CHAPTER 61:_Matapos ang nangyari sa kanya kanina sa Resort. Minabuti niyang umuwi na lang kahit pa gusto ni Joaquin na pumunta sila ng ospital. Pero nagpakatanggi siya at hiniling na lang niyang makauwi. Hiniling rin niya na h'wag ng sabihin sa Papa nila at kay Joseph ang nangyari. Dahil ayaw na niyang mag-alala pa ang mga ito.Nakiusap na rin siya sa mga tauhan ng Resort na kalimutan na lang ang nangyari. Dahil okay naman na siya kaya hiniling niya h'wag na lang palawigin pa ang nangyari para wala ng problema.Hindi rin naman niya sinabi kay Joaquin ang totoong nangyari sa kanya kanina. Sinabi na lang niya na biglang sumakit ang ulo niya dahil sa init ng araw.Sinabihan tuloy siya nito na h'wag na ulit siyang magdadrive pa ng motor at para na lang tumigil na ito at hayaan na lang siya kaya pumayag na rin siya sa gusto nito.Dahil naisip niya agad si Dorin, kaya pag-uwi nila ng bahay agad na niya itong tinawagan.Nang makausap na niya ito sa cellphone. Agad rin naman itong pumayag
CHAPTER 62:Matapos ang insidenteng nangyari sa kanya sa Resort. Balik normal na ulit ang lahat at wala na rin siyang maalala pa. Maliban sa pangalan ng isang batang babae na bigla na lang sumagi sa isip niya kahapon. Ngunit bukod doon wala na siyang maalala pa tungkol dito. Kahit anong isip ang gawin niya hindi niya ito maalala. Kung may kaugnayan ba ito sa kanya? Kahit sa isip niya tinawag siya nitong Ate nanatili pa ring palaisipan sa kanya. Kung sino ba ito? Kung kapatid ba niya ito o ano ba ang kaugnayan nito sa kanya. Sumasakit lang ang ulo niya sa tuwing pinipilit niyang isipin. Ang sabi ni Dorin h'wag niyang pwersahin ang isip niya. Kusang maalala niya ulit ito pero kailan pa? Malakas kasi ang kutob niya na maaaring may kinalalaman sa kanya ang batang babae. Pero bakit ganu'n hindi malinaw sa isip niya ang mukha nito? Pero alam naman niyang babae ang bata, saka bakit alam rin niya ang pangalan nito at saan niya nakuha ang pangalang iyon? Siya ba si Amara? Punong-puno siya
CHAPTER 63:_Naantala ang sana ay pag-alis na ni Angela papuntang Resort. Nang malabasan niya si Joaquin na naghihintay sa kanya sa may pasilyo. Ang buong akala pa naman niya ay nakaalis na rin ito. Pero narito pa rin ang binata at abot pa ang demand nito ngayon sa kanya.Nagulat man s'ya sa pagiging prangka nito ngayon at lantarang pagseselos. Hindi pa rin niya maitatanggi ang tuwa sa puso niya ng mga oras na iyon.Kaya naman napapayag na siya sa kondisyon nito. Besides! Ano pa ba ang dapat niyang itago? Gayu'ng obvious naman dito kung ano talaga ang kanyang nararamdaman para sa binata. Kaya nga siguro malakas ang loob nito ngayon na magdemand._"Okay, I think you steal my heart!" Aniya na hinaluan pa nang lambing ang tinig._"What?" Nabiglang tanong nito."I think... I lost my heart, because of you!" Aniya at deretso pang tumingin sa mga mata nito.Sound's corny, but sometimes love is undescribable. Nagiging corny na yata siya dahil ba sa in love na talaga siya sa lalaking ito
CHAPTER 64:_Huh?__Si Mandy? Pero teka bakit sila magkasama kung ganu'n magkakilala pala sila? Tanong at sagot rin niya sa sarili.Muli nakaramdam na naman s'ya ng insecurities dahil lang naman sa presensya nito. Lalo na at biglang napako ang mga mata ng lahat sa dalagang bagong dating.Maging si Joseph at pati ba naman si Joaquin. Hindi tuloy niya naiwasang makaramdam ng panibugho.Hindi naman kasi kataka-taka na pag-ukulan ito ng pansin ng lahat. Dahil talaga namang ang ganda nito ngayon. Maging siya hindi napigilang humanga sa angkin nitong kagandahan. Para kasi itong modelo sa suot nitong mid drift outfit. Isang black crop cami top, floral white maxi wrap skirt at dress boots.Deretso lang ang lakad nito habang nakahawak sa braso ni Tita Madz. Idagdag pa na sa bawat hakbang nito habang lumalakad na-eexposed ang magandang hubog ng katawan at ang long legged nitong mga binti at hita. Kung bakit napakahusay rin nitong magdala ng damit. Para lang naman itong rumarampa sa entab
CHAPTER 65:_Makalipas ang ilang sandali ng tahimik nilang pagkain. Nagpaalam muna si Angela kay Joseph upang puntahan sila Alyana at Diane sa Canteen. Siguradong abala ang mga ito ngayon sa kusina. Dahil sila ang head incharge para magserve ng pagkain sa mga bisita.Pinayagan naman s'ya ni Joseph na puntahan ang mga ito. Kaya dumeretso na s'ya agad patungo sa canteen ng Resort.Pagdating n'ya sa canteen abala pa rin ang lahat..."Kumusta kayo dito okay lang ba kayo?" Tanong niya matapos niyang batiin ang lahat."Okay lang po ma'am!" Sabay-sabay namang saad ng mga kitchen staff nila."Kayong dalawa okay lang ba kayo?" Tanong niya paglingon kay Alyana at Diane."Okay lang kami Boss, h'wag ka nang mag-alala." Birong saad pa ni Diane."Boss ka d'yan, tumigil ka nga!" Nangingiti niyang saway dito. Hindi niya gustong mabago ang pakitungo ng mga ito sa kanya. Nang dahil lang sa kanya na ito magtatrabaho. Kinuha n'ya kasi ang dalawang ito para makatulong niya sa pagmamanage ng food sho
CHAPTER 66:_Halos kalahating oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Angela. Gusto na niya itong sundan pero pinigilan lang niya ang sarili.Sobrang naiinip na s'ya kung bakit naman kasi nagkataon pa na wala rin si Maru' ngayon. Nagpaalam kasi ito na uuwi ng bahay bago pa man sila makarating ng Resort kanina. Kaya wala rin ito ngayon sa party.Hindi naman n'ya magawang sundan si Angela sa Canteen kahit pa gustuhin niya.Ayaw kasi n'yang isipin nito na nagiging clingy na siya. Hindi rin naman n'ya maintindihan ang kanyang sarili nitong huli. Ayaw rin n'yang isipin na may takot na namamahay sa kanyang dibdib. Okay naman kasi sila dati wala naman silang problema. Pero mula ng magbalik si Angela galing ng Venice nag-iba na. Bakit ganu'n tatlong buwan lang itong nawala pero parang ang dami nang nagbago sa dalaga. Ang daming mga tanong na hindi n'ya maiwasang isipin.Naiisip rin n'ya na sana noon pa man pinagpursigihan na niya ang panliligaw sa dalaga. Para naman kahit p
CHAPTER 67:_Kasalukuyang naglalakad si Joaquin patungo ng pool side. Dahil naroon na rin si Russell tinawagan s'ya nito na doon na lang n'ya ito puntahan kasama ng mga pinsan niya.Malayo pa s'ya natanawan na n'ya na may dalawang babaing nag-uusap sa gilid ng pool. Habang lumalapit s'ya unti-unti n'yang nakikilala ang dalawang babae. Si Angela at Mandy pero bakit doon sila nag-uusap? Tanong pa niya sa sarili.Lalo lang s'yang nagtaka dahil habang palapit s'ya ng palapit nabatid n'yang hindi lang ito basta nag-uusap. Kun'di parang nagtatalo pa ang mga ito.Napahugot s'yang bigla ng paghinga at binilisan na ang paglalakad.Ngunit bago pa man s'ya tuluyang makalapit sa mga ito. Na-shocked na lang s'ya sa sunod na nangyari. Nakita na lang n'ya si Angela na nahulog na sa pool. Habang si Mandy nasa gilid ng pool at pinagmamasdan lang ito. Hindi man s'ya sigurado kung itinulak ito ng babae. Subalit sigurado s'yang ang babae ang dahilan kung bakit ito nahulog. Mabilis n'ya itong tinakbo
CHAPTER 68:_"Do you think, you can escape on what you did to her?" Mariin at matatag ang boses nito na saglit na tila nag-echo pa sa kanyang pandinig.Daig pa tuloy niya ang isang dagang nahuli ng isang napakalaking pusa sa tindi ng kanyang kaba. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng makakasalubong niya, bakit ito pa? Bulong ng kanyang isip na saglit na natigilan.Ngunit agad rin naman s'yang nakabawi at muling nahamig ang sarili. Bahagya pa niyang itinaas ang mukha bago pa nagsalita. Wala na s'yang pakialam kahit ano pa ang itsura niya ngayon."Why did you say that, I don't know what do you mean?" Kaila niya na nagkunwaring hindi alam ang ibig ipakahulugan ng binata."Oh' really, why you deny it, you think you can run away and escape to all of this? No, never! Kailangan panagutan mo ang ginawa mo." Wika nito sa mariin na salita. Bahagya muna siyang tumawa bago pa niya ito sinagot ng walang pag-aalinlangan at deretsong nagsalita."But why should I run away if I have nothing to
A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid
CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu
CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang
CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D
CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong
CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung
CHAPTER 134:__ALABANG, PHILIPPINESAfter a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina. Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin. Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya. Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong
CHAPTER 133: _ "Papa, magpapakasal na po ako!" Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa. Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon. Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal. "Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!" Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo. "Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?! 'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa
CHAPTER 132:_FRANCE, EUROPEPAUL BRADLEY DOMINGUEZIlang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France. Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya. Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya. Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent. Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa. Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang mag