Share

CHAPTER 1

Author: PayneAzalea
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

ERIN'S POV

Maaga akong nag-ayos para maaga akong makapunta sa Starry Hub. Medyo nakaka-stress lang ang araw na to, bukod sa ang tagal ng asawa ko dumating, nawawala pa ang phone ko. 

Tatlong taon na rin naman kaming kasal ni Syd. Pero hindi pa kami binibigyan ng anak. Iniisip ko, ano pa nga bang kulang sa akin? Maganda naman ako? Sexy! Mayaman! At higit sa lahat loyal. Well, never naman nagloko ang asawa ko. Kampante ako, sa ganda ko ba naman to? May balak pa siyang magloko? 

Sa inis ko, inihagis ko ang isang bagay na nahawakan ko. Hindi ko pa rin nahahanap ang phone ko! Alas sais na ng gabi. Bumaba na lang ako sa sala para hanapin si Manang.

"Madame?" bungad niya sa akin habang may hawak na pamunas.

"Manang, pakisabi kay Syd nauna na ako. Hindi ko mahanap ang phone ko eh. Pakihanap na lang din please," sabi ko pa bago ako lumakad palabas.

Naglakad ako sa parking lot ng bahay namin. Medyo nahirapan akong maghanap sa kotseng gagamitin ko. Actually, hobby namin ni Syd ang mag collection ng cars. Hindi lang yon marami rin. 

Nasa dulo pa kasi ang kotse na madalas kong ilabas. Nang makarating ako agad akong napangiti.

My Mercedes-Benz Maybach Exelero. Pagbukas kong pinto. Amoy palang, mayaman na. Well, that's me Erin Xcyl Fournier.

Nag-drive na ako palabas ng bahay. Hindi naman ma-traffic kaya mabilis akong nakarating sa Starry. 

Mamaya ko na lang kakausapin si Syd pag-uwi ko. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi napunta doon sa starry.

"Good Evening Madame Erin!" 

Nilagpasan ko na lang siya bago ako dumiretso sa office ko. Inilapag ko doon ang gamit ko bago ako lumabas. 

Paglabas ko pa lang ay bumungad sa akin ang maingay na Club. 

"OMG! You're here! Hulaan ko, wala pa si papa Syd no?" sabi sa akin ni Sabbey habang nakangiti.

"Kung nasa bahay na siya, edi sana wala ako dito," mataray na sabi ko sa kaniya.

"Ang taray mo naman bakla, nanghuhula lang naman yung tao," nakangusong sabat niya.

"Ang gwapo niya! Girl! Look! OMG! Okay lang ang ayos ko?" natatarantang tanong niya sa akin at humarap pa sa mismong mukha ko.

"Sab, guest ka dito hindi bayaran. Tigilan mo nga yang kakalandi mo. Baka mamaya may asawa na yan no!" mataray na sabat ko habang nakataas ang kilay.

"Ay wow! Coming from you talaga? Nag-asawa ka lang naging maria ka na? Eh mas malala ka pa nga sa akin noon!" sabi niya pa.

Hindi ko na siya sinagot pa. Hahalungkatin na naman niya ang past ko. Matagal ko na ngang kinalimutan pero pilit niya pa ring binabalik! 

"Huwag ka na ngang mag-inarte! Ang gwapo kaya nila! Look! Ang hot pa ng isa oh!" kinikilig na tili niya. Napa-sigh na lang ako. 

"Napaka-KJ mo ha! Parang dati lang pinagmamalaki mo sa akin na walang magpapabago sayo! Hmp!" 

"Hoy, Sabbey Co! Manahimik ka na, naririndi na ko sayo. Napakaingay mo!" sigaw ko.

"Oh? Baka pati alak tatanggihan mo? Hoy! Ipapa-alala ko lang sayo ah? Nag-asawa ka lang, pero hindi ka nagmadre!" sabi niya sabay abot ng isang basong vodka sa akin. Tinitigan ko pa iyon at nag-alangang kunin.

Nang inumin ko ay para akong masusuka na ewan. Ilang taon na ba akong hindi uminom? Lima? Anim? Mula nang dumating sa buhay ko si Syd itinigil ko na lahat ng bad habbits ko. I want to be a good wife to him.

"Hoy anong drama yan? First time uminom? Hay ewan ko sayo, Erin! Naloloka ako sayo!" Tumayo siya at lumakad papunta sa barista.

Ano bang mali? Bakit ganito ako? Eh sa hindi na ko sanay sa lasa nito. Nagulat ako ng bumalik si Sabbey at may inabot sa aking stick.

"I don't smoke you know that-" 

"I know, sabi ko na nga ba eh. Kinakain mo rin ang mga salita mo noon, na kesyo walang magpapabago sayo. Pero ngayon! Heto ka na at takot sa asawa mo!" sabi niya. 

"Hindi ako takot, I changed for myself. Walang nagpabago sakin," paliwanag ko pero agad naman siyang nasalita.

"Then prove it! Sindihan mo tong yosi na to," sabi niya pa.

"Sab, I told you. I stopped smoking," pilit ko parin siyang tinatanggihan. Ayoko tikman dahil baka masanay na naman ako.

"Sabbey, huwag mo ngang pilitin si Erin. Mamaya magalit pa ang asawa niyan at maglumpasay pa yan dito." 

Napalingon ako sa bagong dating. Si Nadia, inagaw niya ang vodka na hawak ko at itinungga iyon. 

"Alam mo naman yang si Erin masyadong under ni Syd," pang-aasar niya pa.

"Sabagay, takot nga pala siya sa asawa niya," gatong ni Sabbey.

Nagkakampihan yang dalawang yan pagdating sa bisyo ko. Hindi kasi nila matanggap na tumigil na ko. Mula sa panglalandi hanggang sa pagyoyosi. Lahat din ng mga jamming namin ay ni-re-reject ko na. Mga single kasi sila, kaya pwede nilang gawin ang kahit na ano. Samantalang ako, mas pinili ko nang mag-asawa after ko makapagtapos.

Mabilis kong kinuha ang yosi na nasa table at inagaw ang lighter na hawak ni Nadia. Sinindihan ko ang yosi at hinithit iyon. Nakita ko ang mga ngiti nila.

"Aba hinahamon tayo!" biro pa ni Sabbey.

"Sample nga diyan ng isang tunay na Erin Xcyl Vidales." Napalingon ako kay Nadia sa sinabi niya.

"Fournier," dugtong ko. Im proud to be a Fournier duh!

Ako pa ang hinamon nila! Ha! Papatunayan ko na hindi ako binago ni Syd. Ako ang nagkusang magbago noh.

Pero kinakabahan akong tumayo. Tama ba to? Wala naman dito si Syd eh, isa pa. Papakitaan ko lang tong mga bruhang to.

"That guy! Hindi ka lugi diyan dahil isa siyang CEO ng Acosta Corporation," sabi ni Nadia at tinuro pa ang isang lalaki.

Tumingin ako doon para mas maaninag ko. Well, maayos naman siya manamit. Maganda ang pangangatawan. 

"Yan lang?" tumawa pa ako ng peke bago ako lumapit doon sa lalaki. 

Pero agad ko namang narinig ang sinabi niya.

"Anong ako? Wala akong problema, I'm happy with my wife."

Napahinto naman ako. Oh, he's married? Pero ayokong mapahiya sa mga bruhang iyon! Pero agad naman na nakuha ang atensyon ko sa tinitignan nila. Kaya agad rin akong lumingon kung sino ang tinitignan nila mula sa dance floor.

Nanlaki ang mata ko, oh she's here? Well, regular costumer na siya dito balita ng manager ko. Naisip ko na lang na bumalik sa table nang may bumangga sa akin.

"The hell!" Natapunan pa ang damit ko ng kung ano! Nakakainis! 

"Sorry miss, hindi ko sinasadya," sabi niya. Napatulala ako nang makita siya. So siya yung guy kanina. 

Erin, wag malandi. May asawa ka na at may asawa na siya.

"It's okay," medyo iritang sabi ko habang pinupunasan ang damit ko.

"Im so sorry miss, hmm... Here," sabi niya at sabay abot ng tissue.

"Thank you," walang emosyong sagot ko. Medyo iritado ako dahil ang ganda ng outfit ko tapos ganito? 

Nilagpasan ko na lang siya. Pabalik na sana ako nang may lumapit sakin. 

"Erin?" 

"Yes? I'm Erin," nagtatakang sagot ko. Who is he? I don't know him. O sadyang madilim lang?

"It's me Kyre, HAHAHA!" Napanganga na lang ako, syet! Yung ka-partner ko noon sa Vogue!

"Oh Kyre! Long time no see huh?" sabi ko pa, medyo awkward lang dahil bukod sa naging partner ko siya, ex-boyfriend ko rin siya.

"I thought you forgot me, by the way. Nabalitaan ko na, you marry that guy?" Ewan ko pero parang may laman ang sinasabi niya.

"Yes, I'm married with Syd."

Tumawa naman siya na ikinagulat ko.

"Why? There's anything a problem?" takang tanong ko.

"Your husband, do you really know him? I mean, you know the real him?" 

Hindi ko alam pero gusto ko na siyang diretsuhin. Ano bang klaseng tanong yan? Tumawa siya ng bago nagsalita.

"I think he doesn't told you, that he is-"

"Shut your fucking mouth! And stay away from my wife!" 

Nagulat ako ng may bigla na lang humila sa akin. Nabigla ako nang makita si Syd na masamang nakatingin sa akin.

"Syd? What are you doing—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng hilahin niya ako papuntang parking.

Nabitawan ko bigla ang hawak kong yosi ng titigan niya iyon. Hindi ko alam paano magpapaliwanag sa kaniya.

"Wala kaming ginagawang masama."

Inunahan ko na siya, alam ko namang magtatanong yan kung bakit kausap ko ang ex ko.

"Are you smoking?" tanong niya, medyo umiwas ako. Syet! Nakita niya pala na hawak ko yon.

"I'm just try-"

"Bakit pa nga ba ako nagtatanong? This is your business, hindi na yon nakakapagtaka," sabi niya pa at tuluyang lumakad palayo. Hinabol ko naman siya.

"Let's go home," medyo galit na tono niya. Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa kotse ko at sumunod sa kaniya pauwi. Mukhang magigisahan na naman kaming dalawa magdamag.

Kailangan ko pang ipaliwanag ang lahat sa kaniya. Kinakabahan ako, alam ko namang galit siya eh. Minsan lang siya magalit kaya nakakatakot. 

Ang tanga mo kasi Erin! Nagpapauto ka sa mga bruhang yon! Alam mo namang may asawa ka na! Ay bahala na! Susuyuin ko nalang siya. Konting suyo ko lang makikinig na siya sa akin.

Related chapters

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 2

    ERIN'S POVNakarating ako sa bahay, tahimik lamang siyang umakyat sa kwarto. Napa-sigh na lang ako. Nakakainis naman kasi!Naabutan ko siyang nag-shower kaya naman pumasok ako doon."Hun..." Niyakap ko siya. Pero mabilis niyang tinanggal ang kamay niya."Naliligo ako, Erin," malamig na sabi niya.Napakagat ako sa labi, hindi ako sanay sa ganito. Lumabas ako, naghanda na rin ako ng damit ko pantulog.Matapos niyang maligo, sumunod ako at naghalf-bath. Tutal ang lagkit ko na. Mabilis lang akong nag sabon bago ako lumabas.Naka-bathrobe ako. Hindi ko na siya pinansin pa, hindi ko ugali ang manuyo sa pangalawang pagkakataon. Once is enough.Nag-blower ako mabilis matuyo ang buhok ko at makatulog na ako. Matapos ko iyong gamitin ay inihubad ko na ang bathrobe. Sanay naman akong nagbibihis sa harap niya at ganon

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 3

    ERIN'S POV"Where are you going?" tanong ko kay Syd habang nakadungaw sa kaniya. Nagbibihis siya."May importante akong meeting, Wife."Napataas ang kilay ko, meeting?"Wala akong babae, huwag kang mag-alala uuwi ako na malinis at matino," sabi niya pa at hinalikan ako sa labi."Wala naman akong sinabi na may babaeka ah?" pangungulit ko."Nakataas ang kilay mo, I know you. Nanghihinala ka. Hindi pa sira utak ko para ipagpalit ka sa kahit na sino," sabi niyabago ako hinarap."Huwagkanang mag-alala. This is the meeting only," sabi niya.Nakumbinsi naman ako na pumayag. Wala aman ako magagawa, alangan sumama ako?"Ingat," sabi ko na kang at hinalikan siya sa labi."Wait for me," sabi niya pa.Alas kwatro na, pero pinayagan ko pa rin siyang umalis

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 4

    ERIN'S POVPapunta na ko ng starry, mabuti na lang at wala si Syd at maaga siyang umalis kanina. Kaya naman minabuti ko nang umalis habang wala siya. Dahil panigurado, hindi na naman siya papayag na bumalik ako doon.Mabilis akong nakarating, dumiretso ako sa office ko bago ko hinarap ang napakaingay na club. Minabuti kong tumulong kesa tumambay ako. Kahit di naman sabado ay marami ang tao dito. Mabuti nga ay nakakadalaw ako dito, unlike noon na bihira talaga. Noong una, talagang gusto na ito ipasara ni Syd. Subalit dahil ito ang gusto kong business ay hindi na siya komontra pa.Hindi ko rin alam kung bakit ako nahulog sa kaniya. Dito naman kami nagkakilala, pero umamin na siya na ayaw niya ng ganittong trabaho. Pero dahil nga sa hilig ko ito noon, wala siyang nagawa kundi ang pumayag. Dahil mag-aaway lang kami.Ilang oras pa ang lumipas, dahil busy ang lahat ng waiter, pati na rin ang manager,

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 5

    ERIN's POVKatatapos lang ng home owners meeting. Dahil na-stress ako, naisipan kong pumuntang club house ng south ridge village.Naglakad-lakad ako doon."Ed, I'm busy," narinig kong sabi ng isang babae malapit sa akin. Nasa harap siya ng kotse niya habang may hawak na phone sa tainga. I know her, si Alexandra. Ang may -ari ng Epitome beauty products. We're neighborhood, halos ilang bahay lang ang pagitan namin noon sa Mulberry.Doon ako noon bago ako lumipat sa Magnolia with Syd. Pabalik na ako ng bahay, actually maglalakad lang ako since malapit lng naman ito. Isa pa, para makapag-excercise na rin ako.Habang pauwi, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa paligid. Ako lang ata ang maglalakad pauwi. Medyo mainit na rin kasi. Tinamad kasi ako mag-drive. Since malapit lang naman."Wife?" Napalingon ako ng may tumawag sa likod ko. Ewan ko kung bakit ko lumingon, hindi naman Erin ang tinawag, eh sa ganon ang tawagan namin ni Syd.Nakita

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 6

    ERIN'S POV"Good evening, Madame," bati sa akin ng isang guard. After kong pumunta sa office, dumiretso na ako sa loob. Gaya noon, bumungad sa akin ang napakaingay na Bar.Maya-mayaa lang nagulat ako ng may mag-text. Si Eron."Ate, andito ako sa parking..."Yan ang text niya, kaya naan pumunta akong parking. Agad kong nakita ang kotse niyang naka-park. Naninigarilyo siya, habang nakasandal sa kotse siya."What are you doing here? bakit di ka pumasok sa loob?" tanong ko sa kaniya.Hinithit niya muna ang sigarilyo niya bago tumayo at lumapit sa akin."Masama ang asawa mo, Ate."Tinitigan ko siya bago muling nagsalita."Eron, nag-usap na tayo about this--""Masama siya! Kilalanin mo maigi ang asawa mo!" sabi niya. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita."Eron, please

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 7

    ERIN' POV"Wife, maniwala ka. Wala kaming relasyon ng babaeng yon--"Pinutol ko ang sasabihin niya."Ginusto mo bang halikan ka ng babaeng yon, Syd?" tanong ko sa kaniya.Agad naman siyang umangal. I saw the CCTV footage. Dahil feel ko mababaliw na ko kakaisip, kaya naman napagdesisyonan ko nang panoorin iyon.And I saw them kissing, I know that he was drunk last night. Pero masakit pa rin sa part ko na makita ang lahat. Mismong asawa ko na nakikipaghalikan sa kaibigan ko. Hindi naman iyon bago lalo na ang issue na ganon, pero masakit pa rin. Lalo na kung sa iyo nangyayari.Hindi niya ginusto yon, naniniwala ako sa kaniya. Sadyang maharot lang si Nadia, at inabuso ang kalasingan ng asawa ko."Wife, wala akong balak na palitan at patulan ang babaeng yon. Maniwala ka," sabi niya pa. Hindi ko alam konting suyo lang niya naniwala na agad ako.

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 8

    ERIN'S POV"I love you." Hinalikan ako ni Syd sa mga labi bago siya umalis.Medyo nagdududa pa rin ako. Pero isinawalang bahala ko na lang ang lahat ng iyon.Since nakabihis na rin naman ako, dumiretso na ako sa garage. Ilang araw ring hindi ko naasikaso ang starry. Dahil naging busy ako kay Syd. Gusto ko lang naman makasigurado na wala siyang iba.Nakarating agad ako sa starry hub, bumungad sa akin ang napaka-ingay na tugtog na nang-gagaling sa malalaking speaker. Binati naman ako ng staff. Papunta na ko sa office, nang salubungin ako ni Gonzalo."Erin!" masayang bati niya sa akin at tsaka lumapit. Nakita ko naman ang iba pang-kasama niyang lalaki sa table."Si Erin nga pala, the owner of Starry Hub," pakilala niya sa akin. Muli kong binalingan sila ng tingin at laing gulat ko ng makita ko siya!"Erin, si Primo, he's Zanjo and Nicholai..."

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 9

    ERIN's POVTinulungan ako ni Syd tumayo. Hindi ko pa rin siya magawang kausapin. Nakita ko ang pag-aalala niy sa akin.Nakita ko rin kung paano niya sapakin ang dalawang lalaking kumaladkad sa akin papasok.Naguguluhan ako, kailan pa? Anong ibig-sabihin nito? Para akong isang aso na takot na takot sa amo niya. May baril na hawak si Syd at nakatutok iyon sa tatlong lalaki."Boss! Maawa ka samin, hindi namin siya kilala kayya nagawa namin yon," alma ng isang lalaki na kumaladkad sa akin kanina."Hindi niyo kilala tong babaeng binangga niyo? Asawa lang naman ito ni Boss! Mga tanga!" sigaw ng isang lalaking naka-suit.Hindi ko magawag mag-salita. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nila. Takot na takot sila habang nakatingin kay Syd.Nakita ko kung paano itutok muli ni Syd ang baril niya sa tatlong lalaki. Para akong natauhan at sumigaw.

Latest chapter

  • A WIFE'S BURDEN   EPILOGUE

    FIVE YEARS LATER..."MOMMY! DADDY!"Hinahanap ko si Kyre dito sa Mall, andito lang siya kanina. Palibhasa ayaw pumasok sa watson. Kaya naman iniwan ko siya dito. Pero saan naman siya pumunta?"M-mommy!! D-Daddy!!" Napahinto ako ng madaanan ko ang isang batang babae na naiyak sa gilid ng watson."Hey? What happened?" tanong kosa bata at umupo para magkapantay kami."Hindi ko po makita si Daddy." Nagulat ako dahil nakakaintindi pala siya ng tagalog. Well, nasa Pilipinas pala ako.Mukha naman kasi siyang mayaman. Kaya for sure englishera siya."What's your name?" tanong ko sa kaniya.Tumingin pa siya na para bang natatakot."Don't be scared. I will help you to find your mommy," nakangiting sabi ko."I'm Jariah, ate..." sabi niya pa."I'm Erin..."N

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 30

    ERIN'S POV"Giiirrll! Syet! Nagpakita ka rin!" sigaw ni Sab sa akin.Ngumiti lang ako sa kaniya."Kamusta? Hindi ka nagparamdam! Nakakainis ka!Halos mabaliw na ko kakaisip kung asan kang lupalop ng universe nagtago!" sabi niya pa."Sira ka!" natatawang sabi ko. Tumigil naman siya at tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay."May sakit ka ba? At tumatawa ka?" sabi niya."Ewan ko sayo!" sabi ko bago siya tinarayan."Seryoso ka talaga? Natawa ka na?" Para pa rin siyang may sayad na chi-ne-check ako."Gusto mo magkasakit, Sab?" tanong ko sa kaniya."Nagtatanong lang naman eh, kasi isang himala na natawa ka ngayon," sabi niya sa akin.Sabagay, hindi ko siya masisisi kung makikita niya akong nakangiti ngayon. Samantalang panay iyak at sumbong ko sa kaniya noong huli naming pag-uu

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 29

    ERON'S POVMaaga akong gumising at nagluto for my sister. Last night, hindi ko siya nakausap. I decided to cooked for her breakfast."Ate?" I shout and knock on the door. I wait for almost a minute and shout again."Ate? It's me, Eron." But after a few minutes, walang Erin ang lumabas."ATE!" I shout again. And called Manang."Manang Yolly! Where's the key?! C'mon!" sigaw ko. Nakita ko si Manang na papaakyat papunta sa akin."Sir? Ano pong ginagawa niyo diyan?" she asked."Where's the key? Hindi ako binubuksan ng pinto ni ate, baka kung napano na siya!" sabi ko at pilit na binubuksan iyon."Sir, wala hong tao diyan." Napatingin ako sa kaniya."Kanina pa pong madaling araw umalis si Ma'am Erin. Kaya maaga konring nilinis at nilock yan," sabi niya."WHAT?! Where is s

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 28

    ERIN'S POVNanlalabo ang mata ko habang naglalakad sa madilim na daan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong gana sa lahat. Parang kulang na lang ay tamarin na akong huminga.Sobrang bigat. Feel ko dala ko na ang buong universe sa bigat. Huminto ang paa ko at tumingin sa harap ko."Madame, Erin?!" sabi ni Manang sa akin.Inalalayan naman niya akong pumasok, humungad naman sa akin sa sala si Eron."Ate? Buti napari- Are you crying?" tanong niya nang mapansin ang mata ko."Can I stay here, tonight?" tanong ko. Hindi ko siya pinansin sa tanong niya."S-sure. But what happened?!" tanong niya ulit."Im fine... I just want to rest... Thank you," sabi ko at umakyat na sa taas. Wala akong gana.Gusto kong magpahinga ngayon. Masyadong masakit. Gusto ko lang ipagpahinga ang lahat. Napatingin ako sa hawak ko. Yung

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 27

    ERIN'S POV"HELLO?"Nagbalik ako sa reyalidad, nakita ko namang nakataas ang kilay ni Sab habang nakatingin sa akin."H-huh?" tanong ko sa kaniya."Aish! Yung totoo? Ano na namang ginawang kabalastugan ng mga yon sayo?!" sigaw niya habang galit na nakatingin sa akin.Wala akong balak sabihin kahit kanino. Dahil hindi pa naman ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi ni Nadia."W-wala naman," nakangiting sabi ko. Yung ngiting pilit. Alam ko namang alam niya na nagpapanggap lang ako."Hayst! Ewan ko ba sayo, Erin! Bakit ka pa nagtitiis? Hindi ko talaga maisip na aabot ka sa ganiyan. Na magtitiis ka sa isang lalaki!" sabi niya."Because I love him. Sab, maiintindihan mo rin ako. Pagdating ng araw na magmahal ka ng totoo. "Actually, kanina pa talaga ako wala sa sarili. Iniisip ko yung sina

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 26

    ERIN'S POVPalabas na ko ng bahay nang makasalubong ko si Nadia kasama si Trina."Oh! Hi, Erin!" masayang bungad n Trina sa akin with matching malawak na ngiti pa.Nilagpasan ko sitlya at dumiretso sa pool. Magdidilig na lang ako ng halaman kaysa makausap sila. Mas nakaka-aliw pa ito.Nagdidilig ako nang lumapit sila sa pool habang may hawak pang snacks. Tigas talaga ng mukha di ba? Pasalamat siya at pauwi na si Syd."OMG!" hindi ko maiwasang hindi pakinggan ang usapan nila."For real? OMG Nadia!" sigaw pa ni Trina na animo'y namamangha."Yes, I'm three weeks pregnant."Para akong tinanggalan ng kaluluwa sa sinabi niya. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko."For sure matutuwa si Syd nito. Magkaka-anak na kami!" sigaw pa niya.Pero hindi ko naririnig ang ibang usa

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 25

    ERIN'S POVWEEKS PASSED.Naunang umalis si Syd kesa kay Nadia. Naiwan pa si Nadia dito nang ilang oras bago siya umalis ulit. Hindi na ko nag-abalang alamin pa. Sanay na ako sa ganitong setup."Hija, hindi sa nakiki-alam ako. Pero sobra na, hindi ka ba napapagod?" tanong ni Manang sa akin.Napatigil ako sa pagdidilig ng halaman. Bago ngumiti sa kaniya."I know my husband, Manang. May amnesia lang siya. Babalik at babalik rin ang alaala niya.""Pero kailan? Hindi ka ba nababahala? Na hanggang ngayon ay wala pa ring maalala ang asawa mo?" sabi niya na sobrang ikinakaba ko. She's right. Ilang buwan na kaming ganito. Ilang buwan na siyang walang maalala."Ang akin lang hija, huwag mo sagarin ang sarili mo. Dahil mahirap lalo na pag sarili mo ang kalaban mo," sabi niya pa.Naiwan akong tulala sa sinabi niya._______________________

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 24

    ERIN'S POVIlang araw lang ang lumipas, buti na lang at gumaling na ko. Papunta ako ngayong superkamarket. Nabuburyo na rin kasi ako sa bahay. Kaya ako na ang nagdesisyon na mamili.Umalis sila kahapon pa, hindi nga sila umuwi eh. Hindi ko nga alam bakit ako pumayag sa ganitong setup. Kung bakit hinayaan kong mangyari to. Wala naman akong magagawa eh. Si Syd yon.Ayoko lang talagang pakawalan siya ngayon, kahit gusto ko siyanh sisihin sa lahat. Pero dahil may amnesia siya, kaya hahayaan ko muna. Sa NGAYON.Nakapasok na ko sa market nang may makasalubong ako."Erin?" tiningnan ko siyang muli. Hindi ko siya kilala. O dahil naka sunglasses lang siya? Maski boses niya hindi ko kilala."It's me! Kyre!" napataas ako ng kilay. Seriously? Muli kong tinignan ang suot niya."HAHAHAHA! Don't mind my clothes," nakangiting sambit niya.

  • A WIFE'S BURDEN   CHAPTER 23

    ERIN'S POVWeeks Passed.Nagdidilig ako ng mga halaman dito sa garden. Since mula nang magday-off sila ay hindi na sila bumalik pa. Tangin ang isang katulong at si manang na lang ang andito.Pinili ko na rin magdilig para malibang ako. Medyo okay na rin ako. Tinanggap ko na pakonti-konti ang lahat.Mula nang dito tumira si Nadia, mas lalong naging miserable ang buhay ko. Madalas ko silang nakikitang naglalampungan na para bang hindi sila nagsasawa. Habang natagal, nasasanay na lang din ako. Wala naman akong choice eh, hanggat hindi mismo ang totoong Syd ang nakikipaghiwalay sa akin, hindi ako bibitaw. Kakapit pa rin ako hanggang sa maalala niya ang lahat.Sandali kong hinubad ang singsing namin ni Syd.At ipintong iyon sa mesa kasama ang mga relo at bracelet ko. Bago nagpatuloy sa pagdidilig."Ang ganda naman ng singsing niyo," sabi ni Nadia na hin

DMCA.com Protection Status