WALANG IBANG MAGAWA si Alyson doon kundi ang maikuyom ang kanyang kamao. Hindi siya pwedeng gumawa ng eksena na makakasama sa kanyang imahe kung kaya naman kahit na anong galit na kanyang nararamdaman ay kinailangan niyang kalamayin ang kanyang sarili.“Ano? Bakit hindi ka makasagot?”Humagalpak pa
HABANG PAUWI NG bahay ay walang tigil sa paghuhuramentado ang cellphone ni Alyson. Nang tingnan ni Alyson ang dahilan ay nakita niyang ang walang patid na ginagawang pagtawag doon ni Oliver. Bagay na biglang nagpakaba sa babae. Tinambol pang lalo ang kanyang dibdib nang mamatay iyon at muling tumawa
NAKAGAT NA NI Alyson ang labi niya. Nilamon na siya kaagad ng konsensya. Muli pa niyang hinilot ang sentido matapos na ipikit ang mga mata. Isinandal na iyon sa bintana ng sasakyan. Kailangan niyang kumalma dahil kung hindi ay paniguradong ang kapatid ang aawayin niya. Hindi niya naman pwedeng ibun
GUMAAN ANG PAKIRAMDAM ni Geoff nang makita niyang bahagyang ngumiti si Alyson nang unahan na siya ng anak nilang babae na i-abot ang palumpon ng mga bulaklak na binili niya along the way habang pauwi siya para sa kanyang mag-ina. Galing siya ng kumpanya nila ng araw na iyon upang mag-report at tingn
GANUN KABILIS NAAYOS ang gusot nina Geoff at Alyson. Nang gabing iyon ay bumalik sila sa dating samahan. Natulog sila katabi ng triplets kung kaya naman wala pa rin pagsidlan ng tuwa ang mga bata. Gaya ng dating gawi, nang makatulog na ang triplets ay nagtungo sila sa kanilang silid upang punan ang
KIBIT ANG BALIKAT na nilagpasan lang sila ni Alyson at hindi na ini-entertain pa dahil alam niyang masisira lang ang araw niya. Pagpasok niya ng opisina ay agad niyang tinawagan ang Purple Media upang i-settle ang kanilang investment contract na napag-usapan ng CEO nitong si Mr. Manansala. Pagkatapo
HINDI UMIMIK SI Loraine na pahapyaw na tiningnan ang anak na nakatingin na naman sa malayo. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Xandria. Magmula noong mangyari ang sagupaan nina Loraine at Alyson ay naging ganun na ang behavior ng anak niya. Hindi na rin ito madaldal na gaya ng dati, iling at tango
WALANG INAKSAYANG PANAHON si Loraine na agad gumayak patungo ng opisina ni Geoff nang walang paalam sa lalaking pupunta siya sa lugar. Sa panunulsol ni Xandria kaya mas lumakas pa ang loob ni Loraine na basta na lang sumugod sa opisina ng lalaki na sa mga sandaling iyon ay kausap niya si Alyson sa c
BAGO PA MAKAHUMA at makapagsabi ng reklamo si Alia ay nagawa ng bayaran ni Oliver ang kanilang bill ng kinain. Walang nagawa ang babae kung hindi ang tahimik na sumunod sa lalaki palabas ng restobar. Isang cocktail drinks pa lang ang nauubos niya pero parang malalasing na siya sa pag-iisip pa lang n
DUMATING NA ANG waiter upang kunin ang order nila kung kaya naman nabaling na doon ang atensyon ni Alia at maging si Oliver na nananatili pa rin na tahimik. Pinagsasawa ang mga mata niya sa paligid ng lugar. Okay naman iyon sa kanya pero nakukulangan siya. Sobrang simple lang kasi kahit na may live
DATI, KAPAG TINANONG ni Alia si Oliver ang sasabihin nita sa kanya ay siya na ang bahala at huwag niya ng alalahanin pa ang bagay na iyon. Hindi tuloy makapili si Alia noon kung saan niya gusto dahil ito ang batas at palaging nasusunod. Ayos lang naman iyon kay Alia noon, pero ngayon iba sa pakiramd
NADAGDAGAN PA NOON ang isipin ni Alia. Natutulak pa siya na pagbigyan nga ang hiling ng dating asawa, kahit na may kaunting takot at matinding kaba. Ano pa nga naman ba ang kinakatakutan niya? Na-hit na nila noon pa man ng dating asawa ang kailaliman ng relasyon nila. Umabot pa nga sila sa puntong g
BUONG BIYAHE NILA pabalik ng townhouse ay tahimik lang si Alia habang nagmamaneho. Tutok na tutok ang kanyang mga mata sa kalsada. Nasa passenger seat lang muli si Oliver habang ang mga bata sa likod ay parang mga manok na inaantok. Hapong-hapo sa kanilang paggala. Panaka-naka ang sulyap ni Alia kay
LINGGO NG UMAGA ay maagang nagsimba ang kanilang pamilya. Lunes after lunch ang biyahe ni Oliver pabalik ng Pilipinas kung kaya naman gusto niyang sulitin ang araw ng Linggo para sa kanyang mag-iina na alam niyang mami-miss niya. Pagkatapos nilang magsimba, diretso sila sa park kung saan nagkaroon s
NANG SUMUNOD NA mga oras ay wala namang unusual na nangyari hanggang sa kumain sila ng hapunan. Panay ang harutan lang ng mag-aama habang si Alia ay inabala ang kanyang sarili sa loob ng studio na kagaya ng plano kanina. Iyon ang buong akala ng mag-asawa dahil nang antukin na ang mga bata, nag-aya n
DALAWANG MAGKASUNOD NA araw na nagawa ni Oliver nang maayos ang kanyang plano, ngunit pumalpak iyon sa pangatlo. Late na kasi siyang nagising at tapos na ang breakfast nilang mag-iina nang sapitin niya ang townhouse. Sa pagtatampo ni Nero, hindi siya nito pinapansin kahit na kinakausap siya ng ama.
MALIIT NA NGUMITI si Oliver upang kalamayin ang kanyang sarili na huwag ipakita kung gaano na siya noon kinakabahan. Nagulat siya sa biglang pagtatanong ni Alia pero hindi niya iyon ipinahalata. Tinanggal niya sa bulsa ng suot na short ang dalawang palad na isinilid niya dito kanina at saka umayos n