NAPA-PRENO SI ALYSON at saglit na nanigas ang buong katawan nang mabanaag ang bulto ng kanyang mga anak. Naikuyom na niya ang kanyang mga kamao nang lalo pa niyang isungaw ang mukha at makitang nakasalampak sa lupa ang kanyang mga anak. Bahagyang natatanglawan iyon ng ilaw kung kaya naman malinaw ni
AGAD NA NATUMBA si Loraine nang dahil sa hindi niya napaghandaan ang biglaang pag-atake ni Alyson sa kanya mula sa likuran. Sinakyan agad ni Alyson ang kanyang katawan at inilagay doon ang lahat ng bigat at lakas nang sa ganun ay hindi na siya makatayo kahit na anong pilit niya. Napuno ng galit ang
MAHINA ANG BOSES at lumuluha na tinawagan ni Geoff ang mga magulang upang papuntahin ng hospital. Hindi niya deretsang masabi sa kanila kung ano ang nangyari. Wala siyang lakas para sabihin.“Anong nangyari, Geoffrey?! Sino ang nasa hospital?! Sumagot ka!” “Just come Mom, Dad. Please, just c-come…I
MARAHANG TUMANGO SI Alyson habang tinatanaw na ang pagbaba ng asawa ng kanilang sasakyan. Saksi siya kung paano ni Geoff kontakin at subukin na makausap si Mr. Samaniego upang pag-usapan nila ang tungkol sa kapakanan ni Landon. Noong una ay maayos pa nitong nakakausap ang matandang lalaki, ngunit na
ILANG MINUTONG NAKAPASOK na sa loob ng sasakyan si Geoff ay nakatingin pa rin sa kanya si Alyson. Hinihintay niyang magsalita ito at magkwento tungkol sa pagkikita nila ni Landon ngunit nabigo siya doon. Nanatiling tikom ang bibig ni Geoff hanggang sa buhayin na nito ang makita ng kanyang sasakyan.
MATINGKAD ANG NGITI ng haring araw sa kalangitan ng umagang iyon kasama ang hindi maalinsangang simoy ng hangin. Taliwas iyon sa mga nagdaang araw sa Linggong iyon na panay ang buhos ng malakas na mga ulan buong maghapon. Tila pinagbibigyan ng panahon na maidaos ang makasaysayang araw na iyon sa pam
“MABUHAY ANG BAGONG kasal!” malakas na kurong sigaw ng mga taong dumalo sa tinaguriang wedding of the year na nakaabang sa mismong labas ng simbahan upang hintayin ang paglabas nina Alyson at Geoff na tapos na ang kasal..Sabay-sabay na nagkislapan ang mga camera ng mga reporter na matamang nakaanta
SA UNANG PAGKAKATAON ay hindi umiyak ang triplets upang humabol sa kanilang mag-asawa. Nagawa kasi itong utuin ni Oliver na mag-e-sleepover sa kanyang villa. Bagay na gustong-gusto ng tatlong bata dahil magkakaroon ulit sila ng oras na makasama ang favorite nilang Tito. Kabaligtaran iyon sa parte ni