Chapter Three
Zoe's Perspective
Ilang araw na akong nandito sa loob ng kwartong ito. Nagmumukmok at halos mabaliw na ako. May banyo at Cr na sa loob ng silid na ito kaya subukan ko mang magpanggap na naiihi ako upang makatakas ay hindi ko magagawa.
Iniisip ko kung kamusta na kaya si Kurt? Ilang araw akong nagdasal na sana may taong magliligtas sa akin pero wala. Sigurado akong nababaliw na si Kurt kakahanap sa akin. At ang amain ko? Wala akong ideya kung ano ba ang nararamdaman niya, pero hindi niya nga siguro ako mahal dahil heto ako, nakakulong sa isang kwarto, at ikakasal sa taong hindi ko naman mahal.
Ilang beses akong nagmakaawa na pauwiin nila ako, pero kahit ano pang gawin ko hindi nagpapatinag ang matandang iyon. Hindi siya tumitigil hanggang hindi ako pumapayag na pakasalan ang anak niya, ni hindi ko nga kilala o alam ang pagkatao ng anak niya, kaya bakit ko siya papakasalan? Hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao ay ako pa? Ano naman ang mabibigay ko sa anak niya? Eh isa lamang akong hamak na dukha.
Halos sasabog na ang ulo ko sa dami kong iniisip, isa pa si papa na hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng ganung kalaking utang sa pamilyang ito at dinawit niya pa ako sa problema niya.
Habang nakaupo ako at nakatingala lang sa bintana ay bumukas ang pinto, isang lalaki ang pumasok na may dalang tray ng pagkain.
"Ma'am, kumain na po kayo," sabi niya sabay lapag sa pagkain sa may lamesa na malapit sa pintuan.
"Ayaw kong kumain!" sabi ko.
"Pero ma'am kailangan niyo po ng lakas," sabi niya ngunit hindi ko siya pinansin. Kinuha niya ang pagkain na ibinigay niya sa akin kaninang umaga, at inilapag ang pangtanghalian ko. Kahit hindi ko ginagalaw ang pagkain na dinadala niya ay patuloy pa din siya sa paghatid ng mga kung anu-anong pagkain. Hindi ba siya nagsasawa? Hindi ko rin naman kinakain ang lahat ng mga dinadala niya.
Nang isarado niya ang pinto ay naupo na lamang ako sa kama, yakap ang aking tuhod at heto na naman ako, umiiyak mag-isa, walang masasandalan. Namimiss ko na ang nanay ko, kung buhay pa kaya siya, mananatili lahat ng masasayang ala-ala namin? Kabilang na ang pagmamahal ng amain ko?
"Tahan na, Zoe, di ka ba nagsasawang umiyak?" bulong sa akin ng isipan ko. Hindi ko alam pero wala eh, malakas ang tama sa akin. Kulang na lang magpakain na ako sa nararamdaman ko. Kaya naman nagpatuloy lang ako sa pag-iyak, super naging emotional ako pero nang tumayo ako para maghilamos dahil ramdam ko puno na ng luha ang mukha ko, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at panghihina. Humawaka ako sa pintuan ng banyo at sinubukan kong humakbang palapit ng kama pero bago ko pa man maigalaw ang mga binti ko ay naramdaman kong unti-unti nang nanlabo ang paningin ko.
Nang magising ako ay isang galit na matanda ang una kong nakita sa may tabi ko. Madalas ata na siya ang nakikita lo sa bawat bukas ng mga mata ko. Gayunpaman, hindi ko alam kung bakit ganun na lang katalas ang tingin niya sa akin, parang patalim ang mga titig niya na.
"Gusto mo bang mamatay? Hindi ka kumakain kaya ka nanghihina!" malakas na sabi niya hindi ko siya pinansin na siyang mas lalong ikinagalit niya. Hindi ko naman siya tatay para sundin ko.
"Ms. Zoe Reyes, don't make me force you to feed you!" mabigat niyang sabi. Hindi na ako makapagpigil pa, ayaw kong maging bastos pero hindi ko na kaya.
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa manatili dito! Kaya kahit pilitin mo akong kumain hindi ko gagawin. Mas mahihirapan lang kayo sa akin kaya mas mabuting pauwiin niyo na lang ako!" sigaw ko nang bigla siyang tumayo at bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko ay bubugbugin niya ako sa sobrang inis niya pero bumuntong-hininga lamang siya at napatingin sa akin ng matagal.
"Sige, ihahatid kita pauwi!" mahinahon niyang sabi.
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ganun na lang iyon? Hindi man ako sigurado kung nagsasabi siya ng totoo, pero kung totoo man iyon, hindi na ako makapaghintay umalis sa lugar na ito.
Ngumiti ako sa kanya at sinabing, "Salamat po, pangako babayaran ko po ang utang ng tatay ko."
Hindi niya ako inimik at tinalikuran lamang ako pero bago pa man siyang tuluyang lumabas ng pinto ay tumingin siyang muli sa akin.
"Magbihis ka na at iuuwi na kita pagkatapos ng isang oras," mahinang sabi niya na tila ang lungkot niya. Gusto ko pa sanang magsalita pero mukhang wala siyang mood na pakinggan ako kaya nanahimik na lamang ako, ang mahalaga ay ang makauwi na ako.
Tumango naman ako at umalis na siya kasama ang dalawa niyang bodyguards.
Gusto ko man isipin kung bakit bigla na lamang siyang pumayag na pauwiin na ako ay binaling ko muna ang isipan ko sa ibang bagay. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano, ang tanging gusto kong mangyari ay ang makauwi at kausapin ang aking amain, kung bakit niya ito nagawa sa akin.
Matapos ng isang oras ay pumasok na muli si Mr. Herbert, nakasuot siya ng itim na suit at nakasuot siya ng sumbrero na pang yayamanin.
"Aalis na tayo!" malamig na sabi niya sabay labas ng pinto at hinayaan niya lang iyon na bukas para makasunod ako sa kanya.
Pagkalabas ko ay hindi ako makapaniwala na nasa isa akong bahay na mala-mansion ang laki. Ngayon ko lang nkaita ang kabuuan ng bahay na ito at di ko matatanggi na namamangha ako sa mga nakikita ko, mga mamahaling palamuti ang nasa paligid at isang lawaran ni Mr Herbert na may katabing babae na sa palagay ko ay asawa niya.
Nang makalayo kami mula sa kwarto ay napakaraming maids ang nakatingin sa akin, di ako makapanilwang halos abutin na din ng mga 20 mga yaya ang nakikita ko. Pero napayuko ako ng mapansin kong nagbubulungan ang mga ito at tila ako ata ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam pero hindi ako kumportable.
Nang makalabas kami ng bahay ay isang magarang sasakyan ang siyang nakahanda na sa labas.
Hindi ko alam kung saang lugar ba ito pero hindi na iyon mahalaga, hindi naman na ako babalik pa dito.
Binuksan ng isa sa bodyguards niya ang pintuan ng sasakyan at tumingin ito sa akin.
"Pumasok na po kayo, madam," ngiti niya at agad ako pumasok ng sasakyan dahil hindi na ako makapghintay na iwanan ang lugar na ito.
"Kurt, papa, pauwi na ako!" iyon lamang ang tanging nasambit ng isip ko.
Chapter 4 Zoe's Perspective Habang nag-iikot kami sa lugar, papunta sa bahay namin ay ramdam ko ang nakaka-awkward na katahimikan sa pagitan namin ni Mr. Herbert. Hindi siya nagsasalita at seryoso lamang siya sa buong biyahe namin. Ako naman ay walang tigil sa pagtingin sa tinted na bintana ng sasakyang ito at minememorize ang bawat lugar na nadadaanan namin. Sinisigurado kong alam ko kung saan ako nanggaling para masabi ko kay Kurt ang lahat. Habang pinagmamasdan ko ang daan ay napansin kong palapit na kami ng palapit sa bahay at hindi ako makapaniwala na medyo may kalapitan lang pala ang lugar kung saan ako kinulong dito sa bahay namin. Maya't maya pa ay huminto ang sasakyan at napagtano ko na lang na nasa tapat na pala kami ng bahay. Nang titigan ko ito, ang kaninang excited kong nararamdaman ay ngayo'y napalitan na ng matiniding kaba. Mabibingi na ata ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Napakabigat ng bawat paghinga ko.
Chapter Five Daxton's Perspective "Ano? Hindi ako papayag, papa. Hindi ko man lang siya kilala, " sagot ko sa tatay ko nang sabihin niya sa akin na ikakasal ako sa ayaw at sa gusto ko. "Kilala mo man o hindi, ikakasal kayo ngayong Lunes," seryosong sabi niya na siyang ikinagulat ko? Lunes? Tatlong araw mula ngayon? Hindi ko alam kung ano bang nakain ni papa para magdesisyon ng wala man lang akong nalalaman, hindi man lang niya ako tinanong bago niya ako ipakasal. "Enough, dad. Kahit pa pilitin mo ako, hindi ko papakasalan ang babaeng iyon. I didn't even know her name," sagot ko. "Then you have two days to get to know each other before your wedding." Ngumiti siya sa akin. "No, dad. Buo na ang desisyon ko, hindi ko papakasalan ang babaeng iyon!" sigaw ko. "Don't make me mad, Daxton," my father groaned. "Tama ang anak mo, Herbert. Hin
Chapter Six Zoe's Perspective Nakasakay ako ngayon sa isang napakagarang sasakyan, hindi ito ang sasakyang ginamit namin ni Mr. Herbert noong nakaraan- mas maliit ito ng kaunti pero mas mukha itong mamahalin. Napakalamig dito sa loob kahit na napakaaraw sa labas, iyon ay dahil sa air conditioner nito. Ganito nga ata kung mayaman ang isang tao, nagagawa nilang bumili ng ganitong klaseng sasakyan. Mga bagay na hanggang pangarap na lang naming mga mahihirap. "Nandito na tayo," sabi ni Mr Herbert sa akin at bigla namang bumaba ang drayber ng sasakyan at pinagbukasan niya ng pintuan si Mr. Herbert at sinunod naman niyang buksan ang katabi kong pintuan. "Salamat," pagyuko ko sa kanya at tumingin ako sa isang napakalaking restaurant. Isa ito sa mga nadadaanan ko lamang na kainan. Isa sa mga sikat na restaurant dito sa lugar namin. Hindi ko alam kung dapat ba akong mamangha o dapat ba akong matakot dahil sa ora
Chapter Seven Zoe's Perspective "Ma'am, ayos ka lang po ba?" tanong sa akin ng make-up artist na syang nag-aayos sa akin. Tinignan ko siya mula sa reflection niya sa salaming nasa harapan ko. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng sakit ng nararamdaman ko. I broke up with Kurt bago pa man ako ikasal. At hindi ko matanggap na ang taong pinakamamahal ko ay kinamumuhian ako. Ramdam ko pa din lahat ng sakit. *Flash back* Nasa isang park ako naghihintay. Hindi sana ko magpupunta dito dahil dalawang oras na lang ay ikakasal na ako, pero buti na lang nagawa kong pakiusapan si sir Herbert na makipagkita ako kay Kurt bago ko tuluyang iwanan ang buhay ko bilang Zoe Reyes. Dahil magiging ganap na Zoe Shaw na ako maya-maya, at ibig sabihin nun ay ako at si Kurt ay wala na ring kinabukasan pa. Hinayaan naman ako ni sir Herbert pero syempre may bantay ako. Sumama sa akin ang isa sa mga maids nila at dalawang body guards. &nb
Chapter Eight Zoe's Perspective Pagkahakbang ko ng simbahan, lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Napakaunti lamang ng bisita halos nabibilang lang sila. Siguro nasa mga 20 lamang ang bisita kasama na doon ang pamilya ni sir Herbert. Hindi ko alam kung bakit kakaunti lamang sila, marahil kaunti lamang ang may alam dahil isa lang naman itong biglaang kasalan. Pero kahit na kakaunti lamang ang nasa paligid ko pakiramdam ko, mga higit isang daang mga mata ang nakatitig sa akin. Huminga ako ng malalim at patuloy lamang sa paglapit sa altar. My groom is waiting there, wearing a beautiful white suit. Seryoso ang mga tingin niya sa akin at ako naman ay pilit na itinatago ang lungkot. Tulad ng sabi ni Mr. Herbert, huwag kong ipapahalata ang tunay kong nararamdaman, so I am currently faking a smile, napakahirap itago na nasasaktan ako. The wedding continued and it is time for us to say our vows. Humarap ako sa supladong
Chapter Nine Daxton's Perspective Standing in front of me is this girl, I am observing her as she is letting out her vow. And honestly, her words are coming from somewhere. Hindi ko alam kung parte ba ng pagpapanggap niya ang mga sinasabi niya ngayon. When did I become her best friend and later on his boyfriend? Hindi ko alam pero habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya, imbes na mainis ay nalilito ako, tila pakiramdam ko ay may pinaghuhugatan siya. Her words sound substantial in my ear, like it really happened. She is saying every word with sincerity. 'Come on! Daxton, don't be lost in her facade. She is only acting! That's her nature!' Bumuntong-hininga ako at ramdam ko ang kumukulo kong dugo pero pilit kong kinakalma ang sarili ko. I just let her say what she wants to say at nang ako na ang sumunod na magsasalita. Hindi ko na mapigilan at sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Ramdam ko ang kaba sa hitsura niya.
Chapter Ten Zoe's Perspective Nakatitig ako sa salamin habang pinagmamasdan ang mamahalin kong wedding dress... Dahan-dahan ko itong hinubad at nagpalamig muna ako sa umaagos na tubig sa shower room. Nakakarelaks ang lamig na dumadaloy sa katawan ko pakiramdam ko naaalis ang mga kinikimkim ko. 'Zoe, kaya mo 'to! Makakaalis ka rin, balang araw makakalaya ka rin!' bulong ko. Nang lumabas ako matapos kong nagtagal sa loob ng shower room ay agad namang tumingin sa akin si Daxton at napakasungit niya kung tumingin, parang kakainin niya ako ng buhay... Kulang na lang masuka siya sa tuwing nakikita niya ako. Kung alam niya lang mas nakakainis siyang tingnan. Nakakairita ang awra niya, lagi na lang seryoso. "Zoe, anak, halika maupo ka," biglang tawag sa akin ni sir Herbert. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Isa pa siya, bigla na lamang naging iba ang trato niya sa akin matapos ang kasal, as if we are so c
Chapter Eleven... Daxton's PerspectiveNasa loob ng kwartong ito kaming dalawa ng babaeng ito. Hindi ako makapaniwala na dito siya matutulog sa kwarto ko. Akala ko sa bakanteng kwarto siya pero pinilit ni dad na dito siya matulog kasama ko. 'This is torture!' I hissed.I am glaring to her... nkaatayo siya sa tapat ng pintuan pintuan, nakayuko siya at nahihiya pa kunwari. Hindi ba't plano niya ito? Marahan akong lumapit sa kanya at agad naman siyang napatingin sa akin. Nang nasa mismong harapan niya na ako ay napansin kong umatras siya ng kaunti kaya naman lumapit pa ako lalo at humakbang ulit siya paatras hanggang sa dumikit na ang likod niya sa may pintuan.Pinagmasdan ko ang mukha niya at pinagpapawisan siya... Nagtaas ako ng kilay at bigla kong tinaas ang dalawa kong kamay at dinikit ko sa pintuan, sa magakabilang gilid ng balikat niya, at napansin kong bigla niyang itinaas ang mga kamay niya at tinakpan ang dibdib niya. At ramdam
Chapter 67: The End Of Us!DAXTON'S PERSPECTIVE I went straight to Zoe's house, napakaganda ng ngiti ko dahil susunduin ko na ang asawa ko. But my heart shuttered into pieces when I saw her with his ex boyfriend. Palabas sila ng bahay nila at agad naman ako nagtago sa gilid ng bahay nila. I must be crazy for hiding abruptly but I don't know."Thank you, Kurt, sa pagtulong sa akin ngayon," rinig kong pasasalamat ni Zoe kay Kurt."Okay lang, basta ikaw. Sorry sa nangyari kay tito, sorry din if nahuli akong hanapin ka at alamin ang katotohanan, Zoe. I hated myself, sobra, dapat sinabi mo sa akin..." ramdam ko ang sakit sa mahinang boses ni Kurt."Kurt, tapos na, wala ka namang kasalanan... I'm sorry I left you wondering kung ano bang mali sa'yo... I regret everything pero..." Hindi ko na narinig na itinuloy ni Zoe ang sinasabi niya kaya naman sumilip ako at parang gumuho ang mundo ko nang makita kong makadikit ang nga labi nilang dalawa. I want to punch that guy, but I have no right k
CHAPTER 66:Daxton's Perspective I woke up just to find out that my wife was no longer by my side. Instead of worrying about where she went, I constantly beamed. She must be embarrassed about what happened, she's cute. Napasapak naman ako sa noo ko, habang inaalala ang mga nangyari pero di ko pa rin maiwasan ang mapangiti, hindi din ako makapaniwala na ang kinamumuhian kong asawa ay mahal ko na ngayon. Nagshower muna ako sandali at nang bumaba ako aya agad kong hinanap si Zoe, tulog pa daw si mama at si papa. Tangibg mga katulong ang gising pa dahil napakaaga pa naman. Hindi ko mahagilap ang asawa ko, hndi ko alam kung tinataguan ba niya ako dahil sa hiya o ano. "Sir, hinahanap niyo po ba si Zoe?" tanong ni ate Edna at tumango naman agad ako sa Kanya."Yes, where is she?" agad kong tanong."Nasa may entrance gate po sir, sabi po ay may naghahanap daw po sa kanya na lalaki..." sagot niya na ikanakunot ng aking noo. *Sino naman kaya ang lalaking iyon? Paano niya natunton si Zoe?*
CHAPTER 65: Zoe's FatherZoe's Perspective Nagising na lang ako na katabi ang asawa ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, lahat-lahat ay di ko inaasahan pero isa lang ang alam ko. What happened last night, was the best night of my life. Tumitig ako sa mukha ni Daxton, napakagwapo niya kahit tulog siya, hindi ko alam kung bakit labis ang ngiti ko, I think I really love him already. Nagpaside view ako ng higa, lumapit ako ng kaunti sa kanya at dahan-dahan kong hinawi ang buhok niya at napangiti naman to kahit tulog pa, pero nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Namula agad ako kase akala ko gising na siya pero nang ibulong ko ang pangalan niya ay napagtanto kong hindi pa pala. Hinayaan ko munang yakapin niya ako ng ilang minuto, it was awkward cause we were still naked under this sheet and I just couldn't believe that we really made love.Mahimbing pa din ang tulog ni Daxton, kaya naman dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa katawan ko. Ayaw ko siyang gisingin
CHAPTER 64 Zoe's Perspective Nang makatulog na si sir Herbert ay lumabas na ako ng kwarto and I was surprised to see Leon. Leaning his back at the wall near the door. he looked into my eyes with teary eyes. Hindi ko man tanungin sa kanya kung bakit sya naluluha, alam kong narinig niya ang sinabi ni sir Herbert sa akin.Dahan-dahan kong sinara ang pinto ni sir Herbert at huminga ng malalim."Narinig mo lahat, tama ba ako?" pilit kong ngiti. Umayos ng tayo si Leon at saka hinawakan ang kamay ko."I'm sorry for what my uncle did, the wedding, sa lahat," sabi niya. Mukha siyang guilty kahit alam niya naman na ang tungkol sa force marriage na naganap... Pero mas masakit naman marinig iyon mula sa bibig ni sir Herbert, kaya naiintindihan ko kung bakit nagsosorry siya."Huwag kang mag-alala, okay lang ako. Wala ka namang kasalanan, Leon," sabi ko nang biglang may parang umubo sa likod ni Leon and there I saw my husband staring at our hands. Kaya naman agad kong hinila ang kamay ko mula sa
Chapter 63Zoe's Perspective"Ayos ka lang ba, Zoe?" tanong nina ate Edna sa akin habang nakatambay ako dito sa labas para magpahangin. Parang ang hirap kaseng huminga sa loob. Tapos idagdag mo pa na ang dami kong iniisip sa daming bagay na nangyari at nalaman ko. Si ma'am Diana, hayun panay ang iyak sa may living room. Si Daxton naman hindi ko alam pero, I didn't expect to find out na may desperate ex girlfriend siya at ex na niloko siya, maybe because of his unpredictable attitude, minsan kase pabago-bago si Daxton, ang hirap niyang basahin.Matapos akong i-comfort nina ate Edna, ay ipinagtimpla pa nila ako ng kape kahit wala naman akong sinasabi, alam kase nila na mahilig akong magkape. Iniwan muna nila akong tatlo para asikasuhin si ma'am Diana."Mukhang malalim ang iniisip natin diyan ah?" biglang upo ni Leon sa may harapan ko, nakangiti siya sa akin at nakatingin sa mukha ko."Leon, salamat nga pala kani...""You don't have to thank me..." pagputol niya sa sinasabi ko."Anyway,
Chapter 62Leons's Perspective"Ihahatid na kita," sabi ko kay Claire knowing that tita Diana and tito Herbert didn't like her after what happened in the past. Tumango naman siya at habang papalabas kami ng ranch house ay napatingin naman siya kay Daxton at hindi ko maipinta ang ekspresyon ng kanyang mukha, tila ba napakalalim ng iniisip at mukhang napakalungkot niya, alam ko namang gusto niya pa din na magkaayos sila ni Daxton as friends, pero looking at her right now, kakaiba ang mga titig niya, same with Daxton kanina when he was looking at Zoe habang ginagamot siya ni Zoe. There were something that hard to pinpoint kung ano bang meron. Pinagmamasdan ko lang ang mukha ni Claire at napapaisip tuloy ako minsan kung ano na ba ang nararamdaman niya ngayon kay Daxton after what she had done to him and after meeting him these days ng ilang beses na? Is she suddenly changed her heart, does she felt regretful and realized she loved Daxton? Hindi ko alam, but I'm afraid to know the truth,
Chapter 61Daxton's Perspective"What? You can't cure my father?" tanong ko sa Doctor ni dad nang makarating kaming lahat sa bahay at ihiga sa kama si dad. Hindi ko kase nagawang kausapin si Doctor Fajardo kanina dahil sa pag-aalala ko kay dad, and know that we were talking about how to cure my dad, it's a sad information that dad can not be cured. My mom, who is with me, talking to Doctor Fajardo, is still in shock to learn about my father's illness, the same with my wife. Alam ko namang it was a sad news, but as far as I know, she hated my dad for forcing her to marry me, but then, she looked devastated after what she heard about my father's condition.She was speechless and I am worried because she clearly has a brain fog, kanina pa siya walang imik at mukhang napakalalim ng iniisip niya simula nang umalis kami kina Akie hanggang sa pagbalik namin dito a Ranch house. Kasama din namin sina Claire at Leon na umuwi pero hindi kami nag-uusap. "Sorry, Daxton, your father's illness ha
Chapter Sixty Third Person's Perspective The Shaw family were all surprised to see Mr Herbert punch his son, Daxton. "Honey! What are you doing?" sigaw naman ng asawa ni Mr. Herbert habang nilalapitan ang kanyang anak at hinawakan ito sa mukha, scanning her son's face, making sure he's alright. "Isa ka pa? What the hell do you think are you doing here? Dapat nasa Manila ka but you went here and ask Leon to take good care of the company? Are you going insane? Hindi mo man lang sinabi sa akin, and I found out you treated your daughter in law horrible while I'm away,is this all your plan, hah, Diana!" sigaw niya at gigil na gigil na tinignan sila ng masama. Nanginginig at nangangatog siya sa galit kanin pa bago pa man siya dumating sa lugar na iyon, dahil napag-alaman niya ang ginawa nila kay Zoe. Mr. Herbert didn't want her to be hurt especially that he knew that she is already damaged inside her dahil sa ginawa niya. "Honey, let me explain," pagyakap nito sa kay Mr. Herbert
Chapter Fifty- FourDaxton's PerspectiveLahat ay nanahimik at wala pa din akong magawa. Hindi ko din mahanap si Leon pero alam kong makikita niya si Zoe and that would be great.Habang nakatingin sa dalawang babaeng nasa stage, which are Akie and Zoe, biglang pumasok si Claire and she was surprised to see me being held by these men. I looked at her feet at medyo okay naman na siya ng kaunti. "Anong ginagawa niyo sa kanya!" sigaw niya agad but I eyed her, telling her not to do something stupid cause it's clear that we can't do anything right now."Just go find Leon!" I said."Pero..." bigla niyang hinawakan ang isa sa mga lalaki trying to help me but it's useless. I felt hopeless but I had to make sure Zoe is alright dahil alam kong may hindi magandang plano si Akie know ing that he hired these men to stop me. "Claire, get your self together! Just go find Leon!" I shouted and she looked at me with a curious face but then she blinked, and I know she realized what I'm trying to say Le