NAPATILI NA ANG mga naroroon na maid sa posturang ipinapakita ni Geoff. Yumukod ito, pahablot na hinila sa buhok ang walang malay pa ‘ring si Loraine na akmang uundayan na niya ng suntok. Halos madapa naman papasok ng bahay si Alyson na mabilis kinuha ang braso ni Geoff upang pigilan ito sa gagawin.
MAKAHULUGAN NA NAGKATINGINAN ang mga maid ni Geoff na luminya ng isa habang nakatungo upang sumalubong sa kanila nang makita ang pagpasok ng amo, ng yaya ng bata at dati nitong asawa sa gate pa lang ng bahay nila. Karga kasi ng kanilang amo si Landon na sinisinok-sinok pa at halata sa mukhang namumu
SALIT-SALITAN NA SILANG tiningnan ni Landon. Naguguluhan na ang mga mata nito sa hindi pamilyar na mukhang nasa kanyang harapan. Malamang dapat lang siyang magulat dahil halatang doon nakatira ang mga batang iyon na alam niyang bahay ng kanyang ama. Hindi siya magaling masyado sa english lalo at iba
HINDI NA PINANSIN ni Alyson ang anak habang lihim na siyang natatawa sa pang-aalaska ng kanyang anak na babae sa kanilang batang bisita. Naisip niya na manang-ina talaga ito sa kanyang inang iyakin. Anak ngang talaga ito ni Loraine. Pinaglihi sa papaya. Makudlit lang umiiyak na agad. Paano pa kaya k
NAUMID NA ANG dila ni Alyson. Saglit siyang na-blangko na parang naubusan ng sasabihin ngayon dahil malamang feeling talaga ng mga anak nila ay inaagaw ng batang biglang na lang sumulpot mula sa kung saan ang kanilang ama. Si Uno pa ba? May pagka-mind reader na bata. At kahit na itanggi niya iyon, h
MAINGAY ANG NAGING tunog ng basong iyon na humalik ang puwet sa babasaging lamesa sa kusina ng bahay ni Loraine. Buong pwersa ba namang ibagsak iyon ng babae nang dahil sa pinaghalong galit at gulat niya. Mabuti na lang at hindi iyon nabasag dahil kung hindi ay paniguradong wasak na at duguan ang ka
SA NARINIG AY nilakasan pa ni Landon ang kanyang pag-iyak. Dagnas na ang pawis nito sa buong katawan. Nanlilimahid na sa pinaghalong mga uhog, laway at luha ang kanyang mukhang pulang-pula na. Makailang beses pa siyang gumulong-gulong ang katawan. Pinabayaan lang siya ni Loraine. Matalim ang mga mat
SAMANTALA SA LOOB ng bahay ni Geoff, paglabas ng lalaki kanina na karga si Landon ay hinimok agad ni Alyson ang triplets na aalis na sila. Maliksi ang mga katawan ng tatlong batang kumilos. Ni isa sa kanila ay hindi nagtanong kung bakit uuwi na sila. Naghahabulan pa silang tinungo na ang sasakyan na
LUMIBOT SA KABUOHAN ng silid ang mga mata ni Nero. Hindi niya man isatinig ay mababasa sa mga mata niya na hinahanap na niya ang bulto ng ina. Inaasahan niyang makikita niya iyon doon ngayon kasama ng ama at kapatid niya.Isinama siya nina Alyson at Geoff dahil batid nilang ito ang magbibigay ng lak
WALANG ANUMANG ARMAS na tuluyan nang nawala sa kanyang sarili na iika-ikang sumugod at lumabas ng pinagkukublihan si Oliver lalo na nang makita niyang niyayakap ng maruming kamay nito ang katawan ng kanyang asawa. Hulog ang pangangang tumigil sa paghinga si Alia. Parang biglang naging slow motion an
PINAG-ISIPANG MABUTI NI Oliver ang sinabi ng kanyang tauhan na makakabuti nga naman sa kanilang lahat. Maisasalba niya pa ang iba sa kanilang nakatakdang mapahamak at masugatan kung patuloy silang nakipaglaban sa grupo nina Jeremy. Tama nga naman ito kung pakaiisiping mabuti iyon. Mayroong punto. Ku
SA NARINIG AY hindi mapigilan ni Oliver na umigting ang kanyang panga dahil pakiwari niya ay naapakan nito ang kanyang pagkalalaki. Apektado siya sa mga salitang ginamit at paghahamon ni Jeremy sa kanya. Kung wala lang si Helvy sa kanyang puder ay paniguradong kanina niya pa ito sinugod at inutas. U
MABILIS SILANG KUMILOS sa abot ng kanilang makakaya upang makalabas at makalayo sa ship na iyon as soon as possible. Nagmadali ang kanilang mga hakbang upang hanapin ang daan papalabas na hindi na nila matandaan dala ng pagkataranta at the same time ay pakikipagpalitan nila ng putok. Iginiya sina Ol
AGAD NA TUMANGO si Yasmine na nangatal na ang buong katawan. Bakas sa mga mata nito ang takot. Hindi na ito makaalis sa kanyang kinatatayuan habang higit ang hinga. Tumatak sa murang isipan niya na medyo nakakatakot pala ang tinutukoy na Daddy ni Helvy ng kanyang kapatid na si Nero. Nanlilisik kasi
HINDI NAGLAON AY gumayak na rin sila matapos na kumain muna sa malapit na restaurant. Medyo pagod man sila sa biyahe ay hindi nila naging alintana iyon lalo na nina Alia at Oliver. Pagkagat ng dilim at nakita sa tracker na nakadaong na ang cruise ship ni Jeremy doon sa private port ay naghanda na an
BAGO TULUYANG UMALIS ng kanilang villa ay muli pang nagtungo si Alia sa silid ng anak na si Nero. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa anak na hindi man umiiyak ay batid ni Alia na oras mawala siya sa paningin nito, babagsak ang mga luha ng bata. Hindi na nagpaalam pa dito si Oliver. Kagaya
PAGKAMATAY NG TAWAG ay nakaramdam ng panghihina ng katawan si Alia kung jaya naman parang pinutol na puno na bumagsak ang katawan nito na kung hindi nasalo ni Oliver ay paniguradong agad na hahandusay ito sa sahig. Napasugod na ang ibang maid palapit sa kanya upang dumalo at tulungan si Oliver na ib