Magmula nang umuwi si Lemuel sa bahay namin ay hindi na namin binalikan pa ang pinag-awayan naming dalawa. Kahit parang nagtataka ako sa kakaibang ikinikilos niya. Para kasing walang nangyari sa amin ng gabing iyon at palagi lang din siyang tahimik. Gayunpaman ay hindi ko binanggit pa sa kaniya ang tungkol sa mga nangyari sa akin ng gabing iyon pati na rin ang tungkol sa sinabi ni Helix sa akin dahil baka magdulot lang iyon hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa.
Makalipas ang dalawang linggo ay muli naman kaming nagkita ni Vanessa sa isang grocery store. Nagkasalubong kaming dalawa at pareho kaming naiilang sa isa't isa.
"Kumusta ka na, Mari?" Aniya kaya tumingin ako sa kaniya at tumugon sa kaniya ng, "Ayos lang. Ikaw? Kumusta ka naman?" Usisa ko na ikinangiti naman niya. Pagkatapos non ay muli kaming naging komportable sa isa't isa at muli kaming nagkakuwentuhang dalawa.
"I'm sorry." Ang sabi ko habang naglalakad kaming dalawa na may bitbit na plastic bag sa aming mga kamay. Lumingon naman siya sa akin na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.
"Para saan?" Usisa niya at yumuko naman ako dahil nahihiya ako sa kaniya.
"Tungkol sa nakaraang araw." Tugon ko tapos ngumisi naman siya.
"Wala ka dapat na ihingi ng paumanhin sa akin. Ako pa nga dapat ang mag-sorry sa iyo dahil masyado akong nagpadalos-dalos noon sa aking pagsasalita at hindi ko naisip ang mararamdaman mo." Aniya at lumingon naman ako sa kaniya.
"Sa totoo lang, nag-away kami ni Lemuel noong nakaraang gabi. Kinompronta ko siya pero nagdulot lang iyon ng matinding pagtatalo s pagitan naming dalawa. Alam ko nagkamali ako, hindi ko dapat sinabi sa kaniya ang mga salitang iyon." Saad ko at bigla naman siya nahinto sa paglalakad kaya lumingon ako sa kaniya na may pagtatak sa aking mukha.
"Seryoso? Tinanong mo siya tungkol doon?" Aniya sa gulat na ekspresyon ng mukha. Lumapit naman ako sa kaniya at tumango sa aking ulo.
"Pero huwag kang mag-alala ayos na kaming dalawa. Hindi namin pinag-usapan pa ang tungkol doon." Tugon ko sabay bumuga siya ng malalim na paghinga. At muli naming ipinagpatuloy ang aming paglalakad.
"Pasensya ka na talaga. Hindi ko talaga aakalain na masasabi ko rin sa'yo ang tungkol sa bagay na iyon." Aniya at pinili kong itikom na lamang ang aking bibig. Sa kabila ng aming paglalakad ay bigla akong natigilan nang matanaw ko sa hindi kalayuan ang isang pamilyar na mukha.
Si Helix?!
Nang makita ko siyang tumatawid sa pedestrian lane ay agad naman akong tumalikod habang patingin-tingin ako sa paligid namin. Lumingon naman si Vanessa sa akin at tinapik ako sa balikat ko.
"Mari, okay ka lang ba?" Usisa niya habang nakatalikod pa rin ako.
"Vanessa pasensya ka na kailangan ko kasing bumalik sa grocery store dahil may nakalimutan akong bilhin. Mauna ka ng umuwi, huwag mo na akong hintayin pa." Pagkatapos kong sabihin sa kaniya iyon ay kumaripas agad ako ng takbo at bumalik ako sa dinaanan namin kanina.
Saka lamang ako nahinto sa aking pagtakbo nang makarating ako sa tapat ng grocery store. Hingal na hingal ako at pawis na pawis.
"Nakita kaya niya ako?" Bulong ko sa aking sarili at lumingon ako sa likuran ko upang siguraduhing nakalayo na ako kay Helix, pero laking gulat ko na lamang nang makita kong naglalakad siya ngayon sa direksyon ko habang nakayuko ang ulo niya at nakatuon sa cellphone niya. Mas lalo tuloy akong nataranta at nalito sa gagawin ko. Palingon-lingon ako sa paligid ko at naisipan kong pumasok na lang muli sa grocery store. Tumakbo agad ako sa bagged area at iniwan doon ang mga hawak ko, pagkatapos ay pumasok agad ako sa loob at nagtago sa mga shelves.
Sumandal ako sa mga shelves ng mga diapers at bumuga ng malalim na paghinga habang nakahawak ako sa dibdib ko. Bahagya akong sumilip sa entrance upang tiyakin kung nakalagpas na ba si Helix pero halos lumaki ang mga mata ko sa gulat nang makitang papasok siya ngayon sa grocery store na kinaroroonan ko ngayon.
Anong gagawin ko? Paano kung makita niya ako rito? Anong sasabihin ko?
Ang paglalayag ko sa aking isipan habang pinagpapawisan naman ako dahil sa sobrang kaba.
Lumipat ako ng puwesto ko nang makapasok na si Helix sa loob habang may hinihila siyang basket cart at nakatuon pa rin ang atensyon niya sa cellphone niya habang naka-headset siya.
Ano bang mayroon sa pinapanuod niya at mukhang abalang-abala siya na hindi man lang niya tinitignan ang nilalakaran niya? Bulong ko sa aking sarili habang nakasunod ako ng tingin sa kaniya.
Habang nakatingin ako sa kaniya ay bigla naman akong natigilan nang makita ko ang nakakaakit niyang ngiti sa kaniyang labi. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang bumilis ang pintig ng aking puso at natulala na lang ako sa kaniya. Napansin ko na pati ang ibang babae sa paligid namin ay napapatitig sa kaniya at napapasunod ng tingin sa kaniya. Kaya napangisi na lang ako at napailing sa aking ulo.
Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa mga nakakaakit niyang ngiti sa labi? Lalo na ang napakaguwapo niyang mukha na kahit sino yatang babae ay mahuhulog sa kaniya. Pagkatapos non ay tumalikod na ako at naisipang umalis na lang doon dahil mukhang hindi naman niya ako mapapansin sapagkat tutok na tutok siya sa cellphone niya.
Nang makalagpas na ako sa stasyon ng mga tissue ay bigla naman nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makasalubong ko siya pero nakatingin pa rin siya sa cellphone niya.
Halos napalunok na lang ako ng malalim at palakas ng palakas ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib habang palapit kami ng papalapit sa isa't isa. Kung tatakbo ako ngayon ay mahahalata niyang iniiwasan ko siya at mababaling ang atensyon niya sa akin. Kaya naglakas-loob ako na lagpasan na lang siya tutal hindi rin naman niya akong mapapansin.
Isang hakbang, dalawang hakbang at sa pangatlong hakbang ay nagkasalubong kaming dalawa ay dumaan ako sa gilid niya na hindi niya napapansin. Doon ako nakahinga ng maluwag at tipong lalabas na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa pulsuhan ko na ikinahinto ko sa paghakbang.
"Hanggang kailan mo ako iiwasan at tatakbuhan? Ganoon mo ba ako ka-hate?" Aniya sa malamig na boses at dahan-dahan ko naman siyang nilingon. Hindi ako nakasagot kaagad sa kaniya at bumaba ang tingin ko sa hawak niyang cellphone kung saan wala naman siyang pinapanuod doon at mukhang kanina pa niya alam na nandito ako ngayon.
"Helix, bitawan mo ako." Saad ko habang pilit kong inaalis ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko ngunit kahit anong pilit kong pagpupumiglas sa kaniya ay hindi pa rin niya akong binibitawan.Hanggang sa pukaw ng atensyon ko si Vanessa na nasa bandang likuran niya na tila ay hinahanap ako. Kaya agad kong hinigit sa kamay si Helix patungo sa stasyon ng mga chocolates. Nagulat naman ako nang bigla niya akong sinandal sa shelves at kinulong sa mga braso niya."Alam kong ayaw mo sa akin pero hindi mo naman ako kailangang iwasan dahil nasasaktan ako, Mari." Aniya pero bumuntong hininga lang ako at niyuko ang aking ulo."Helix, puwede bang tumigil ka na? Kasal na ako kay Lemuel at bukod pa roon matalik kayong magkaibigang dalawa hindi ba? Kaya parang kaibigan na rin ang turing ko sa'yo at hanggang doon na lang talaga iyon." Tugon ko sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang baba ko gamit ang dulo ng daliri niya at saka inangat ang aking mukha dahilan upang magtama ang mga mata namin sa isa
May magnanakaw pala na pumasok sa bahay. Buti na lang walang nangyaring masama sa akin, at buti na lang dumating si Helix, baka mahanap ng asawa ko ang bangkay ko. Agad siyang tumawag ng pulis, at kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang insidente. Pagpasok ko sa loob ay napalunok ako sa sobrang kaba at takot nang makita kong nagkalat ang mga gamit namin sa sahig."Ingat ka." Sabi ni Helix, at bigla niya akong hinila sa bewang ko nang muntik ko nang matapakan ang basag na flower vase. Pero kahit matapakan ko hindi naman ako masasaktan dahil naka-tsinelas ako pero bakit nag-aalala siya sa akin? Hindi pwede, Minari. Tanggalin mo siya sa isip mo dahil pinaglalaruan ka lang niya. I'm sure may iba pa siyang pakay sayo kaya wag kang mahulog sa ginagawa niya at pagpapakita sayo."I'm fine." sabi ko sa kanya tapos umiwas ako. Tumingin lang siya sa akin at magsasalita na sana ulit nang biglang may lumapit sa amin na detective at ipinakita ang identity card niya."May itatanong lang sana ako sa'yo.
Mukhang hindi maganda ang mood mo ngayon, apo ko." Ang sabi ni Lolo sa akin pagkapasok ko sa loob ng mansyon.Hindi ko na lamang siya pinansin at dere-deretso lang ako sa loob ng kuwarto ko."Hindi mo naman siguro nakalimutan ang napagkasunduan nating dalawa, hindi ba?" Dugtong pa niya na ikinahinto ko sa paglalakad. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya habang naririnig ko ang paghalikhik niya. Napayuko ako at tiniklop ang dalawang kamao ko habang nakapikit ang aking mga mata.Oo nga pala, may napagkasunduan nga pala kaming dalawa ni Lolo na magiging akin lamang ang titulo ng mansyong ito kapag may pinakilala akong babae sa kaniya na papakasalan ko. Pero, paano ko gagawin 'yon kung wala akong nagugustuhan ibang babae na pakasalan maliban kay Minari? Paano ko sasabihin sa kaniya na ang babaeng gusto kong maging asawa ay kasal na sa iba? Napabuga na lang ako ng malalim na paghinga at pumasok ako sa loob ng aking kuwarto.Fourteen days na lang ang natitirang araw na mayroon ako para magawa
The next day habang nag-aayos ako ng mga damit ay bigla kong napansin ang polo ni Lemuel na nakalimutan kong labhan. Kaya kinuha ko ito at tipong ilalagay ko na sana sa basket nang bigla kong maamoy ang matamis na pabango mula sa polo niya.Nagtaka ako at napakunot noo sa amoy na aking nalanghap mula roon. Anong klaseng pabango ito? At bakit palagi na lang may matamis na pabango ang mga polong sinusuot niyang pangtrabaho? Napailing na lamang ako sa pagtataka at saka ito nilagay sa washing machine.Sumunod na araw ay muli ko na namang naamoy ang pabangong iyon, hindi lang isang beses kun'di maraming beses. Kung minsan ay naaamoy ko ito sa mismong damit ni Lemuel pagkagaling niya mula sa trabaho niya. Pinilit ko na balewalain ang tungkol doon pero tila binabagabag ako ng isipan ko sa tuwing nalalanghap ko ang amoy nito. Halos tinignan ko na ang bag niya pati ang loob ng sasakyan niya pero wala akong nahagilap na pabango roon. Saan nanggagaling ang matamis na amoy na iyon?Isang araw ay
"Jhonny!" Agad lumapit sa amin ang ina ng bata at saka niya kinarga ang batang lalaking yumayakap sa binti ko kanina.Tila natulala ako sa kaniya at nakaramdam ako ng kirot mula sa aking puso. Ngayon ko lang nadama ang pagiging sabik na maging isang ina. Hindi ko man siya tunay na anak pero parang nawala lahat ng poot at emosyon na nararamdaman ko kanina nang tawagin niya akong mama."Minari, ayos ka lang ba?" Usisa ni Helix sa akin habang nakapatong ang isang kamay niya sa balikat ko."Gusto mo bang makarinig ng nakakatawang kwento? Tinawag niya akong mama kanina at gumaan ang pakiramdam ko." Tugon ko sabay lingon sa kaniya na may ngiti sa aking labi.Sa dami ng mga iniisip at pinagkakaabalahan ko sa aming buhay mag-asawa ay nakalimutan ko na may isang pangarap pa ako na gustong makamit iyon ay ang magkaroon ng sariling anak. Pero sa sitwasyon namin ngayon ni Lemuel mukhang malabo nang mangyari iyon. Naiisip ko palang ang mga nakita ko kanina ay nandidiri na ako sa kaniya at parang m
Pass twelve midnight na nung umuwi sa bahay si Lemuel. Nakahiga ako sa kama at nagkukunwaring natutulog. Nararamdaman ko ang bawat pagkilos niya at pag-alis sa polong suot niya. Kahit hindi ko siya lapitan ay naaamoy ko pa rin ang matamis na pabango ng babae niya. Sa mga sandaling iyon ay pinigilan ko ang aking sarili at nagkunwari ako na walang alam. Hindi dahil sa naduduwag ako kun'di dahil ayokong masira ang pagsasamahan naming dalawa bilang mag-asawa. Kaya kahit nasasaktan ako at magmukha pa akong martir sa paningin ng iba ay nilulunok ko na lamang alang-alang sa natitirang pagmamahal ko para sa kaniya.Magmula nung nalaman ko ang pangangaliwa niya sa akin ay hindi ko na rin siya gaanong kinakausap o tinitignan man lang sa mata.Pakiramdam ko ay kahit ano mang oras ay babagsak ang mga luha ko kapag tumitig ako sa mga mata niya. Halos hindi ko na rin siya magawang hawakan o yakapin man lang tulad ng madalas kong ginagawa sa kaniya. Kapag hahalik naman siya sa labi ko ay umiiwas na
"Congratulations, you're two weeks pregnant." Ang sinabi sa akin ng doktor ko na ikinagulat ko. Halos natulala ako ng ilang segundo at parang nawala ang lahat ng hinanakit sa puso ko at napalitan ng saya.Tumingin ako kay Helix at nakita ko na pati siya ay nagulat sa nalaman niya. Gayunpaman ay bigla akong nakaramdam ng kaba mula sa aking dibdib nang sumagi sa isipan ko si Lemuel. Teka, paano ko pala sasabihin sa kaniya na buntis ako? Matutuwa kaya siya kapag sinabi ko sa kaniya na magkakaanak na kaming dalawa?"Bakit, Minari? May problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Usisa ni Helix sa akin nang mapansing nakayuko lang ako at hindi umiimik."Gusto ko sanang humingi ng pabor sa inyo, Helix." Tugon ko sabay inangat ko siya ng tingin sa mukha niya. Nagtaka naman siya sa sinabi kong iyon at nagkatinginan sila ng kaibigan niyang doktor."Maaari bang marinig na muna namin kung anong pabor ang gusto mong hilingin sa amin?" Ani ng doktor sa akin."Puwede bang ilihim na lang natin ito s
Takbo rito, takbo roon. Araw-araw ko ng nararamdaman ang sintomas ng aking pagbubuntis. Kung minsan ay nakakahalata na si Lemuel pero paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya na hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Pinilit kong itago sa kaniya ang pagbubuntis ko sa loob ng dalawang buwan at wala siyang kaalam-alam tungkol sa magiging anak naming dalawa.Halos dalawang buwan ko na rin hindi nakikita si Helix. Ni hindi na siya nangungulit sa akin o tumatawag man lang sa phone number ko. Marahil ay nagising na siya sa katotohanan na hindi talaga kami ang itinadhana para sa isa't isa. Siguro nakahanap na siya ng ibang paglilibangan niya o baka naman may ibang babae na siyang minamahal. Pero, bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang nalulungkot ako kapag naiisip ang tungkol sa bagay na iyon? Bakit parang may puwang dito sa puso ko kapag sumasagi siya sa isip ko? Hindi kaya may nararamdaman na ako para sa kaniya? Ngunit hindi maaari. Hindi ako maaaring umibig sa kaniy
Pagkatapos ng isang linggo na pagpapahinga ko sa hospital ay muli akong nakauwi sa bahay namin. Pero wala pa ring nagbago kahit nakabalik na ako sa tahanan namin. Palagi pa rin akong nakatulala at walang imik. Hindi na rin umuuwi ng madalas si Lemuel sa bahay namin at alam ko naman kung nasaan siya ngayon. Paniguradong magkasama na naman sila ng babaeng niya. Pagkatapos ng mga nangyari sa akin at kahit nalaman niya ang pagkamatay ng anak namin ay hindi ko kailanman narinig mula sa bibig niya ang salitang patawad. Wala akong narinig na kahit ano mang salita mula sa kaniya, ni hindi niya ako malapitan o matitigan man lang ng direkta sa aking mga mata.Pakiramdam ko ay tuluyan nang lumayo ang loo niya sa akin at hindi na ako ang nilalaman ng puso niya. Siguro nga nagmahal lang siya pero sana man lang ay nagpunta siya sa araw ng libing ng anak namin, kahit para na lang sa kaniya. Pero muli na naman niya akong binigo. Mas pinili niyang manatili sa piling ng babae niya keysa sa akin at sa a
Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang dalhin sa hospital si Minari. Palagi lang siyang nakatulala at tahimik sa loob ng silid niya. Sinubukan namin siyang kausapin pero tila wala siyang naririnig at may malalim na iniisip. Pagkatapos kasi siyang dalhin sa hospital ay sinabi ng doktor na namiscarriage siya at hindi na nadugtungan pa ng buhay ang inosent at munting sanggol sa sinapupunan niya. Kahit hindi ako ang tunay na ama nang pinadadalang tao niya ay nasaktan din ako sa aking narinig. Pero alam ko na hindi iyon matutumbasan ng sakit at lungkot na pinagdadaanan ni Minari ngayon. Isa siyang ina na sabik magkaroon ng sariling anak. Matagal na niyang hinintay ito at alam ko kung gaano siya kasaya nang malaman niyang buntis siya. Pero dahil sa kataksilan ng asawa niya ay namatay ang pinakamahalaga sa puso niya.Kasalanan ito ni Lemuel. Sisiguraduhin ko na pagbabayaran niya ang lahat nang ginawa niya kay Minari."Mari." Tawag ko sa kaniya habang nakatayo siya sa tabing bintana a
Pagbukas ng pinto ay si Rose agad ang sumalubong sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa habang may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha."Minari, anong ginagawa mo rito? At paano mo nalamang nandito ako?" Tanong niya na may ngiti sa kaniyang labi. Hindi naman ako nakapagsalita kaagad lalo na nung sumilip mula sa likuran niya si Lemuel na hatalang nagulat nang makita ako. Pinagmasdan ko siya muka ulo hanggang paa at tangging bathrobe lang ang suot nilang dalawa.Nagtama ang mga tinginan namin sa isa't isa pero tumalikod ako kaagad at naglakad palayo roon. "Sandali lang, Minari!" Rinig kong tawag sa akin ni Rose pero hindi ako lumingon at dere-deretso lang ako sa paglalakad na may pagpatak ng luha sa aking mga mata.Nagkamali ako. Ang akala ko ay kaya ko na silang harapin pero hindi. Mas masakit pala kapag nakita mo sila ng harap-harapan na magkasama. Akala ko ganoon lang kadali iyon pero mahirap pala talagang tanggapin ang katotohanan.Halos nakalabas na ako ng hotel nung tawagin ako ni
I only spent a few minutes with Rose, pero masasabi kong mabuti siyang tao. Marami siyang nakakaaliw na kwento sa akin, at kalahati ng sinabi niya sa akin ay may kinalaman sa kanilang dalawa ni Lemuel. Hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo at hindi ko alam ang tungkol sa kanilang relasyon. Pagdating ko sa bahay, pumunta agad ako sa kusina at uminom ng isang basong tubig. Anong ginagawa mo ngayon, Minari? Nababaliw ka na ba talaga? Bakit mo kinaibigan ang babaeng iyon? bulong ko sa isip ko habang nakaupo at nakatitig lang sa salamin nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Kaya, kinuha ko ito at tiningnan. Napansin kong nakatanggap ako ng message galing sa unknown number.Nangunot ang noo ko at nagtaka. Sino ang nagpadala ng mensaheng ito sa akin? At paano niya nalaman ang phone number ko? Binuksan ko ang message at halos mapatayo ako sa gulat nang makita ko ang mga litrato ni Rose at Lemuel na magkahawak kamay na papasok sa isang hotel. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha
Habang nasa loob ako ng supermarket at may ginuguyod na basket cart ay bigla akong natigilan nang may makasalubong akong babae na kahalintulad sa pabango na madalas kong naaamoy sa asawa ko. Kaya lumingon ako sa kaniya at hindi nga ako nagkamali sa aking hinala na siya ang babaeng iyon. Ang kabit ng asawa ko. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at hindi tila nag-init ang dugo ko sa kaniya. "Yes?" Aniya naman nang mapalingon siya sa akin at napansing nakatingin ako sa kaniya.Sa mga sandaling iyon ay parang gusto ko siyang saktan o sigawan ng malakas upang sabihin na ako ang asawa ng lalaking kinakarelasyon niya. Pero hindi ko magawa. Nakatitig lang ako sa kaniya at nanginginig sa matinding galit. Hindi ko na lang siya sinagot at tumalikod na lamang ako sa kaniya. Tipong aalis na sana ako nang bigla kong marinig kong marinig ang mga sinabi niya. May bigla kasing tumawag sa cellphone niya at mukhang si Lemuel ang kinakausap niya ngayon."Ano ang gusto mong kainin mamayang gabi,