CHAPTER 95:_Halos isang Linggo na rin ang nakalipas magmula ng makiusap at magkasundo sila ni Liscel. Kahit pa hindi niya gusto na makasama ito wala naman siyang magagawa. Sadyang hindi na maiiwasan pa na magkasama sila sa ilang pagkakataon. Saka hindi rin naman siya ganu'n kasama para hindi pagbigyan ang kahilingan nito, lalo kung ito na ang huli.Kahit alang-alang man lang sa kanyang anak handa siyang pagbigyan ito na makasama si VJ. Besides may karapatan naman talaga ito sa bata. Dahil kahit ano pang tanggi ang gawin niya hindi naman niya mababago ang katotohanan na ito ang tunay na ina ni VJ. Lalo na at wala na dito si Angela at hindi rin niya maitatanggi na kailangan rin ng kanyang anak ang isang ina.Sa tingin naman niya malaki na nga ang ipinagbago nito. Sana nga lang totoo ang ipinakikita nito sa kanila.Pero nilinaw naman niya dito na tanging si VJ na lang ang nag-uugnay sa kanilang dalawa at wala ng iba. Bukod kay Liscel may isa pang babaing nangungulit sa kanya ngayon
CHAPTER 96:_Nagpatuloy lang sila sa tahimik na biyahe, wala isa man ang ibig magsalita sa grupo. Kaya lalo lang s'yang napupuno ng kaba dahil sa sobrang katahimikan. Hindi niya mahulaan kung ano ang nasa isip ng bawat isa. Nang bigla na lang magreact ang isa sa tabi n'ya ng magsindi ng sigarilyo ang isa na nakaupo sa harap nilang upuan. "Tang*** itigil mo nga 'yan!""So-sorry Boss nawala sa loob ko." Napakamot pa sa ulong wika nito at agad pinatay ang sigarilyo. Saglit rin na napatingin ito sa gawi niya at yuko ang ulo na muling umayos na nang upo.Napagtanto niya na ang katabi niyang lalaki ang pinaka-leader ng grupo.Lalo tuloy siyang kinabahan at naghintay na lang sa anumang susunod na mangyayari.Naisip niyang mas makakabuti na ihanda na lang niyang ang kanyang sarili...______Halos kalahating oras pa ang lumipas nang mabatid niya kung saan patungo ang kanilang sinasakyan.Dahil iisa lang naman ang alam niyang patutunguan ng daang tinatahak nila, iyon ay sa...Sa Airport?N
CHAPTER 97:_SAN LUIS, BATANGASJOAQUIN:"Daddy lets go na, hinihintay na tayo ni Mommy!""Okay, I'm coming..."Kasalukuyan nitong itinutupi ang manggas ng polong suot nang tawagin ito ng anak na si VJ. Agad na rin siyang lumabas pagkatapos na masigurong maayos na ang sarili. Kung pagmamasdan larawan siya ng isang matatag na tao. Mababakas ang masayang awra sa kanyang mukha. Kahit sa likod nito naroon ang nakatagong kalungkutan.Pilit niyang kinukundisyon ang sarili na maging masaya para sa kanyang anak. Sinisikap rin niya na magkaroon ng oras palagi sa Anak.Tulad ngayon araw ng Linggo, sabi nga nila today is a family day. Kaya't ipapasyal nila ito ngayon kasama si Liscel. Paglabas niya ng kwarto nasa labas na ang Anak at sadyang naghihintay. Magkahawak kamay pa silang bumaba nito mula sa second flour ng bahay.Habang si Liscel ay matiyaga namang naghihintay habang nakaupo sa Salas sa ibaba ng bahay. Kausap naman nito ang kanilang Papa habang hinihintay sila nito.Napabuntong hi
CHAPTER 98:_"Ano ba, bakit mo ba ako pinipigilan? Bitiwan mo nga ako!" Piksi niya dito at pilit ring kumakawala. Samu't-sari na nga ang kanyang nararamdaman at dumagdag pa ang tungkol sa katauhan nito.Pakiramdam tuloy niya mukha na siyang tanga."Ma'am pasensya na talaga kung kailangan ko itong gawin! Pero pinoprotektahan ko lang kayo, hindi ba dapat mag-isip muna kayo ng dapat n'yong gawin?" Tugon nito sa kanya at binitiwan na rin siya nito. Matapos nitong masiguro na kalmado na siya at handa nang makinig."Pasensya na naman at ano naman kaya ang alam mo sa pagprotekta ha', eh' nagawa mo nga akong lokohin sa umpisa pa lang hindi ba'?"Sigaw niya dito na punong puno ng pagkadismaya."Hindi kita niloko Ma'am, na mis-interpret mo lang ako! Dahil hindi ako manloloko gaya ng iniisip mo. 'Alam ng mga kasama ko kung sino ako? Dahil hindi rin lingid sa kanilang lahat na babae ako. 'Kaya nga ako ang naatasan na magbantay sa'yo para maiwasan ang kahit ano mang problema. 'Celibacy ang l
CHAPTER 99:_Ang bilis talagang lumipas ng mga araw. Kung kailan lang pinipilit pa niyang maging masaya para kay Liscel at sa kanilang Anak.Pero ngayon tuluyan na silang iniwan ni Liscel. Ano ba ang dapat niyang maramdaman. Tila ba hungkag ang kanyang pakiramdam at nasasaktan din siya sa tuwing nakikita niya ang kanyang Anak. Ilang araw na sobrang tahimik lang nito at tila wala sa kondisyon.Hindi rin niya alam kung paano ito aaluin. Bigla tuloy niyang naisip kung narito lang si Angela siguro hindi siya mahihirapan.Pero mabuti na lang nariyan ang kanyang Kuya Joseph. Hindi niya alam kung paano nito nagagawang aluin ang kanyang anak. Pero nagpapasalamat siya sa presensya nito ngayon. Kasi sa totoo lang nahihirapan siyang pakitunguan ngayon ang kanyang anak. Lalo na kapag hinahanap nito si Angela, kaya lalo lang tuloy s'yang natutuliro at nasasaktan.Dahil sa lahat yata ng gusto nito, ito ang isang bagay na hindi pa niya kayang ibigay sa ngayon. Pero nangako siya sa sarili na hih
CHAPTER 100:_Tatlong araw ang nakalipas mula ng pumayag siyang pumunta sila ng London.Narito na sila ngayon ilang minuto na lang lalapag na ang sinasakyan nilang eroplano sa Vacinity Airport ng London.Hindi niya alam kung bakit sa dinami-rami ng Bansa dito pa talaga nipiling makipagkita ng kung sino mang Amo ni Lyndon.Hindi naman sa ayaw niya sa bansang ito. Actually isa ngang malaking pribilehiyo para sa kanya ang makarating sa isang sikat na lugar na tulad nito.Kaya nga hindi niya masisisi si Lyndon kung bakit super excited itong makarating dito. Marahil ito rin ang kanyang mararamdaman kung nasa normal lang silang sitwasyon.Ganu'n pa man nararamdaman pa rin niya ang saya sa unang pagkakataon na makakarating siya ng London.Sigurado siya hindi lang basta simpleng tao ang Amo nito. Para mag-imbita ito sa ganitong lugar.Dahil sigurado rin siya na hindi birong pera ang inilabas nito sa pag-ayos pa lang ng travel papers nila. Idagdag pa ang gagastusin nila sa pananatili nila di
CHAPTER 101:_Maraming araw ang matuling lumipas halos hindi na rin niya namalayan ang pag-usad nito.Mag-aanim na buwan na rin pala mula ng mapagpasyahan niyang manatili na sila dito sa London.Kay bilis talaga ng panahon, hindi na siya gaanong makakilos dahil sa bigat at laki ng kanyang tiyan. Nalalapit na rin kasi ang kanyang panganganak. Sana lang hindi siya gaanong mahirapan sa panganganak.May bahagyang kaba at takot siyang nararamdaman. Ngunit naroon rin ang excitement sa isiping malapit na niyang makita ang munting buhay sa kanyang sinapupunan.Ang kanyang munting Anghel, Anak na hindi hiram at hindi na maaangkin ng kahit na sino pa man. Naputol bigla ang kanyang pagmumuni-muni ng bigla siyang tawagin ni Lyn. Pumasok lang ito sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom ng marinig nito na tumutunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan kasi itong naglilinis ng sasakyan."Ate Am, si Bossing nasa phone sagutin mo na... Galit na ang Lolo mo!" Tawag ni Lyn na sinabayan pa ng pagtawa
CHAPTER 102:_AFTER TWO YEARSDalawang taon ang matuling lumipas at sa loob ng nakalipas na dalawang taon. Umiikot lang ang buhay niya sa trabaho at sa kanilang mag-ama.Hindi man sila buo ngunit sinisikap naman niyang punuan ang pagiging Ama at Ina para sa kanyang Anak. Unti-unti nasasanay na rin sila sa tahimik na pamumuhay dito sa Alabang. Kahit madalas na silang dalawa lang ni VJ sa bahay at ang kasama lang ang yaya nitong si Didang bukod sa mga gwardiya.Kahit parang routine ang lahat, trabaho bahay lang siya. Habang VJ naman ay bahay at eskwela. Palagi na itong pumapasok sa school at nasa Grade two na ang kanyang anak. Talagang lumalaki na ang kanyang anak at kahit pa hindi ito kumikibo. Batid niyang hinahanap hanap pa rin nito ang pag-aaruga ng isang ina. Ang hindi lang niya alam, kung sino ba ang mas nami-miss nito si Liscel ba o si Angela?Hindi kasi ito nagsasalita o nagsasabi ng nararamdaman nito sa kanya. Parang napansin niya na nagiging tahimik na ito lately. Haba
A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid
CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu
CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang
CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D
CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong
CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung
CHAPTER 134:__ALABANG, PHILIPPINESAfter a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina. Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin. Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya. Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong
CHAPTER 133: _ "Papa, magpapakasal na po ako!" Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa. Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon. Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal. "Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!" Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo. "Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?! 'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa
CHAPTER 132:_FRANCE, EUROPEPAUL BRADLEY DOMINGUEZIlang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France. Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya. Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya. Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent. Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa. Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang mag