LABAG MAN SA loob niya ay patuloy na iginiya ni Manang Elsa si Melody patungo sa guest room kung saan siya sinasabi ni Oliver na mananatili na nasa unang palapag lang ng bahay. Pagkapasok pa lang sa loob ng silid ay inihagis na agad ng babae ang dala niyang shoulder bag sa kama. Padabog na itinumba
ANG MGA ROSAS na iyon ay tunay na ipinatanim ni Oliver para sa kanyang asawa noong sila ay unang dumating sa Paris. Isang Linggo pa lang ang nakakalipas noon. Tumulong din siya doon kung kaya naman mayroon din siyang effort at ambag. Sa pagkakataong iyon noong patubo pa lang ang mga iyon ay lagi niy
SA PAGLABAS NI Melody ng bakuran ng bahay ay nakita niyang naroon si Alia. Kasama si Manang Elsa. Matamang pinagmamasdan ang mabagal na bagsak ng mga snow habang tangan nito ang tasa ng mainit na tsaa. Sa mga sandaling iyon ay nagtama ang kanilang mga mata. Hindi siya pinansin ni Alia na nag-iwas ag
BIGLANG UMALINGANGAW AT malakas na kumalabog ang pintuan pabukas dahil sa bayolenteng tinadyakan iyon ni Oliver. Umuusok ang kanyang bunbunan na gumala ang mga mata sa loob ng silid. Natagpuan niya si Alia sa harapan ng kanyang computer. Gulong-gulo ang buhok. Tigmak sa luha ang kanyang mga mata na
NILINGON NI MANANG Elsa si Oliver na sinubukang tumayo sa kanyang mga paa. Bagama’t nakakaramdam siya ng hilo ng dahil sa malakas na impact ng flower vase sa kanyang ulo, hindi niya iyon harap-harapang ininda. Nanatiling nakahawak ang kanyang palad sa kanyang noong may sugat. Natatakot na baka kapag
SA MGA SUMUNOD na araw ay naging malala ang lagay ni Alia. Parang bumalik ang dating siya na palaging tulala at wala sa kanyang sarili mula ng mangyari ang insidente. Kaunti lang siya kung kumain. Minsan pa ay nagpapalipas siya ng gutom. Palagi lang din siyang nakakulong sa kanyang silid. Nagwawala
HINDI SUMAGOT SI Alia, ni ang kahit tingnan siya ng babae at lingunin man lang saglit ay hindi nito ginawa. Subalit bahagyang nanginig ang paintbrush na mahigpit na hawak ng kanyang isang kamay. Oo, alam niyang anak niya si Nero. Hindi iyon nawawala sa kanyang isipan ngunit kailangan niyang gawin an
NAPASANDAL NA SI Alia sa likod na bahagi ng sofa na nasa likuran niya. Nakaburo pa rin ang kanyang mga mata kay Oliver na nakapameywang na sa kanyang harapan. Walang kahit na anong emosyon sa kanyang mukha. Hindi pa rin makapaniwala ang babae na ang lalaking sobrang minahal niya noon ay itinulak na
LINGGO NG UMAGA ay maagang nagsimba ang kanilang pamilya. Lunes after lunch ang biyahe ni Oliver pabalik ng Pilipinas kung kaya naman gusto niyang sulitin ang araw ng Linggo para sa kanyang mag-iina na alam niyang mami-miss niya. Pagkatapos nilang magsimba, diretso sila sa park kung saan nagkaroon s
NANG SUMUNOD NA mga oras ay wala namang unusual na nangyari hanggang sa kumain sila ng hapunan. Panay ang harutan lang ng mag-aama habang si Alia ay inabala ang kanyang sarili sa loob ng studio na kagaya ng plano kanina. Iyon ang buong akala ng mag-asawa dahil nang antukin na ang mga bata, nag-aya n
DALAWANG MAGKASUNOD NA araw na nagawa ni Oliver nang maayos ang kanyang plano, ngunit pumalpak iyon sa pangatlo. Late na kasi siyang nagising at tapos na ang breakfast nilang mag-iina nang sapitin niya ang townhouse. Sa pagtatampo ni Nero, hindi siya nito pinapansin kahit na kinakausap siya ng ama.
MALIIT NA NGUMITI si Oliver upang kalamayin ang kanyang sarili na huwag ipakita kung gaano na siya noon kinakabahan. Nagulat siya sa biglang pagtatanong ni Alia pero hindi niya iyon ipinahalata. Tinanggal niya sa bulsa ng suot na short ang dalawang palad na isinilid niya dito kanina at saka umayos n
MATAPOS NA MAGPALIT ng damit at kumalma ay pumanaog na rin si Alia. Malikot ang mga mata niya habang pababa ng hagdan na kunawari ay wala siyang ibang nakikita. Hindi siya pwedeng magtagal sa silid at baka isipin ni Oliver na apektado pa rin siya. Kailangan niyang panindigan na wala na siyang pakial
PAG-UWI NI ALIA kinahapunan ay nagulat siya sa nadatnan at lihim na napatanong sa sarili kung bakit naroon si Oliver at kalaro ang mga bata. Ang buong akala niya kasi ay umaga lang ito pupunta doon upang mag-spend ng oras sa kanila. Ganunpaman ay hindi niya ipinakita dito ang reaction niya. Baka isi
LUMAKAS PA ANG tawa ni Alia nang mas maburo pa ang mga mata sa kanya ni Dawn na para bang hinahanap sa kanyang mga mata ang ebidensya ng kasinungalan sa kanyang mga sinasabi. Anong gagawin niya? Wala nga siyang alam kung anuman ang tinutukoy nito? Ni minsan ay hindi rin siya nag-stalk ng account ni
AYAW NI OLIVER na mag-away silang muli at magkasamaan ng loob ni Alia dahil lang siya ang nagpasya na kung siya ang masusunod ay doon na siya tutuloy sa townhouse para mas mabilis ang access niya sa mga anak. Mali talagang tinanggihan niiya ang offer ni Alia na doon siya tumuloy. Kung alam niya lang
MEDYO NAGING AWKWARD sa pakiramdam lalo na sa ibinigay na paninitig ni Oliver kay Alia, ngunit nagawa pa niyang masayang sumalo sa kanilang kumain ng almusal. Iyong tipong parang normal na araw lang iyon. Ikinagulantang din iyon ng mga maid na panay ang lingon sa kanilang banda. Dama ang tensyon sa