Carla’s POV
This is it. This is the time na babalik ako sa Pilipinas. For how many years na pamimilit sa akin, ngayon lang nila ako napapayag na umuwi sa Pinas, at kasama ko pa ang anak kong si Kyle.
Nasa France airport na kami ngayon at naghihintay na lang oras para sa boarding namin. Napaaga ang biyahe namin ni Kyle, dapat sana ay sa susunod na linggo pa ang alis namin, ngunit na-resched ito. Mas maganda na rin siguro ito, para ma-surprise ang mga pamilya ko, hindi ko kasi pinaalam sa kanila na ngayon na ang pagbabalik ko sa bansa.
Nang makapasok na kami sa eroplano, pinatulog ko muna si Kyle dahil mahaba-haba ang oras na lalakbayin namin, siguro ay aabot ng 15 hours dahil one layover lang ito.
“Kyle, you should get some rest first because the trip is still long,” wika ko.
“But I want to play first,” nakanguso nitong tugon.
Napaka-cute talaga nito kapag nakanguso.
Pinisil ko ang pisngi nito at nginitian. “Okay you can play now, but promise me after that you will sleep, okay?”
Tumango-tango lang ito nag-focus na siya sa paglalaro sa kaniyang tablet. Napahinga ako nang malalim at napasandal sa upuan. Ilang oras na lang ay masisilayan ko nang muli ang bansa o ang lugar na ayoko na sanang balikan. Natulog na lang ako sa buong biyahe namin, dahil ayoko na rin ng marami pang iniisip.
Nagising lang ako nang marinig ko na ang announcement ng pilot, “Flight attendants, prepare for take-off please.”
At sa isang iglap lang narito na kami sa Pilipinas. Ginising ko na rin si Kyle dahil nag-touchdown na ang eroplano.
“Kyle, wake up we are already here,” wika ko sabay tapik nang bahagya sa kaniyang mukha.
Nagising naman ito kaagad, nag-unat-unat pa ito. Minsan talaga ay na-a-amaze ako sa mga bagay na ginagawa ni Kyle kahit hindi naman na bago sa paningin ko ang mga ito.
Nang makuha na namin ni Kyle lahat ng mga gamit namin, nag-abang na ako ng taxi sa labas ng airport, ilang minuto lang ang hinintay namin at nakasakay na rin kami. Sinabi ko lang and address namin sa driver, mabuti na lang at alam niya ‘yon, hindi na ako mapapagod na magtuturo kung saan ang daan.
Saktong alas-nueve ng gabi nang makarating kami sa bahay, tinulungan lang ng kami ng taxi driver na ibaba ang mga gamit namin at umalis na rin siya. Nag-doorbell na ako sa gate namin, alam kong maagang natutulog ang mga tao rito sa bahay, pero sana ay mapagbuksan nila kami. Nakailang pindot pa ako sa doorbell bago bumukas ang gate, at si manang Remy ang nagbukas nito, bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang makita niya kami.
“Carla?! Ikaw ba ‘yan?” tanong nito habang nanlalaki pa ang mga mata.
Ngumiti ako rito at niyakap siya. “Oo manang, ako ito si Carla.”
Nagtatatalon ito sa tuwa nang makompirma niyang ako nga si Carla.
“Hala pasok kayo, sigurado akong matutuwa si mam at sir.”
Si manang Remy na ang naghila sa mga maleta namin, si Kyle naman ay mahigpit na nakahawak sa aking kamay. This was the first time he had visited here.
“Mam, sir nandito na po si mam Carla, mam, sir.”
Ito ang mga katagang paulit-ulit na sinasabi ni manang nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Marami na ang nagbago rito. Hindi siya tulad ng dati na puro painting lang ang mga naka-display, mayroon na itong mga indoor plants, at mga iilan na portrait naming pamilya, mas maaliwalas siyang tingnan ngayon kaysa noon.
“This house is very beautiful, it’s refreshing in the eyes,” biglang sabi ni Kyle.
Pati ang anak ko ay namangha sa bahay.
“Carla maupo muna kayo r’yan, aakyat lang ako sa taas para gisingin sina sir,” ani manang.
Tumango na lang ako rito at ngumiti. Umupo ako sa may sofa habang hinihintay ang pagbaba nila dad. Si Kyle naman ay nilibot na ang buong sala ng bahay, hindi ko alam kung ang mga tinitingnan niya.
Napatayo ako nang makita ko sina dad na pababa ng hagdan, nag-uumapaw ang saya sa aking puso nang mayakap ko siya. Napapaluha pa ako dahil matagal din kaming hindi nagsama ni dad, hindi tulad ni mommy na once a year na bumibisita sa amin.
“Kyle come here, give grandpa and grandma a hug.”
Mabilis namang lumapit ang anak ko sa kanila at niyakap ang mga ito.
“Akala ko bang sa susunod na linggo pa ang flight ninyo?” nalilitong tanong ni mommy sa akin.
“Na-resched kasi ang flight namin mom, eh hindi ko naman na ma-cancel at saka surprise na rin sa inyo,” nakangiti kong tugon.
“Ikaw talagang bata ka, tara na at kumain muna kayo, for sure nagutom itong guwapo kong apo sa biyahe,” sambit ni mommy sabay karga kay Kyle.
Tahimik pa rin si dad hanggang ngayon, hindi siguro siya makapaniwala na narito na kami. Nagpunta na kami sa may kusina para makakain. Na-miss ko ang mga luto ni manang kaya naman pag-upo ko pa lang ay sumandok na ako. Si mommy naman ang nag-asikaso kay Kyle kaya naman makakakain ako nang maayos ngayon.
Madaling araw na noong napagpasyahan naming magpahinga. Naninibago pa kasi kami ni Kyle. Hinatid kami nila mommy sa dati kong kuwarto, wala itong pinagbago nandito pa rin ang mga gamit ko noong nag-aaral pa ako, pati ang mga pictures ko. Nawala lang ang mga pictures ni Gino na sinunog ko noon bago ako umalis ng bansa. Mas mabuti na rin siguro ‘yon para hindi na makita ni Kyle.
“Carla magpahinga na kayo,” wika ni dad.
“Sige po. Kayo rin po magpahinga na kayo, pasensya na po at naistorbo pa namin ang pagtulog ninyo kagabi,” nakangiti kong tugon.
“Wala ‘yon anak. Masaya naman kami dahil kayo ang dumating. ‘Wag mo ng iisipin ‘yon. Sige na matulog na kayo,” ani mommy.
Humiga na ako sa kama, at nang pagkalapat ng likod ko sa kama parang bumalik lahat sa aking alaala ang aking mga karanasan nang ako ay bata pa. Itong kuwarto na ito ang saksi sa lahat ng saya at sakit na naranasan ko kay Gino. Ito rin ang naging kasangga ko noon kapag ako ay umiiyak. Ang lahat na iyon ay mananatiling alaala na lang ng aking nakaraan. Dahil hindi na ako tulad na dati na parang tanga kakahabol sa kaniya.
Gino’s POVNatapos na naman ang buong araw ko sa pagtatrabaho. Paglabas ko sa aking opisina, nadatnan ko pa si Rose sa kaniyang cubicle.“Oh Rose, ano ang ginagawa mo r’yan? Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na oh,” wika ko.“Ay sir kayo pala iyan. Uuwi na rin po n’yan, may hinahanap lang po ako sandali sa internet,” sagot nito habang tutok pa rin ang kaniyang mga mata sa monitor.Hindi na ako nagsalita at nagpunta ako sa likuran ng upuan niya para makita kung ano ang tinitingnan niya. Napangiti ako ng mga makita ko ito, mga gown pala ang tinitingnan niya.“Para saan naman iyang tinitingnan mo?” tanong ko.“Para ito sa nalalapit na founding anniversary ng company sir. Hindi naman puwedeng hindi maganda ang isuot ko, minsan lang ito mangyari sa buhay ko,” tugon ni Rose.“Sige maghanap ka ng maganda at ako na ang magbabayad.”Bigla itong napaharap sa akin. “Talaga sir? Kahit na iyong mamahalin pa ang kunin ko?”“Kahit iyong mamahalin pa,” nakangiti kong sabi.“Nakakahiya man sir, pero ma
Carla’s POVPangatlong araw na namin ngayon ng anak ko rito sa Pilipinas, at mukhang nagugustuhan na ni Kyle dito. Noong una at pangalawang araw kasi namin dito ay palagi niyang tinatanong kung bakit mainit daw, hindi kasi siya sanay sa ganong klima ng panahon kaya naman malaking pag-a-adjust talaga ang ginawa niya. Mabuti nga ngayon ay hindi na niya ito mas’yadong napapansin. Lumabas na ako sa kuwarto at bumaba para tingnan kung na saan na ang anak ko, pagdating ko sa sala nakita ko si Kyle na nakakalong kay daddy at nanunuod sila ng favorite cartoon nito.“Hi mommy, how’s your sleep?” tanong ni Kyle ng makita niya ako sa hagdanan.Lumapit ako rito at hinalikan siya sa noo. "Hello, baby. My sleep was great. I rest comfortably,” nakangiti kong tugon.“Anak mag-meryenda ka na sa kusina, may niluto si manang na carbonara kanina, ipainit mo na lang sa kaniya,” wika naman ni dad.“Sige po dad,” tugon ko. Kyle, have you eaten yet?” tanong ko naman sa anak ko.“Yes mommy, lolo and I ate t
Greg’s POVNarito ako sa mall ngayon at naglilibot-libot lang. Isa kasi ang company namin (MGC) ang major stockholder dito. Gusto ko lang makita kung paano ang pamamalakad meron dito. Gusto ko kasi in the near future ito hawakan ko at pangarap ko rin ang magpalakad ng ganito. Habang naglalakad-lakad ako, napadaan ako sa isang fast food chain, dito na lang sana ako bibili ng makakain ngunit parang may nahagip ang mata ko na pamilyar. Nang una ay natakot pa akong lapitan ito dahil baka namamalik mata lang ako. Naglakas loob akong lapitan ito at kalabitin. At hindi nga ako nagkamali si ate Carla nga ang nakita ko.“Ate Carla, ikaw ba ‘yan?” tanong ko.Napakunot ang noo ko nang nakatulala lang siya sa akin at parang nakakita siya ng multo.“G-greg? Ikaw na ba ‘yan?” tanong nito ng nakabalik ito sa pagkagulat.“Sabi na eh ikaw ‘yan ate Carla. Ako na nga ito si Greg ang kapatid ni Gino. Kumusta ka na?”“Okay naman ako. Ikaw kumusta ka na? Ang laki na ng pinagbago mo,” nakangiti nitong wik
Carla’s POVIt’s been two days since nakita ko si Greg sa mall, at sana hindi na muling masundan pa ang pagkikitang iyon. Nasa kuwarto ako ngayon at busy sa pagde-design ng isang suit sa aking tablet. Ang sabi ko sa sarili ko nang palipad kami pauwi rito sa Pinas ay ipapahinga ko muna ang sarili, ko ngunit hindi ko talaga mapigilan ang mga kamay ko sa pagde-design kahit na paunti-unti lang. Habang busy ako sa pagguhit, biglang nag-ring ang cellphone ko, at nang tingnan ko ito unregistered number, sinagot ko pa rin dahil baka importante.“Hello?” sagot ko sa tawag.“Hello, ate Carla? Si Greg ito,” tugon ng nasa kabilang linya.“Oh Greg, napatawag ka?”“Itatanong ko lang sana ate kung may free time ka ba? Gusto ka raw kasing ma-meet ng asawa ko,” masiglang wika nito.“Ah, eh bakit raw?” Nagtataka kong tanong.“Remember when we met at the mall, sabi ko may paparating na event ang asawa ko, and gusto ko sana ikaw ang magde-design ng susuotin namin,” tugon nito.“Ah ganoon ba. Puwede ako
Gino’s POVNarito kami ngayon ng buong angkan ko sa mansion nila lolo dahil nagpahanda raw ito ng dinner para sa aming lahat. Siguro ay pag-uusapan din namin ang nalalapit na founding anniversary ng kompanya.Nakaupo na kaming lahat sa may long dining table sa mansion. Narito ang dalawang kapatid ni dad at mga pamilya nito, present din kaming pamilya ni dad.“Since narito naman na kayong lahat, puwede na nating pag-usapan ang nalalapit na pagdiriwang ng ating kompanya,” pambabasag ni lolo sa katahimikan.“May kailangan pa bang ayusin sa program dad?” tanong ni tito Albert, kapatid ni dad.“No, no. Nothing to worry about. Naayos na lahat ni Gino ang mga dapat gawin para sa araw na iyon,” tugon ni lolo. “Gusto ko lang ipaalala sa inyo na malapit na iyon at gusto ko sana na naroon kayong lahat,” dagdag pa nito.“Of course dad, a-attend kami sa founding anniversary ng company. Puwede ba naman na mawala kami sa napaka-importante araw na iyon,” saad ng isa ko pang tito.“Nako, nagda-drama
Carla’s POVNasa kalagitnaan ako ngayon ng pagde-design ng mga damit na napili nila Greg para sa kanilang event habang nakaupo sa aking tabi ang aking anak.“Mommy can I ask you a question?” tanong ng anak ko.“Yes baby, what is it?” tugon ko.“What if my dad returns one day and wants to take me away from you, mom? How will you react?Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa kaniya. Hindi ko akalin na sa murang edad niya ay maiisip niya ang ganoon. Lumuhod ako sa kaniyang harapan at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. “That will never happen, Kyle, my baby,” nakangiti kong wika.“But will you give me a chance if I ask to see my dad?” inosente nitong tanong ulit."Well, do you really want to see him?”Napatitig lang ito sa akin, at alam na alam ko na ang titig na iyon. Maybe he is longing for his dad. Ngunit paano ko naman sasabihin sa kaniya na hindi naman alam ng kaniyang ama na nagkaroon siya ng anak sa akin.“Maybe? Because you know Daniel, my playmate, his father al
Gino’s POVNasa office ako ngayon at busy sa trabaho nang biglang nag-ring ang aking cellphone, nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, si Greg. Ano na naman kaya ang gusto ng isang ‘to?“Hello?” walang gana kong sagot sa kaniyang tawag.“Kuya na saan ka?” tanong nito.“Nasa trabaho, bakit ba?!”“Kailangan mong pumunta sa mansion ngayon din,” wika nito.Sa tono ng kaniyang pananalita, parang may kalokohan na naman siyang binabalak.“Bakit nga? Busy ako sa trabaho Greg, kung kalokohan na naman iyan, tigil-tigilan mo ako,” irita kong sabi.“So mas uunahin mo iyang trabaho mo kaysa sa pagpapasukat ng damit para sa founding anniversary?” natatawa nitong wika.“Bakit kailangan na bang magpasukat ngayon? Hindi ba pwedeng sa susunod na araw na lang? Ang dami ko pang ginagawa,” tugon ko.“Narito na sa mansion ang magsusukat, sina dad papunta na rin. Ikaw na lang ang susukatan niya sa susunod na araw kung sakali mang hindi ka makakapunta ngayon,” paliwanang ni Greg. “Ah alam ko na, siguro gus
Carla’s POVIt hurts to learn the person you once loved is seeing someone else. I am aware that I have no right to feel pain like this, but I am powerless to stop it. Despite the fact that he didn't like me back then, Gino is my greatest love. Only with him did I experience all the feelings a young lady has for a young man. When he avoided me before, it hurt, but now when I see him face to face with another woman, it hurts even more.Naalala ko kanina nang malapit ko ng matapos sukatan ang lola nina Greg nang mapansin kong dumating na sina Gino, nang una ay hindi ko siya tinitignan dahil gusto kong mag-focus sa aking trabaho ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi ito tingnan dahil may kasama siyang babae. Maganda ito, maganda rin ang katawan pero mukhang mas matanda siya sa amin. Hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga pinag-uusapan nila kanina, ramdam ko na tanggap siya ng kaniyang pamilya dahil the way they talked to her parang pamilya na talaga ang tu
Carla’s POVMahigit isang linggo na ang nakakalipas magsimula ng tumira na kami ng anak ko sa pamamahay ni Gino. Sa loob ng isang linggo, marami na ang nangyari ngunit hindi pa rin nagsi-sink in sa aking utak ang mga ito. Nakalipat na ng school si Kyle, sa school ng kaniyang pinsan na sina Karl at Karel. Alam na rin nina Greg na dito na kami tumutuloy ng anak ko. At mamayang gabi ay pupunta kami sa bahay ng mga magulang ko para sabihin sa kanila ang mga nangyayari. Ilang araw na rin kasi ang pag-aalala nila sa amin. Napag-usapan namin ni Gino na mauuna ko munang sabihin sa magulang ko ang namamagitan sa amin bago kami pumunta sa angkan niya. Nagulat ako ng biglang may yumakap sa aking likuran. “What are you doing?” bulong ni Gino.“Just designing some dresses,” sagot ko.Nasa veranda ako ngayon at busy na nakaharap sa aking ipad ng biglang sumulpot itong si Gino. "I can't wait until later."Bakit naman?” tanong ko habang gumuguhit pa rin ako sa ipad.“Because I can face your parents
Gino’s POVNag-aya ang anak ko para manuod kami ng movie kaya naman kaagad ko itong pinagbigyan. Everything for my son. Nagpunta na kami sa entertainment room ni Kyle, si Carla naman ay nagpunta sa kusina para maghanda ng aming makakain habang nanonood. Parang ang sarap naman sa pakiramdaman ang ganitong pangyayari, nagba-bonding kami ng anak ko tapos naghahanda naman ng pagkain ang mommy niya. “Daddy can we watch this one?” tanong ng anak ko sabay lahad sa dvd na hawak niya.Napakunot ang noo ko dahil ito ang favorite movie magsimula bata ako. “Of course we can watch that.” Kinuha ko kay Kyle ang dvd at nilagay na sa dvd player. “You know what Kyle, this is my favorite movie,” wika ko.“Really Daddy? I also want this movie,” nakangiting sagot ni Kyle.Pasimula na ang movie ng saktong dumating si Carla, may dala-dala itong bowl ng popcorn at tatlong juice drinks.Napapatalon ang puso ko sa saya, ito ang pangarap ko noon pa man. Ang magkaroon ng isang masayang pamilya.“Mommy sits b
Gino’s POVNakalabas na kami ng hospital at sa bahay ko dineretso si Kyle, pero kasama ko pa rin si Carla, sumama rin si Greg at Bea.Hindi ko na pinakinggan pa kung ano ang sasabihin ni Carla. Mas uunahin ko muna ang kapakanan ng aking anak.“Mommy, who’s house is this?” tanong ni Kyle kay Carla.Lumuhod ako sa harapan ni Kyle. “This is our house baby,” sagot ko.Sina Greg at Bea ay busy sa paghahakot ng mga gamit. Hindi naman karamihan ang dinalang gamit ni Carla para kay Kyle. Siguro ay iniisip pa rin nito na ibabalik ko pa ang anak niya.“Really? Does this mean that Mommy and I will live here?”“We will talk about that later. Pasok muna tayo sa loob,” ani ko.Nang papasok na kami sa loob, nakasalubong namin sina Greg.“Kuya, alis na kami, biglang tumawag si mama at may inuutos sa amin,” wika nito.“Ah ganoon ba, sige maraming salamat sa pagtulong,” sagot ko.“Wala po iyon kuya, masaya po kami na makatulong lalo na sa gwapong batang ito,” sambit ni Bea at hinaplos pa niya ang buhok
Carla’s POVNarito ako ngayon sa harapan ng malaking building kung saan naroroon ang kumpanya nila Gino. Pa-urong sulong pa ako sa pagpasok, dahil hindi ko talaga alam kung kakayanin ko bang sabihin kay Gino ang ganitong bagay. Hindi ko kasi akalain na sa ganitong paraan pa niya malalaman na may anak kaming dalawa. Nang mapag-isipan ko na hindi na lang ako tutuloy, dahil baka isipan niya ay gumagawa lang ako ng gulo. Pabalik na sana ako sa aking sasakyan ng biglang may tumawag sa pangalan ko.“Ate Carla.”Hindi na sana ako lilingon dahil alam kong si Greg ang tumawag sa akin. Ngunit hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya.“Oh Greg ikaw pala ‘yan,” maang-maangan kong wika.“Ano ang ginagawa mo rito ate? May kailangan ka ba kay kuya?” tanong nito.“A-ahm a-ano kasi, oo sana. Gusto ko sana siyang makausap,” sagot ko.Nandito na rin naman ako, lalakasan ko na ang loob ko para makausap si Gino.“Let’s go inside. Hindi naman siguro busy si kuya today,” ani Greg.Sumunod ako kay Greg sa
Greg’s POVNarito akong muli sa hospital kung saan naka-confine ang anak ni ate Carla. “Ano na naman ang ginagawa mo rito?” salubong sa akin ni doc Perez- ang doctor ng anak ni ate Carla.Binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti. “Hindi na ba ako p’wedeng bumisita sa iyo?” wika ko habang naglalakad papalapit sa lamesa niya.“Alam ko na ang mga ngiting ganyan Greg, hindi mo na ako madadaan sa paganyan-ganyan mo,” masungit na sagot nito.“Ang sungit mo naman. Hindi ka na naman ba naka-score sa syota mo,” biro ko.Bigla na lang may lumipad na ballpen sa harapan ko. At kitang-kita ko sa mukha ng kaibigan ko ang galit na kaniyang nararamdaman.“Hoy Mr. Perez nagbibiro lang ako,” ani ko. “Para namang hindi ka pa sanay sa akin.”“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” masungit pa rin nitong wika. “Kung manggugulo ka lang ulit, pwede ba ‘wag ngayon Greg, marami akong ginagawa.”Nagmasid-masid ako sa office nitong kaibigan ko. “May extra ka bang uniform dito?” tanong ko.“Extrang uniform? At
Carla’s POVNaglalakad ako sa hallway ng hospital para sana hanapin ang office ng doctor na tumingin sa anak ko. Abala ako sa pagbabasa ng mga pangalan ng mga doctor sa bawat pinto na nadadaanan ko, at nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto habang binabasa ko ang nakasulat na pangalan sa pintuan ang niluwa nito si Greg. Napakunot ang noo ko at nagtataka dahil ano naman ang gagawin ni Greg dito sa hospital eh may special event sila ngayon.“Greg? What are you doing here?” tanong ko.Hindi ako matignan ni Greg ng harapan, pinabaling-baling nito ang kaniyang mukha na parang iniwas nito sa akin.“Oh hi ate Carla, ikaw pala iyan. What are you doing here?” pabalik nitong tanong.May hinahanap lang ako. Ikaw anong ginagawa mo rito?”“Ah may binisita lang ako na kaibigan. Sige ate mauna na ako ha,” sagot nito at mabilis na akong tinalikuran.Sinundan ko ng tingin si Greg habang naglalakad ito palabas ng hospital. Nagtataka man ay binalewala ko muna ito, mas mahalaga sa akin ngayon ang kalag
Gino’s POVOur gathering is winding down, it's already midnight, and only a few people, including my family, are still here. I just sat by myself and drank wine in a corner. If I could have found Greg, he would have been with me.“Kuya, excuse me, itatanong ko lang sana kung nakita mo ba si Greg,” tanong ni Bea.I frowned. "I haven't even seen him yet. I thought he was with you," I replied.Bea stated with a look on her face that she was about to cry, "I've been looking for him for a while I'm worried."I got out of my chair and gave him a shoulder pat. I responded, "Don't worry, I'll tell the bodyguards to look for him.” Kung saan-saan naman kasi nagpupu-punta ang lalaking iyon,” bulong ko pa.“Hi people, sino ang ipapahanap ninyo sa mga bodyguard?” biglang sulpot ni Greg sa harapan namin.Nilapitan naman ito ni Bea at pinagkukurot. “Ikaw kung saan-saan ka naglalagi, alam mo bang kanina pa kita hinahanap,” sambit ni Bea.“Nako na-miss mo naman ako kaagad,” nakangisi naman sagot ni Gr
Carla’s POVNakatayo ako ngayon malapit sa stage at tahimik na pinapanuod si Gino sa kaniyang speech. Napakatikas niyang tingnan habang nakatayo sa harapan ng maraming tao, hindi ko lubos akalain na malayo ang mararating ng masungit na lalaki na ito. Muntikan ko ng maibuga ang wine na iniinom ko ng bigla niyang banggitin ang tungkol sa mga damit nila na gawa ko. Sinabi ko kasi sa kaniya kanina sa sasakyan na ‘wag na niyang babanggitin ‘yon dahil baka isipin pa ng mga kakilala niya na kumakapit ako sa mga mayayaman para sumikat.Nang pagkatapos nitong magsalita, pinuntahan niya kaagad ang pwesto ko at nagkaroon naman ako ng pagkakataon para sitahin siya. “Bakit mo pa binanngit iyon?” tanong ko kay Gino nang hindi nakatingin sa kaniya.“Binanggit ko iyon dahil iyon ang usapan natin hindi ba? Tinupad ko lang ang ipinangako ko,” tugon nito.Napanguso na lang ako sa sinabi ni Gino at bumalik na ako sa aking upuan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang bumabalik ang nararamdaman ko kay
Gino’s POVToday is the day of our founding anniversary. At narito na naman ako naghihintay kay Carla sa entrance kung saan ang kanilang subdivision. Last minute na nang matanggap ko ang kaniyang text message na pumapayag na siyang maging date ko ngayong araw, kaya naman mukhang mapupunit na aking pisngi kakangiti. Hindi ko alam pero sobrang saya ko ngayon, kahit na alam kong pumayag lang siya dahil gusto niyang ma-promote ang kaniyang mga ginawang damit para sa amin. Pero kahit na ganoon, masaya pa rin ako. Matiyaga akong naghihintay kay Carla sa labas ng sasakyan, siguro ay mga nasa kalahating oras na akong nakatayo rito.Napansin siguro ng guard na kanina pa ako naghihintay dito, lumapit ito sa akin at nagtanong. “Sir, mawalang-galang na po pero kanina ka po namin pinagmamasdan d’yan, may hinihintay po ba kayo?” tanong nito.“Ah oo manong, may hinihintay ako,” nakangiti kong sagot. “Pasensya na, bawal po bang mag-park dito?”“Hindi naman po sir. Dito po ba kayo pinaghihintay ng hi