IKINULONG ni Jass ang mukha ko sa kaniyang malalapad na palad at malapitan akong pinagmasdan. "Sorry na nga kasi sa mga nasabi ko kanina. Hindi ko sinasadya 'yon. Nadala lang ako ng emosyon ko. Wala naman talagang kahulugan ang mga 'yon."Tinangka niya pang halikan ako pero agad kong iniharang ang kamay sa bibig niya. "Walang kahulugan? Eh kitang-kita nga ang galit sa mga mata mo habang sinasabi mo ang mga 'yon. Huwag mo na akong utuin. Kahit ano pang sabihin mo, tumatak na 'yon sa isip ko, at hinding-hindi ko na malilimutan 'yon!" Pinahid ko pa ang luhang muntik nang maglandas sa aking pisngi. Hanggang ngayon, parang naririnig ko pa rin ang mga salitang binitawan niya. Masakit dahil parang sinasabi niya na napakakitid ng utak ko. Na ang sama-sama ng ugali ko at napaka-selfish ko.Mali ba ang katwiran ko? Gusto ko lang naman siya makita eh. At nagbilin siya sa akin na tawagan ko lang siya. Siyempre dahil umasa ako, ine-expect ko na tutuparin niya ang pangako niya. Sino bang hindi ma
"GOOD morning, Mina!" Marahil nagtataka ang katulong kung bakit kakaiba ang sigla ko nang umagang iyon nang bumaba ako sa kusina. Malapad ang pagkakangiti ko, tunay, at hindi katulad nitong mga nakaraang araw na palagi akong nakasimangot at animo kunsimido sa buhay."Good morning din, Ma'am Jen!" balik bati nito. Naupo na ako sa mesa. Tumigil si Mina sa ginagawa at agad dumalo sa akin. "Ipagtitimpla ko na ba kayo ng coffee ninyo, Ma'am?" Ngunit mukhang naninibago pa rin ito. Alanganin pa ang tingin sa akin. Umiling ako. "No. Hindi na ako magkakape from now on. Gatas na lang, Mina." But I tried to maintain that smile on my face dahil ayokong maging seryoso ngayong araw."Sige po, Ma'am. Eh ang breakfast n'yo po? May bacon at tocino pong-""I like veggies, Mina. From now on, huwag mo na rin akong hahainan ng mga processed foods. And also fruits, I like fruits. Please include that in my meal everyday." I want our babies to grow healthy habang nasa sinapupunan ko pa sila. Kaya kahit hi
"A-AS in date? M-Magde-date tayo?" hindi makapaniwalang tanong ko. May ngiti sa mga mata at labi ko habang sinisipat sa salamin ang damit na suot ko."Oo. Ayaw mo ba?""H-Hindi sa ayaw kaya lang..." Sobrang excited ko. At hindi ako lubos makapaniwala. For the first time, ide-date ako ni Jass? Wala pa man pero kinikilig na ako. Paano kaya siya makipag-date sa isang babae? "Nag-aalangan ka? Siguro ikinahihiya mo ako..." malungkot na saad niya."Huy!" naaalarmang sabi ko. "Ano 'yang drama mo? Ba't kita ikakahiya? Ako nga ang mas nakakahiya eh. Ang guwapo-guwapo ng asawa ko, tapos ako....""Ano ka?" Pinandilatan niya ako ng mata. Nagitla pa ako nang bigla niyang hapitin ang beywang ko. "A-ano... kuwan.." Hindi ko masabi. Hindi naman kasi ako kagandahan. Hindi sexy. Hindi matangkad. Kilay is life pa nga ako dahil hindi ako nakakaalis ng bahay nang hindi naaayos iyon. Masyado kasing manipis. "My wife is so beautiful. Kahit saang anggulo. Kahit walang make-up. Kahit walang suklay. Kahit wa
MATAPOS naming mamasyal at mamili ng kung ano-ano ay napagpasyahan namin ni Jass na manood ng sine. Dahil hinahabol namin ang oras ng pag-ere ng movie ay ipinagpaliban muna namin ang pagkain. But instead, maraming biniling snacks si Jass na maaari naming kainin pagpasok sa loob ng sinehan. Sa gitnang seats namin napiling umupo. "Malamig pala rito," pabulong na sabi ko kay Jass habang niyayakap ang sarili ko. Nanibago yata ako sa ambience ng sinehan. Matagal-tagal na rin mula nang makapasok ako sa ganito. Mas malaki din iyon kumpara sa madalas naming puntahan ni Dino dati. "Oo nga eh. What about that? Nilalamig ka pa rin ba?" Walang dalang extra jacket si Jass, pero naramdaman ko ang mainit na dantay ng balat niya sa balat ko. Bahagya niyang kinabig ang katawan ko para magkalapit kaming lalo. Nilakbay ng braso niya ang likod ko at pinagdikit niya ang mga braso namin. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya. In short, niyakap niya ako. "H-Hindi na..." Kahit kabado dahil sa kilig ng ka
"MOM, DAD, twins ang magiging apo ninyo."Bakas ang gulat at excitement sa mukha ng mga in-laws ko matapos ng pahayag ni Jass."H-Hindi nga? Talaga ba, iha?" Ngunit sa kanilang dalawa, ay si Doktora ang mas kakikitaan ng higit na excitement. Tila hindi pa nga ito makapaniwala. "Opo, M-Mommy. Kambal po talaga, ayon sa ultrasound," sagot ko naman sabay himas pa sa aking medyo umbok nang tiyan. Two months pa lang ang dinadala ko pero kapansin-pansin na ang laki niyon. Siyempre, iyon nga ay dahil dalawa ang laman. "Ay naku! Nakakatuwa! Akalain mo 'yon? Isang apo lang ang hinihingi namin, pero dalawa ang ibinigay. Good job, anak!""Bakit ako lang ang pinupuri ninyo? Hindi lang naman ako ang gumawa sa mga ito?" pabirong saad ni Jass.Nahampas ko ang balikat niya. Tatawa-tawa siya."Eh, 'di job well done for the both of you!" dugtong ni Doktora. "Hay! Sabik na sabik na akong masilayan ang mga apo ko. Sana'y dagdagan n'yo pa 'yan. Tutal, bata ka pa naman, iha, kaya mo pa siguro ang mga labi
NGUNIT paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Jass na pabalik muli sa akin. Nginitian ko siya at habang palapit siya sa akin ay pabilis nang pabilis ang bawat hakbang niya."Buti naman bumalik ka. Akala ko matitiis mo ako eh," pabiro pang sabi ko.Ngunit hindi sya huminto. Dinampot niya lang ang kamay ko at muli akong iginaya papasok sa loob."Jass-"Isinandal niya ako sa pader at habang nakataas ang dalawa kong kamay sa ulunan ko ay ginawaran niya ako ng halik. Halik na may pagmamadali."I'm sorry sweetheart, mukhang hindi pa ako maaaring umuwi," may pangambang wika niya pagkuwan."Bakit?" mausisang tanong ko. Alam ko namang dahil iyon sa trabaho niya pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magkaroon ng inis sa kaniya. Akala ko ay masosolo ko na siya, ngunit hindi pa pala."Alam mo na, 'di ba? You can choose, either you wait for me or you come home alone." Dinampot na niya ang puting gown at may pagmamadaling isinuot iyon."A-Ano'ng oras ang uwi mo?" tila problematic pang tanong ko."Hind
GUMAAN ang bigat na nararamdaman ko nang makita ang magandang balita. Mukhang sugat at gasgas lang ang natamo ni Dino sa aksidente at ang tiyuhin lang ang talagang napuruhan. Pero wala na ring problema sa huli dahil balita ko ay successful daw ang operasyong ginawa rito ni Jass. Though still kritikal ang kondisyon, at least, may pag-asa naman na makaliligtas ito.Nakatayo lang ako sa isang gilid habang nakatingin kay Dino na nakahiga pa rin sa stretcher bed nito. Nakaupo ito at may benda sa bahagi ng ulo. Nagsasalita ito at malamang nagkukuwento sa dalawang kasamang pinsan ng mga nangyari."Jennifer? Ano'ng ginagawa mo riyan? Ba't hindi mo puntahan ang nobyo mo?" Napaigtad pa ako nang makita si Tita Ana. Base sa hitsura nito ay mukhang nahimasmasan na ito. "H-Hindi na po. Nakalapit na po ako kanina," pagsisinungaling ko. "Ganoon ba? Eh papatingnan ko pa muna bali sa 'yo eh. Magdedelehensya pa kasi kami ng pambayad. Buti na lang mabait ang doktor na nag-opera sa Tito mo. Inoperahan a
PAGDATING namin sa may parking lot ay agad hinanap ni Jass ang sasakyan at mabilis akong pinasakay sa front seat. Wala pa rin kaming kibuan pero ramdam ko kung gaano kabigat ang bawat kilos niya."J-Jass, it was Dino." Kinain ko ang takot at pinangunahan na siya. "Tita ni Dino 'yong babaeng kasama ko kanina. Tapos, Tito niya 'yong inoperahan mo. Pauwi na sana ako no'n, nasa lobby na ako pero nakita ko si Tita Ana. Na-curious lang ako kung ano'ng nangyari, then nalaman ko na naaksidente nga sila. Inaamin ko, I was worried. S-Siyempre, naging parte siya ng buhay ko. Pero hanggang doon lang 'yon, Jass. Tiningnan ko lang kung maayos ang lagay nita at wala nang ibang kahulugan iyon. P-please, please, maniwala ka sana." Halos tumulo na ang luha habang nakikiusap sa kaniya."At hindi mo muna talaga pinaalam sa 'kin? Kung hindi pa kita nakita, magsisinungaling ka pa?" galit pa ring singhal niya."S-Sasabihin ko naman sana talaga sa 'yo eh. Kaya lang, nakita ako ng tita niya, hinila ako. I ha
JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
JENNAUNANG bumaba si Jass ng sasakyan. Lumiban siya sa kabilang side upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kaniyang nakalahad na kamay habang pilit pinakakalma ang aking dibdib. Ngumiti siya sa akin at hindi nagsalita. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad. Upang ibsan ang takot ay sa gawi ako ng mga anak namin tumingin. Oh, I miss these two so much. Ilang araw na lang, mag-iisang taon na ang dalawa. "Good morning, Mommy, Daddy!" si Jass ang bumasag ng tensyon. Kasalukuyan noong nag-aalmusal sa garden ang mga in-laws ko. Dito talaga nila nakagawian mag-agahan dahil nakaka-refresh ang lamig na hanging sinasabayan ng magandang sikat ng araw.Tuluyan kaming lumapit sa mga ito."Good morning," kaswal pero halatang balisang balik na bati ni doktora. Sumang-ayon lang sa amin ang asawa nito."So you see... I came back with my wife. I'm glad I didn't listen to you, Mommy," ani Jass sabay hapit pa sa beywang ko. "Now that I'm back, I'll make sure na hinding-hindi
JENMASAKIT na balakang at mga hita ang sumalubong sa akin pagkagising ko kinabukasan. Gayunpaman, pinilit kong bumangon nang hindi makita si Jass sa aking tabi. Dumeretso ako ng banyo kahit paika-ika para maghilamos at magbihis ng bagong damit. Tiningnan ko siya sa sala ngunit wala rin doon ang asawa ko. Napasinghap ako. Pati ang mga damit niya na nilabhan ko kahapon ay wala na rin doon sa pinagsampayan ko. Ang sapatos niya na itinabi ko sa sulok sa likod ng pinto ay wala na rin. Umalis na si Jass? Matapos ng kahapon, iiwan niya ako?Dali-dali akong lumabas ng pinto. Makulimlim pa rin ang paligid at umuulan-ulan pa. Kinuha ko ang nakasabit na payong sa likod ng pinto at naglakad palabas ng compound.Kapag wala sa pinagparadahan ang kotse niya, malamang umalis na nga si Jass. Iniisip pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. At gano'n na nga lang ang panlulumo ko nang makita ngang bakante na ang espasyong 'yon. Parang kahapon lang, tumatakbo pa kami rito habang basang-basa s
JENDAHIL sa tindi ng traffic ay halos gabihin na kami bago nakarating sa tinutuluyan ko. Nakisabay pa ang masungit na panahon. Buti na lang, dito sa napili kong lugar ay hindi binabaha kahit malakas ang buhos ng ulan. Pinaparada ko na lang sa labas ng gate ng apartment na inuupahan ko ang sasakyan ni Jass."Nakakainis naman kung kailan nandito na tayo saka naman bumuhos ang malakas na ulan," himutok ko pa. Walang bubungan sa daraanan namin at nasa dulong bahagi pa ng compound ang tinutuluyan ko. "Okay lang 'yan, magpatila muna tayo." Wala ring dalang payong si Jass. Sumang-ayon na lang ako kaysa naman sumugod kami at mabasa sa malakas na ulan. Pero sadya yatang nananadya ang panahon. Hindi pa talaga tumigil bagkus ay lalo lang itong lumakas.Almost thirty minutes na kaming stuck sa sasakyan. Kahit pinatay na ni Jass ang aircon ay nagsisimula na akong lamigin."Gusto mo takbuhin na lang natin? Tutal hindi naman masyadong malayo," suhestyon niya. Sandali pang sinilip ko ang mga patak
JEN"J-JASS...?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya habang matamang nakatitig sa kaniyang mukha. Hinaplos ko pa ang kaniyang pisngi para alamin kung totoo ba siyang nasa harap ko ngayon at hindi lang likha ng aking imahinasyon. "Ako nga." Ginagap niya ang aking mga kamay at hinalik-halikan iyon. Ngunit hirap na hirap pa rin akong maniwala. "G-Gising ka na talaga? K-Kailan pa? P-Paano mo ako nakita rito? Nagkataon lang ba?" sunud-sunod kong tanong. Pero hindi ko na nahintay pa ang sagot niya dahil awtomatiko akong napayakap muli sa kaniya. Sobrang saya na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko nang mga sandaling iyon ay bigla na lang akong napahagulhol sa tapat ng dibdib niya. "B-Buti naman nagising ka na. Antagal-tagal kitang hinintay." Halata iyon dahil sa garalgal kong tono.Gumanti siya ng yakap sa akin. "I'm sorry that it took me a year to wake up. I'm sorry that I let you wait for so long." Ramdam ko ang sinsero
JENANG UNA kong binili nang matanggap ko na ang sahod ko ay mga grocery ko rito sa bahay. Nag-stock ako ng mga makakain ko at mga personal na gamit na tatagal hanggang sa muling pagdating ng sahod. Bumili na rin ako ng initan ng tubig para hindi na ako masyadong magastos sa gasul. Dahil weekend bukas, plano kong maglaba ng damit. "Mina?" Tumawag na naman ito. Kasalukuyan na akong kumakain ng hapunan ko. Dahil bagong sahod, t-in-reat ko ang sarili ko na makakain ng pagkain galing sa isang fastfood."Magandang gabi, Ma'am." Kumagat muna ako ng fried chicken. "Magandang gabi rin. Napatawag ka?" Ngunit agad natigilan ako sa pangnguya nang makarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba, Mina?"Napasinghot ito. "I'm sorry, Ma'am Jen. Naririnig mo pala? Patapos na 'tong luha ko, saglit lang, sisinga lang ako."Narinig ko nga ang malakas na pagsinga nito. "Bakit?" nagtatakang tanong ko."M-May pasok ka ba bukas, Ma'am?" instead ay balik tanong nito. Mas kalmado na ang boses.
JEN"ANAK, kumusta ka naman diyan?" may pag-aalalang tanong ni Tatay sa kabilang linya. "Ayos naman ako rito, 'Tay. Nakapagsimula na ako ng trabaho ko," tugon ko."Buti naman. Eh 'yong tinutuluyan mo? Komportable ka ba riyan? Baka maraming adik diyan ah. Sabi ko naman sa 'yo, isama mo muna ang mga kapatid mo habang bakasyon pa sila para may kasa-kasama at kausap ka riyan. Hindi 'yong nagsosolo ka."Umiling ako. "Okay naman dito, Tay. Tahimik naman saka mabait naman 'yong nakatira sa katabi kong apartment. Ayoko po muna ng kasama dahil gusto ko muna pong mag-isa. Gusto ko rin pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.""Pero, 'nak, huwag mong ipilit kung hindi mo kaya. Makakalapit ka naman sa amin.""Kaya ko, 'Tay. Magtiwala kayo sa akin." "O, siya sige. Sabi mo eh. Basta palagi kang mag-iingat diyan."Tumango ako. "Opo. Kayo rin po."Nagpaalam na ako. Sakto niyon ay natapos na ang breaktime ko kaya balik trabaho na ulit ako. Dito ako ngayon sa isang malaking construction firm sa
JASS"JASS, saan ang punta mo?" tanong ni mommy nang matapos ang ilang oras na pagkukulong sa kuwarto ay bumaba rin ako. Hindi tulad kanina, maaaliwalas na ang ayos ko ngayon. Nakaligo na rin at medyo basa pa nga ang buhok. I've found them sa may sala. My babies are playing on the matted floor. Lumapit ako sa mga ito at binuhat silang pareho."Papa papa papa papa," they both said while clapping their hands. May parte ro'n na parang gusto kong maluha. Tunay ngang kay tagal kong nawala. Andami kong mga na-miss na bagay. I wasn't there when their mom gave birth to them. Noong mga unang araw na tiyak kong pagod at puyat si Jennifer. I missed their first month. 'Yong time na kailangan silang pabakunahan sa center. No'ng first time nilang makadapa, masambit ang una nilang salita. Ano kaya iyon? Mama o Papa? Dati ay nasa tiyan pa lang sila ng mommy nila, pero ngayo'y heto na't ang lilikot at malapit nang maglakad. But why is your mommy not home? Ngunit ang mas masakit sa akin, nandito na
JASS "IS he alright? Is my son gonna be okay?" may kahalong takot ang tono ng nagsalita. "Don't worry, Misis. He's stable now. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," tugon naman ng kung sino mang kausap nito. "Thank God! Thank God!" May kasama pang paghikbi ang boses na 'yon. At sobrang pamilyar ng boses na iyon sa akin. Sobra. "Magdahan-dahan ka sa emosyon mo. Ang altapresyon mo na naman, ha?" boses naman ng isang lalaki."I'm alright now, Jaime. You need not to worry a thing. Magkakahalong takot at galit kasi ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon kaya iyon nangyari."Then I heard their gasps. And a sudden cry of babies from afar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya dahan-dahan kong sinubukan imulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ko silang makita. Kaya kahit hirap na hirap ako ay pilit kong inaangat ang talukap ng mga iyon. Para akong nagising sa isang napakahimbing na pagkakatulog. Everything was so