NAPAHAWAK NA ANG matanda sa kanyang dibdib nang bahagyang manikip iyon dahil sa mga sinabi ni Loraine. Natatanglawan lang sila ng karampot na liwanag mula sa buwan sa bandang dakong iyon ng abandonadong building kung kaya naman medyo malabo ang emosyon na makikita sa mukha nila. Sa mga sandaling iyo
MALAPAD NGUNIT BAKAS na mapakla ang ngiting gumuhit sa mukha ni Loraine nang malinaw na makita ang mga bata na parang nakikipaglaro lang ng taguan sa mga kidnapper nila. Hindi niya pa gaanong maaninag ang mukha nila dahil sa kalayuan pero alam niyang nagsasabi ng totoo si Xandria na hawig ito ng ama
ILANG MINUTONG PINANOOD ng mga kidnapper si Loraine, ngunit maya-maya pa ay sinunod na nila ang utos nito bagama’t mayroong pag-aalinlangan sa kanilang mukha. Lumulan sila ng van at dahan-dahan ng umalis sa harap ng abandonadong building habang inaamoy-amoy ang limpak-limpak na salaping kanilang nak
NAPA-PRENO SI ALYSON at saglit na nanigas ang buong katawan nang mabanaag ang bulto ng kanyang mga anak. Naikuyom na niya ang kanyang mga kamao nang lalo pa niyang isungaw ang mukha at makitang nakasalampak sa lupa ang kanyang mga anak. Bahagyang natatanglawan iyon ng ilaw kung kaya naman malinaw ni
AGAD NA NATUMBA si Loraine nang dahil sa hindi niya napaghandaan ang biglaang pag-atake ni Alyson sa kanya mula sa likuran. Sinakyan agad ni Alyson ang kanyang katawan at inilagay doon ang lahat ng bigat at lakas nang sa ganun ay hindi na siya makatayo kahit na anong pilit niya. Napuno ng galit ang
MAHINA ANG BOSES at lumuluha na tinawagan ni Geoff ang mga magulang upang papuntahin ng hospital. Hindi niya deretsang masabi sa kanila kung ano ang nangyari. Wala siyang lakas para sabihin.“Anong nangyari, Geoffrey?! Sino ang nasa hospital?! Sumagot ka!” “Just come Mom, Dad. Please, just c-come…I
MARAHANG TUMANGO SI Alyson habang tinatanaw na ang pagbaba ng asawa ng kanilang sasakyan. Saksi siya kung paano ni Geoff kontakin at subukin na makausap si Mr. Samaniego upang pag-usapan nila ang tungkol sa kapakanan ni Landon. Noong una ay maayos pa nitong nakakausap ang matandang lalaki, ngunit na
ILANG MINUTONG NAKAPASOK na sa loob ng sasakyan si Geoff ay nakatingin pa rin sa kanya si Alyson. Hinihintay niyang magsalita ito at magkwento tungkol sa pagkikita nila ni Landon ngunit nabigo siya doon. Nanatiling tikom ang bibig ni Geoff hanggang sa buhayin na nito ang makita ng kanyang sasakyan.
SA NARINIG AY hindi mapigilan ni Oliver na umigting ang kanyang panga dahil pakiwari niya ay naapakan nito ang kanyang pagkalalaki. Apektado siya sa mga salitang ginamit at paghahamon ni Jeremy sa kanya. Kung wala lang si Helvy sa kanyang puder ay paniguradong kanina niya pa ito sinugod at inutas. U
MABILIS SILANG KUMILOS sa abot ng kanilang makakaya upang makalabas at makalayo sa ship na iyon as soon as possible. Nagmadali ang kanilang mga hakbang upang hanapin ang daan papalabas na hindi na nila matandaan dala ng pagkataranta at the same time ay pakikipagpalitan nila ng putok. Iginiya sina Ol
AGAD NA TUMANGO si Yasmine na nangatal na ang buong katawan. Bakas sa mga mata nito ang takot. Hindi na ito makaalis sa kanyang kinatatayuan habang higit ang hinga. Tumatak sa murang isipan niya na medyo nakakatakot pala ang tinutukoy na Daddy ni Helvy ng kanyang kapatid na si Nero. Nanlilisik kasi
HINDI NAGLAON AY gumayak na rin sila matapos na kumain muna sa malapit na restaurant. Medyo pagod man sila sa biyahe ay hindi nila naging alintana iyon lalo na nina Alia at Oliver. Pagkagat ng dilim at nakita sa tracker na nakadaong na ang cruise ship ni Jeremy doon sa private port ay naghanda na an
BAGO TULUYANG UMALIS ng kanilang villa ay muli pang nagtungo si Alia sa silid ng anak na si Nero. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa anak na hindi man umiiyak ay batid ni Alia na oras mawala siya sa paningin nito, babagsak ang mga luha ng bata. Hindi na nagpaalam pa dito si Oliver. Kagaya
PAGKAMATAY NG TAWAG ay nakaramdam ng panghihina ng katawan si Alia kung jaya naman parang pinutol na puno na bumagsak ang katawan nito na kung hindi nasalo ni Oliver ay paniguradong agad na hahandusay ito sa sahig. Napasugod na ang ibang maid palapit sa kanya upang dumalo at tulungan si Oliver na ib
INIHANDA NA NI Oliver ang lahat ng kanilang mga kailangan at ang mga tauhan na kanilang isasama nang sa ganun ay agad ng makapunta kung nasaang lupalop naroon sina Jeremy upang mabawi si Helvy. Hindi nila ito pwedeng patagalin. Ilang beses na sinabihan ni Oliver ang asawang si Alia na hindi na nito
BUMUHOS NA ANG luha ni Alia na makailang beses na iniiling ang kanyang ulo na para bang hindi makapaniwala na nakuha ni Jeremy si Helvy. Litong-lito siya. Parang tatakasan na siya ng ulirat. Takot na takot siya para kay Helvy. Paano kung ito ang halayin ng demonyong lalaking iyon at gawin ang bagay
HININTAY NI HELVY ang magiging tugon ni Jeremy sa kanya ngunit hindi iyon nangyari. Iba ang sinabi nito sa kanya na mas nagpagulo pa ng kanyang isipan. Ang kutob niya ay may mali at hindi niya gusto iyon.“You must eat now, Helvy, hmm? Kumain kang mabuti para mayroon kang lakas.”Pagkasabi noon ay