CHAPTER 99:_Ang bilis talagang lumipas ng mga araw. Kung kailan lang pinipilit pa niyang maging masaya para kay Liscel at sa kanilang Anak.Pero ngayon tuluyan na silang iniwan ni Liscel. Ano ba ang dapat niyang maramdaman. Tila ba hungkag ang kanyang pakiramdam at nasasaktan din siya sa tuwing nakikita niya ang kanyang Anak. Ilang araw na sobrang tahimik lang nito at tila wala sa kondisyon.Hindi rin niya alam kung paano ito aaluin. Bigla tuloy niyang naisip kung narito lang si Angela siguro hindi siya mahihirapan.Pero mabuti na lang nariyan ang kanyang Kuya Joseph. Hindi niya alam kung paano nito nagagawang aluin ang kanyang anak. Pero nagpapasalamat siya sa presensya nito ngayon. Kasi sa totoo lang nahihirapan siyang pakitunguan ngayon ang kanyang anak. Lalo na kapag hinahanap nito si Angela, kaya lalo lang tuloy s'yang natutuliro at nasasaktan.Dahil sa lahat yata ng gusto nito, ito ang isang bagay na hindi pa niya kayang ibigay sa ngayon. Pero nangako siya sa sarili na hih
CHAPTER 100:_Tatlong araw ang nakalipas mula ng pumayag siyang pumunta sila ng London.Narito na sila ngayon ilang minuto na lang lalapag na ang sinasakyan nilang eroplano sa Vacinity Airport ng London.Hindi niya alam kung bakit sa dinami-rami ng Bansa dito pa talaga nipiling makipagkita ng kung sino mang Amo ni Lyndon.Hindi naman sa ayaw niya sa bansang ito. Actually isa ngang malaking pribilehiyo para sa kanya ang makarating sa isang sikat na lugar na tulad nito.Kaya nga hindi niya masisisi si Lyndon kung bakit super excited itong makarating dito. Marahil ito rin ang kanyang mararamdaman kung nasa normal lang silang sitwasyon.Ganu'n pa man nararamdaman pa rin niya ang saya sa unang pagkakataon na makakarating siya ng London.Sigurado siya hindi lang basta simpleng tao ang Amo nito. Para mag-imbita ito sa ganitong lugar.Dahil sigurado rin siya na hindi birong pera ang inilabas nito sa pag-ayos pa lang ng travel papers nila. Idagdag pa ang gagastusin nila sa pananatili nila di
CHAPTER 101:_Maraming araw ang matuling lumipas halos hindi na rin niya namalayan ang pag-usad nito.Mag-aanim na buwan na rin pala mula ng mapagpasyahan niyang manatili na sila dito sa London.Kay bilis talaga ng panahon, hindi na siya gaanong makakilos dahil sa bigat at laki ng kanyang tiyan. Nalalapit na rin kasi ang kanyang panganganak. Sana lang hindi siya gaanong mahirapan sa panganganak.May bahagyang kaba at takot siyang nararamdaman. Ngunit naroon rin ang excitement sa isiping malapit na niyang makita ang munting buhay sa kanyang sinapupunan.Ang kanyang munting Anghel, Anak na hindi hiram at hindi na maaangkin ng kahit na sino pa man. Naputol bigla ang kanyang pagmumuni-muni ng bigla siyang tawagin ni Lyn. Pumasok lang ito sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom ng marinig nito na tumutunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan kasi itong naglilinis ng sasakyan."Ate Am, si Bossing nasa phone sagutin mo na... Galit na ang Lolo mo!" Tawag ni Lyn na sinabayan pa ng pagtawa
CHAPTER 102:_AFTER TWO YEARSDalawang taon ang matuling lumipas at sa loob ng nakalipas na dalawang taon. Umiikot lang ang buhay niya sa trabaho at sa kanilang mag-ama.Hindi man sila buo ngunit sinisikap naman niyang punuan ang pagiging Ama at Ina para sa kanyang Anak. Unti-unti nasasanay na rin sila sa tahimik na pamumuhay dito sa Alabang. Kahit madalas na silang dalawa lang ni VJ sa bahay at ang kasama lang ang yaya nitong si Didang bukod sa mga gwardiya.Kahit parang routine ang lahat, trabaho bahay lang siya. Habang VJ naman ay bahay at eskwela. Palagi na itong pumapasok sa school at nasa Grade two na ang kanyang anak. Talagang lumalaki na ang kanyang anak at kahit pa hindi ito kumikibo. Batid niyang hinahanap hanap pa rin nito ang pag-aaruga ng isang ina. Ang hindi lang niya alam, kung sino ba ang mas nami-miss nito si Liscel ba o si Angela?Hindi kasi ito nagsasalita o nagsasabi ng nararamdaman nito sa kanya. Parang napansin niya na nagiging tahimik na ito lately. Haba
CHAPTER 103:_Kay ganda ng umaga ng araw na iyon. Halos nagsisimula pa lang sumikat ang araw. Maririnig pa ang mga huni ng pang-umagang ibon. Habang nakasakay sa motorbike na pinalagyan niya ng dalawang basket sa magkabilang side nito. Ito ang palagi niyang ginagawa tuwing umaga. Para magdeliver ng homemade bread, cookies and pastry products na siya mismo ang gumawa. Dinadala niya ito tuwing umaga sa isang Convinient store and Food shop na malapit lang sa kanilang bahay. Hindi na rin kasi niya kasama si Lyn, mag-iisang taon na rin mula ng bumalik na ito ng Pilipinas.Sila na lang ni Ate Liway at Lester ang naiwan sa bahay kasama ng dalawa niyang makulit na Anak. Kapag nagdedeliver siya sa umaga si Ate Liway ang naiiwan sa kanyang kambal. Yes! Kambal ang naging anak niya, nila. Hindi rin niya sukat akalain na kambal ang magiging bunga ng minsang makalimot sila ni Joaquin.Hindi naman niya ito pinagsisihan at hindi rin niya ito pagsisisihan pa kahit kailan. Ang pagdating ng dal
CHAPTER 104:_Napakabilis talaga ng mga araw mag-iisang buwan na pala siya sa bansang Pilipinas. Pero pakiramdam niya isa pa rin siyang "Alien" kaya nakakatawa. Nakauwi na nga siya pero bakit pakiramdam niya bago sa kanya ang lahat.Ang klima, ang paligid, ang mga tao sa paligid niya at higit sa lahat ang mismong pagkatao niya. Hindi naman niya itinatakwil ang bansang kanyang sinilangan at hindi rin naman niya ito ipagpapalit sa kahit saang bansa. Kahit pa nga sa ibang bansa siya nakakahanap ng katahimikan.Ang hirap lang kasi kapag narito siya kailangan niyang lagi na lang maging ibang tao at mabuhay sa pagkukunwari. Ang akala niya ligtas na siya sa pagpapanggap hindi pa rin pala siya makakatakas. Wala na nga siyang amnesia. Ngunit ngayon sadya namang kailangang kalimutan muna niya ang lahat, kung sino siya noon at ngayon.Dahil ang sabi ni Dustin mas safe daw kung walang makakakilala sa kanya bilang si Amanda. Dahil baka daw may mga galamay si Anselmo na nasa paligid lang at
CHAPTER 105:_Mag-aalas tres na nang hapon pero nasa bahay pa rin si Joaquin ng mga sandaling iyon. Linggo naman kaya wala siya ngayon sa opisina. Pero may kailangan siyang puntahan ngayong araw.Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin siya makapagpasya. Wala naman kasi siyang hilig um-attend ng kasalan. Kung hindi lang sana masugid ang imbitasyon sa kanya. Hindi rin niya kilala personally ang mismong ikakasal. Kilala niya ito by name pero ang Ama nito ay isa sa matagal na rin niyang kliyente dito sa Pilipinas.Ang Ama rin nito ang mismong nag-imbita sa kanya. Nahihiya kasi siya dahil sa lahat ng mga pagkakataon na iniimbitahan siya nito. Palagi niyang dinadahilan na out of town siya o kaya nasa labas siya ng Bansa na totoo naman noon. Pero ngayon hindi na siya makapag-dahilan, alam kasi nito na nakabase na ang trabaho niya dito sa Pilipinas. "Hey, why you look upset, Dad?"Tanong ni VJ na mukhang galing lang sa kusina. Habang bitbit nito ang ginawa nilang meryenda. Deretso lang it
CHAPTER 106:_Tuluyan na silang nakalimot ng dahil sa labis na pananabik sa isa't-isa. Dahil wala na rin silang pakialam pa sa paligid.Hindi na nila alintana kung ano na ang nangyayari kay Dust ng mga oras na iyon. Kahit halos natutuliro na ito sa kahahanap kay Amanda. Dahil pareho na silang nalulunod sa kaligayahan na pareho nilang nararamdaman. Ngunit dahil sa hindi komportableng sitwasyon.Aksidenteng nahawakan ni Amanda ang manibela at nadiinan ang buzzer button. Saglit lang ngunit lumikha pa rin ito ng ingay."Aw, shit!"Sabay pa silang natigilan at napatingin sa isa't-isa, maya maya sabay din silang natawa.Habang pareho pa silang humihingal...Nang unti-unting mahimasmasan si Amanda saka lang niya naalala ang kanilang sitwasyon.Awtomatikong napabalik siya ng upo sa passenger seat. Dahil halos nakakalong na kasi siya kay Joaquin. "Hey, okay ka lang ba?" Si Joaquin ng maramdaman nitong bigla siyang lumayo."Hindi natin ito dapat ginagawa at kailangan ko na ring umalis! Baka