Marahang nagising ang diwa ni Meredith na may nagbago sa sarili niya. May bahagi ng kanyang pagkatao ang napunan at naging buo. She smiled. Binabalot man ng dilim ang paligid, wala man siyang makita, pakiwari niya ay sumabog ang lahat ng kulay ng mundo sa harapan niya. She was more alive. Life became more meaningful. Most of all, she felt loved.“I love you…”Mas kumurba ang mga labi niya nang maalala kung paano paulit-ulit na sinambit ni Caleb ang mga salitang iyon.. Sinikap niyang ibulsa ang kilig nang maalala ang mga pinaggagawa nila ni Caleb. Pagalit-galit pa siya, pero heto, bumigay rin pala, at hindi lang basta sumuko, she went way overboard. Gosh, nag-iinit na naman ang sulok ng pisngi nuya. Parang may mga langgam na gumagapang sa kanyang balat at mga daga na nag-uunahan sa pagtakbo sa sikmura niya. Kinagat niya ang ibabang labi upang supilin ang kilig.Just last night, she surrendered to Caleb everything she had one more time. She made love to him the way she would with her eye
Mailap ang tulog kay Caleb. He was wide awake from two in the morning up until this moment. Nasisilip na niya sa bintana ang dahan-dahang pagbubuka ng liwayway. Nagiging klaro na ang silhouette ng mga puno sa labas ng bintana. Paano ba siya makakatulog kung ginigising ng mahal niya ang buong kamalayan niya? He just can’t take his eyes off his wife. Natatakot siyang kumurap at baka sa isang iglap, maglaho ito. Gusto niyang nakatuon lang sa magandang mukha nito ang mga mata. Pero kailangan niya ring kumilos. Kumakalam na ang sikmura niya. Siguradong gutom na rin ang asawa niya pagkagising nito. Buong ingat niyang inalis sa pagkakaunan sa kanyang braso ang ulo ni Mere ngunit umungot ito at nagsusumiksik sa kanya lalo. His lips curved into a genuine smile. “Sounds like someone miss me so much.” Hindi napigilang paraanan niya ng daliri ang hugis ng ilong nito. Kailanman, hindi siya magsasawang titigan ang kagandahan ng asawa niya. He kissed the tip of her nose. Bumaba ang labi niya sa ba
"Ready?""I am."She was more than ready to go home. Home to TJ and to the family that embraced her wholeheartedly. Nasasabik na siyang makita ang Mommy Audrey at Lolo Manolo. Habang biyahe, hindi nito binibitiwan ang palad niya. Nagkakahiwalay lang ang mga palad nila kapag may kailangan itong gawin o kakalikutin sa manibela. Sa loob ng halos isang oras na biyahe ay nakailang halik na rin ito sa kanya. Para itong baliw pero aaminin niya, kinikilig siya. She was more than happy. Masaya lang ang paglalakbay nilang dalawa. Humihinto pa sila sa mga nadaraanang mobile vendors para bumili ng kung anu-ano, mapasuman, dirty ice cream, tubig. Name it and Caleb voluntarily bought it for her. Katwiran nito, nakakatulong ito sa iba. Kaya naman, kain lang din siya nang kain."Kumakain ka na pala ng pang-jologs na pagkain?" habang pinapapak ang nilagang mais ay tanong niya sa asawa na kagaya niya ay nilalantakan din ang sariling pagkain. "Dati naman na akong kumakain ng ganito, ah."Sadly, hindi n
Caleb and Mere spent the rest of the day at the mansion. Ang anak nilang si TJ ay halos hindi na humihiwalay sa Lolo Manolo nito, na kahit si Mommy Audrey ay nahirapang sumingit. Iba ang enerhiya ni Lolo Manolo kapag kasama ang anak nila. The two were inseparable. Ang sarap lang titigan na masaya ang dalawa habang magkasama. They even slept side by side on Lolo Manolo's bed. Nakapatong pa ang maliit na braso ni TJ sa dibdib ni Lolo Manolo. Moments like these were priceless. It needed to be captured. “They look perfect together,” ang nanay niya na nakatayo sa tabi niya at nakatitig din kina Lolo Manolo. “Indeed, Mom.” Isinuksok niya ang phone sa bulsa at pinag-ekis ang mga braso sa tapat ng dibdib. Nakikiramdam siya sa ina. Kapansin-pansing nawala na ang serious treatment nito sa kanya. Kinakausap na siya katulad ng dati. “Naghihikab na ang asawa mo. Ihatid mo na siya sa silid ninyo.” Awtomatiko siyang napalingon sa katabing ina. Naibaba niya ang magkasalikop na mga braso nang wala
“Pancake for my little buddy!”Boses ni Caleb ang narinig ni Meredith mula sa kusina. Napangiti siya. Ganito ang usual scenario ang araw-araw na bubungad sa kanya sa loob ng ilang linggong pananatili nila sa mansion. Sa bawat araw, walang mintis na inaalagaan at ipinaghahanda sila ni Caleb. Matapat nitong tinupad ang pangakong pagsisilbihan sila sa kabila ng maraming nitong responsibilidad sa trabaho, idagdag pa ang mga paghahanda para sa kasal nila. Siya at si TJ, they were on top of his priorities. Caleb just never failed to make her feel like a queen at ang munting TJ naman nila ang prinsipe. Madalas niya ngang sabihin na baka masyado na itong naaabala sa kanila."You and TJ are more precious than anything in this world,” his usual remark.Kapag ganoon na ang mga hirit ng asawa niya, sagad ang kilig na nararamdaman niya. Pakiramdam niya, naglilipana ang mga insekto sa kanyang sikmura.“Bolero,” ang siya namang karaniwang biro niya.Banters like these would always end up in sweet mor
"Caleb?"Nakapa ni Mere ang tapat ng kanyang dibdib nang bigla na lang siyang makaramdam ng kakaibang kaba. Si Caleb kaagad ang naisip niya. Hinawakan niya ang suot na Braille watch. Mag-aalas tres pa lang ng hapon at sigurado siyang nagkukumahog ito ngayon sa opisina. “This is mouth-watering.” Naagaw ng masiglang boses ni Mommy Aud ang atensyon niya. Simula kaninang dumating sila sa sikat na cake shop na ito, hindi na matigil ang mga pamumuna ng biyenan sa iba-ibang sample flavors ng cakes para sa wedding reception. Napapangiti na lang si Meredith habang pinakikinggan si Mommy Audrey. Sa kabila ng hired wedding planner, ini-insist nito na personal na mamili ng wedding cake. In Mommy Audrey's words, 'I want to accord you the best wedding any bride could ever wish for.' Magmula sa wedding gown, reception, food. Lahat ay metikulusong pinaghahandaan. Malayong-malayo sa naunang kasal nila ni Caleb. Spoiled bride nga ang tawag ni Hannah sa kanya. Noong nakaraang linggo lang ay nasa Mani
It was indeed a perfect day to get married. It was January but it seemed like summer. The sky was blue, walang anumang pagbabadyang uulan. Parang ang lahat sa paligid ay nakiisa sa mga puso nila ni Meredith. Ang malawak na sunflower field ay nagmistulang malawak na paraiso. Bawat bulaklak yata ay namukadkad at nakangiti habang sumasabay sa mabining hampas ng hangin. In such a short span of time, nagawang ihanda ng organizers at ng ina niya ang lugar na ito.Napabuga ng hangin si Caleb. Paraan iyon para pagaanin ang tila naninikip na dibdib. Inside his chest were intense emotions- relief, happiness, excitement and most of all, love. Hindi niya maiwasan ang pagsilip sa dulo ng aisle. Any second, lilitaw na ang asawa at maglalakad palapit sa kanya.“Ladies and gentlemen, the lovely bride!”Finally…Nagsitayuan ang lahat. Parang isang kumpas na sa entrada ng wedding venue nakatutok ang paningin ng mga ito. Behind that curtain was a sillhuouette of a woman, his Meredith. Dahan-dahan, nahawi
Ginising si Meredith ng magandang musika sa paligid- huni ng mga ibon, pagaspas ng mga dahon, marahang tunog ng daloy ng tubig sa ilog. Ang sarap sa pandinig. Higit na kaaya-aya sa lahat ay ang patag na paghinga ni Caleb sa tabi niya. Nahaplos niya ang braso nitong nakalingkis sa katawan niya. Nakasuksok pa talaga ang palad sa ilalim ng beywang niya na parang takot na iwanan niya.‘Where would a blind woman go?’Marahan siyang gumalaw at humarap sa asawa. Tumama sa mukha niya ang ritmikong paghinga nito. Dumikit sa balat niya ang hubad na katawan nito. Actually, they were both naked under the sheet. They hardly had time to wear anything. Maya’t-maya na lang kasi itong asawa niya decent. Habang pumapasok sa isip niya ang mga pinaggagawa nilang dalawa, hindi maiwasang makaramdam siya ng pag-iinit ng lahat ng sulok ng kanyang mukha. They were just unstoppable. Parang unang beses ulit nila. Lagi namang parang first time kapag naghaharutan na sila. Laging panibago ang enerhiya na tila wala
“Never fall in love with a Santibanez nor a Romero.” Bata pa lang ako, naririnig ko nang madalas na sinasabi iyon ng aking ina. Walang araw na lumipas na hindi iyon tumutunogna parang sirang plaka sa aking tainga. Parang alarm clock, parang embedded sound sa cellphone. Minsan, natatawa na lang akong umaangil. “Mommy, I am too young for love. ‘Di ba, Daddy?’ Kapag ganoon na ang tanong ko na tila naiinis, isang kindat at ngiti sabay gulo sa aking mahabang buhok lang ang sagot ng ama ko. Mom was the boss of the household. Young and innocent, isinaulo ko rin ang bilin ng nanay ko. Sobrang naisaulo ko na kahit na sinong lalaking nakikita ko, disgust ang mararamdaman ko sa kanila lalo na kapag nagpapakita na ng motibo. Love, for me, was something too overrated, but at the same time, too underrated, as well. Ang gulo ng ideya ko. Basta, love to me was disastrous. If it wasn’t someone like my father, eh, huwag na lang. Sakit lang ng ulo. No man, no relationship, mas okay. I feel safer. Bei
Sa araw ng binyag, parang fiesta sa buong farm. It was indeed a great welcome for Noelle Margarette to the Christian world. Tila naman ramdam ng anak nila ang saya sa paligid. Kahit isang beses ni hindi ito umiyak, kahit na nga pinagpapasa-pasahan ng mga ninong at ninang. Sina TJ at ang kambal naman ay masayang nakikipaglaro sa mga anak nina Harrison at Hannah at mga anak ni Becca. Babysitter ng mga bubuwit ang mas matatandang mga anak ni Kuya Noah. Their laughter was like a beautiful music in the air."I'm sorry, Ate, I'm late again.""At least, dumating ka, Exir."Inayos niya sa lalagyan ang cake na bitbit ni Exir. He arrived with a nice lady in tow. Mukhang in love na ang isang ito. "Cali?""Alam mo naman 'yon, Ate."Muli, hindi na naman nakadalo si Cali. Something was really up with her. Isang araw ay tatanungin niya ito, babae sa babae. For now, ang kasiyahan muna. Ayaw niyang mahahaluan ng lungkot ang masayang atmosphere sa paligid. Ang saya lang ng lahat. Lalo na ang pakinggan
“Saan ko ba ililista si Phil, sa ninang o sa ninong?” “Kurot sa singit, you like?” nakatikwas ang kilay na agarang sagot ni Phil sa pabirong hirit ni Hannah. Tumayo pa ito at umaktong binabatukan ang babae. Malakas ang naging tawanan nila. Kasalukuyan silang nasa den ng bagong tayong bahay nina Hannah at pinagkakaabalahan ang paghahanda para sa binyag ni Baby Snoe. Noe eventually became Snoe. Paano ay nahirapang bigkasin iyon ng pangalawang anak ni Hannah. “Ay, hindi! Ikaw ang gagawin naming assistant ng paring magbibinyag kay baby.” "Ay, bet kong maging sakristan." Sa lakas ng hagalpakan nila ng tawa, nagising tuloy ang mga anak nila ni Hannah na magkatabi sa kani-kaniyang crib. Nag-contest sa pag-iyak ang dalawang bata. Kaya naman, kanya-kanya silang buhat sa mga bulinggit. Mahigit isang taon na ang kay Hannah, anim na buwan naman ang sa kanya. “Ayan, mga mahadera, nagising tuloy.” Tumayo si Phil at niligpit ang lahat ng kalat sa parihabang mesa. “Mabuti pa itigil na muna na
Matuling lumipas ang mga araw. Parang ang bilis ding lumaki ng tiyan ni Meredith. Sa tatlong pagbubuntis niya, itong isang ito ang pinakamadali. Dagdag pa na napapalibutan siya ng mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Early stage pa lang ng pregnancy, kung anu-anong regalo ang natatanggap niya. Katunayan, puno na kaagad ng gamit ang closet ng bagong nursery na pinaayos ni Caleb. All throughout her pregnancy, hindi nawala sa tabi niya si Mommy Audrey. Pansamantalang naka-on hold ang paglalagalag nito at ni Daddy Henry at halos sa bahay na nga naglalagi ang mga ito. She was her mother-in law's top priority. “Hindi mo luto ito, Mommy.” Hinalo-halo niya ang ginataang mais sa mangkok habang nagbukas naman ng canister ng cream ang biyenan na ipinanghahalo nito sa tinimplang kape. Nakadalawang subo na siya sa pagkain.“Paano mo nasasabi?” “May cheese kasi.” Napangiti si Mommy Audrey. “Talagang kabisado mo ang luto ko, ano?” There was pride in her voice.“Every hint of spice and co
May mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang punong-tainga. May tila rin naghalong tila tumutusok at nakakakiliting kung ano sa balat niya. Was she still dreaming? Sumamyo kasi sa ilong niya ang pamilyar na scent ng asawa niya.Nasa Japan pa si Caleb. Kausap niya ito kahapon."Hmm, it smells nice."Boses iyon ni Caleb. Ibinuka niya ang namimigat na mga talukap. And there, Caleb's playful grin and lustful stares greeted her eyes. Tuluyan na ngang nagising ang diwa niya. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakaluhod sa harapan niya. Nakabakod sa katawan niya ang matititpunong mga braso na nakatukod sa sandalan ng upuan. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na sa wakas ay nahahawakan at naaamoy na niya ito. She couldn’t contain her happiness."Caleb…""Hello baby."He moved his face closer to her. Naglapat ang mga labi nila habang masuyong humahagod ang buko ng mga daliri sa kanyang mukha. Malambing ang pagkakahagod na tila nag-i-engganyo sa ka
Sumabog ang palakpakan sa buong venue nang matapos ang presentation ng nakahilerang mga toddlers sa stage. Itinuon ni Meredith ang camera sa anak niyang si Maddie at sunod-sunod na kinunan ito ng larawan. Ang cute ng anak niya sa suot nitong white tutu. Habang lumalaki ito, mas lalo namang gumaganda at mas naging prominente ang talent nito sa dancing. Sa isang pag-click niya ng camera, on point niyang nakunan ang anak na kumakaway sa gawi nila. Litaw ang maliliit na pares ng mga ngipin.“She looks so pretty.”Hindi mapuknat ang palakpak at papuri ni Hannah. Nagiging malikot ito na kumakaway-kaway pa sa anak niya.“Careful .” Bumaba ang tingin niya na maumbok nitong tiyan. “Baka mapingot ako ng mister mo. Halos ayaw ka ngang pasamahin sa akin ng isang ‘yon.” Nasa bakasyon sina Mommy Audrey at Daddy Henry. Si Caleb naman ay nasa business trip kaya, ang buntis ang binitbit niya sa recital.Napahinto sa pagpalakpak si Ninang Hannah at nakaingos na lumingon sa kanya. “Pitikin ko ‘yong betlo
Kanina pa nakatitig si Meredith sa name plate na nakapaskin sa pintuan ng silid na nasa harapan niya. She silently reading the name engraved on it in bold metallic color. Pangalan ng psychiatrist na nagmamay-ari ng clinic. It was a Sunday pero pinayagan sila ni Dra. Lutgardo na pumasok dito. Sitting beside her felt like… Hindi niya maipaliwanag. Ilang minuto na rin silang magkatabing nakaupo sa bench sa lobby ng private office. Kung siya lang, makakaya niyang huwag kausapin ang katabi kahit magdamagan pa, pero iyon ang ipinunta nila dito. Para sa kanya, ito ang perpektong lugar para mag-usap. Sa kanyang peripheral view, nakita niya ang katabi na tahimik lang ding nakaupo. Her hands were clasp on her thighs. Kabado ito. Kanina nang dumating ito, hindi ito makatingin sa kanya ng tuwid. Ramdam niyang nahihiya ito. Dapat lang. Once she unleashes her fury, baka kung saan ito pupulutin. However, she’s here to know her side of the story, and she had to start somewhere. “I used to spend cou
Bettina Alcantara.Paulit-ulti na tila kalimbang na naglalaro sa isip ni Meredith ang pangalang 'yon. Narinig na ba niya ang pangalang Bettina Alcantara? It didn’t ring a bell. Kailanman, hindi pa niya ito nakatagpo pero sa kung anong dahilan, may gumapang na kirot sa puso niya. Ang nalilitong isipan ay inagaw ng isang bulto ng katawan na iniluwa mula maindoor ng bahay. Wala sa sariling napalapit siyang lalo sa gate at napahawak sa bakal. Malayo man pero hinulma ng imahinasyon niya ang imahe ng babaeng nakatayo roon. Once again, her heart was racing so fast. Nakabibingi ang ingay ng puso niya. Hindi niya maagaw ang mga titig sa babaeng unti-unti na ngayong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Gaya ng kung paanong ayaw nitong tantanan ng titig ang kinaroroonan niya.May nababasa siyang mga emosyon sa mga mata nito.There was even a touch of longing.Bakit?Mas nadagdagan ang mga tanong niya sa sarili. Mas lumalawak ang hinala.Nakita niya kung paanong halos makuyumos nito ang hawak
Pinasadahan ni Meredith ng titig ang sarili sa malaking salamin sa kanyang harapan. Kuntento siya sa nakikita. Bumagay sa kanya ang black cocktail dress na abot lang hanggang itaas ng tuhod niya. Nagsisilbing accent sa kabuuan niyang ayos ang emerald earring at necklace na iniregalo nina Mommy Audrey at Daddy Henry noong birthday niya. The jewelry made her look exquisite. Manipis lang din ang make up niya at maayos na naka-bun ang mahaba niyang buhok. Finishing touches niya ang pagwisik ng perfume sa katawan. Her favourite vanilla scent. Caleb's fave also. Nang masiguradong okay na ang lahat, pinulot niya ang purse sa ing babaw dresser at naglakad palabas ng silid. Para siyang naninibago sa taas ng takong pero kinaya naman niyang dalhin nang hindi natutumba.Pababa na siya ng hagdanan nang hindi niya maiwasang libutin ng tingin ang kabuuan ng bahay. Tatlong buwan na rin silang bumukod nina Caleb. Mahabang paliwanagan pa ang kinailangan bago sila payagan ni Mommy Audrey. “Namatay na ng