CHAPTER 118:_Hindi pa man nakakapasok ng bahay si Lester sinalubong na ito ng sunod sunod na suntok ni Dustin.Ngunit hindi man lang nito iyon inilagan. Sinalo nito ang lahat ng suntok na pinakawalan ni Dustin kahit saan pa siya nito tamaan.Alam ni Lester na galit lang si Dust kaya ginagawa nito iyon. Kabisado na rin nito ang amo sa loob ng mga panahong nasa poder siya nito para na rin silang magkapatid.Marami na silang pinagsamahan at malaki rin ang utang na loob ni Lester sa lalaki. Baka nga kahit ang buhay niya handa niyang ibigay sa Amo kung hihilingin ng pagkakataon."Gago ka, kailan ka pa naging tanga ha'?!" Galit na sigaw ni Dustin."Boss, patawad sorry na Boss!" Alam naman niya ang kasalanan niya ang naging kapabayaan niya kaya dapat lang na tumanggap siya ng parusa."Hayup ka! Ano pa magagawa ng sorry mo ngayon kung may nangyari na ha'? Napaka wala mong kwenta!" Binitbit pa ni Dust ang kuwelyo ng damit ni Lester kaya napaharap ito sa kanya. Saka niya ito pabalyang itin
CHAPTER 119:_"Hello?""Kumpirmado, Boss! Kasama na niya si Dexter ngayon.""Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, mabuti naman kung ganu'n hindi na pala tayo mahihirapan?""Yes Boss, anong gusto mong gawin ko ngayon sa dalawang 'yun?!""Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin sa kanila. Pareho lang naman silang basura kaya dapat na silang itapon.""Okay Boss ako na ang bahala sa kanila may tao na ako na kikilos para doon.""Good! Siguraduhin mo lang na mahuhuli talaga sila sa akto, maliwanag! I don't want to failed this time, okay?""Yes Boss areglado, hinding hindi kita bibiguin sa pagkakataong ito." Pangako nito sa Amo."Good, aasahan ko 'yan!"____Nasa salas na si Lyn ng biglang dumating si Amanda."Oh' saan ka galing bakit gan'yan ang itsura mo, totoo pala ang sabi ni Dessa nag-away kayo ni Chloe? Hindi ko akalain na gan'yan kalala ang away n'yo!""Ang walanghiyang iyon muntik lang naman akong kalbuhin!""Kaya pala si Bossing galit na galit rin kanina. Grabe pala talaga ang gi
CHAPTER 120:_"Kuya, alam ko na kung nasaan si Dexter kasama na naman niya ang babae niya.""Saan, nasaan ang gagong 'yun?!""Ang walanghiyang iyon, niloloko na naman niya ako Kuya! 'Ang sabi niya hiniwalayan na niya ang babae niya, iyon pala nagsasama pa rin sila napaka walanghiya niya Kuya.'Kaya pala nagwithdraw siya ng malaking halaga para ibigay na naman sa babaing iyon!" "Tumahan ka na, sabi ko naman sa'yo hindi na makakabuti para sa iyo na makipagbalikan pa sa kanya. Ang tigas kasi ng ulo mo ayaw mong makinig. Ilang beses mo na siyang pinagbigyan pero ganu'n pa rin siya ginagago ka lang niya! 'Sabihin mo sa'kin kung nasaan ang mga walanghiyang iyon? Ako na ang tatapos sa kanila!""Sasama ako sa'yo Kuya gusto kong makaganti sa babaing iyon." "Huwag na, ako na lang ang bahala sa kanila!""Hindi! Isasama mo ba ako o ako na lang mismo ang pupunta doon at tatapos sa kawalanghiyaan nila?""Okay sige na nga halika na at baka makawala pa ang mga hay*p na iyon!"___"Sigurado ka b
CHAPTER 121:_Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw, tila ang haba tuloy ng buong maghapon. Parang kanina lang iniisip pa niya kung anong diskarte ang gagawin niya para makausap ang mag-ama.Sino bang mag-aakala na dito lang pala sila nakatira sa tapat mismo ng bahay ni Gavin. Hindi rin niya akalain na hindi lang pala sila makakapasok sa loob ng bahay na ito. Kung hindi may posibilidad pa na dito na rin sila tumira magmula ngayon.Okay lang sana at wala namang problema. Dahil gusto rin naman niyang makasama ang mag-ama. Lalo na ngayong kilala na rin ng mga ito ang kambal nilang Anak. Dahil hindi na rin niya gustong maglihim dito at malayo pa silang mag-iina kay Joaquin at VJ. Hindi naman nagbago ang pagmamahal niya kay Joaquin mula pa man noon hanggang ngayon mahal pa rin niya ito. Kaya bakit pa ba siya tatanggi na makasama ito. Pero gumugulo pa rin sa isip niya kung ano ba ang plano nito sa kanya o sa kanilang mag-iina. Hindi naman nito nabanggit ang tungkol sa kasal.
CHAPTER 122: _ Kinabukasan paggising ni Amanda wala na si Joaquin sa kanyang tabi. Nakaramdam man ng bahagyang pangungulila dahil hindi na nito nagisnan ang lalaki. Masaya pa rin ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon. Lalo na nang makita niya ang isang maliit na papel sa ibabaw ng side table ng kama. _ 'Honey, Don't stood-up early okay? I'll be back soon. I love you! Joaquin' _ Pero saan kaya ito nagpunta hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pumasok na kaya ito sa opisina? Huh' pagkatapos ba akong pahirapan ng walanghiya iniwan na lang ako basta! Tinatamad pa talaga siyang bumangon kaya nanatili lang siyang nakahiga. Nang bigla siyang mapabalikwas ng bangon ng maalala niya ang mga bata. Wala nga pala si Lyn, wala rin si Ate Liway at lalong wala sila sa sarili nilang bahay. Nasanay kasi siya na lagi na lang may umaalalay sa kanya palagi sa pag-aalaga sa kambal kaya naman hindi siya nag-aalala. Pero ngayong narito na sila
CHAPTER 123:_Biglang napalabas ng bahay si Amanda ng makita niya at mabasa ang nilalaman ng diyaryo na iniabot sa kanila ni Didang. Dahil sa biglang pagsulak ng riyalisasyon sa kanyang isip. Ang balita tungkol kay Chloe at kung ano ang nangyari sa babae. Hindi niya malubos maisip na mangyayari ang ganitong kasamang balita. Kahit naman hindi niya gusto talaga ang ugali nito. Hindi pa rin siya maghahangad ng masama para sa babae o sa kahit kanino maging sa kanyang kaaway. Pero bakit ito nangyari?Gayung kahapon lang ay napaka tapang nito malakas at tila ba walang kinatatakutan. Pero bakit sa isang iglap lang makikita niya na wala nang buhay ang babae at sa isa pang kahiya-hiyang sitwasyon.Ang sitwasyon na ibinabato nito sa kanya kahapon lang ay tila bumalik lang dito. Dahil natagpuan daw itong may kasama sa isang Hotel. Bagamat isang kilalang Business man ang kasama nitong lalaki ngunit kilala ring may asawa na ito.Hindi naman niya gustong pakialam ang ano mang affairs meron it
CHAPTER 122: Pagkagaling nila sa isang Salon sa loob ng Alabang Town Center. Deretso na rin silang namasyal sa mga Shopping Malls. Maayos na ngayon ang kanyang buhok. Medyo pinaiksian niya ito para mahabol na rin ang hindi pantay niyang buhok. Pina-leyered niya ito ng maiksi kaya hindi mo na mahahalata na na-harassed ang kanyang buhok. Kung mayroon mang nanghihinayang sa mahaba niyang buhok iyon ay si Joaquin. Nagawa pa siya nitong biruin paglabas nila ng Salon. "Paano ba 'yan, parang mas gwapo ka na yata sa'kin ngayon? Kapag nakatalikod tayong dalawa malamang hulaan pa nila kung sino sa atin si Adan at si Eva?" Natawa na lang siya sa tinuran nito. "Anong magagawa ko mas gusto mo ba 'yung magmukha akong aning-aning?" "Hindi naman, pero dapat hindi na lang iyan ang isinuot mo sabi ko naman magbestida ka!" Tukoy nito sa Jeans at shirts niyang suot. "Kung ganu'n nahihiya kang kasama ako?!" Tanong niya. "Ano ka ba, hindi ah'?" "Ma... Pa, nag-aaway ba kayo?!" "Hindi!" Nagkasabay
CHAPTER 125:_Halos kaka-off lang ni Dust sa kanyang cellphone matapos niyang kausapin si Anton. Ngunit makalipas lang ang ilang minuto, muli rin itong tumawag sa kanya..."Boss, huwag ka nang mag-alala hindi na talaga mangyayari ang iniisip mo.” Saad ni Anton sa kabilang linya.“A-anong ibig mong sabihin?”“Hindi na tayo dapat mag-alala pa Boss! Dahil may hawak na kaming ebidensiya at siguradong tapos na ang kaso!" May kumpiyansang saad nito."A-anong ebidensiya?""Boss, may hawak kami ngayong video na magpapatunay, kung saan nakuhanan ang totoong nangyari at kung sino talaga ang suspect?""Huh' talaga totoo bang sinasabi mo sigurado kayo, nasaan at paanong nangyari nakuha n'yo na ba ang video?" Sunod-sunod na tanong niya."Oo Boss ayos na, huwag ka nang mag-alala wala na rin tayong problema. Mapapatunayan na kung sino talaga ang may gawa.'Bahala na rin silang maghabol ngayon. Ang mahalaga hindi tayo madawit sa kaso lalo na sila Ma'am Amanda Boss.""Dapat lang dahil wala naman ta
A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid
CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu
CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang
CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D
CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong
CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung
CHAPTER 134:__ALABANG, PHILIPPINESAfter a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina. Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin. Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya. Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong
CHAPTER 133: _ "Papa, magpapakasal na po ako!" Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa. Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon. Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal. "Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!" Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo. "Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?! 'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa
CHAPTER 132:_FRANCE, EUROPEPAUL BRADLEY DOMINGUEZIlang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France. Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya. Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya. Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent. Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa. Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang mag