"Anong kabastusan itong ginagawa mo? Bumalik ka sa loob at harapin si Attorney Clemente! Huwag mo akong ipahiya. Halika, bumalik ka sa loob!"Akmang kakaladkarin si Alyson ng ina pabalik sa loob ngunit ibinigay niya ang huling lakas para bawiin dito ang isang braso niya."Mama? Naririnig mo ba ang s
Pandalas ang naging iling ni Alyson. Ayaw niyang mag-expect nang malaki ang kaibign niya kay Geoff. Tiyak na sobrang madi-disappoint ito oras na malamang maghihiwalay na rin sila. "Hindi naman, Rowan, sakto lang.""Anong sakto lang? Ikaw pa ba? Pipili ng lalakeng 'di papasa sa panlasa?"Hindi na su
"Alyson?" tanong ni Wanda na agad naagaw ang atensyon ng mukha niya. Sa bihis ng damit nito ay iisipin ng marami na galing ito sa mayaman. "Is that really you?"Tumayo pa si Wanda. Hindi pa siya nakuntento at lumapit pa sa table nila habang humahalukipkip ang braso. Wala namang imik ang dalawang k
Nahawi ang matingkad na ngiti ni Wanda sa huling litanya ni Alyson. Gumalaw-galaw na ang panga niya. Hindi na iyon nakayanan ni Wanda at napatakip na ito sa kanyang bibig."Relasyon? Nagkaroon kayo ni Julius ng relasyon noon?""Hmmn, take note. Siya ang lumapit sa akin at di ako ang nauna, Wanda."S
UMIKOT sa ere ang mata ni Alyson. Si Rowan naman ay iiling-iling at hindi makapaniwala roon. Hinarap nila si Wanda habang nagpupuyos sa galit. "Anong karapatan mo para paalisin mo kami dito? Customer din kami!"Balewalang iwinagayway lang ni Wanda ang bagong polish niyang kuko sa harapan ng magkaib
Nasa may pintuan na sila ngunit hindi nakasagabal ang presensiya nila sa dagsa ng customers na dumarating. Tinawag pa ni Wanda ang kasama niyang dalawa na nakatingin lang sa kanila kanina. Matamang nakikinig. "Punta kayo dito. Tatawagan daw ni Alyson ang asawa niya. Tingnan nga natin kung darating
"Sino iyan?" Hindi sinagot ni Geoff ang tanong ni Loraine. Tinaas niya ang isang palad upang sabihin na huwag maingay. "Yes? Hello?""Mahal nasaan ka?"Napakunot ang noo ni Geoff. Hindi siya maaaring magkamali ng dinig. Tinawag siyang mahal ni Alyson? Kagaya ng endearment nila noong okay pa ang ka
Nagsimula ng pumatak ang luha ni Loraine nang hilahin niya sa manggas ang damit na suot ni Geoff. Feeling niya ay nasayang lang lahat ng effort na ginawa niya. Gusto pa naman niya na ma-impress ang kasintahan. "Matatapos na ako sa niluluto kong ulam. Hindi mo man lang ba—""Hintayin mo ako. Babalik
BUMALIK SA LOOB ng silid si Oliver na parang walang nangyari. Inaantok na noon si Alia nang dahil sa ininom na gamot. Sa halip na mahiga sa tabi nito ay naupo lang si Oliver sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ng asawa. Ilang beses niyang masuyong hinaplos-haplos iyon. Hindi naman nakaligtas kay
PINANOOD NI OLIVER ang pag-alis ng kanyang secretary upang gawin ang ipinag-uutos niya. Matapos na humugot nang malalim na hininga ay muli siyang bumalik sa loob ng silid ng asawa na wala pa ‘ring pagbabago ang kalagayan. Nanatili itong nakahiga sa kanyang kama. Nanghihina at walang lakas na bumango
NAGPALIPAS MUNA NG ilang sandali si Oliver bago bumalik sa loob ng silid ng kanyang asawa. Tumayo si Manang Elsa na nakaupo malapit sa kama ni Alia nang makita niya ang pagpasok ng among lalaki. Hindi na niya pinansin ang pamamaga at pamumula ng mga mata ng lalaki na paniguradong nag-breakdown haban
TAHIMIK NA SINUNDAN ni Oliver ang nurse na magdadala sa kanya kung nasaan si Doctor Lim. Napaangat lang nang bahagya kay Oliver ang mukha ng doctor nang pumasok sila sa opisina nito. Agad din naman silang iniwan ng nurse. “Maupo ka Mr. Gadaza, kailangan natin mag-usap ng masinsinan.” Sinunod ni Ol
NASA KALAGITNAAN NG gabi nang magising si Alia. Malabo ang kanyang mga mata pero naaninag niya na may imahe na nakasubsob sa gilid niya. Sobrang sakit ng katawan niya na para bang binugbog siya ng sampung tao. Pakiramdam din niya ay wala siyang lakas ng naririra sa katawan. Naburo ang kanyang mga ma
SINALUBONG SI OLIVER ng tunog ng mahinang machine na nakakabit sa katawan ng kanyang asawa at ng amoy ng gamot na sumasama sa hangin na umiikot lang sa air condition na silid na iyon. Habang papalapit sa kama ng kanyang asawa ay nanlabo na ang mga mata ng lalaki habang kumakalabog sa sakit ang kanya
UMIGTING NA ANG panga ni Oliver sa tahasang pagbibintang na ginagawa sa kanya ng kapatid. Hindi na niya gusto ang tabas ng dila nito na para bang nais niya ang mga kamalasang nangyayari na iyon sa kanyang pamilya.“Olivia, pwede ba? Hindi mo ba nakikitang problemado na ako? Huwag mo na sanang dagdag
NABITAWAN NI OLIVER ang hawak niyang box ng cake at bouquet ng bulaklak na bumagsak sa may kanyang paanan, nang makita na kasabay ng pag-on ng knayang cellphone ay sunod-sunod na tumunog iyon sa dagsa ng kaniyang notification galing sa kapatid, sa bayaw, sa secretary niyang si Carolyn at kay Manang
HUMAHANGOS NA DUMATING si Alyson sa hospital mula sa airport nang malaman niyang dinala ng asawa doon ang hipag. Hindi niya pa alam ang buong detalye dahil hindi iyon sinabi ni Geoff. Aniya, pagdating na lang nito saka ipapaliwanag kung ano ang tunay na nangyayari sa dati niyang secretary. Putlang-p