Gino’s POV
Natapos na naman ang buong araw ko sa pagtatrabaho. Paglabas ko sa aking opisina, nadatnan ko pa si Rose sa kaniyang cubicle.“Oh Rose, ano ang ginagawa mo r’yan? Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na oh,” wika ko.“Ay sir kayo pala iyan. Uuwi na rin po n’yan, may hinahanap lang po ako sandali sa internet,” sagot nito habang tutok pa rin ang kaniyang mga mata sa monitor.Hindi na ako nagsalita at nagpunta ako sa likuran ng upuan niya para makita kung ano ang tinitingnan niya.Napangiti ako ng mga makita ko ito, mga gown pala ang tinitingnan niya.“Para saan naman iyang tinitingnan mo?” tanong ko.“Para ito sa nalalapit na founding anniversary ng company sir. Hindi naman puwedeng hindi maganda ang isuot ko, minsan lang ito mangyari sa buhay ko,” tugon ni Rose.“Sige maghanap ka ng maganda at ako na ang magbabayad.”Bigla itong napaharap sa akin. “Talaga sir? Kahit na iyong mamahalin pa ang kunin ko?”“Kahit iyong mamahalin pa,” nakangiti kong sabi.“Nakakahiya man sir, pero maraming salamat. Huwag po kayong mag-alala, iyong pinakamaganda pero mura lang ang kukunin ko.”“Wala iyon Rose, hindi ba ikaw na rin ang nagsabi parang kapatid na ang tingin mo sa amin ni Greg kaya sa tingin ko naman ay deserve mo ito.”“Nako maraming salamat talaga sir. Makakatipid ako ngayon,” nakangiti nitong sabi.“Sige galingan mo ang pagpili ha. Mauna na ako sa iyo. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo.”“Kayo rin sir mag-ingat po kayo. Bye.”Naglakad na ako papunta sa elevator. Nang makarating na ako sa parking lot, nagmadali na ako sumakay sa aking sasakyan dahil late na ako sa dinner namin nila dad. Ime-meet ko sila ngayon together with lolo, pag-uusapan namin ang nalalapit na founding anniversary ng company. May mga nakahanda naman na akong draft para sa event like kung saan ito gaganapin, kung ano ang theme, kung sino-sino ang mga iimbitahin, kung paano ang magiging flow ng program, I just want hear if they have some suggestions and their confirmation too. Hands on ako pagdating sa mga ganitong bagay, gusto ko maging perfect ang lahat.Pagdating ko sa restaurant, hindi lang pala si dad and lolo ang makakausap ko dahil naroon din ang kapatid kong si Greg.“Sorry if I’m a little bit late,” wika ko ng makarating na ako sa puwesto nila.“It’s okay hijo, please have a seat,” tugon ni lolo.“Hi dad, kumusta po?” Tanong ko kay dad na nahuli kong nakatingin sa akin.“I’m good. How about you Gino? Is everything okay?”“Yes dad, don’t worry about me,” nakangiti kong sabi.“Oo nga naman Salvador, huwag mo ng alalahanin itong anak mo. Matanda na siya, at alam kong makakaya niya ang pamamahala sa ating kompanya,” sabat ni lolo.“Kaya nga dad, hayaan mo na itong si kuya, asawa na nga lang ang kulang sa kaniya para masabi na perfect na ang buhay niya eh,” nakangising wika naman ni Greg.“Akala ko bang about sa founding anniversary ang pag-uusapan natin ngayon? Bakit naiba na yata ang usapan?” tanong ko sa kanila.Natawa lang si lolo at Greg sa sinabi ko, si dad naman ay seryoso pa rin ang tingin sa akin.“Okay let’s talk about the founding anniversary first, maayos na ba ang lahat Gino?” tanong ni lolo.“Yes lo, okay na po ang lahat, from venue, foods, theme, at kung sino-sino ang iimbitahan,” tugon ko.“Sigurado ka ba Gino? Wala naman tayong ma-e-encounter ng problema?” paniniguro ni dad.“Wala po dad. Inayos ko na po ang lahat,” nakangiti kong sagot.“Kuya may kulang pa,” sabat ni Greg.“Ano naman ang kulang?”“Ang damit na susuotin natin. Ano ‘yon pupunta tayo roon ng hubo’t hubad?” nakangisi nitong wika.Napatunganga ako sa sinabi ni Greg, bakit hindi ko naisip iyon? Si Rose na secretary ko ay bibilhan ko ng damit tapos kami itong may event ay wala pang susuotin?“Dahil ikaw ang nakaisip sa bagay na ‘yan Greg, ikaw ang maghahanap ng designer para sa ating susuoting,” sambit ni lolo.“No lo, I can do it. Just leave it to me,” sabat ko.“Gino ipaubaya mo na sa kapatid mo ‘yon. Alam naming napapagod ka rin. ‘Wag mo naman sanang sagarin ang sarili mo,” nag-aalalang sambit ni dad.“Kuya ako na, don’t worry hindi kayo mabibigo. And alam naman namin na ang dami mo ng nagawa para sa event, kaya ako na ang maghahanap ng designer,” wika ni Greg at kinindatan pa ako.Sa buong buhay ko ngayon lang yata ako may nakalimutan para sa isang event na ganito. Hindi na ako nakipagtalo pa kay Greg at hinayaan na lang siya para sa amin susuotin. Sana naman ay maayos ang mahanap niya, dahil kung hindi ako mismo ang babatok sa kaniya.“I think we are done talking about the event. Now we will talk about who will be your date Gino on the founding anniversary?” biglang wika ni lolo.“Kailangan pa po ba iyon lo?” tanong ko pabalik.“Aba siyempre naman. Ako date ko ang lola mo, ang dad niyo naman date ang mommy ninyo, si Greg date niya ang kaniyang asawa at mga anak. Ikaw sino ang isasama mo?”Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, hindi ko naman kasi alam na may kasama ka pala dapat sa gaganaping event.“Hindi ko pa po alam. Siguro kung wala akong mahahanap na puwedeng isama, si Rose na lang ang magiging partner ko,” tugon.“Hoy kuya may asawa na si ate Rose, alam mo naman ang mga tao ngayon, baka mamaya magka-issue pa kayo. Maghanap ka na lang ng iba,” wika ni Greg.“Eh siya lang naman ang alam kong p’wedeng i-date at saka parang kapatid na ang tingin ko kay Rose. Hayaan mo ang mga taong maraming issue sa buhay,” tugon ko.Why don't you, Gino, bring your girlfriend? ani lolo.“Nako lo, wala pong girlfriend itong si kuya. Siguro hinihintay pa rin ang niya ang pagbabalik ng kaniyang great love,” nakangising wika ni Greg.Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Greg, “sinong great love ang pinagsasabi mo r’yan?”“Hala si kuya makakalimutin na talaga, when you were in college, do you remember your great love Carla Sandoval?”“She’s not my great love Greg!”“Huwag ka ng mag-deny kuya, nahuhuli kita noon na palaging nakatingin sa kaniya,” giit pa ni Greg.“Who’s Carla Sandoval?” biglang tanong ni dad.“Dad, I think you know her, iyong palaging may dalang pagkain noon para kay kuya,” tugon pa ng kapatid ko.“Greg shut up!” singhal ko.Nakita ko sa mukha ni Greg ang pagkabigla, ngayon ko lang kasi yata siya nasigawan ng ganito. Ayoko lang kasing pinag-uusapan ang mga bagay na matagal ng walang saysay.“Ituloy mo lang Greg, ngayon lang namin nalaman na nagkaroon ng great love ang kuya mo,” nakangiti na sambit ni lolo.“Lo, hindi ko po siya great love okay? Wala lang po siya sa buhay ko, kaya naman kung puwede lang na huwag na lang natin siya pag-usapan,” mediyo naiinis kong wika.“Kung hindi mo siya great love, bakit ganiyan ka kung makapag-react?” asar ni Greg. “Wala raw sa buhay niya pero naaapektuhan pa rin,” bulong pa nito.“Greg has a point, kung hindi siya naging parte ng buhay mo hindi ka magre-react ng ganiyan Gino,” sabat naman ni dad.“Dad pati ba naman ikaw?” nanlulumo ko ng sabi.“Yes, kaya naman Greg sige ituloy mo na ang kuwento mo about sa Carla Sandoval na ‘yon.”“Ganito po kasi iyan, back when we’re in college, actually fourth year na si kuya nang malaman ko ito. There’s this girl named Carla who is always chasing kuya, palagi siya nitong binibigyan ng pagkain,” pagsisimula ng kuwento ni Greg.Napatakip ako ng mukha sa mga sinabi ng kapatid ko. “Please stop, Greg!”“Tinatanggap naman po ni kuya ang mga binibigay ni Carla, pero hindi niya kinakain binibigay niya ito sa akin. In fairness masarap palagi ang mga dala niyang pagkain. At alam po ba ninyo dad, lo nahuhuli ko si kuya noon na palaging nakatingin or nakabantay kay Carla sa tuwing may ibang kumakausap dito na ibang lalaki.”“Hindi ko ginagawa iyan Greg, ‘wag ka ngang gumagawa ng kuwento r’yan.”“Nako kuya kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano mo siya pagmasdan sa malayo noon. Hindi ko naman kasi alam sa iyo kung bakit sinusungitan mo siya noon, palay na nga ang lumalapit sa iyo lumalayo ka pa,” nakangisi ng wika ni Greg.“Bakit hindi mo pa sinunggaban Gino? Hindi ka gumaya sa kapatid mo, isang kalabit lang yata sa kaniya ni Bea bumigay na kaagad,” natatawang sambit ni lolo.“Let’s just say na sadiyang mas malandi lang itong si Greg kaya bumigay siya kaagad,” wika ko.“So ikaw kuya hard to get ganoon?” natatawa na ring wika ni Greg.Kita ko sa mata ng mga kasam ko na gusto na nilang ilabas ang tawa na kanina pa nila gustong ilabas. Tiningnan ko sila ng masama, pero mukha walang epekto iyon sa kanila dahil mukhang mas natatawa lang sila sa pagtingin ko sa kanila.“Uuwi na ako, mukhang wala ng kuwenta itong pinag-uusapan natin,” wika ko at akmang tatayo na.“Si kuya talaga hindi marunong sumakay sa mga biro,” sambit ni Greg,“Okay, let’s call it a nigth. Thank you for your time Garry, Gino and Greg,” wika ni lolo. “Siya nga pala Greg, ituloy mo ang kuwento na iyan sa mansion ha,” dagdag pa nito. “And you Gino, please bring Carla to the mansion too, I want to meet her.”Halos mapahilamos ako sa aking mukha sa sinabi ni lolo. Bakit ko naman dadalhin si Carla sa mansion? Hindi ko naman siya naging girlfriend talaga. Pahamak talaga itong kapatid ko.Paglabas namin sa restaurant naghiwa-hiwalay na kami. Si lolo may sariling driver, si dad naman ihahatid ni Greg sa bahay nila. Pagkapasok ko sa aking sasakyan, pumasok bigla sa isipan ko ang sinabi ni Greg kanina, “palay na nga ang lumalapit, lumayo ka pa” at sa tanong ni lolo na bakit hindi ko pa raw sinunggaban. Napapangisi ako habang nagmamaneho, dahil hindi nila alam ang tunay na kuwento at hindi rin naman alam ni Greg na may nangyari sa amin ni Carla.Carla’s POVPangatlong araw na namin ngayon ng anak ko rito sa Pilipinas, at mukhang nagugustuhan na ni Kyle dito. Noong una at pangalawang araw kasi namin dito ay palagi niyang tinatanong kung bakit mainit daw, hindi kasi siya sanay sa ganong klima ng panahon kaya naman malaking pag-a-adjust talaga ang ginawa niya. Mabuti nga ngayon ay hindi na niya ito mas’yadong napapansin. Lumabas na ako sa kuwarto at bumaba para tingnan kung na saan na ang anak ko, pagdating ko sa sala nakita ko si Kyle na nakakalong kay daddy at nanunuod sila ng favorite cartoon nito.“Hi mommy, how’s your sleep?” tanong ni Kyle ng makita niya ako sa hagdanan.Lumapit ako rito at hinalikan siya sa noo. "Hello, baby. My sleep was great. I rest comfortably,” nakangiti kong tugon.“Anak mag-meryenda ka na sa kusina, may niluto si manang na carbonara kanina, ipainit mo na lang sa kaniya,” wika naman ni dad.“Sige po dad,” tugon ko. Kyle, have you eaten yet?” tanong ko naman sa anak ko.“Yes mommy, lolo and I ate t
Greg’s POVNarito ako sa mall ngayon at naglilibot-libot lang. Isa kasi ang company namin (MGC) ang major stockholder dito. Gusto ko lang makita kung paano ang pamamalakad meron dito. Gusto ko kasi in the near future ito hawakan ko at pangarap ko rin ang magpalakad ng ganito. Habang naglalakad-lakad ako, napadaan ako sa isang fast food chain, dito na lang sana ako bibili ng makakain ngunit parang may nahagip ang mata ko na pamilyar. Nang una ay natakot pa akong lapitan ito dahil baka namamalik mata lang ako. Naglakas loob akong lapitan ito at kalabitin. At hindi nga ako nagkamali si ate Carla nga ang nakita ko.“Ate Carla, ikaw ba ‘yan?” tanong ko.Napakunot ang noo ko nang nakatulala lang siya sa akin at parang nakakita siya ng multo.“G-greg? Ikaw na ba ‘yan?” tanong nito ng nakabalik ito sa pagkagulat.“Sabi na eh ikaw ‘yan ate Carla. Ako na nga ito si Greg ang kapatid ni Gino. Kumusta ka na?”“Okay naman ako. Ikaw kumusta ka na? Ang laki na ng pinagbago mo,” nakangiti nitong wik
Carla’s POVIt’s been two days since nakita ko si Greg sa mall, at sana hindi na muling masundan pa ang pagkikitang iyon. Nasa kuwarto ako ngayon at busy sa pagde-design ng isang suit sa aking tablet. Ang sabi ko sa sarili ko nang palipad kami pauwi rito sa Pinas ay ipapahinga ko muna ang sarili, ko ngunit hindi ko talaga mapigilan ang mga kamay ko sa pagde-design kahit na paunti-unti lang. Habang busy ako sa pagguhit, biglang nag-ring ang cellphone ko, at nang tingnan ko ito unregistered number, sinagot ko pa rin dahil baka importante.“Hello?” sagot ko sa tawag.“Hello, ate Carla? Si Greg ito,” tugon ng nasa kabilang linya.“Oh Greg, napatawag ka?”“Itatanong ko lang sana ate kung may free time ka ba? Gusto ka raw kasing ma-meet ng asawa ko,” masiglang wika nito.“Ah, eh bakit raw?” Nagtataka kong tanong.“Remember when we met at the mall, sabi ko may paparating na event ang asawa ko, and gusto ko sana ikaw ang magde-design ng susuotin namin,” tugon nito.“Ah ganoon ba. Puwede ako
Gino’s POVNarito kami ngayon ng buong angkan ko sa mansion nila lolo dahil nagpahanda raw ito ng dinner para sa aming lahat. Siguro ay pag-uusapan din namin ang nalalapit na founding anniversary ng kompanya.Nakaupo na kaming lahat sa may long dining table sa mansion. Narito ang dalawang kapatid ni dad at mga pamilya nito, present din kaming pamilya ni dad.“Since narito naman na kayong lahat, puwede na nating pag-usapan ang nalalapit na pagdiriwang ng ating kompanya,” pambabasag ni lolo sa katahimikan.“May kailangan pa bang ayusin sa program dad?” tanong ni tito Albert, kapatid ni dad.“No, no. Nothing to worry about. Naayos na lahat ni Gino ang mga dapat gawin para sa araw na iyon,” tugon ni lolo. “Gusto ko lang ipaalala sa inyo na malapit na iyon at gusto ko sana na naroon kayong lahat,” dagdag pa nito.“Of course dad, a-attend kami sa founding anniversary ng company. Puwede ba naman na mawala kami sa napaka-importante araw na iyon,” saad ng isa ko pang tito.“Nako, nagda-drama
Carla’s POVNasa kalagitnaan ako ngayon ng pagde-design ng mga damit na napili nila Greg para sa kanilang event habang nakaupo sa aking tabi ang aking anak.“Mommy can I ask you a question?” tanong ng anak ko.“Yes baby, what is it?” tugon ko.“What if my dad returns one day and wants to take me away from you, mom? How will you react?Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa kaniya. Hindi ko akalin na sa murang edad niya ay maiisip niya ang ganoon. Lumuhod ako sa kaniyang harapan at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. “That will never happen, Kyle, my baby,” nakangiti kong wika.“But will you give me a chance if I ask to see my dad?” inosente nitong tanong ulit."Well, do you really want to see him?”Napatitig lang ito sa akin, at alam na alam ko na ang titig na iyon. Maybe he is longing for his dad. Ngunit paano ko naman sasabihin sa kaniya na hindi naman alam ng kaniyang ama na nagkaroon siya ng anak sa akin.“Maybe? Because you know Daniel, my playmate, his father al
Gino’s POVNasa office ako ngayon at busy sa trabaho nang biglang nag-ring ang aking cellphone, nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, si Greg. Ano na naman kaya ang gusto ng isang ‘to?“Hello?” walang gana kong sagot sa kaniyang tawag.“Kuya na saan ka?” tanong nito.“Nasa trabaho, bakit ba?!”“Kailangan mong pumunta sa mansion ngayon din,” wika nito.Sa tono ng kaniyang pananalita, parang may kalokohan na naman siyang binabalak.“Bakit nga? Busy ako sa trabaho Greg, kung kalokohan na naman iyan, tigil-tigilan mo ako,” irita kong sabi.“So mas uunahin mo iyang trabaho mo kaysa sa pagpapasukat ng damit para sa founding anniversary?” natatawa nitong wika.“Bakit kailangan na bang magpasukat ngayon? Hindi ba pwedeng sa susunod na araw na lang? Ang dami ko pang ginagawa,” tugon ko.“Narito na sa mansion ang magsusukat, sina dad papunta na rin. Ikaw na lang ang susukatan niya sa susunod na araw kung sakali mang hindi ka makakapunta ngayon,” paliwanang ni Greg. “Ah alam ko na, siguro gus
Carla’s POVIt hurts to learn the person you once loved is seeing someone else. I am aware that I have no right to feel pain like this, but I am powerless to stop it. Despite the fact that he didn't like me back then, Gino is my greatest love. Only with him did I experience all the feelings a young lady has for a young man. When he avoided me before, it hurt, but now when I see him face to face with another woman, it hurts even more.Naalala ko kanina nang malapit ko ng matapos sukatan ang lola nina Greg nang mapansin kong dumating na sina Gino, nang una ay hindi ko siya tinitignan dahil gusto kong mag-focus sa aking trabaho ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi ito tingnan dahil may kasama siyang babae. Maganda ito, maganda rin ang katawan pero mukhang mas matanda siya sa amin. Hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga pinag-uusapan nila kanina, ramdam ko na tanggap siya ng kaniyang pamilya dahil the way they talked to her parang pamilya na talaga ang tu
Gino’s POVIt's been a week since I last met Carla. I just distracted myself with work first, I don't want to insert my love life into my work life. Can it really be called love if I don't really know how to fall in love? All I know is that when I saw and talked to Carla again, my heart beat differently, it seemed to speed up when the two of us were close, and it was true that I felt like there were butterflies in my stomach.Nasa gitna ako ng aking pagmumuni-muni ng biglang may kumatok sa pinto ng aking opisina.“Please, come in,” wika ko.“Good morning sir Gino,” bati ni Rose habang naglalakad papalapit sa aking lamesa. “Kumusta ang araw mo?” tanong pa nito.“Maayos naman,” sagot ko. “Ano ang sadya mo?”“Ibibigay ko lang itong mga pinagawa mong report, at saka ipapaalala ko lang na may meeting ka mamayang 10am kay Mr. Velasquez,” tugon nito.“Salamat at pinaalala mo, muntikan ko ng makalimutan.”“Gino, may sasabihin ako ha pero ‘wag kang magagalit,” wika ni Rose.Napaayos ako ng upo
Carla’s POVMahigit isang linggo na ang nakakalipas magsimula ng tumira na kami ng anak ko sa pamamahay ni Gino. Sa loob ng isang linggo, marami na ang nangyari ngunit hindi pa rin nagsi-sink in sa aking utak ang mga ito. Nakalipat na ng school si Kyle, sa school ng kaniyang pinsan na sina Karl at Karel. Alam na rin nina Greg na dito na kami tumutuloy ng anak ko. At mamayang gabi ay pupunta kami sa bahay ng mga magulang ko para sabihin sa kanila ang mga nangyayari. Ilang araw na rin kasi ang pag-aalala nila sa amin. Napag-usapan namin ni Gino na mauuna ko munang sabihin sa magulang ko ang namamagitan sa amin bago kami pumunta sa angkan niya. Nagulat ako ng biglang may yumakap sa aking likuran. “What are you doing?” bulong ni Gino.“Just designing some dresses,” sagot ko.Nasa veranda ako ngayon at busy na nakaharap sa aking ipad ng biglang sumulpot itong si Gino. "I can't wait until later."Bakit naman?” tanong ko habang gumuguhit pa rin ako sa ipad.“Because I can face your parents
Gino’s POVNag-aya ang anak ko para manuod kami ng movie kaya naman kaagad ko itong pinagbigyan. Everything for my son. Nagpunta na kami sa entertainment room ni Kyle, si Carla naman ay nagpunta sa kusina para maghanda ng aming makakain habang nanonood. Parang ang sarap naman sa pakiramdaman ang ganitong pangyayari, nagba-bonding kami ng anak ko tapos naghahanda naman ng pagkain ang mommy niya. “Daddy can we watch this one?” tanong ng anak ko sabay lahad sa dvd na hawak niya.Napakunot ang noo ko dahil ito ang favorite movie magsimula bata ako. “Of course we can watch that.” Kinuha ko kay Kyle ang dvd at nilagay na sa dvd player. “You know what Kyle, this is my favorite movie,” wika ko.“Really Daddy? I also want this movie,” nakangiting sagot ni Kyle.Pasimula na ang movie ng saktong dumating si Carla, may dala-dala itong bowl ng popcorn at tatlong juice drinks.Napapatalon ang puso ko sa saya, ito ang pangarap ko noon pa man. Ang magkaroon ng isang masayang pamilya.“Mommy sits b
Gino’s POVNakalabas na kami ng hospital at sa bahay ko dineretso si Kyle, pero kasama ko pa rin si Carla, sumama rin si Greg at Bea.Hindi ko na pinakinggan pa kung ano ang sasabihin ni Carla. Mas uunahin ko muna ang kapakanan ng aking anak.“Mommy, who’s house is this?” tanong ni Kyle kay Carla.Lumuhod ako sa harapan ni Kyle. “This is our house baby,” sagot ko.Sina Greg at Bea ay busy sa paghahakot ng mga gamit. Hindi naman karamihan ang dinalang gamit ni Carla para kay Kyle. Siguro ay iniisip pa rin nito na ibabalik ko pa ang anak niya.“Really? Does this mean that Mommy and I will live here?”“We will talk about that later. Pasok muna tayo sa loob,” ani ko.Nang papasok na kami sa loob, nakasalubong namin sina Greg.“Kuya, alis na kami, biglang tumawag si mama at may inuutos sa amin,” wika nito.“Ah ganoon ba, sige maraming salamat sa pagtulong,” sagot ko.“Wala po iyon kuya, masaya po kami na makatulong lalo na sa gwapong batang ito,” sambit ni Bea at hinaplos pa niya ang buhok
Carla’s POVNarito ako ngayon sa harapan ng malaking building kung saan naroroon ang kumpanya nila Gino. Pa-urong sulong pa ako sa pagpasok, dahil hindi ko talaga alam kung kakayanin ko bang sabihin kay Gino ang ganitong bagay. Hindi ko kasi akalain na sa ganitong paraan pa niya malalaman na may anak kaming dalawa. Nang mapag-isipan ko na hindi na lang ako tutuloy, dahil baka isipan niya ay gumagawa lang ako ng gulo. Pabalik na sana ako sa aking sasakyan ng biglang may tumawag sa pangalan ko.“Ate Carla.”Hindi na sana ako lilingon dahil alam kong si Greg ang tumawag sa akin. Ngunit hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya.“Oh Greg ikaw pala ‘yan,” maang-maangan kong wika.“Ano ang ginagawa mo rito ate? May kailangan ka ba kay kuya?” tanong nito.“A-ahm a-ano kasi, oo sana. Gusto ko sana siyang makausap,” sagot ko.Nandito na rin naman ako, lalakasan ko na ang loob ko para makausap si Gino.“Let’s go inside. Hindi naman siguro busy si kuya today,” ani Greg.Sumunod ako kay Greg sa
Greg’s POVNarito akong muli sa hospital kung saan naka-confine ang anak ni ate Carla. “Ano na naman ang ginagawa mo rito?” salubong sa akin ni doc Perez- ang doctor ng anak ni ate Carla.Binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti. “Hindi na ba ako p’wedeng bumisita sa iyo?” wika ko habang naglalakad papalapit sa lamesa niya.“Alam ko na ang mga ngiting ganyan Greg, hindi mo na ako madadaan sa paganyan-ganyan mo,” masungit na sagot nito.“Ang sungit mo naman. Hindi ka na naman ba naka-score sa syota mo,” biro ko.Bigla na lang may lumipad na ballpen sa harapan ko. At kitang-kita ko sa mukha ng kaibigan ko ang galit na kaniyang nararamdaman.“Hoy Mr. Perez nagbibiro lang ako,” ani ko. “Para namang hindi ka pa sanay sa akin.”“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” masungit pa rin nitong wika. “Kung manggugulo ka lang ulit, pwede ba ‘wag ngayon Greg, marami akong ginagawa.”Nagmasid-masid ako sa office nitong kaibigan ko. “May extra ka bang uniform dito?” tanong ko.“Extrang uniform? At
Carla’s POVNaglalakad ako sa hallway ng hospital para sana hanapin ang office ng doctor na tumingin sa anak ko. Abala ako sa pagbabasa ng mga pangalan ng mga doctor sa bawat pinto na nadadaanan ko, at nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto habang binabasa ko ang nakasulat na pangalan sa pintuan ang niluwa nito si Greg. Napakunot ang noo ko at nagtataka dahil ano naman ang gagawin ni Greg dito sa hospital eh may special event sila ngayon.“Greg? What are you doing here?” tanong ko.Hindi ako matignan ni Greg ng harapan, pinabaling-baling nito ang kaniyang mukha na parang iniwas nito sa akin.“Oh hi ate Carla, ikaw pala iyan. What are you doing here?” pabalik nitong tanong.May hinahanap lang ako. Ikaw anong ginagawa mo rito?”“Ah may binisita lang ako na kaibigan. Sige ate mauna na ako ha,” sagot nito at mabilis na akong tinalikuran.Sinundan ko ng tingin si Greg habang naglalakad ito palabas ng hospital. Nagtataka man ay binalewala ko muna ito, mas mahalaga sa akin ngayon ang kalag
Gino’s POVOur gathering is winding down, it's already midnight, and only a few people, including my family, are still here. I just sat by myself and drank wine in a corner. If I could have found Greg, he would have been with me.“Kuya, excuse me, itatanong ko lang sana kung nakita mo ba si Greg,” tanong ni Bea.I frowned. "I haven't even seen him yet. I thought he was with you," I replied.Bea stated with a look on her face that she was about to cry, "I've been looking for him for a while I'm worried."I got out of my chair and gave him a shoulder pat. I responded, "Don't worry, I'll tell the bodyguards to look for him.” Kung saan-saan naman kasi nagpupu-punta ang lalaking iyon,” bulong ko pa.“Hi people, sino ang ipapahanap ninyo sa mga bodyguard?” biglang sulpot ni Greg sa harapan namin.Nilapitan naman ito ni Bea at pinagkukurot. “Ikaw kung saan-saan ka naglalagi, alam mo bang kanina pa kita hinahanap,” sambit ni Bea.“Nako na-miss mo naman ako kaagad,” nakangisi naman sagot ni Gr
Carla’s POVNakatayo ako ngayon malapit sa stage at tahimik na pinapanuod si Gino sa kaniyang speech. Napakatikas niyang tingnan habang nakatayo sa harapan ng maraming tao, hindi ko lubos akalain na malayo ang mararating ng masungit na lalaki na ito. Muntikan ko ng maibuga ang wine na iniinom ko ng bigla niyang banggitin ang tungkol sa mga damit nila na gawa ko. Sinabi ko kasi sa kaniya kanina sa sasakyan na ‘wag na niyang babanggitin ‘yon dahil baka isipin pa ng mga kakilala niya na kumakapit ako sa mga mayayaman para sumikat.Nang pagkatapos nitong magsalita, pinuntahan niya kaagad ang pwesto ko at nagkaroon naman ako ng pagkakataon para sitahin siya. “Bakit mo pa binanngit iyon?” tanong ko kay Gino nang hindi nakatingin sa kaniya.“Binanggit ko iyon dahil iyon ang usapan natin hindi ba? Tinupad ko lang ang ipinangako ko,” tugon nito.Napanguso na lang ako sa sinabi ni Gino at bumalik na ako sa aking upuan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang bumabalik ang nararamdaman ko kay
Gino’s POVToday is the day of our founding anniversary. At narito na naman ako naghihintay kay Carla sa entrance kung saan ang kanilang subdivision. Last minute na nang matanggap ko ang kaniyang text message na pumapayag na siyang maging date ko ngayong araw, kaya naman mukhang mapupunit na aking pisngi kakangiti. Hindi ko alam pero sobrang saya ko ngayon, kahit na alam kong pumayag lang siya dahil gusto niyang ma-promote ang kaniyang mga ginawang damit para sa amin. Pero kahit na ganoon, masaya pa rin ako. Matiyaga akong naghihintay kay Carla sa labas ng sasakyan, siguro ay mga nasa kalahating oras na akong nakatayo rito.Napansin siguro ng guard na kanina pa ako naghihintay dito, lumapit ito sa akin at nagtanong. “Sir, mawalang-galang na po pero kanina ka po namin pinagmamasdan d’yan, may hinihintay po ba kayo?” tanong nito.“Ah oo manong, may hinihintay ako,” nakangiti kong sagot. “Pasensya na, bawal po bang mag-park dito?”“Hindi naman po sir. Dito po ba kayo pinaghihintay ng hi