ILANG HAKBANG MATAPOS ni Alyson lumabas ng office ni Dexter ay nasulyapan niya si Oliver. Kakababa lang ng phone nito at pabalik pa lang sana ng opisina ni Dexter ng sandaling iyon. Malapad na ngumiti ang lalake nang makita si Alyson di kalayuan sa pwesto niya."Saan ka na pupunta, Alyson?" "Babali
DUMALAS PA ANG HINGAL ni Alyson na animo ay kakapusin na sa paghinga. Kailangan niyang kumalma dahil kapag hindi ay baka bigla na lang siyang humandusay sa harapan nila. Bunga iyon ng pinaghalong sama ng loob na sabayan pa ng pagkulo ng dugo ni Alyson sa secretary ni Kevin. Naipon ang galit niya sa
NAPAHINTO NA SA PAGLALAKAD si Alyson nang ilang dipang makalayo na sila sa mismong bulwagan ng kanilang opisina. Hinarap niya si Kevin na kasalukuyang blangko pa rin ang mga mata na matamang nakatingin sa kanya. "Dito na lang ako, Kevin, hindi mo na kailangang ihatid sa clinic. Kayang-kaya ko na an
TUTAL MAS MALAPIT si Geoff kay Alyson kung kaya ito ang unang nakasalo sa katawang bumagsak. Gulantang na nakatingin lang sa kanila si Kevin na hindi magawang ihakbang ang mga paa palapit sa dalawa. Kahit anong pilit ang pigil ni Alyson na huwag matumba ay wala naman siyang magawa sa pamimigat ng ta
SA LOOB NG SASAKYAN ay patuloy pa rin ang malakas na tahip ng dibdib ni Geoffrey. Panay ang tingin niya sa labas ng sasakyan lalo na kapag bumabagal ang takbo nila upang libangin ang sarili. Maraming negatibong bagay ang pumapasok sa isip niya na pilit niyang winawaglit. Ilang beses niyang sinulyapa
ALUMPIHIT NA TINANGGAP na ni Alyson ang gamot dahil parang galit na ang tono ni Geoff. Isinunod niya ay ang baso ng tubig. Hindi umalis sa harapa niya si Geoff na para bang hinihintay nitong inumin n'ya ang gamot na ibinigay. Inilagay niya ang gamot sa bibig pero agad na inipit sa ilalim ng dila. Hi
NAGING MALIKOT at biglang naging mapanghusga ang mga mata ni Geoff ng tahasang mahuli at mabuking niya ang ginagawa ni Alyson. Ilang beses niyang sinulyapan ang cellphone nitong nakataob sa ibabaw ng unan. Hindi siya maaaring magkamali. Narinig niyang may kausap ito sa cellphone. Sa lakas ba naman n
MAGKASAMANG LUMABAS ng silid ni Alyson sina Geoff at Alia. Aalis na rin agad ang secretary na pinasaglit lang naman ng lalake sa bahay nila nang dahil sa hiling na itlog ni Alyson. Marami pa itong trabahong kailangang tapusin sa opisina. "Sir Geoff, hindi naman sa nakikialam ako o nakikisawsaw sa
HINDI AGAD UMALIS si Alia sa parking area kung nasaan ang kanyang sasakyan. Sapo ang noong ilang minuto niyang pinagmasdan ang mukha ng lango sa alak ng dating asawa. Nasa driver seat na siya at nagawa na rin niyang lagyan ng seatbelt ang katawan ni Oliver kahit na abot-abot pa ang kanyang kaba. Ang
KANINA, NOONG SABIHIN ni Alia na ipapalinis niya ang isa sa mga silid sa kanilang bahay ay parang gusto na niyang bumigay at biglang i-cancel ang hotel room na kanyang na-booked at doon na lang mamalagi ng isang Linggo. Sobrang excited ang naramdaman niya at na-imagine na rin niya na paggising ng um
HINDI SINABI NI Alia sa mga bata ang tungkol kay Oliver pag-uwi nila ng bahay. Diretso ang mga ito sa silid na halatang pagod na pagod sa pinuntahan nilang birthday party. Ilang beses niyang ibinuka ang bibig, nais na sanang sabihin sa dalawang bata na pumunta doon ang kanilang ama ngunit pinigilan
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ng ulo ni Alia na hindi pa rin nakakabawi sa labis na pagkagulat. Gusto niyang kurutin ang sarili upang siguraduhin na hindi siya nananaginip na nasa harapan niya ang dating asawa at hindi na nakakulong sa kanyang wheelchair, pero inunahan siya ng takot na baka kap
IGINALAW NI NERO ang magkabila niyang balikat bilang tugon sa kapatid. Humarap na ito sa ina. Ginaya siya ni Helvy na hinarap na rin ang ina na para bang naghihintay ang dalawa sa magiging explanation ni Alia. Pinanliitan na sila ng mga mata ng babae upang pagaanin ang tensyon na nakapagitan sa kani
MABILIS NA DUMAAN ang kakaibang galit sa mga mata ni Jeremy nang marinig niya ang huling sinabi ni Alia. Tila nawala siya sa tamang katinuan na bigla na lang niyang sinunggaban ng halik ang kasintahan na sa gulat ay hindi iyon napaghandaan ni Alia upang manlaban. Sa sobrang diin ng halik ng nobyo ay
KUNG ANO ANG reaction ni Alia ay gayundin ang reaction nina Manang Elsa at Pearl. Hindi nila lubos maisip na sasagutin siya ni Nero ng ganun sa kabila ng mga ginawa niya noon. Nauunawaan naman nilang sabik si Nero sa pigura ng isang ama, pero ang lahat ng iyon ay siguradong masakit sa kanilang ina.
MATAPOS NG HALOS tatlong Linggong pananatili ng bansa ay nagawang maayos ni Alia ang mga kailangan niya. Hindi na siya muling nagpakita pa kay Oliver kung saan ay hinahayaan niyang makasama nito ang dalawang bata. Kung may libre naman siyang oras ay ginugugol na lang niya iyon sa solong pamamasyal.
MASAKIT MAN SA pandinig ang lahat ng iyon ni Oliver ay hindi niya na lang ito pinansin. Pinalagpas niya iyon sa kanyang kabilang tainga. Sanay naman na siyang sumalo ng lahat ng sakit mula ng maaksidente. Iyon na ang kapalaran niya, may magbabago pa ba? Wala na. Binalewala niya ito noon kaya napagod