Nang hindi na matagalan ni Alyson ang nanunuot sa buto na mga titig ni Geoff ay walang lingon-likod na siyang lumabas ng conference room. Animo kumakawala na ang puso niya sa bilis ng bawat pintig nito. Sabayan pa iyon ng nanunuyong lalamunan. Lakad at takbo na ang ginawa niya matapos na makalabas n
"Mr. Carreon, I am giving you a warning too. Bitawan mo ako or else—" "Or else what? Ano ang kaya mong gawin, Alyson? May magagawa ka?" Unti-unting bumangon ang galit ni Alyson sa dibdib na matagal niyang kinimkim. He cheated on her first. Bakit parang pinapalabas nitong sa kanilang dalawa ay siya
Paharap na umikot si Geoff, natakpan ng katawan niya ang maliit na bulto ng katawan ni Alyson kung kaya hindi siya makita ni Kevin na nasa likuran. "Wala, may tinitingnan lang.""Please, come inside. I-close na natin ang deal para matapos na tayo.""Sure..."Marahas na pinahid ni Alyson ang mga luh
Pahagis na ibinigay ni Kevin sa chauffeur ng hotel ang susi ng sasakyan upang maayos na iparada. Hindi nagtagal ay pumasok na sila sa loob ng high-class at five star na hotel. Nahanap nila ang exact place na sinabi ni Geoff sa kanyang tawag. Natagpuan nilang nakaupo ito sa pang-apatang round table s
Pagkatapos nilang kumain ay umalis na rin sila sa hotel para umuwi na. Tinangka pang bayaran ni Kevin ang mga kinain nila pero ang sabi naman ng waiter ay naka-advance na ang payment ng lahat ng pagkaing iyon. "Good night, Alyson.""Thank you sa dinner, Kevin."Mapang-asar na ngumisi si Kevin. Alam
HINDI kababakasan ng takot ang mukha ni Alyson kahit pa parang kulog na umalingawngaw sa buong lobby ang boses ni Geoff. Tumaas ang isang kilay at tumikwas ang gilid ng labi niya habang pinapanood ang malalaking hakbang ng paglapit nito. Lihim siyang nagdiwang nang maisip niya na ang simpleng panana
KUMULO na ang dugo ni Alyson sa narinig. Napaka-imature talaga ng asawa niya. Hindi siya naniniwala na walang konkretong dahilan ito para bawiin ang kanyang sinabi. Kilala rin niya si Geoff na mayroong iisang salita kahit na magaspang ang ugali, kung kaya hindi si Alyson naniniwala na wala lang ang
SAMANTALA kakaalis lang ni Loraine sa bahay ng mga Carreon ng oras na iyon. Nagpilit siyang bumisita sa mga ito upang kunin sana ang loob ng mag-asawa kahit na inaayawan siya. Isa sa mga employee na ka-close niya at kakilala na nagtra-trabaho sa lobby ng building ng Carreon Holdings ang tumawag upan
HALOS LUMUNDAG ANG puso ni Alia sa sobrang pagkagulat sa sariling boses sa pagsigaw na ginawa niya. Kulang na lang ay mamuti ang kanyang talampakan at liparin ang pintuan para makalabas na. Nanghihina ang kanyang mga binti pero hindi iyon nakahadlang na tinungo niya ang medyo malayong pintuan ng sil
HINDI AGAD UMALIS si Alia sa parking area kung nasaan ang kanyang sasakyan. Sapo ang noong ilang minuto niyang pinagmasdan ang mukha ng lango sa alak ng dating asawa. Nasa driver seat na siya at nagawa na rin niyang lagyan ng seatbelt ang katawan ni Oliver kahit na abot-abot pa ang kanyang kaba. Ang
KANINA, NOONG SABIHIN ni Alia na ipapalinis niya ang isa sa mga silid sa kanilang bahay ay parang gusto na niyang bumigay at biglang i-cancel ang hotel room na kanyang na-booked at doon na lang mamalagi ng isang Linggo. Sobrang excited ang naramdaman niya at na-imagine na rin niya na paggising ng um
HINDI SINABI NI Alia sa mga bata ang tungkol kay Oliver pag-uwi nila ng bahay. Diretso ang mga ito sa silid na halatang pagod na pagod sa pinuntahan nilang birthday party. Ilang beses niyang ibinuka ang bibig, nais na sanang sabihin sa dalawang bata na pumunta doon ang kanilang ama ngunit pinigilan
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ng ulo ni Alia na hindi pa rin nakakabawi sa labis na pagkagulat. Gusto niyang kurutin ang sarili upang siguraduhin na hindi siya nananaginip na nasa harapan niya ang dating asawa at hindi na nakakulong sa kanyang wheelchair, pero inunahan siya ng takot na baka kap
IGINALAW NI NERO ang magkabila niyang balikat bilang tugon sa kapatid. Humarap na ito sa ina. Ginaya siya ni Helvy na hinarap na rin ang ina na para bang naghihintay ang dalawa sa magiging explanation ni Alia. Pinanliitan na sila ng mga mata ng babae upang pagaanin ang tensyon na nakapagitan sa kani
MABILIS NA DUMAAN ang kakaibang galit sa mga mata ni Jeremy nang marinig niya ang huling sinabi ni Alia. Tila nawala siya sa tamang katinuan na bigla na lang niyang sinunggaban ng halik ang kasintahan na sa gulat ay hindi iyon napaghandaan ni Alia upang manlaban. Sa sobrang diin ng halik ng nobyo ay
KUNG ANO ANG reaction ni Alia ay gayundin ang reaction nina Manang Elsa at Pearl. Hindi nila lubos maisip na sasagutin siya ni Nero ng ganun sa kabila ng mga ginawa niya noon. Nauunawaan naman nilang sabik si Nero sa pigura ng isang ama, pero ang lahat ng iyon ay siguradong masakit sa kanilang ina.
MATAPOS NG HALOS tatlong Linggong pananatili ng bansa ay nagawang maayos ni Alia ang mga kailangan niya. Hindi na siya muling nagpakita pa kay Oliver kung saan ay hinahayaan niyang makasama nito ang dalawang bata. Kung may libre naman siyang oras ay ginugugol na lang niya iyon sa solong pamamasyal.