CHAPTER 122: Pagkagaling nila sa isang Salon sa loob ng Alabang Town Center. Deretso na rin silang namasyal sa mga Shopping Malls. Maayos na ngayon ang kanyang buhok. Medyo pinaiksian niya ito para mahabol na rin ang hindi pantay niyang buhok. Pina-leyered niya ito ng maiksi kaya hindi mo na mahahalata na na-harassed ang kanyang buhok. Kung mayroon mang nanghihinayang sa mahaba niyang buhok iyon ay si Joaquin. Nagawa pa siya nitong biruin paglabas nila ng Salon. "Paano ba 'yan, parang mas gwapo ka na yata sa'kin ngayon? Kapag nakatalikod tayong dalawa malamang hulaan pa nila kung sino sa atin si Adan at si Eva?" Natawa na lang siya sa tinuran nito. "Anong magagawa ko mas gusto mo ba 'yung magmukha akong aning-aning?" "Hindi naman, pero dapat hindi na lang iyan ang isinuot mo sabi ko naman magbestida ka!" Tukoy nito sa Jeans at shirts niyang suot. "Kung ganu'n nahihiya kang kasama ako?!" Tanong niya. "Ano ka ba, hindi ah'?" "Ma... Pa, nag-aaway ba kayo?!" "Hindi!" Nagkasabay
CHAPTER 125:_Halos kaka-off lang ni Dust sa kanyang cellphone matapos niyang kausapin si Anton. Ngunit makalipas lang ang ilang minuto, muli rin itong tumawag sa kanya..."Boss, huwag ka nang mag-alala hindi na talaga mangyayari ang iniisip mo.” Saad ni Anton sa kabilang linya.“A-anong ibig mong sabihin?”“Hindi na tayo dapat mag-alala pa Boss! Dahil may hawak na kaming ebidensiya at siguradong tapos na ang kaso!" May kumpiyansang saad nito."A-anong ebidensiya?""Boss, may hawak kami ngayong video na magpapatunay, kung saan nakuhanan ang totoong nangyari at kung sino talaga ang suspect?""Huh' talaga totoo bang sinasabi mo sigurado kayo, nasaan at paanong nangyari nakuha n'yo na ba ang video?" Sunod-sunod na tanong niya."Oo Boss ayos na, huwag ka nang mag-alala wala na rin tayong problema. Mapapatunayan na kung sino talaga ang may gawa.'Bahala na rin silang maghabol ngayon. Ang mahalaga hindi tayo madawit sa kaso lalo na sila Ma'am Amanda Boss.""Dapat lang dahil wala naman ta
CHAPTER 126:_"WILL YOU MARRY ME?!" "ANO PA BA ANG DAPAT KONG ISAGOT S'YEMPRE NAMAN "YES" AGAD!'MAHIRAP NA BAKA MAGBAGO PA ANG ISIP MO AH'?!"Sabay abot ng kanyang kamay kay Joaquin upang maisuot nito sa kanya daliri ang sing sing.Ang sing sing na matagal nang binili ni Joaquin sa kanya noon pa mang iwan siya nito sa Batangas para sa isang Business trip noon. "Grabe ka naman sis, konting pakipot naman sana diyan mahahalata tayo n'yan eh'!" Komento naman ni Dustin habang yakap nito si Gellie mula sa likuran na panay lang ang tawa mula pa kanina.Alam niyang masaya rin ito para sa kanilang dalawa ni Joaquin."Hmmm, kung tutuusin kasalanan mo nga ito Kuya, kaya wala nang pakipot pa no baka matakasan lang ako nito." Tuwang-tuwa naman si Joaquin sa sinabi niya. Inakbayan pa siya nito sabay halik sa kanyang buhok."Pambihira, kung sinabi mo lang agad sa'kin na gusto mo pala ng shotgun wedding e'di sana matagal na nating hinanting ang lalaking yan!" Komento ni Gavin."Oh' hayan nakik
CHAPTER 127:_SAN LUIS, BATANGAS"Narito na tayo sa ating bahay!" Masayang bulalas ni Joaquin sa kanyang mag-iina."Yes, Mommy nandito na tayo ulit!" Sigaw naman ni VJ na nauna nang bumaba ng sasakyan at nakangiting hinintay ang mga kapatid na makababa rin.Habang sa passenger seat naman bumaba na rin si Amanda. Hindi na rin niya hinintay pa na pagbuksan siya ng pinto ni Joaquin na siya sanang plano nitong gawin.Maaga silang gumising ng araw na iyon upang bumiyahe pauwi ng Batangas.After 3 years mula ng araw na umalis siya dito ngayon lang ulit siya nakabalik. Matapos ang mga hindi magandang nangyari noon.Gusto man niyang kalimutan ang lahat ng ito. Ngunit hindi pa rin maiwasan na sumalit ito sa kanyang isip. Dahil narito pa rin naman ang lahat ng mga magagandang alaala niya noong siya pa si Angela at wala pa siyang maalala sa kanyang nakaraan.Kung minsan iniisip niya ano kaya kung wala pa rin siyang naalala?Ngunit pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya kahit paano masasabi n
CHAPTER 128: _ Bago sila bumalik ng Maynila dumaan muna sila sa food shop na ngayon ay napansin niyang ginawa ng "Angelle's Bakes & food shop" na ang trade name nito. Gusto niyang matuwa dahil kahit paano naroon pa rin ang alaala niya sa lugar na iyon. Kahit na hindi naman talaga siya ang tunay na Angela. May mga naiwan pa rin pala siyang mga kakilala at kaibigan sa food shop na iyon. Kasama na rin sila Alyana at Diane ang akala kasi niyang bago na ang lahat. Puro bagong mukha kasi ang nakikita niyang naroroon. Pero alam naman niya na si Alyana at Diane ang iniwanan niyang namamahala sa food shop. Napakasaya niya ng magkita-kita sila ulit. Na-miss talaga niya ang mga ito. Ang tagal rin niyang nawala at umalis pa siya ng biglaan. Kahit pa nakakaramdam siya ng bahagyang pagkailang noong una at hindi niya alam kung tulad pa rin ba ng dati ang magiging pakikitungo ng mga ito sa kanya? Kayà naman ang sarap sa pakiramdam na welcome pa rin siya sa lugar na iyon at tulad pa rin noo
CHAPTER 129:-Matapos ang munting salo-salo sa pananghalian tuloy lang ang kuwentuhan ng magkaibigan na para bang walang inaalalang oras. Hindi nila alintana ang pag-usad ng bawat sandali. Hinayaan lang sila ni Joaquin na mapagsolo sa waiting shed sa may Garden. Habang ang mga bata naman ay nasa playground. Pinabayaan lang sila ni Joaquin na patuloy na mag-usap at hindi na sila nito inabala pa. Konting oras na lang pabalik na sila ng Maynila. Pero bakit ba bigla na lang itong nakaramdam ng kaba. Ngunit agad rin naman nitong iwinaksi iyon sa isip.Nagkasya na lang muna ito sa pagtanaw kay Amanda at sa mga bata. Ito na rin ang nag-asikaso ng mga gamit nila na dadalhin pag-uwi.Katulong naman nito si Nanay Sol na napapayag na nilang sumama sa kanila pabalik ng Maynila. Ngunit kagaya ng napag-usapan mananatili ito sa kanila habang wala pa ang kanyang Papa. Dahil uuwi rin ito pag-uwi ng kanyang Papa. Pumayag na rin sila sa ganoong set-up ang mahalaga naman may makasama ang kanyang ma
CHAPTER 130:_Kasalukuyan nang nasa biyahe sila Lester ng makatanggap ito ng tawag mula kay Dustin. Kasunod nila ang sinasakyan nila Joaquin. Mula sa Ospital bumiyahe na sila pauwi. Nagpalit rin sila ng sasakyan siya na ngayon ang nagdadrive ng van kasama si Nanay Sol, ang mga bata at mga Yaya nito. Habang ito na ang nagdrive ng AUV niyang dala kasama nito si Amanda.Dahil iyon rin kasi ang gusto ni Amanda, hindi naman kasi ito makapagtanong mukha kasing hindi rin maganda ang timing."Hello, Boss?" Alanganing sagot nito siguradong magtatanong na naman ulit ito naisip ni Lester."Nasaan na kayo, matutuloy ba kayong umuwi ngayon?!" Tanong nito sa kabilang linya na tila ba excited pa sa sagot ni Lester. Kayà lalo lang itong kinabahan sa maaaring maging reaksyon ni Dustin oras na malaman nito ang nangyari ngayon. Ngunit kailangan pa rin nitong malaman at kailangan pa ring sabihin ni Lester ang totoo.Dahil isa ito sa trabaho ni Lester ang i-monitor dito ang ano mang mangyayari sa ka
CHAPTER 131:_"Sandaliii!" Ang malakas na sigaw ni Amanda na nagpatigil at muling nagpalingon kay Joaquin at Dustin.Awtomatikong napahinto ang dalawang lalaki. Dahil sa lakas ng boses niya. Kasunod rin nang mabilis na pagtakip ng mga ito ng mga tenga."Shit!""Asar!"Sabay pang himutok ng dalawa."Saan kayo pupunta?!" Aniya."May pipirisin lang akong garapata!" Pabirong saad ni Dust."Dapat maturuan ng leksyon ang gagong 'yun pagkatapos ng mga ginawa niya sa'yo! Siya naman ang hihimatayin sa'kin..." Halos hindi maipinta ang mukhang saad ni Joaquin."Tumigil nga kayo nag..." Hindi na niya natapos ang sasabihin ng mapadako ang tingin niya sa likuran ng mga ito."Nakupo!" Bulalas niya."Hey Couz, dumating na pala kayo! Anong ginagawa n'yo dito sa labas?" Si Gavin na walang kamalay-malay."Ang walanghiya!" Saad ni Dustin at saka mabilis itong humarap."Mabuti na rin at nandito ka na walanghiya ka!" Marahas na nilingon ito ni Joaquin kasabay ng pagngangalit ng bagang.Susugurin na sana n