CHAPTER 106:_Tuluyan na silang nakalimot ng dahil sa labis na pananabik sa isa't-isa. Dahil wala na rin silang pakialam pa sa paligid.Hindi na nila alintana kung ano na ang nangyayari kay Dust ng mga oras na iyon. Kahit halos natutuliro na ito sa kahahanap kay Amanda. Dahil pareho na silang nalulunod sa kaligayahan na pareho nilang nararamdaman. Ngunit dahil sa hindi komportableng sitwasyon.Aksidenteng nahawakan ni Amanda ang manibela at nadiinan ang buzzer button. Saglit lang ngunit lumikha pa rin ito ng ingay."Aw, shit!"Sabay pa silang natigilan at napatingin sa isa't-isa, maya maya sabay din silang natawa.Habang pareho pa silang humihingal...Nang unti-unting mahimasmasan si Amanda saka lang niya naalala ang kanilang sitwasyon.Awtomatikong napabalik siya ng upo sa passenger seat. Dahil halos nakakalong na kasi siya kay Joaquin. "Hey, okay ka lang ba?" Si Joaquin ng maramdaman nitong bigla siyang lumayo."Hindi natin ito dapat ginagawa at kailangan ko na ring umalis! Baka
CHAPTER 107:_Magkahalong galit at pagkadismaya ang nararamdaman niya ng muli siyang tumayo mula sa pagkakalugmok sa sahig. Hindi siya maaaring magpatalo, iyon ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. Muli siyang tumayo upang sumugod at gumanti...Ngunit pagtayo niya dalawang kalibre kwarenta'y singko ang sumalubong at nakatutok na ngayon sa kanyang mukha.Dalawang tauhan nito ang bigla na lang humarang sa kanya at tinutukan siya ng baril. Ang isa ay hawak ni Anton, habang ang isa naman ay kay Lester.Bagama't napahinto siya ng mga ito ngunit hindi pa rin kakikitaan ng takot si Joaquin. Pagak itong tumawa at deretso pa rin tumingin kay Dust."Magpasalamat ka na lang. Dahil alam kong masasaktan si Amanda sa oras na may gawin akong masama sa'yo! 'Dahil kung ako lang kanina ko pa sana binali 'yang mga buto mo.""Ah' talaga?!" Painsulto pa niyang tugon."Buwisit, tara na nga wala na tayong pag-asa sa isang iyan!"Tumalikod na ito at nagtungo sa sasakyan na katapat ng kanya."Sayang k
CHAPTER 108:_Kinabukasan sa bahay na lang muna piniling magtrabaho ni Joaquin. Kaya naman tinawagan na lang niya si Russell na hindi siya makakapasok ngayong araw. Ah' sigurado siyang magiging palaisipan na naman siya sa mata ng mga staff niya. Hindi man niya naririnig na nag-uusap ang mga ito sa harap niya. Alam niya na nag-iisip rin ang mga ito sa mga nangyayari sa kanya lately.Noong isang araw nagwala siya sa opisina at ng mga sumunod na araw naging moody siya at ngayon naman papasok ba siya ng puro pasa.Kaya ano na lang ang iisipin ng mga ito sa kanya? Isa pa alam din ng mga ito na sa kasalan siya nagpunta kahapon.Kaya pinili na lang muna niyang bumawi ng lakas kaysa pumasok siya ng masakit ang katawan. Baka lalo lang siyang maging katawa-tawa. Dahil nasa bahay lang siya ng araw na iyon. Kaya naman natiyempuhan niya ang pagtawag ni Joseph upang kumustahin silang mag-ama. Kaya nagkaroon din siya ng pagkakataon na makausap si Amara. Sinabi rin niya kay Amara na nagkita na
CHAPTER 109:_Matapos niyang matiyak na walang sino man ang nakakakita sa kanya. Walang kilatis siyang naglakad patungo sa Library.Nakakaramdam man ng kaba ngunit tuloy lang siya sa paglalakad. Hanggang sa marating niya ang kanyang pakay.Isang buntong hininga ang pinakawalan niya sa kanyang dibdib. Bago lakas loob na pinihit niya ang seradura ng pinto. Laking pasalamat niya na hindi ito nakalock. Kahit pa ang pakiramdam niya daig pa niya ang nagnanakaw ng mga sandaling iyon. Dahil kahit welcome pa siya sa bahay na ito. Alam niya na hindi pa rin tama na basta basta na lang siya magmanman at pumasok sa kung saan. Bukas ang Library sa lahat ng tao sa bahay, ngunit hindi ang pribadong opisina ni Dust.Pero tuloy tuloy pa rin siyang pumasok sa loob nito.Maganda at maluwang ang kabuuan ng Library sa bahay ng mga Torres. May visiting area rin ito sa loob at kumpleto ito sa mga kagamitan.Sa paligid nito makikitang maayos na nakasalansan ang iba't-ibang klase ng libro. At sa bandang d
CHAPTER 110:_Maaga siyang gumising ng umagang iyon sa kusina na siya dumeretso. Nag-insist na rin siyang tumulong sa kusina sa kabila ng pagtanggi ng mga kasambahay.Pero ipinilit pa rin niya na siya ang magluto. Hindi naman niya balak magpaimpress kay Gavin. Gusto lang niya na habang narito siya sa bahay nito. May magawa siya para sa pagkupkop ni Gavin sa kanya. Dahil tulog pa ang kambal kaya hindi siya nag-aalala. Kasama rin ng mga ito si Ate Liway.Eksaktong nakababa na si Gavin tapos na rin silang magluto."Hmmm, mukhang ang ganda ng umaga ngayon ah' at saka wala ka na yatang toyo?" Nakangising komento ni Gavin na bahagyang niyang ikinainis.Hindi tuloy niya inasahan ang bigla nitong pagpindot sa kanyang ilong sabay sabing..."Good morning Couz!" Huh' tama ba siya ng dinig, ano daw? Tinawag ba siya nitong Couz, ano na naman ang trip nito?"Okay ka lang, ano na naman ang tinira mo, humitit ka ba ng katol? 'Biglang naging magkamag-anak yata tayo?" Tinawanan lang nito ang
CHAPTER 111:_Maaga siyang gumising ngayong araw para makapagluto agad ng almusal. May pasok kasi si VJ ngayon kaya kailangan muna niyang ipagluto ito ng almusal. Bago niya ihanda rin ang sarili sa pagpasok niya ulit sa opisina.Husto na ang kanyang bakasyon kailangan na niyang magtrabaho ulit. Okay na ang dalawang araw na pahinga. Kahit paano naman nakabawi na rin siya ng lakas.Baka matambakan na siya ng trabaho kapag pinalawig pa niya ang kanyang bakasyon. Kaya kailangan na talaga niyang pumasok. Kahit hindi pa nawawala ng tuluyan ang mga pasà niya sa mukha at katawan.Kung bakit naman kasi magaling pa yata sa martial arts ang lintek na alikabok na iyon. Kailangan na rin yata niyang mag-aral ng karate. Para naman sa susunod matapatan na niya ito at hindi na ganito kasakit. Buwisit!Ilang beses tuloy siyang nagkamali sa simpleng pagprito lang ng itlog ng dahil sa inis na nararamdaman niya. Hindi talaga niya linya ang magluto. Ahh' Angela kailan ba kita maiuuwi dito sa bahay ko?
CHAPTER 112:_Kanina lang niya naintindihan ang ibig ipahiwatig ni Gavin. Ibang klase rin ang pinsan niyang iyon. Kaya pala todo bilin sa kanya ng bwisit na 'yun! Alam na niyang dito rin nakatira si Joaquin pero hindi nito sinabi sa kanya. Kaya naman sigurado rin siya na alam din ito ni Dust. Pero si Lyn hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ito na hindi nga ba nito alam?"Ha' ano? Sino 'yung nakatira sa tapat bahay natin?!" Gulat na tanong nito napatayo pa ito at saka sumilip sa bintana. "Sigurado ka bang hindi mo talaga alam?" Hindi na niya natiis na hindi itanong."Hindi talaga maniwala ka man o hindi, pero alam kong mag-ama 'yun nakatira diyan sabi ni Manong guard. Mula kasi ng lumipat sila Dustin sa kabila hindi na ako napunta ulit dito. 'Bakanteng lote pa 'yan nang umalis sila dito at ang alam kong may-ari ng lote na 'yan ay 'yung transgender na fashion designer.'Madz Soliven yata ang pangalan niya may bahay din 'yun sa kabilang street. Kaya nga ang akala ko sa kanya
CHAPTER 113:_Katatapos lang ng meeting nila ilang minuto pa lang naman ang lumipas. Pabalik na sana sila ni Rusell sa kanyang opisina mula sa conference room kung saan sila nagmeeting.Nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone.Un-registered ang tumatawag kaya saglit muna siyang nag-isip kung sasagutin niya ang linya."Oh' bakit ka tumigil?" Curious na tanong ni Russell ng magtaka ito. Dahil bigla siyang huminto at natigilan."May tumatawag!" Tugon niya."So, bakit hindi mo sagutin?""Un-registered! Sino kaya ito at paano niya nalaman ang number ko?" Nagtatakang tanong niya.Ilan lang kasi ang nakaalam ng cellphone number niyang iyon. Pamilya at ilang malalapit na kaibigan.Iba rin ang number na gamit niya for business purposes. Kung hindi man, si Lucille ang sumasagot sa lahat ng tawag sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin ng tawag na iyon. Tila nais nito na siya talaga ang makausap?"Sagutin mo na, o gusto mo ako na ang sasagot?" Mungkahi ni Russell."No it's okay, ako na
A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid
CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu
CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang
CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D
CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong
CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung
CHAPTER 134:__ALABANG, PHILIPPINESAfter a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina. Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin. Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya. Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong
CHAPTER 133: _ "Papa, magpapakasal na po ako!" Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa. Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon. Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal. "Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!" Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo. "Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?! 'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa
CHAPTER 132:_FRANCE, EUROPEPAUL BRADLEY DOMINGUEZIlang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France. Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya. Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya. Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent. Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa. Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang mag