“Asawa pa rin kita, Mere.”Binabalikan niya sa isip kung totoo ba ang narinig niyang sinabi ni Caleb kanina. Ilang sandali na simula nang makaalis ito pero naririto pa rin siya, nanatiling nakaupo sa harapan ng dresser. Biro lang ba iyon o may katotohanan? Maaari rin kayang gawa-gawa lang iyon ng isip? If it was a joke, it was a bad one.Napahawak ang kaliwang kamay niya sa tapat ng dibdib. Nagkabuhol-buhol ang kanyang paghinga. Ano man ang totoo, ginulo ng sinabi ni Caleb ang utak at puso niya. Sa dami ng mga sinabi nito, hindi na niya alam kung alin ang paniniwalaan.Ang paniwala niya, annulled na siya. Malinaw pa sa kanya ang araw na pinirmahan niya ang annulment papers. Sinigurado pa niyang wala siyang nakaligtaan ni isa mang lagda. Naalala pa niya kung paanong nadudurog ang puso niya habang nilalagdaan ang mga bahaging nararapat. And when Caleb found out the truth about it, halos duruin siya nito, sila ng tatay niya. Galit na galit ito. Kung anu-anong masasakit na mga salita ang m
She is still Meredith Romero.Wala mang singsing na nakasuot sa daliri niya pero kasal pa rin siya hanggang ngayon. Legal ang dokumentng hawak niya. Patunay na asawa niya pa rin si Caleb. Ano ba ang dapat niyang maramdaman? Magsaya? Malungkot? Ang alam lang niya, nag-iinit ang dibdib niya sa prustrasyon. May asawa pala siya, pero bakit kailangan niyang pagdaanan nang mag-isa ang lahat ng hirap at sakit? She was forced to give Baby Jib up for adoption. Kung ang totoo naman pala ay may buo naman sanang mga magulang ang anak niya. Sumasakit ang dibdib niya, bumibigat ang kalooban. Wala siyang makapang pangalan sa nararamdaman sa ngayon. Kanina, habang sinasabi ni Phil ang totoo, pakiwari niya ay lumaganap ang lamig sa buong sistema niya. Tila binabanat ang anit niya. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa ere. Nagsalpukan ang samu’t-saring emosyon sa dibdib niya. She wanted to cry but she couldn’t. Tila nanuyo ang tear duct niya. “Dit?” Lumagpas lang sa pandinig niya ang malumanay na
“Mag-uusap lang pala, bakit kailangang gumawa ka pa ng stunt na ganito, ha? Tonto ka talaga! Bwisit kang lalaki ka.”Tuloy-tuloy ang pagmumura niya kahit hindi naman siya natural na ganito. Hindi niya mapigil ang sarili. Para siyang bulkang sasabog at hindi siya nasisindak sa galit nito. Dumagdag sa inis niya ang hindi nito pagsagot. Ayaw niya pa sana itong harapin pero sapilitan siya nitong isinama, tapos mananahimik lang ito? Nakakasuya ito. Patuloy siya sa pag-urirat ngunit nanatili itong parang bingi.‘Bwisit talaga ang taong ito,’ himutok niya sa sarili. ‘Ayaw mo pala akong kausapin, ha.’ Isang bagay lang ang dapat niyang sabihin para tapunan siya nito ng pansin.“Si Phil, ano’ng nangyari sa kanya?”“Really, huh? Ang lalaking ‘yon pa talaga ang inaalala mo?”Tama nga siya, marinig lang ang pangalan ni Phil, nagmumukha na itong galunggong na nasunog sa ihawan. Ang sarap nitong tirisin. Parang nakikini-kinita na niya kung paanong umigting ang mga panga nito.“All you think about is
“I love you, Caleb,” luhaang ulit ni Meredith sa sinabi kanina. Mas naging mahigpit ang yakap niya kay Caleb. Alam niyang nagmumukha na siyang timang sa mga kilos niya. Kanina lang ay galit na galit siya, halos manampal na siya. Ngayon naman ay halos ibaon na niya ang sarili sa katawan nito. Hanggang ngayon, kahinaan pa rin niya si Caleb. Walang nagbago. “I love you so much, Mere.” Ilang beses na niyang narinig na sinabi nito. Alam niyang may mga bagay na malabo pero hinayaan niyang magbukas ang isip at puso, at sinasabi ng puso niya na totoo ang mga salita nito. So, she would gamble on it. Again. Lumuwag ang yakap ni Caleb sa kanya, ikinulong sa mga palad nito ang magkabila niyang mukha. Nanuot ang init mula sa palad nito patungo sa kanyang balat. It was the kind of warmth she had always been aching for. She missed this so dearly. Masuyo at mabagal na hinagod ni Caleb ang pisngi niya gamit ng hinlalaki nito upang pawiin ang mga luhang namalisbis doon. God, it was so soothing. Hang
Caleb was burning with desire. Kung kaya lang sukatin ang pagnanasang naghaharai sa kanya ngayon, masasabi niyang walang katulad iyon. Finally, nangyari na nga ang pinapangarap niya. Nasa harapan niya na ang hubad na katawan ng asawa, kadikit ng hubad ding katawan. Tonight, he will treat his thirst. God, animo siya batang gustong maiyak sa tuwa. Para siyang isang batang matagal na panahong na-deprive sa masarap na pagkain. Meredith was like the most sumptuous meal na wala siyang balak na tantanan. Yes, call him a pervert but making love to her was the only thing on his mind right now. Masisira ang ituktok niya kung hindi niya maaangkin muli ang asawa.Saka na ang pag-uusap. Makapaghihintay ‘yon pero ang naghuhuremintado nang bagay sa kanyang ibaba, nakahanda nang magwala.“Caleb…”Mas bumilis ang tibok ng puso niya sa pagtawag ng asawa sa pangalan niya. Dinampian niya ng masuyong halik ang kahuli-hulihang daliri nito sa paa. Yes, he was kissing her toes. Sinamba niya ang bawat parte ng
Sinakop ni Caleb ang malambot at mapupulang mga labi ni Meredith. So soft, so sweet. Nakakawala ng bait. Katulad nang mas pagwawala ng nasa ibaba na kanina pa nakahandang manalasa. He caressed Mere’s thighs. He was trying to make her body feel relaxed. Ramdam niya ang tension nito sa nangagatal na mga labi. He rubbed his thing on her entrance. Napahinto ito sa paghalik at napasinghap nang dahan-dahan niya itong pinasok. It was just the tip of rigid shaft but it electrified the hell out of him. Iba ang pakiramdam. Para na siyang lalagnatin. Mere felt it, too. Napakapit ito nang husto sa kanyang hubad na katawan.He thrust a little deeper and Mere cried.Damn.Napahinto siya sa paggalaw at naibuka ang mga mata. Meredith was still tight just like the first time they made love right on this bed. Tinitigan niyang mabuti ang namumula nitong mukha. Kagat nito ang ibabang labi, her eyelids were closed, may ngiwi ito sa mukha tanda na nasasaktan ito sa pananalasang ginawa niya. Habang tinutungh
Marahang nagising ang diwa ni Meredith na may nagbago sa sarili niya. May bahagi ng kanyang pagkatao ang napunan at naging buo. She smiled. Binabalot man ng dilim ang paligid, wala man siyang makita, pakiwari niya ay sumabog ang lahat ng kulay ng mundo sa harapan niya. She was more alive. Life became more meaningful. Most of all, she felt loved.“I love you…”Mas kumurba ang mga labi niya nang maalala kung paano paulit-ulit na sinambit ni Caleb ang mga salitang iyon.. Sinikap niyang ibulsa ang kilig nang maalala ang mga pinaggagawa nila ni Caleb. Pagalit-galit pa siya, pero heto, bumigay rin pala, at hindi lang basta sumuko, she went way overboard. Gosh, nag-iinit na naman ang sulok ng pisngi nuya. Parang may mga langgam na gumagapang sa kanyang balat at mga daga na nag-uunahan sa pagtakbo sa sikmura niya. Kinagat niya ang ibabang labi upang supilin ang kilig.Just last night, she surrendered to Caleb everything she had one more time. She made love to him the way she would with her eye
Mailap ang tulog kay Caleb. He was wide awake from two in the morning up until this moment. Nasisilip na niya sa bintana ang dahan-dahang pagbubuka ng liwayway. Nagiging klaro na ang silhouette ng mga puno sa labas ng bintana. Paano ba siya makakatulog kung ginigising ng mahal niya ang buong kamalayan niya? He just can’t take his eyes off his wife. Natatakot siyang kumurap at baka sa isang iglap, maglaho ito. Gusto niyang nakatuon lang sa magandang mukha nito ang mga mata. Pero kailangan niya ring kumilos. Kumakalam na ang sikmura niya. Siguradong gutom na rin ang asawa niya pagkagising nito. Buong ingat niyang inalis sa pagkakaunan sa kanyang braso ang ulo ni Mere ngunit umungot ito at nagsusumiksik sa kanya lalo. His lips curved into a genuine smile. “Sounds like someone miss me so much.” Hindi napigilang paraanan niya ng daliri ang hugis ng ilong nito. Kailanman, hindi siya magsasawang titigan ang kagandahan ng asawa niya. He kissed the tip of her nose. Bumaba ang labi niya sa ba
“Never fall in love with a Santibanez nor a Romero.” Bata pa lang ako, naririnig ko nang madalas na sinasabi iyon ng aking ina. Walang araw na lumipas na hindi iyon tumutunogna parang sirang plaka sa aking tainga. Parang alarm clock, parang embedded sound sa cellphone. Minsan, natatawa na lang akong umaangil. “Mommy, I am too young for love. ‘Di ba, Daddy?’ Kapag ganoon na ang tanong ko na tila naiinis, isang kindat at ngiti sabay gulo sa aking mahabang buhok lang ang sagot ng ama ko. Mom was the boss of the household. Young and innocent, isinaulo ko rin ang bilin ng nanay ko. Sobrang naisaulo ko na kahit na sinong lalaking nakikita ko, disgust ang mararamdaman ko sa kanila lalo na kapag nagpapakita na ng motibo. Love, for me, was something too overrated, but at the same time, too underrated, as well. Ang gulo ng ideya ko. Basta, love to me was disastrous. If it wasn’t someone like my father, eh, huwag na lang. Sakit lang ng ulo. No man, no relationship, mas okay. I feel safer. Bei
Sa araw ng binyag, parang fiesta sa buong farm. It was indeed a great welcome for Noelle Margarette to the Christian world. Tila naman ramdam ng anak nila ang saya sa paligid. Kahit isang beses ni hindi ito umiyak, kahit na nga pinagpapasa-pasahan ng mga ninong at ninang. Sina TJ at ang kambal naman ay masayang nakikipaglaro sa mga anak nina Harrison at Hannah at mga anak ni Becca. Babysitter ng mga bubuwit ang mas matatandang mga anak ni Kuya Noah. Their laughter was like a beautiful music in the air. "I'm sorry, Ate, I'm late again." "At least, dumating ka, Exir." Inayos niya sa lalagyan ang cake na bitbit ni Exir. He arrived with a nice lady in tow. Mukhang in love na ang isang ito. "Cali?" "Alam mo naman 'yon, Ate." Muli, hindi na naman nakadalo si Cali. Something was really up with her. Isang araw ay tatanungin niya ito, babae sa babae. For now, ang kasiyahan muna. Ayaw niyang mahahaluan ng lungkot ang masayang atmosphere sa paligid. Ang saya lang ng lahat. Lalo na ang paki
“Saan ko ba ililista si Phil, sa ninang o sa ninong?” “Kurot sa singit, you like?” nakatikwas ang kilay na agarang sagot ni Phil sa pabirong hirit ni Hannah. Tumayo pa ito at umaktong binabatukan ang babae. Malakas ang naging tawanan nila. Kasalukuyan silang nasa den ng bagong tayong bahay nina Hannah at pinagkakaabalahan ang paghahanda para sa binyag ni Baby Snoe. Noe eventually became Snoe. Paano ay nahirapang bigkasin iyon ng pangalawang anak ni Hannah. “Ay, hindi! Ikaw ang gagawin naming assistant ng paring magbibinyag kay baby.” "Ay, bet kong maging sakristan." Sa lakas ng hagalpakan nila ng tawa, nagising tuloy ang mga anak nila ni Hannah na magkatabi sa kani-kaniyang crib. Nag-contest sa pag-iyak ang dalawang bata. Kaya naman, kanya-kanya silang buhat sa mga bulinggit. Mahigit isang taon na ang kay Hannah, anim na buwan naman ang sa kanya. “Ayan, mga mahadera, nagising tuloy.” Tumayo si Phil at niligpit ang lahat ng kalat sa parihabang mesa. “Mabuti pa itigil na muna na
Matuling lumipas ang mga araw. Parang ang bilis ding lumaki ng tiyan ni Meredith. Sa tatlong pagbubuntis niya, itong isang ito ang pinakamadali. Dagdag pa na napapalibutan siya ng mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Early stage pa lang ng pregnancy, kung anu-anong regalo ang natatanggap niya. Katunayan, puno na kaagad ng gamit ang closet ng bagong nursery na pinaayos ni Caleb. All throughout her pregnancy, hindi nawala sa tabi niya si Mommy Audrey. Pansamantalang naka-on hold ang paglalagalag nito at ni Daddy Henry at halos sa bahay na nga naglalagi ang mga ito. She was her mother-in law's top priority. “Hindi mo luto ito, Mommy.” Hinalo-halo niya ang ginataang mais sa mangkok habang nagbukas naman ng canister ng cream ang biyenan na ipinanghahalo nito sa tinimplang kape. Nakadalawang subo na siya sa pagkain.“Paano mo nasasabi?” “May cheese kasi.” Napangiti si Mommy Audrey. “Talagang kabisado mo ang luto ko, ano?” There was pride in her voice.“Every hint of spice and co
May mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang punong-tainga. May tila rin naghalong tila tumutusok at nakakakiliting kung ano sa balat niya. Was she still dreaming? Sumamyo kasi sa ilong niya ang pamilyar na scent ng asawa niya.Nasa Japan pa si Caleb. Kausap niya ito kahapon."Hmm, it smells nice."Boses iyon ni Caleb. Ibinuka niya ang namimigat na mga talukap. And there, Caleb's playful grin and lustful stares greeted her eyes. Tuluyan na ngang nagising ang diwa niya. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakaluhod sa harapan niya. Nakabakod sa katawan niya ang matititpunong mga braso na nakatukod sa sandalan ng upuan. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na sa wakas ay nahahawakan at naaamoy na niya ito. She couldn’t contain her happiness."Caleb…""Hello baby."He moved his face closer to her. Naglapat ang mga labi nila habang masuyong humahagod ang buko ng mga daliri sa kanyang mukha. Malambing ang pagkakahagod na tila nag-i-engganyo sa ka
Sumabog ang palakpakan sa buong venue nang matapos ang presentation ng nakahilerang mga toddlers sa stage. Itinuon ni Meredith ang camera sa anak niyang si Maddie at sunod-sunod na kinunan ito ng larawan. Ang cute ng anak niya sa suot nitong white tutu. Habang lumalaki ito, mas lalo namang gumaganda at mas naging prominente ang talent nito sa dancing. Sa isang pag-click niya ng camera, on point niyang nakunan ang anak na kumakaway sa gawi nila. Litaw ang maliliit na pares ng mga ngipin.“She looks so pretty.”Hindi mapuknat ang palakpak at papuri ni Hannah. Nagiging malikot ito na kumakaway-kaway pa sa anak niya.“Careful .” Bumaba ang tingin niya na maumbok nitong tiyan. “Baka mapingot ako ng mister mo. Halos ayaw ka ngang pasamahin sa akin ng isang ‘yon.” Nasa bakasyon sina Mommy Audrey at Daddy Henry. Si Caleb naman ay nasa business trip kaya, ang buntis ang binitbit niya sa recital.Napahinto sa pagpalakpak si Ninang Hannah at nakaingos na lumingon sa kanya. “Pitikin ko ‘yong betlo
Kanina pa nakatitig si Meredith sa name plate na nakapaskin sa pintuan ng silid na nasa harapan niya. She silently reading the name engraved on it in bold metallic color. Pangalan ng psychiatrist na nagmamay-ari ng clinic. It was a Sunday pero pinayagan sila ni Dra. Lutgardo na pumasok dito. Sitting beside her felt like… Hindi niya maipaliwanag. Ilang minuto na rin silang magkatabing nakaupo sa bench sa lobby ng private office. Kung siya lang, makakaya niyang huwag kausapin ang katabi kahit magdamagan pa, pero iyon ang ipinunta nila dito. Para sa kanya, ito ang perpektong lugar para mag-usap. Sa kanyang peripheral view, nakita niya ang katabi na tahimik lang ding nakaupo. Her hands were clasp on her thighs. Kabado ito. Kanina nang dumating ito, hindi ito makatingin sa kanya ng tuwid. Ramdam niyang nahihiya ito. Dapat lang. Once she unleashes her fury, baka kung saan ito pupulutin. However, she’s here to know her side of the story, and she had to start somewhere. “I used to spend cou
Bettina Alcantara.Paulit-ulti na tila kalimbang na naglalaro sa isip ni Meredith ang pangalang 'yon. Narinig na ba niya ang pangalang Bettina Alcantara? It didn’t ring a bell. Kailanman, hindi pa niya ito nakatagpo pero sa kung anong dahilan, may gumapang na kirot sa puso niya. Ang nalilitong isipan ay inagaw ng isang bulto ng katawan na iniluwa mula maindoor ng bahay. Wala sa sariling napalapit siyang lalo sa gate at napahawak sa bakal. Malayo man pero hinulma ng imahinasyon niya ang imahe ng babaeng nakatayo roon. Once again, her heart was racing so fast. Nakabibingi ang ingay ng puso niya. Hindi niya maagaw ang mga titig sa babaeng unti-unti na ngayong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Gaya ng kung paanong ayaw nitong tantanan ng titig ang kinaroroonan niya.May nababasa siyang mga emosyon sa mga mata nito.There was even a touch of longing.Bakit?Mas nadagdagan ang mga tanong niya sa sarili. Mas lumalawak ang hinala.Nakita niya kung paanong halos makuyumos nito ang hawak
Pinasadahan ni Meredith ng titig ang sarili sa malaking salamin sa kanyang harapan. Kuntento siya sa nakikita. Bumagay sa kanya ang black cocktail dress na abot lang hanggang itaas ng tuhod niya. Nagsisilbing accent sa kabuuan niyang ayos ang emerald earring at necklace na iniregalo nina Mommy Audrey at Daddy Henry noong birthday niya. The jewelry made her look exquisite. Manipis lang din ang make up niya at maayos na naka-bun ang mahaba niyang buhok. Finishing touches niya ang pagwisik ng perfume sa katawan. Her favourite vanilla scent. Caleb's fave also. Nang masiguradong okay na ang lahat, pinulot niya ang purse sa ing babaw dresser at naglakad palabas ng silid. Para siyang naninibago sa taas ng takong pero kinaya naman niyang dalhin nang hindi natutumba.Pababa na siya ng hagdanan nang hindi niya maiwasang libutin ng tingin ang kabuuan ng bahay. Tatlong buwan na rin silang bumukod nina Caleb. Mahabang paliwanagan pa ang kinailangan bago sila payagan ni Mommy Audrey. “Namatay na ng