MAGULO ang isipan ni Alyson habang nakabuntot lang kay Geoff. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang pagsasawalang bahala nito sa naging sagutan nila ng kapatid ni Geoff kanina. Kung sa normal na araw lang iyon ay siya pa rin ang magiging mali sa kanilang dalawa kanina. At ito ang kakampihan nito. Ngu
Lumaki ang butas ng ilong ni Geoff. Hindi siya sang-ayon sa ina niya. "Anong ipatanggal ang bata? Naririnig niyo ba ang sinasabi niyo sa kanya?"Nagsumiksik pa si Loraine sa kili-kili ni Geoff. Kumukuha pa ng simpatya."Bata pa iyon. Wala pang muwang. Mahina at walang kalaban-laban. Kung ipapatangg
Marahas na hinaklit ni Geoff si Alyson sa isang braso matapos na bitawan niya si Loraine. Hindi niya na maatim ang palitan nila ng mga salita roon. "Bitawan mo nga ako!""Mag-usap tayo ng tayong dalawa—""Para ano? Para pagbuhatan mo na naman ako ng kamay? Nangako ka sa akin, Geoff kahit iyon man l
"Please? Let's settle everything. Tama na ang galit. Nasa punto na tayo na hanggang dito na lang tayo, Alyson."Humina ang boses ni Geoff. Puno ng pakiusap iyon kay Alyson na tila ba papanawan na ng kanyang ulirat. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako ang nag-expose kay Loraine sa pami
PINAGMASDAN pang mabuti ni Loraine si Alyson. Mahimbing pa rin itong natutulog. Idagdag pa ang mga gamot na binigay ng doctor sa kanya. "Hindi mo kailangang sundan ako rito, Loraine. Sana ay sa bahay ka na lang at hinintay mo akong umuwi."Muling umangkla ang isang kamay ni Loraine kay Geoff. Dumik
"Pwede bang sumama ako sa unit mo? Parang ayokong matulog ngayong gabi ng mag-isa, Geoff."Ganito ang naging set up nila kahit na buntis na si Loraine ay nakabukod pa rin. Sa kadahilanang kasal pa si Geoff at hindi pa annul kung kaya naman hindi nila magawang magsamang tumira sa iisang bubong lamang
HINDI malaman ni Alyson kung ano ang ire-react niya. Hindi siya sanay na makakuha ng sobrang atensyon mula sa ibang tao. Napapiksi siya nang humigpit pa ang mga yakap ni Kevin. "Oh, sorry. Nadala lang ako."Umatras na si Kevin ng ilang hakbang palayo sa higaan ni Alyson na gulat pa rin sa ginawa ng
Naguguluhang napakunot ang noo ni Alyson. Hindi niya ma-gets kung ano ang ibig sabihin ni Kevin doon. Ang lalim na sa dami ng iniisip niya ay di na malaman ang tunay na meaning. "Doc, narito na iyong papers. May pirma na rin po iyan ng asawa ko.""Salamat ho, Misis.""Kailan ang operation, Doc?" si
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ng ulo ni Alia na hindi pa rin nakakabawi sa labis na pagkagulat. Gusto niyang kurutin ang sarili upang siguraduhin na hindi siya nananaginip na nasa harapan niya ang dating asawa at hindi na nakakulong sa kanyang wheelchair, pero inunahan siya ng takot na baka kap
IGINALAW NI NERO ang magkabila niyang balikat bilang tugon sa kapatid. Humarap na ito sa ina. Ginaya siya ni Helvy na hinarap na rin ang ina na para bang naghihintay ang dalawa sa magiging explanation ni Alia. Pinanliitan na sila ng mga mata ng babae upang pagaanin ang tensyon na nakapagitan sa kani
MABILIS NA DUMAAN ang kakaibang galit sa mga mata ni Jeremy nang marinig niya ang huling sinabi ni Alia. Tila nawala siya sa tamang katinuan na bigla na lang niyang sinunggaban ng halik ang kasintahan na sa gulat ay hindi iyon napaghandaan ni Alia upang manlaban. Sa sobrang diin ng halik ng nobyo ay
KUNG ANO ANG reaction ni Alia ay gayundin ang reaction nina Manang Elsa at Pearl. Hindi nila lubos maisip na sasagutin siya ni Nero ng ganun sa kabila ng mga ginawa niya noon. Nauunawaan naman nilang sabik si Nero sa pigura ng isang ama, pero ang lahat ng iyon ay siguradong masakit sa kanilang ina.
MATAPOS NG HALOS tatlong Linggong pananatili ng bansa ay nagawang maayos ni Alia ang mga kailangan niya. Hindi na siya muling nagpakita pa kay Oliver kung saan ay hinahayaan niyang makasama nito ang dalawang bata. Kung may libre naman siyang oras ay ginugugol na lang niya iyon sa solong pamamasyal.
MASAKIT MAN SA pandinig ang lahat ng iyon ni Oliver ay hindi niya na lang ito pinansin. Pinalagpas niya iyon sa kanyang kabilang tainga. Sanay naman na siyang sumalo ng lahat ng sakit mula ng maaksidente. Iyon na ang kapalaran niya, may magbabago pa ba? Wala na. Binalewala niya ito noon kaya napagod
IYON LANG ANG dahilan na nahihimigan ni Oliver na rason habang patuloy siyang kumakain kanina. Wala ng iba dahil hiwalay naman na sila matagal na para pag-usapan pa ang divorce kung sakali lang naman. O kung hindi man iyon ay baka ang pag-alis na nila ito ng bansa. Subalit, bakit personal na sasabih
BUMALIK SA TAMANG isipan si Alia at agad na napaahon na sa sofa nang makita niyang magkasunod na lumabas mula sa kusina ang mag-asawang Gadaza. Kapwa malaki ang ngiti nila sa kanya kung kaya naman kinailangan niyang suklian iyon dahil nakakahiya naman kung hindi at babaliwalain niya lang. Puno ng pa
KINABUKASAN AY MAAGANG gumising si Oliver. Excited siya sa pagbabalik ng dalawang bata na nangako sa kanyang muling bibisita at aagahan din nila. Hindi pa siya nagsisimulang kumain ng dumating ang dalawang bata ng mansion. Malapad na siyang napangiti nang marinig na ang boses nila na nasa labas pa