“Dad, this is too much exercise!” Tinig ni Cali mula sa ibaba ang tuluyang nagpagising ng diwa ni Caleb kinabukasan. Ang balak na simpleng pag-idlip sa studio ay nauwi sa malalim at mahimbing na pagtulog. Ang larawan nila ni Ashley na hawak niya kagabi ay nakataob na sa sahig. Matapos niyang ligpitin ang larawan ay lumabas ay bumaba na siya bago pa man magsimulang magtanong ang nanay niya kay Meredith kung nasaan siya at magtungo sa silid nilang ‘mag-asawa’. Parang walang sinumang gumamit. Meredith had the habit of keeping everything clean and in order. Kung may isang bagay man siyang nagugustuhan sa babae, ang hindi pagiging pakialamera nito. He had a much needed shower and headed downstairs. Makikisali siya kina Tito Lorenzo at Cali pero, kailangan munang masayaran ng kape ang silmura niya. “Meredith, can you make me a sandwich?” “Yes po, Lolo.” Nasa pinakahuling baitang pa lang ng hagdanan, dinig na niya ang ingay at kaluskos mula sa kusina, pati ang paglalambing ni Lolo Manolo
“Meredith.”Sunud-sunod ang naging paglunok ni Caleb. Paano ba nawala sa utak niya na nasa silid niya ang babae? Blame it on alcohol? Kalokohan. Tila nabawasan ang kalasingan niya habang tinititigan ang maamo nitong mukha. His throat suddenly dried upon seeing her as close as this. Ito ang unang beses na naging ganito sila kalapit sa isa't-isa. So close that her alcohol-laden breath made his mind even hazier. Naglakbay ang mga mata niya sa mukha nito. God knows kung anong kademonyohan ang naiisip niya habang tinititigan ang nakaawang nitong mga labi. His mind was clouded by a substance, pero klaro sa utak niya ang nagiging reaksyon ng katawan. Paano ba niya pasusubalian? He had a frigging arousal. Namumukol ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Namimigat ang puson niya. Nagiging tila iritable ang kanyang paghinga. He silently groaned when he accidentally felt his own shaft getting rigid and steely.Sa likod ng kanyang utak ay may maliit na boses na kumakalabit sa kanya para umahon sa
Tila tinutusok ng karayom ang ulo niya. Binuksan niya ang mga mata ngunit kaagad ding napapikit nang sumigid ang kirot sa kanyang sentido. Binalak niyang mag-unat ngunit tila may mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang kanang braso. Kunot ang noong nilingon niya iyon at sinuri. Mahabang buhok ang sumalubong sa paningin niya. He was cuddling a woman. Not just any woman but his wife. Jesus! Memories from last night suddenly flashed on his mind. The touch…the kiss…her labored breathing…everything… Parang naka-glue na nakapagkit ang lahat ng alaala sa kanyang isip, sa kanyang katawan. He slept with Meredith. In an unexpected turn of events, they had consummated their marriage at a time when they had already decided to end it. Alam niyang may tama siya ng alkohol, pero malinaw sa kanya na ginusto niya ang nangyari, naakit siya, nalunod sa sensasyon, at ngayon, may posibilidad na magiging kumplikado ang lahat. ‘What have you done, Caleb?’ Ginalaw niya si Meredith. Patunay ang hubad n
“Susunod kami sa inyo. Your Lolo Manolo planned to stay here longer. Baka sa susunod na araw. Hindi ko naman maiwan dito na nurse lang ang kasama.” Halos ayaw nang pakawalan ng ina si Meredith habang yakap nang mahigpit. Kung tutuusin, magkikita rin naman ang mga ito sa Maynila. “Sige po, Mommy. Hindi ko na lang po gigisingin si Lolo.” Yumakap din si Meredith kay Tito Lorenzo. “Be good, hija. Dapat ganito ka lagi. Bawasan mo ang pagiging mahiyain mo. Pamilya tayo rito.” Ngumiti lang ito nang kumalas sa tiyuhin. Si Tito Lorenzo na ang nagbukas ng pinto para sa mga ito. Nasa harapan si Meredith, sa backseat naman si Cali. Sasabay ang pinsan sa kanila. Mananatili muna si Tito Lorenzo at Exir sa farm. May sira ang mga pananim na mga bulaklak at kailangan ang expertise ni Tito Lorenzo. “Princess, behave, okay?” “I am always behaved, Daddy.” Kumindat pa ang pinsan sa daddy nito. Fondly, ginulo ni Tito Lorenzo ang buhok nito bago isinarado ang pinto. “Lorenzo, she’s big already. Dalaga
May kung anong ingay na umaalingawngaw sa kanyang tainga at ginigising ang diwa niya. Sa paanan ng kama nagmumula ang ingay sa pakiwari niya. Binuksan niya ang namimigat na mga talukap. Inut-inot siyang bumangon at sinundan ang nakabubulahaw na tunog. Saka lang luminaw sa kanya kung ano iyon, tunog ng telepono na nasa loob mismo ng kanyang sling bag na nkahandusay lang sa sahig. Inabot niya iyon at dinukot sa loob ang maingay na aparatu. Si Mommy Audrey o ‘di naman kaya ay si Tatay Ramon ang karaniwan niyang caller. Pinindot niya ang answer button nang hindi pinagkaabalahang alaimin kung sino sa dalawa ang tumawag. “Hello,” napapagod niyang sagot na muling nahiga nang patihaya sa kama at pumikit. Halos mahulog na sa edge ng higaan ang ulo niya. Ang buhok ay hinayaan niyang lumaylay lang sa ere. “Oh, my God! Mere, finally, sumagot ka rin!” Si Mommy Audrey ang nasa kabilang linya. Nanginginig ang boses nito at tila takot na takot. Dahilan para humulas ang anumang natitirang antok sa k
Nalilito siya kung tanong o deklarasyon ang sinabi ni Caleb. It was said almost incoherently. Halos pautal ang boses nito. For one moment there, tila tumigil sa pagpintig ang puso niya. Panandaliang huminto sa pag-inog ang mundo at nakatitig lang sa lalaki. Nahihirapan ang utak na iproseso ang lahat. Tinawag siyang asawa sa panahong nagdesisyon silang maghiwalay na. “Meredith…”This time ay mas klaro nitong binanggit ang pangalan niya. Nabawasan na ang tila ngatal sa tinig nito. Dahan-dahang umangat ang palad ni Caleb. Inaanyayahan siyang lumapit.“Oh, my God!” naiiyak na bulalas ni Mommy Audrey habang nakatitig sa anak.Habang masaya si Mommy Audrey at ang medical team na nakapaligid sa kanila, kabaligtaran ang naramdaman ni Ashley. Malapit lang ito sa kanya pero kinakabahan siyang silipin ang reaksyon sa mukha nito. Babae siya, kahit may lihim siyang disgusto sa babae, ramdam niya ang hirap ng kalooban nito. Sa huli, nilingon niya ito. Kahit may pilit mang ngiti sa mga labi, naaani
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase ni Meredith sa unang subject. Lakad-takbo na nga ang ginawa niya para lang makaabot sa oras pero sadyang minalas siya sa umagang ito. Tagaktak ang pawis nang marating niya ang palapag ng unang klase. Pagbukas niya ng pintuan, napahinto kaagad sa pagsasalita ang professor at pinukol siya ng malamig na titig. Kasalukuyan na nitong tsini-tsek ang attendance at pangalan pa talaga niya ang tinawag.“Oh, Miss Ocampo, it seems like you have a different clock system than mine.”Napatungo siya dala ng hiya. Ang harsh ng guro niya. “Do you still have plans to join us, Miss Ocampo?”Nagsimula nang gumawa ng bulungan ang mga blockmates. Pinagtatawanan na siya. “I’m so sorry, Ma’am.”Tumaas lang ang kilay nito at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Nanliliit ang pakiamdam niya. Outcast na nga ang pakiramdam niya, nadipina pang lalo. Tungo ang ulo niyang naglakad patungo pinakadulong upuan. Her usual spot in any given classroom setting. Walang kat
Sa sumunod na mga linggo, naging subsuban siya sa pag-aaral. Malapit na ang finals, siksik siya sa sa mga aralin at schoolworks. Nakakatuwa lang na malapit na niyang ma-survive ang isang trimester. Pag-uwi niya sa kanila, kakausapin niya nang masinsinan ang tatay niya na sa probinsaya na lang siya magpapatuloy sa pasukan. Ano mang pangungumbinse sa sarili ang gagawin niya, hindi niya talaga magawang magustuhan dito sa Manila. Mas gusto niya ang lifestyle sa probinsya. Miss na niya ang tatay niya. Kagabi, nang tumawag siya, pinag-aalala siya nito nang husto nang panay ang pag-ubo nito."Wala ito," ang sagot nito nang komprontahin niya. Minsan, sinungaling din ang tatay niya. Kaya, buo na ang desisyon niya. Uuwi siya. Kailangan ni Tatay Ramon ng mag-aalaga at sasaway kapag nagiging matigas na ang ulo at panay trabaho sa bukirin. Ayaw kasing mag-asawang muli. “Itutuon ko na lang ang atensyon sa pag-aalaga sa’yo, anak," madalas nitong sabihin na sa tuwina ay kumukurot sa puso niya. Hindi
“Never fall in love with a Santibanez nor a Romero.” Bata pa lang ako, naririnig ko nang madalas na sinasabi iyon ng aking ina. Walang araw na lumipas na hindi iyon tumutunogna parang sirang plaka sa aking tainga. Parang alarm clock, parang embedded sound sa cellphone. Minsan, natatawa na lang akong umaangil. “Mommy, I am too young for love. ‘Di ba, Daddy?’ Kapag ganoon na ang tanong ko na tila naiinis, isang kindat at ngiti sabay gulo sa aking mahabang buhok lang ang sagot ng ama ko. Mom was the boss of the household. Young and innocent, isinaulo ko rin ang bilin ng nanay ko. Sobrang naisaulo ko na kahit na sinong lalaking nakikita ko, disgust ang mararamdaman ko sa kanila lalo na kapag nagpapakita na ng motibo. Love, for me, was something too overrated, but at the same time, too underrated, as well. Ang gulo ng ideya ko. Basta, love to me was disastrous. If it wasn’t someone like my father, eh, huwag na lang. Sakit lang ng ulo. No man, no relationship, mas okay. I feel safer. Bei
Sa araw ng binyag, parang fiesta sa buong farm. It was indeed a great welcome for Noelle Margarette to the Christian world. Tila naman ramdam ng anak nila ang saya sa paligid. Kahit isang beses ni hindi ito umiyak, kahit na nga pinagpapasa-pasahan ng mga ninong at ninang. Sina TJ at ang kambal naman ay masayang nakikipaglaro sa mga anak nina Harrison at Hannah at mga anak ni Becca. Babysitter ng mga bubuwit ang mas matatandang mga anak ni Kuya Noah. Their laughter was like a beautiful music in the air."I'm sorry, Ate, I'm late again.""At least, dumating ka, Exir."Inayos niya sa lalagyan ang cake na bitbit ni Exir. He arrived with a nice lady in tow. Mukhang in love na ang isang ito. "Cali?""Alam mo naman 'yon, Ate."Muli, hindi na naman nakadalo si Cali. Something was really up with her. Isang araw ay tatanungin niya ito, babae sa babae. For now, ang kasiyahan muna. Ayaw niyang mahahaluan ng lungkot ang masayang atmosphere sa paligid. Ang saya lang ng lahat. Lalo na ang pakinggan
“Saan ko ba ililista si Phil, sa ninang o sa ninong?” “Kurot sa singit, you like?” nakatikwas ang kilay na agarang sagot ni Phil sa pabirong hirit ni Hannah. Tumayo pa ito at umaktong binabatukan ang babae. Malakas ang naging tawanan nila. Kasalukuyan silang nasa den ng bagong tayong bahay nina Hannah at pinagkakaabalahan ang paghahanda para sa binyag ni Baby Snoe. Noe eventually became Snoe. Paano ay nahirapang bigkasin iyon ng pangalawang anak ni Hannah. “Ay, hindi! Ikaw ang gagawin naming assistant ng paring magbibinyag kay baby.” "Ay, bet kong maging sakristan." Sa lakas ng hagalpakan nila ng tawa, nagising tuloy ang mga anak nila ni Hannah na magkatabi sa kani-kaniyang crib. Nag-contest sa pag-iyak ang dalawang bata. Kaya naman, kanya-kanya silang buhat sa mga bulinggit. Mahigit isang taon na ang kay Hannah, anim na buwan naman ang sa kanya. “Ayan, mga mahadera, nagising tuloy.” Tumayo si Phil at niligpit ang lahat ng kalat sa parihabang mesa. “Mabuti pa itigil na muna na
Matuling lumipas ang mga araw. Parang ang bilis ding lumaki ng tiyan ni Meredith. Sa tatlong pagbubuntis niya, itong isang ito ang pinakamadali. Dagdag pa na napapalibutan siya ng mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Early stage pa lang ng pregnancy, kung anu-anong regalo ang natatanggap niya. Katunayan, puno na kaagad ng gamit ang closet ng bagong nursery na pinaayos ni Caleb. All throughout her pregnancy, hindi nawala sa tabi niya si Mommy Audrey. Pansamantalang naka-on hold ang paglalagalag nito at ni Daddy Henry at halos sa bahay na nga naglalagi ang mga ito. She was her mother-in law's top priority. “Hindi mo luto ito, Mommy.” Hinalo-halo niya ang ginataang mais sa mangkok habang nagbukas naman ng canister ng cream ang biyenan na ipinanghahalo nito sa tinimplang kape. Nakadalawang subo na siya sa pagkain.“Paano mo nasasabi?” “May cheese kasi.” Napangiti si Mommy Audrey. “Talagang kabisado mo ang luto ko, ano?” There was pride in her voice.“Every hint of spice and co
May mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang punong-tainga. May tila rin naghalong tila tumutusok at nakakakiliting kung ano sa balat niya. Was she still dreaming? Sumamyo kasi sa ilong niya ang pamilyar na scent ng asawa niya.Nasa Japan pa si Caleb. Kausap niya ito kahapon."Hmm, it smells nice."Boses iyon ni Caleb. Ibinuka niya ang namimigat na mga talukap. And there, Caleb's playful grin and lustful stares greeted her eyes. Tuluyan na ngang nagising ang diwa niya. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakaluhod sa harapan niya. Nakabakod sa katawan niya ang matititpunong mga braso na nakatukod sa sandalan ng upuan. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na sa wakas ay nahahawakan at naaamoy na niya ito. She couldn’t contain her happiness."Caleb…""Hello baby."He moved his face closer to her. Naglapat ang mga labi nila habang masuyong humahagod ang buko ng mga daliri sa kanyang mukha. Malambing ang pagkakahagod na tila nag-i-engganyo sa ka
Sumabog ang palakpakan sa buong venue nang matapos ang presentation ng nakahilerang mga toddlers sa stage. Itinuon ni Meredith ang camera sa anak niyang si Maddie at sunod-sunod na kinunan ito ng larawan. Ang cute ng anak niya sa suot nitong white tutu. Habang lumalaki ito, mas lalo namang gumaganda at mas naging prominente ang talent nito sa dancing. Sa isang pag-click niya ng camera, on point niyang nakunan ang anak na kumakaway sa gawi nila. Litaw ang maliliit na pares ng mga ngipin.“She looks so pretty.”Hindi mapuknat ang palakpak at papuri ni Hannah. Nagiging malikot ito na kumakaway-kaway pa sa anak niya.“Careful .” Bumaba ang tingin niya na maumbok nitong tiyan. “Baka mapingot ako ng mister mo. Halos ayaw ka ngang pasamahin sa akin ng isang ‘yon.” Nasa bakasyon sina Mommy Audrey at Daddy Henry. Si Caleb naman ay nasa business trip kaya, ang buntis ang binitbit niya sa recital.Napahinto sa pagpalakpak si Ninang Hannah at nakaingos na lumingon sa kanya. “Pitikin ko ‘yong betlo
Kanina pa nakatitig si Meredith sa name plate na nakapaskin sa pintuan ng silid na nasa harapan niya. She silently reading the name engraved on it in bold metallic color. Pangalan ng psychiatrist na nagmamay-ari ng clinic. It was a Sunday pero pinayagan sila ni Dra. Lutgardo na pumasok dito. Sitting beside her felt like… Hindi niya maipaliwanag. Ilang minuto na rin silang magkatabing nakaupo sa bench sa lobby ng private office. Kung siya lang, makakaya niyang huwag kausapin ang katabi kahit magdamagan pa, pero iyon ang ipinunta nila dito. Para sa kanya, ito ang perpektong lugar para mag-usap. Sa kanyang peripheral view, nakita niya ang katabi na tahimik lang ding nakaupo. Her hands were clasp on her thighs. Kabado ito. Kanina nang dumating ito, hindi ito makatingin sa kanya ng tuwid. Ramdam niyang nahihiya ito. Dapat lang. Once she unleashes her fury, baka kung saan ito pupulutin. However, she’s here to know her side of the story, and she had to start somewhere. “I used to spend cou
Bettina Alcantara.Paulit-ulti na tila kalimbang na naglalaro sa isip ni Meredith ang pangalang 'yon. Narinig na ba niya ang pangalang Bettina Alcantara? It didn’t ring a bell. Kailanman, hindi pa niya ito nakatagpo pero sa kung anong dahilan, may gumapang na kirot sa puso niya. Ang nalilitong isipan ay inagaw ng isang bulto ng katawan na iniluwa mula maindoor ng bahay. Wala sa sariling napalapit siyang lalo sa gate at napahawak sa bakal. Malayo man pero hinulma ng imahinasyon niya ang imahe ng babaeng nakatayo roon. Once again, her heart was racing so fast. Nakabibingi ang ingay ng puso niya. Hindi niya maagaw ang mga titig sa babaeng unti-unti na ngayong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Gaya ng kung paanong ayaw nitong tantanan ng titig ang kinaroroonan niya.May nababasa siyang mga emosyon sa mga mata nito.There was even a touch of longing.Bakit?Mas nadagdagan ang mga tanong niya sa sarili. Mas lumalawak ang hinala.Nakita niya kung paanong halos makuyumos nito ang hawak
Pinasadahan ni Meredith ng titig ang sarili sa malaking salamin sa kanyang harapan. Kuntento siya sa nakikita. Bumagay sa kanya ang black cocktail dress na abot lang hanggang itaas ng tuhod niya. Nagsisilbing accent sa kabuuan niyang ayos ang emerald earring at necklace na iniregalo nina Mommy Audrey at Daddy Henry noong birthday niya. The jewelry made her look exquisite. Manipis lang din ang make up niya at maayos na naka-bun ang mahaba niyang buhok. Finishing touches niya ang pagwisik ng perfume sa katawan. Her favourite vanilla scent. Caleb's fave also. Nang masiguradong okay na ang lahat, pinulot niya ang purse sa ing babaw dresser at naglakad palabas ng silid. Para siyang naninibago sa taas ng takong pero kinaya naman niyang dalhin nang hindi natutumba.Pababa na siya ng hagdanan nang hindi niya maiwasang libutin ng tingin ang kabuuan ng bahay. Tatlong buwan na rin silang bumukod nina Caleb. Mahabang paliwanagan pa ang kinailangan bago sila payagan ni Mommy Audrey. “Namatay na ng