor na kanyang nakausap ay nakita ni Alia na bagsak ang magkabilang balikat nito habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa isang piraso ng papel na siyang resulta. Masama na agad ang kutob ni Alia. Parang may masamang balitang ibibigay ang docto
NAKALUTANG PA RIN ang pakiramdam ni Alia na lumabas ng hospital. Hindi pa rin siya makapaniwala sa result ng check up niya. Maingat naman siya sa kanyang sarili, kaya naman hindi niya matanggap na mayroon siyang sakit.“Siguro nang dahil ‘to sa stress na inabot ko…” bulong-bulong niya. Mula nang ma
BALA-BALATONG NA ANG pawis na napalingon na si Alia. Nakita niyang nasa likod niya pala si Joyce na sa mga sandaling iyon ay hindi na maipinta ang hilatsa ng kanyang mukha. Maya-maya ay umaliwalas na rin naman iyon. Ang buong akala ng babae ay buntis si Alia kung kaya naman ito nagsusuka. “Para ma
ILANG MINUTO PANG naburo ang mga mata ni Alia sa mukha ng kanyang asawa na naghihintay ng kasagutan niya. Hindi ang sakit niya ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon kung hindi ang kapatid niyang si Normandy. Gusto niya itong makita at makausap nang masinsinan. Kaya lang nagdadalawang-isip siya ku
NADAGDAGAN PA NOON ang isipin ni Alia. Natutulak pa siya na pagbigyan nga ang hiling ng dating asawa, kahit na may kaunting takot at matinding kaba. Ano pa nga naman ba ang kinakatakutan niya? Na-hit na nila noon pa man ng dating asawa ang kailaliman ng relasyon nila. Umabot pa nga sila sa puntong g
BUONG BIYAHE NILA pabalik ng townhouse ay tahimik lang si Alia habang nagmamaneho. Tutok na tutok ang kanyang mga mata sa kalsada. Nasa passenger seat lang muli si Oliver habang ang mga bata sa likod ay parang mga manok na inaantok. Hapong-hapo sa kanilang paggala. Panaka-naka ang sulyap ni Alia kay
LINGGO NG UMAGA ay maagang nagsimba ang kanilang pamilya. Lunes after lunch ang biyahe ni Oliver pabalik ng Pilipinas kung kaya naman gusto niyang sulitin ang araw ng Linggo para sa kanyang mag-iina na alam niyang mami-miss niya. Pagkatapos nilang magsimba, diretso sila sa park kung saan nagkaroon s
NANG SUMUNOD NA mga oras ay wala namang unusual na nangyari hanggang sa kumain sila ng hapunan. Panay ang harutan lang ng mag-aama habang si Alia ay inabala ang kanyang sarili sa loob ng studio na kagaya ng plano kanina. Iyon ang buong akala ng mag-asawa dahil nang antukin na ang mga bata, nag-aya n
DALAWANG MAGKASUNOD NA araw na nagawa ni Oliver nang maayos ang kanyang plano, ngunit pumalpak iyon sa pangatlo. Late na kasi siyang nagising at tapos na ang breakfast nilang mag-iina nang sapitin niya ang townhouse. Sa pagtatampo ni Nero, hindi siya nito pinapansin kahit na kinakausap siya ng ama.
MALIIT NA NGUMITI si Oliver upang kalamayin ang kanyang sarili na huwag ipakita kung gaano na siya noon kinakabahan. Nagulat siya sa biglang pagtatanong ni Alia pero hindi niya iyon ipinahalata. Tinanggal niya sa bulsa ng suot na short ang dalawang palad na isinilid niya dito kanina at saka umayos n
MATAPOS NA MAGPALIT ng damit at kumalma ay pumanaog na rin si Alia. Malikot ang mga mata niya habang pababa ng hagdan na kunawari ay wala siyang ibang nakikita. Hindi siya pwedeng magtagal sa silid at baka isipin ni Oliver na apektado pa rin siya. Kailangan niyang panindigan na wala na siyang pakial
PAG-UWI NI ALIA kinahapunan ay nagulat siya sa nadatnan at lihim na napatanong sa sarili kung bakit naroon si Oliver at kalaro ang mga bata. Ang buong akala niya kasi ay umaga lang ito pupunta doon upang mag-spend ng oras sa kanila. Ganunpaman ay hindi niya ipinakita dito ang reaction niya. Baka isi
LUMAKAS PA ANG tawa ni Alia nang mas maburo pa ang mga mata sa kanya ni Dawn na para bang hinahanap sa kanyang mga mata ang ebidensya ng kasinungalan sa kanyang mga sinasabi. Anong gagawin niya? Wala nga siyang alam kung anuman ang tinutukoy nito? Ni minsan ay hindi rin siya nag-stalk ng account ni