CHAPTER 74:_MARK JOSEPHGabing gabi na pero nananatili pa rin siyang gising...Nakakailang shot na rin siya ng Brandy pero tila hindi rin ito tumatalab. Magkasama sila ngayon ni Maru' pero mabibilang sa daliri ang pag-uusap nila. Ngunit matiyaga pa rin itong nakabantay at naghihintay sa kanya at nakasunod sa ano mang ipag-uutos niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa ugali nito.Pero aminin man niya o hindi malaki ang nagagawa nito sa kanya, nagiging dependent na nga yata siya dito. Hinahanap hanap na rin niya ito kapag nawawala ito sa paningin niya parang nakakabakla na nga! Kahit gusto na niya itong paalisin minsan hindi niya magawa. Dahil alam n'yang kailangan niya ito lalo na kapag stressed siya at naguguluhan. Dahil ito lang naman at si Ms. A ang nasasabihan niya ng mga hang-ups niya ng hindi niya kailangang magtago. Ang mga bagay na hindi niya masabi sa Daddy niya lalo na ang tungkol sa kanila ni Joaquin.Ang mga bagay na unti-unti rin niyang natutuklasa
CHAPTER 75: _ Halos sampung minuto na ang nakakalipas magmula nang pumasok siya sa kanilang kwarto matapos ang naging pag-uusap nila ni Liandro. Ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo at nakasandal lang sa likod ng nakasaradong pinto at patuloy lang sa pag-iyak. Nakatakip ang kamay sa bibig upang hindi makalikha ng ano mang ingay ng dahil sa kanyang pag-iyak. Hindi niya gustong magising si VJ at makita siya ng anak sa ganu'ng sitwasyon. Hindi na niya nagawang pigilan ang sariling emosyon na kanina pa gustong umalpas. Walang tigil sa pagbalong ang kanyang luha na tila ba ayaw nang maampat. Pero bakit nga ba siya umiiyak? Dahil ba nakakaramdam na siya ng pagkabigo at iniiyakan na niya ang kanyang kasawian at kawalan ng pag-asa na ipaglaban pa ang kanyang pagmamahal. Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Puno ng kalituhan ang kanyang isip kung kanino bang salita ang mas higit niyang dapat sundin? Sa isang taong naging napakabuti sa kanya at pinangungutangan niya ng lahat pati
CHAPTER 76:_SYDNEY AUSTRALIA,Maaga pa rin siyang nagising kahit late na siya natulog nang nagdaang gabi. Tinapos pa kasi niya ang trabaho niya kagabi. Dahil kakailanganin nila ito ngayong umaga. Magaan naman ang kanyang pakiramdam at kahit paano masaya siya dahil nakausap pa rin niya si Angela kagabi.Ang akala niya hindi na niya makakausap ang nobya. Dahil natagalan ito bago sumagot kaya lalo lang siyang nag-alala. Hindi naman kasi nito nirereject ang tawag niya maliban na lang kung may dahilan. Mabuti na lang sumagot din ito matapos ang marami niyang miss-call.Pero puno pa rin siya ng pag-aalala, nararamdaman kasi niya na umiiyak ito. Subalit pilit na itinatago sa kanya.Gusto sana niya itong tanungin subalit alam niyang hindi ito magsasabi sa kanya. Hindi bale pagbalik niya talagang aalamin niya ito. Ayaw kasi niyang makulitan na naman ito sa kanya. Hangga't maaari ayaw muna niyang gumawa ng mga bagay na maaari pagsimulan ng away sa pagitan nila. Ngayon pa lang nagsisimula
CHAPTER 77:_Isang sopresa ang inihanda ni Liandro para sa kanya, isang sopresa na hindi n'ya alam kung dapat ba niyang ikatuwa o ikabahala?Subalit narito na ang lahat, kung paano nila ito nagawang ihanda? Hindi man lang niya nahalata o di kaya ay napaghandaan.Sira ka ba, sopresa nga hindi ba? Bulyaw pa niya sa sariling isip. Pagbaba kasi nila ng sasakyan iginiya at inalalayan na s'ya ni Joseph at sabay-sabay na silang naglakad.Ngunit laking pagtataka niya nang akayin s'ya nito patungo sa ibang direksyon. Dahil sinusundan lang nito ang paglakad ng kanilang Papa Liandro kaya naman lalo s'yang naguluhan. Tuloy tuloy lang ang lakad nito sa tiyak na direksyon.Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang umaalalay sa kanya at bakas rin sa mukha niya ang pagtataka. Marahil napansin ito ni Joseph kaya pinisil nito ang kanyang kamay."Relax sweetheart!" Sabi nito ng nakangiti, tila ba sa pakiramdam n'ya may ipinahihiwatig ang ngiti nito?Ngunit bakit ba nakakaramdam s'ya ng kaba? Imbe
CHAPTER 78:_Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang tumakbo? Habang takip ng dalawang kamay ang magkabila niyang tenga. Dere-deretso siyang pumasok ng bahay at pumanhik sa itaas. Iniwan niya si Maru' sa labas ng bahay. Dahil wala siyang gustong gawin kun'di ang makalayo dito.Hindi na niya gustong marinig pa ang sasabihin nito. Husto na binging bingi na s'ya kanina pa. Hindi na niya gustong makarinig ng kahit anong salita pa kahit kanino.Ang tanging nais niya pumasok sa kanyang kwarto at magkulong gusto na niya magpahinga.Pagdating niya sa may puno ng hagdan saglit siyang huminto para ikalma ang sarili. Handa na sana siyang magpatuloy at dumeretso sa kanyang kwarto ng makita niya si Joseph na nakasandal sa ding ding sa madilim na bahagi ng hallway na para bang mayroong hinihintay.Nakaamoy rin siya ng usok ng sigarilyo na nagmumula sa gawi nito. Hindi siya maaaring magkamali, kaya awtomatikong hinagilap ito ng kanyang mga mata.Hanggang sa dumako ang kanyang paningin sa
CHAPTER 79:_Matapos niyang iwasan manatili sa bahay at iwasan ang kanilang Papa at si Joseph. Pati na ang pagtawag ng mga ito sa kanya sa telepono ay iniwasan rin niya sa kabila ng pagtataka ng mga kasama niya sa shop. Inabala na lang niya ang sarili sa mga gawain sa shop kaya naman nalibang s'ya sa maghapon at hindi namalayan ang pag-usad ng mga oras.Ngunit pagsapit ng hapon muli na naman s'yang nakaramdam ng pananakit ng ulo. Kaya naisip niyang umuwi na nang maaga at h'wag ng hintayin ang pagsasara ng shop.Matapos n'yang magpaalam at bilinan si Diane at Alyana. Tuloy tuloy na s'ya umalis pagkakuha ng gamit at bag niya. Isang staff din ang nagsabing may naghahanap na sa kanya sa labas at sa pag-aakala niyang ito na ang sundo niya kaya naman nagmadali pa s'ya sa paglabas.Para pala magulat sa presensya ng lalaking hindi niya inaasahan na makita sa mga oras na iyon.Ngunit hindi na s'ya makakaiwas at bakit nga ba niya ito iiwasan? Tanong ng naguguluhan niyang isip.Bigla rin ang
CHAPTER 80: _ Dalawang sasakyan ang matuling naghahabulan sa kalsada, na tila ba sa kanila lang ang daan. Parehong ayaw magpatalo at tila wala nang pakialam saan man sila makarating. Dahil hindi hahayaan ng nasa unahang sasakyan na maabutan sila ng sumusunod na kotse. Kaya't wala itong tigil sa mabilis na pagpapatakbo. Hindi pa niya kabisado ang daan at kung saan na ba sila nakarating? Ngunit dahil sa tulong ng Waze G****e maps kontrolado nito ang daan at kung saan sila dapat tumungo. Nasa unahan sila at lulan ng isang SUV habang sinusundan naman sila ng isang mid-size car. Kung bakit ayaw pa rin silang tigilan ng pagsunod ay hindi nila maintindihan? Hanggang sa magkatapat ang dalawang sasakyan... Bigla na lang naglabas ng baril ang isa sa sakay ng kotse na nasa bandang likuran at itinutok ito sa bandang kaliwa ng sinusundan nitong SUV. "Yuko!" Mabilis na kinabig ng driver ng SUV payuko ang kasama nitong babae ng mapansin na tila ito natulala. "Itigil mo 'yan! Ang sab
CHAPTER 81:_FLASHBACK...Malayo-layo na ang nararating n'ya subalit hindi pa rin s'ya tumitigil sa pagtakbo. Masakit na ang kanyang mga paa at hindi na rin pantay ang kanyang paglakad isa na lang kasi ang suot niyang sapatos. Puro galos na rin ang kanyang mga binti. Dahil sa mga tuyong sanga at matatalas na damo na kanyang nadaraanan. Pero wala na s'yang panaho pa upang pakiramdaman ang mga ito. Hindi na nga n'ya maalala kung saan ba nawala ang kapares ng kanyang sapatos. Hindi na kasi niya ito nagawang balikan pa kanina.Kahit pagod na pagod na s'ya sa pagtakbo alam n'yang hindi pa s'ya p'wedeng huminto. Para bang ang paghinto ang pinaka maling desisyon na kanyang gagawin. Kailangan n'yang magpatuloy na tumakbo upang takasan ang mga humahabol sa kanya. Sigurado kasing hindi s'ya bubuhayin ng mga ito. Tulad din ng ginawa sa mga kasama niya. Masuwerte lang na nagkaroon s'ya ng pagkakataong makatakas. Dahil hindi pa s'ya maaaring mamatay sa lugar na ito. Hindi! Kailangan pa niy
A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid
CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu
CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang
CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D
CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong
CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung
CHAPTER 134:__ALABANG, PHILIPPINESAfter a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina. Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin. Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya. Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong
CHAPTER 133: _ "Papa, magpapakasal na po ako!" Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa. Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon. Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal. "Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!" Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo. "Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?! 'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa
CHAPTER 132:_FRANCE, EUROPEPAUL BRADLEY DOMINGUEZIlang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France. Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya. Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya. Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent. Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa. Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang mag