Carla’s POV
Pangatlong araw na namin ngayon ng anak ko rito sa Pilipinas, at mukhang nagugustuhan na ni Kyle dito. Noong una at pangalawang araw kasi namin dito ay palagi niyang tinatanong kung bakit mainit daw, hindi kasi siya sanay sa ganong klima ng panahon kaya naman malaking pag-a-adjust talaga ang ginawa niya. Mabuti nga ngayon ay hindi na niya ito mas’yadong napapansin.
Lumabas na ako sa kuwarto at bumaba para tingnan kung na saan na ang anak ko, pagdating ko sa sala nakita ko si Kyle na nakakalong kay daddy at nanunuod sila ng favorite cartoon nito.
“Hi mommy, how’s your sleep?” tanong ni Kyle ng makita niya ako sa hagdanan.
Lumapit ako rito at hinalikan siya sa noo. "Hello, baby. My sleep was great. I rest comfortably,” nakangiti kong tugon.
“Anak mag-meryenda ka na sa kusina, may niluto si manang na carbonara kanina, ipainit mo na lang sa kaniya,” wika naman ni dad.
“Sige po dad,” tugon ko. Kyle, have you eaten yet?” tanong ko naman sa anak ko.
“Yes mommy, lolo and I ate together,” he answered with a smile.
“Okay. After I finish eating, we'll go to the mall.”
"All right, mommy, I'll wait here for you."
Nagtungo na ako sa kusina para makakain na, nagugutom na rin kasi ako.
“Oh nand’yan ka na pala Carla, ipaghahanda na ba kita ng makakain?” tanong sa akin ni manang.
“Hi manang, nabanggit po sa akin ni dad na may carbonara, kahit iyon na lang po ang ihanda ninyo,” nakangiti kong tugon.
“Sige, sandali lang at iinitin ko lang.”
Umupo na ako sa bar stool at ininom ang juice na inihanda ni manang habang naghihintay sa carbonara. Hindi pa rin nagbabago si manang hanggang ngayon, maalaga pa rin siya at maasikaso sa amin. Siya lang ang may alam sa mga ginagawa kong kalokohan noon, dahil siya ang tumutulong sa akin sa pagluluto ng pagkain na ibinibigay ko kay Gino. Feeling ko nga ay alam niya kung sino ang ama ng anak ko, dahil sa kaniya lang ako ang nagkukuwento ng mga nangyayari sa akin sa school.
Inilapag na ni manang ang isang plato ng carbonara sa harapan ko. “Carla ito na ang carbonara mo, sana ay magustuhan mo,” nakangiti nitong wika.
“For sure manang magugustuhan ko ito, ang sarap kaya ng luto mo, at na-miss ko ito. Noong nasa France kasi ako, puro itlog lang ang inuulam ko,” natatawa kong tugon.
Umupo ito sa harapan ko at pinagmamasdan ako habang kumakain. Sanay na ako sa ganitong gawain ni manang, dahil siya na ang kasama ko hanggang sa magdalaga ako.
“Carla anak, magkuwento ka naman kung paano ang naging buhay mo sa France,” ani manang.
Pinunasan ko ang gilid ng labi ko bago ako humarap sa kaniya. “Okay naman ang naging buhay ko roon manang. Nakapagtrabaho ako sa isang magandang company bilang fashion designer at saka mas lalo pang gumanda ang pamumuhay ko dahil dumating si Kyle sa buhay ko,” nakangiti kong sagot.
“Maganda naman kung ganoon, at least kahit mag-isa mo lang doon ay hindi ka nahirapan sa pagpapalaki sa anak mo. Alam kong mabuting bata si Kyle tulad mo.”
“Oo naman po manang, itinuro ko sa kaniya lahat ng magagandang asal na itinuro mo sa akin.”
Napangiti naman si manang sa sinabi ko, at mahahalata ko sa mga mata niya ang tunay sa saya.
“Ito anak seryosong usapan, matagal ko na sana itong gustong itanong sa iyo eh, ang tagal kong pinag-isipan ito kung itutuloy ko pa ba ang pagtatanong,” wika ni manang na parang nahihiya pa.
“Ano po iyon manang? Handa ko naman pong sagutin ang mga katanungan mo sa akin” tugon ko.
Lumapit siya ng kaunti sa akin at bumulong. “Totoo ba ang hinala ko anak, na si Gino ang ama ni Kyle?”
Feeling ko ay nag-tayuan lahat ng buhok na meron ako sa katawan dahil sa sinabi ni manang. Kahit sino kasi sa pamilya ko ay wala pang nakaka-alam kung sino ang ama ng anak ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin ito sinasabi sa mga magulang ko.
“Manang paano po ninyo nalaman ang bagay na iyan?”
“Tama nga ang hinala ko Carla? Nako ikaw talagang bata ka, bakit ang tagal mong itinago ang bagay na iyan?”
“Natatakot po kasi ako manang, ‘di po ba nakuwento ko sa inyo noon na ayaw na ayaw sa akin ni Gino,” nakayuko kong wika.
“Alam mo Carla hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan. Malay mo kung sinabi mo noon na nagka-anak kayo, baka may masaya na kayong pamilya ngayon.”
“Hindi rin po siguro manang, kasi kahit anong lapit at habol ko sa kaniya noon ay hindi niya talaga ako pinapansin. Nabansagan pa nga akong ‘desperate girl in campus’ kakahabol sa kaniya,” malungkot kong sambit.
Hinaplos-haplos ni manang ang balikat ko, para siguro i-comfort ako. “Ganiyan lang siguro talaga kapag umiibig anak, hindi naman maaalis ang mga bagay na ‘yan. Pero wala naman akong magagawa kung ayaw mo talagang sabihin kung sino ang ama ni Kyle. Ngunit kailangan mong maghanda kapag dumating ang panahon na magtatanong na siya sa iyo tungkol sa kaniyang ama.”
Napatitig ako kay manang dahil sa sinabi niya. “Handa naman po ako manang kung sakali mang magtanong ang anak ko tungkol sa tatay niya. Ang hindi ko lang po alam kung si Gino ba ay handa kapag nalaman niya na may anak na siya.”
“Mommy, mommy,” rinig kong tawag ni Kyle sa akin habang papasok siya sa kusina. “You haven’t finished eating yet?” tanong nito.
Bumaba ako sa upuan at hinarap ito. “I'm almost done baby, why?” tanong ko pabalik.
“You said earlier that we will go to the mall,” ani Kyle.
Pareho kaming napangiti sa sinabi ni Kyle. Excited na rin siguro itong lumbas dahil ilang araw na rin kaming nakakulong dito sa bahay.
“Okay, let’s go upstairs and get dressed, so we can leave already,” tugon ko.
Nagpaalam lang ako kay manang habang nililigpit niya ang pinagkainan ko at nagtungo na rin kami ni Kyle sa kuwarto para makapag-bihis. Simpleng fitted jeans at blouse lang ang suot ko, si Kyle naman ay broad shorts at ang favorite shirt niyang star wars.
Bago kami bumaba, pumunta muna kami ng anak ko sa kuwarto nina mommy para magpaalam. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.
“Oh Carla, bakit kayo naparito?” takang tanong ni mommy.
“Ah mommy, magpapaalam lang po kami ni Kyle, pupunta lang po kami sandali sa mall para ipasyal siya,” tugon ko.
“Ganoon ba, paano niyan wala ang driver natin isinaman ng daddy mo sa kaniyang meeting. Sino ang maghahatid sa inyo?”
“Ako na lang po ang magda-drive mommy,” nakangiti kong wika.
“Sigurado ka anak? Baka naman gusto ninyong hintayin na lang muna ang daddy mo bago kayo umalis,” nag-aalala nitong wika.
“Hindi na po mommy, ako na lang po ang magda-drive. Don’t worry mag-iingat po ako.”
“Oh sige, kunin mo na lang ang susi ng isang sasakyan doon sa baba. Mag-iingat kayo ha.”
“Yes po mommy. Bye.”
“Ba-bye lola,” nakangiting wika naman ni Kyle.
Humalik lang kami sa pisngi ni mommy at bumaba na rin. Patalon-talon pa si Kyle habang naglalakad kami papunta sa sasakya. Bakas sa mukha nito ang excitement.
Ilang minuto lang at nakarating na kami sa mall. Pareho kaming na-amaze ni Kyle nang makapasok na kami sa loob. First time namin pareho na makapunta sa ganito kalaking mall, magkahawak pa kami ng kamay habang nililibot ang aming paningin sa kabuuan nito.
“I believe this is the only big mall I have ever seen in my entire life, mommy,” amaze na wika ni Kyle.
"I agree, baby. Let's go? Let's look around this sizable mall.”
Naglakad-lakad na kami ni Kyle at ang una naming pinasukan ay ang department store. Kaagad na pinuntahan ng anak ko ang shelves ng mga laruan na star wars characters.
"Can we buy this one, mommy?” tanong nito habang hawak ang stormtrooper.
“Of course, we can buy that baby and put it in our basket,” tugon ko.
Nang nagsawa na siya sa mga laruan, nagpunta naman kami sa kids section para makapamili ng mga damit niya. Kaunti lang kasi ang dinala ko nang umuwi kami rito sa pinas para hindi mabigat sa biyahe. As usual puro star wars na naman ang mga pinili niya. Nagpabili pa ito ng hotdog pillow na star wars din kasi wala kaming mahanap na bean bag bed, kaya unan na lang ang kinuha namin.
Nang tapos na kaming namili, dinala ko siya sa favorite fast food chain ko nang bata pa ako, ipapatikim ko sa kaniya ang masarap na spaghetti nila rito.
Nang makapasok na kami sa fast food chain naghanap kami ng bakanteng upuan, at nang makakita na kami kaagad na kaming umupo rito.
“Kyle, just wait here till I return; I'll just order food at the counter, all right?” wika ko.
“Okay mommy,” tugon nito habang i-na-unbox na ang kaniyang laruan.
Naglakad na ako papunta sa counter, mabuti na lang at malapit lang ang puwesto namin at nasisilayan ko si Kyle habang nakapila pa ako.
Bago pa ako maka-order may isang lalaki ang lumapit sa akin at bigla akong namutla ng makita ko ang mukha niya. Para akong malulusaw sa panlalambot habang pinagmamasdan niya ako.
“Ate Carla ikaw ba ‘yan?” bigla nitong tanong.
Nakatitig lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya.
Bigla niya akong hinawakan sa balikat na siyang nagpabalik sa aking ulirat.
“Hey, ate okay ka lang ba? Bakit parang nakakita ka ng multo?” muli nitong tanong.
“A-ah, nabigla lang ako,” wika ko na may halong hilaw na ngiti. “Ikaw na ba ‘yan Greg?”
“Oo ate, lalo ba akong gumwapo?”
“Ang laki na ng pinagbago mo ha. Kumusta ka na?” tanong ko.
“Okay lang naman ako ate. Ikaw kumusta ka na? Kailan po kayo nakauwi? Sino po ang kasama niyo ngayon dito?” sunod-sunod nitong tanong.
“Okay naman ako. Nang isang araw lang ako nakabalik sa bansa,” nakangiti kong tugon.
Hindi ko na sinabi sa kaniya kung sino ang kasama ko dahil ayoko munang ipakita si Kyle kahit na kanino man na malapit kay Gino.
“Ate puwede ko bang makuha ang contact number mo? Balita ko kasi isa ka ng sikat na fashion designer eh. May papalapit kasi na event ang asawa ko, gusto ko na ikaw ang mag-design sa susuotin namin,” ani Greg.
“Oh sure,no problem.”
Inabot nito sa akin ang cellphone at tinipa ko naman ang number ko roon.
"I will introduce you to my wife when she is free," saad pa nito.
“Okay sige. Hindi ko alam na may asawa ka na pala, napaaga yata?” biro ko sa kaniya.
Napakamot pa ito sa kaniyang sintido at napangisi. “Maaga lang humarot,” natatawa pa niyang sabi.
Nang turn ko na sa counter, nagpa-alam na ako rito para maka-order na rin ako. “Sige tawagan mo na lang ako, kapag may free time na siya para ma-meet ko na rin siya,” nakangiti ko rin wika.
Nag-wave lang ito at umalis na rin. Take-out na lang ang inorder ko para makauwi na kami ni Kyle.
Inaya ko ng umuwi ang anak ko ng dumating na ang order namin. Sinabi ko na lang sa kaniya na med’yo masakit ang ulo kaya sa bahay na lang kami kakain. Dahil baka kung sino pa ang makita namin dito.
Ang daming puwedeng makita o makasalubong sa mall, bakit ang kapatid pa ni Gino?
Greg’s POVNarito ako sa mall ngayon at naglilibot-libot lang. Isa kasi ang company namin (MGC) ang major stockholder dito. Gusto ko lang makita kung paano ang pamamalakad meron dito. Gusto ko kasi in the near future ito hawakan ko at pangarap ko rin ang magpalakad ng ganito. Habang naglalakad-lakad ako, napadaan ako sa isang fast food chain, dito na lang sana ako bibili ng makakain ngunit parang may nahagip ang mata ko na pamilyar. Nang una ay natakot pa akong lapitan ito dahil baka namamalik mata lang ako. Naglakas loob akong lapitan ito at kalabitin. At hindi nga ako nagkamali si ate Carla nga ang nakita ko.“Ate Carla, ikaw ba ‘yan?” tanong ko.Napakunot ang noo ko nang nakatulala lang siya sa akin at parang nakakita siya ng multo.“G-greg? Ikaw na ba ‘yan?” tanong nito ng nakabalik ito sa pagkagulat.“Sabi na eh ikaw ‘yan ate Carla. Ako na nga ito si Greg ang kapatid ni Gino. Kumusta ka na?”“Okay naman ako. Ikaw kumusta ka na? Ang laki na ng pinagbago mo,” nakangiti nitong wik
Carla’s POVIt’s been two days since nakita ko si Greg sa mall, at sana hindi na muling masundan pa ang pagkikitang iyon. Nasa kuwarto ako ngayon at busy sa pagde-design ng isang suit sa aking tablet. Ang sabi ko sa sarili ko nang palipad kami pauwi rito sa Pinas ay ipapahinga ko muna ang sarili, ko ngunit hindi ko talaga mapigilan ang mga kamay ko sa pagde-design kahit na paunti-unti lang. Habang busy ako sa pagguhit, biglang nag-ring ang cellphone ko, at nang tingnan ko ito unregistered number, sinagot ko pa rin dahil baka importante.“Hello?” sagot ko sa tawag.“Hello, ate Carla? Si Greg ito,” tugon ng nasa kabilang linya.“Oh Greg, napatawag ka?”“Itatanong ko lang sana ate kung may free time ka ba? Gusto ka raw kasing ma-meet ng asawa ko,” masiglang wika nito.“Ah, eh bakit raw?” Nagtataka kong tanong.“Remember when we met at the mall, sabi ko may paparating na event ang asawa ko, and gusto ko sana ikaw ang magde-design ng susuotin namin,” tugon nito.“Ah ganoon ba. Puwede ako
Gino’s POVNarito kami ngayon ng buong angkan ko sa mansion nila lolo dahil nagpahanda raw ito ng dinner para sa aming lahat. Siguro ay pag-uusapan din namin ang nalalapit na founding anniversary ng kompanya.Nakaupo na kaming lahat sa may long dining table sa mansion. Narito ang dalawang kapatid ni dad at mga pamilya nito, present din kaming pamilya ni dad.“Since narito naman na kayong lahat, puwede na nating pag-usapan ang nalalapit na pagdiriwang ng ating kompanya,” pambabasag ni lolo sa katahimikan.“May kailangan pa bang ayusin sa program dad?” tanong ni tito Albert, kapatid ni dad.“No, no. Nothing to worry about. Naayos na lahat ni Gino ang mga dapat gawin para sa araw na iyon,” tugon ni lolo. “Gusto ko lang ipaalala sa inyo na malapit na iyon at gusto ko sana na naroon kayong lahat,” dagdag pa nito.“Of course dad, a-attend kami sa founding anniversary ng company. Puwede ba naman na mawala kami sa napaka-importante araw na iyon,” saad ng isa ko pang tito.“Nako, nagda-drama
Carla’s POVNasa kalagitnaan ako ngayon ng pagde-design ng mga damit na napili nila Greg para sa kanilang event habang nakaupo sa aking tabi ang aking anak.“Mommy can I ask you a question?” tanong ng anak ko.“Yes baby, what is it?” tugon ko.“What if my dad returns one day and wants to take me away from you, mom? How will you react?Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa kaniya. Hindi ko akalin na sa murang edad niya ay maiisip niya ang ganoon. Lumuhod ako sa kaniyang harapan at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. “That will never happen, Kyle, my baby,” nakangiti kong wika.“But will you give me a chance if I ask to see my dad?” inosente nitong tanong ulit."Well, do you really want to see him?”Napatitig lang ito sa akin, at alam na alam ko na ang titig na iyon. Maybe he is longing for his dad. Ngunit paano ko naman sasabihin sa kaniya na hindi naman alam ng kaniyang ama na nagkaroon siya ng anak sa akin.“Maybe? Because you know Daniel, my playmate, his father al
Gino’s POVNasa office ako ngayon at busy sa trabaho nang biglang nag-ring ang aking cellphone, nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, si Greg. Ano na naman kaya ang gusto ng isang ‘to?“Hello?” walang gana kong sagot sa kaniyang tawag.“Kuya na saan ka?” tanong nito.“Nasa trabaho, bakit ba?!”“Kailangan mong pumunta sa mansion ngayon din,” wika nito.Sa tono ng kaniyang pananalita, parang may kalokohan na naman siyang binabalak.“Bakit nga? Busy ako sa trabaho Greg, kung kalokohan na naman iyan, tigil-tigilan mo ako,” irita kong sabi.“So mas uunahin mo iyang trabaho mo kaysa sa pagpapasukat ng damit para sa founding anniversary?” natatawa nitong wika.“Bakit kailangan na bang magpasukat ngayon? Hindi ba pwedeng sa susunod na araw na lang? Ang dami ko pang ginagawa,” tugon ko.“Narito na sa mansion ang magsusukat, sina dad papunta na rin. Ikaw na lang ang susukatan niya sa susunod na araw kung sakali mang hindi ka makakapunta ngayon,” paliwanang ni Greg. “Ah alam ko na, siguro gus
Carla’s POVIt hurts to learn the person you once loved is seeing someone else. I am aware that I have no right to feel pain like this, but I am powerless to stop it. Despite the fact that he didn't like me back then, Gino is my greatest love. Only with him did I experience all the feelings a young lady has for a young man. When he avoided me before, it hurt, but now when I see him face to face with another woman, it hurts even more.Naalala ko kanina nang malapit ko ng matapos sukatan ang lola nina Greg nang mapansin kong dumating na sina Gino, nang una ay hindi ko siya tinitignan dahil gusto kong mag-focus sa aking trabaho ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi ito tingnan dahil may kasama siyang babae. Maganda ito, maganda rin ang katawan pero mukhang mas matanda siya sa amin. Hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga pinag-uusapan nila kanina, ramdam ko na tanggap siya ng kaniyang pamilya dahil the way they talked to her parang pamilya na talaga ang tu
Gino’s POVIt's been a week since I last met Carla. I just distracted myself with work first, I don't want to insert my love life into my work life. Can it really be called love if I don't really know how to fall in love? All I know is that when I saw and talked to Carla again, my heart beat differently, it seemed to speed up when the two of us were close, and it was true that I felt like there were butterflies in my stomach.Nasa gitna ako ng aking pagmumuni-muni ng biglang may kumatok sa pinto ng aking opisina.“Please, come in,” wika ko.“Good morning sir Gino,” bati ni Rose habang naglalakad papalapit sa aking lamesa. “Kumusta ang araw mo?” tanong pa nito.“Maayos naman,” sagot ko. “Ano ang sadya mo?”“Ibibigay ko lang itong mga pinagawa mong report, at saka ipapaalala ko lang na may meeting ka mamayang 10am kay Mr. Velasquez,” tugon nito.“Salamat at pinaalala mo, muntikan ko ng makalimutan.”“Gino, may sasabihin ako ha pero ‘wag kang magagalit,” wika ni Rose.Napaayos ako ng upo
Gino’s POVToday Carla will showcase the outfits she designed for us. And we are all gathered again here in the mansion. Si Greg ang sumundo sa kaniya gamit ang sasakyan nila lolo, wala pa raw kasi itong studio kaya naman dito na lang sa mansion gaganapin ang pagsusukat. Gusto ko nga sanang sumama sa pagsundo kay Carla ngunit baka kung ano naman ang isipin ng pamilya ko lalo na si Greg. Habang hinihintay ang pagdating nila, nagpunta muna ako sa garden ni lola at pinagmasdan lang ang mga bulaklak na namumukadkad.“Ang lalim naman yata ng inisip ng apo ko,” rinig kong wika ni lola galing sa likuran ko.Napaayos ako ng upo. “Ikaw pala lola, ano po ang ginagawa ni’yo rito?” tanong ko.She sat across from me and gave me direct eye contact. She said, "This is also my house, Gino, so I can go to any corner of it.Napakamot na lang ako ng ulo sa sinagot ni lola. “Ikaw Gino, ano ang ginagawa mo rito? May problema ka ba? Sino ang iniisip mo?” sunod-sunod na tanong ni lola.“Wala po akong prob
Carla’s POVMahigit isang linggo na ang nakakalipas magsimula ng tumira na kami ng anak ko sa pamamahay ni Gino. Sa loob ng isang linggo, marami na ang nangyari ngunit hindi pa rin nagsi-sink in sa aking utak ang mga ito. Nakalipat na ng school si Kyle, sa school ng kaniyang pinsan na sina Karl at Karel. Alam na rin nina Greg na dito na kami tumutuloy ng anak ko. At mamayang gabi ay pupunta kami sa bahay ng mga magulang ko para sabihin sa kanila ang mga nangyayari. Ilang araw na rin kasi ang pag-aalala nila sa amin. Napag-usapan namin ni Gino na mauuna ko munang sabihin sa magulang ko ang namamagitan sa amin bago kami pumunta sa angkan niya. Nagulat ako ng biglang may yumakap sa aking likuran. “What are you doing?” bulong ni Gino.“Just designing some dresses,” sagot ko.Nasa veranda ako ngayon at busy na nakaharap sa aking ipad ng biglang sumulpot itong si Gino. "I can't wait until later."Bakit naman?” tanong ko habang gumuguhit pa rin ako sa ipad.“Because I can face your parents
Gino’s POVNag-aya ang anak ko para manuod kami ng movie kaya naman kaagad ko itong pinagbigyan. Everything for my son. Nagpunta na kami sa entertainment room ni Kyle, si Carla naman ay nagpunta sa kusina para maghanda ng aming makakain habang nanonood. Parang ang sarap naman sa pakiramdaman ang ganitong pangyayari, nagba-bonding kami ng anak ko tapos naghahanda naman ng pagkain ang mommy niya. “Daddy can we watch this one?” tanong ng anak ko sabay lahad sa dvd na hawak niya.Napakunot ang noo ko dahil ito ang favorite movie magsimula bata ako. “Of course we can watch that.” Kinuha ko kay Kyle ang dvd at nilagay na sa dvd player. “You know what Kyle, this is my favorite movie,” wika ko.“Really Daddy? I also want this movie,” nakangiting sagot ni Kyle.Pasimula na ang movie ng saktong dumating si Carla, may dala-dala itong bowl ng popcorn at tatlong juice drinks.Napapatalon ang puso ko sa saya, ito ang pangarap ko noon pa man. Ang magkaroon ng isang masayang pamilya.“Mommy sits b
Gino’s POVNakalabas na kami ng hospital at sa bahay ko dineretso si Kyle, pero kasama ko pa rin si Carla, sumama rin si Greg at Bea.Hindi ko na pinakinggan pa kung ano ang sasabihin ni Carla. Mas uunahin ko muna ang kapakanan ng aking anak.“Mommy, who’s house is this?” tanong ni Kyle kay Carla.Lumuhod ako sa harapan ni Kyle. “This is our house baby,” sagot ko.Sina Greg at Bea ay busy sa paghahakot ng mga gamit. Hindi naman karamihan ang dinalang gamit ni Carla para kay Kyle. Siguro ay iniisip pa rin nito na ibabalik ko pa ang anak niya.“Really? Does this mean that Mommy and I will live here?”“We will talk about that later. Pasok muna tayo sa loob,” ani ko.Nang papasok na kami sa loob, nakasalubong namin sina Greg.“Kuya, alis na kami, biglang tumawag si mama at may inuutos sa amin,” wika nito.“Ah ganoon ba, sige maraming salamat sa pagtulong,” sagot ko.“Wala po iyon kuya, masaya po kami na makatulong lalo na sa gwapong batang ito,” sambit ni Bea at hinaplos pa niya ang buhok
Carla’s POVNarito ako ngayon sa harapan ng malaking building kung saan naroroon ang kumpanya nila Gino. Pa-urong sulong pa ako sa pagpasok, dahil hindi ko talaga alam kung kakayanin ko bang sabihin kay Gino ang ganitong bagay. Hindi ko kasi akalain na sa ganitong paraan pa niya malalaman na may anak kaming dalawa. Nang mapag-isipan ko na hindi na lang ako tutuloy, dahil baka isipan niya ay gumagawa lang ako ng gulo. Pabalik na sana ako sa aking sasakyan ng biglang may tumawag sa pangalan ko.“Ate Carla.”Hindi na sana ako lilingon dahil alam kong si Greg ang tumawag sa akin. Ngunit hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya.“Oh Greg ikaw pala ‘yan,” maang-maangan kong wika.“Ano ang ginagawa mo rito ate? May kailangan ka ba kay kuya?” tanong nito.“A-ahm a-ano kasi, oo sana. Gusto ko sana siyang makausap,” sagot ko.Nandito na rin naman ako, lalakasan ko na ang loob ko para makausap si Gino.“Let’s go inside. Hindi naman siguro busy si kuya today,” ani Greg.Sumunod ako kay Greg sa
Greg’s POVNarito akong muli sa hospital kung saan naka-confine ang anak ni ate Carla. “Ano na naman ang ginagawa mo rito?” salubong sa akin ni doc Perez- ang doctor ng anak ni ate Carla.Binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti. “Hindi na ba ako p’wedeng bumisita sa iyo?” wika ko habang naglalakad papalapit sa lamesa niya.“Alam ko na ang mga ngiting ganyan Greg, hindi mo na ako madadaan sa paganyan-ganyan mo,” masungit na sagot nito.“Ang sungit mo naman. Hindi ka na naman ba naka-score sa syota mo,” biro ko.Bigla na lang may lumipad na ballpen sa harapan ko. At kitang-kita ko sa mukha ng kaibigan ko ang galit na kaniyang nararamdaman.“Hoy Mr. Perez nagbibiro lang ako,” ani ko. “Para namang hindi ka pa sanay sa akin.”“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” masungit pa rin nitong wika. “Kung manggugulo ka lang ulit, pwede ba ‘wag ngayon Greg, marami akong ginagawa.”Nagmasid-masid ako sa office nitong kaibigan ko. “May extra ka bang uniform dito?” tanong ko.“Extrang uniform? At
Carla’s POVNaglalakad ako sa hallway ng hospital para sana hanapin ang office ng doctor na tumingin sa anak ko. Abala ako sa pagbabasa ng mga pangalan ng mga doctor sa bawat pinto na nadadaanan ko, at nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto habang binabasa ko ang nakasulat na pangalan sa pintuan ang niluwa nito si Greg. Napakunot ang noo ko at nagtataka dahil ano naman ang gagawin ni Greg dito sa hospital eh may special event sila ngayon.“Greg? What are you doing here?” tanong ko.Hindi ako matignan ni Greg ng harapan, pinabaling-baling nito ang kaniyang mukha na parang iniwas nito sa akin.“Oh hi ate Carla, ikaw pala iyan. What are you doing here?” pabalik nitong tanong.May hinahanap lang ako. Ikaw anong ginagawa mo rito?”“Ah may binisita lang ako na kaibigan. Sige ate mauna na ako ha,” sagot nito at mabilis na akong tinalikuran.Sinundan ko ng tingin si Greg habang naglalakad ito palabas ng hospital. Nagtataka man ay binalewala ko muna ito, mas mahalaga sa akin ngayon ang kalag
Gino’s POVOur gathering is winding down, it's already midnight, and only a few people, including my family, are still here. I just sat by myself and drank wine in a corner. If I could have found Greg, he would have been with me.“Kuya, excuse me, itatanong ko lang sana kung nakita mo ba si Greg,” tanong ni Bea.I frowned. "I haven't even seen him yet. I thought he was with you," I replied.Bea stated with a look on her face that she was about to cry, "I've been looking for him for a while I'm worried."I got out of my chair and gave him a shoulder pat. I responded, "Don't worry, I'll tell the bodyguards to look for him.” Kung saan-saan naman kasi nagpupu-punta ang lalaking iyon,” bulong ko pa.“Hi people, sino ang ipapahanap ninyo sa mga bodyguard?” biglang sulpot ni Greg sa harapan namin.Nilapitan naman ito ni Bea at pinagkukurot. “Ikaw kung saan-saan ka naglalagi, alam mo bang kanina pa kita hinahanap,” sambit ni Bea.“Nako na-miss mo naman ako kaagad,” nakangisi naman sagot ni Gr
Carla’s POVNakatayo ako ngayon malapit sa stage at tahimik na pinapanuod si Gino sa kaniyang speech. Napakatikas niyang tingnan habang nakatayo sa harapan ng maraming tao, hindi ko lubos akalain na malayo ang mararating ng masungit na lalaki na ito. Muntikan ko ng maibuga ang wine na iniinom ko ng bigla niyang banggitin ang tungkol sa mga damit nila na gawa ko. Sinabi ko kasi sa kaniya kanina sa sasakyan na ‘wag na niyang babanggitin ‘yon dahil baka isipin pa ng mga kakilala niya na kumakapit ako sa mga mayayaman para sumikat.Nang pagkatapos nitong magsalita, pinuntahan niya kaagad ang pwesto ko at nagkaroon naman ako ng pagkakataon para sitahin siya. “Bakit mo pa binanngit iyon?” tanong ko kay Gino nang hindi nakatingin sa kaniya.“Binanggit ko iyon dahil iyon ang usapan natin hindi ba? Tinupad ko lang ang ipinangako ko,” tugon nito.Napanguso na lang ako sa sinabi ni Gino at bumalik na ako sa aking upuan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang bumabalik ang nararamdaman ko kay
Gino’s POVToday is the day of our founding anniversary. At narito na naman ako naghihintay kay Carla sa entrance kung saan ang kanilang subdivision. Last minute na nang matanggap ko ang kaniyang text message na pumapayag na siyang maging date ko ngayong araw, kaya naman mukhang mapupunit na aking pisngi kakangiti. Hindi ko alam pero sobrang saya ko ngayon, kahit na alam kong pumayag lang siya dahil gusto niyang ma-promote ang kaniyang mga ginawang damit para sa amin. Pero kahit na ganoon, masaya pa rin ako. Matiyaga akong naghihintay kay Carla sa labas ng sasakyan, siguro ay mga nasa kalahating oras na akong nakatayo rito.Napansin siguro ng guard na kanina pa ako naghihintay dito, lumapit ito sa akin at nagtanong. “Sir, mawalang-galang na po pero kanina ka po namin pinagmamasdan d’yan, may hinihintay po ba kayo?” tanong nito.“Ah oo manong, may hinihintay ako,” nakangiti kong sagot. “Pasensya na, bawal po bang mag-park dito?”“Hindi naman po sir. Dito po ba kayo pinaghihintay ng hi