Home / Romance / A VOW OF HATE / Chapter 2: Knowing my Abductor

Share

Chapter 2: Knowing my Abductor

Author: Belle Cassy
last update Last Updated: 2022-02-02 17:26:56

Chapter Two

Zoe's perspective

Nagising na lamang ako sa napakalawak na kwarto, nang mapagtanto ko na nakahiga ako sa isang malaking kama ay agad akong napaupo, halos sinilip ko pa ang katawan ko sa ilalim ng kumot na nakabalot sa akin, at agad akong napabuntong-hininga ng napakalalim, ramdam ko ang ginhawa sa loob ko nang makita kong may suot-suot pa rin akong damit. Akala ko ginahasa na ako ng mga dumakip sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong walang malay.

Nang tumayo ako ay nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo, hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko ay dahil may tama pa rin ang gamot na nasa panyong iyon sa akin. Gusto ko mang maupo pero kailangan kong makaalis sa lugar na ito.

Agad akong nagtungo sa pintuan ngunit nang subukan kong buksan ito, napagtanto kong naka-lock ito mula sa labas.

Nakaramdam ako ng takot at pilit kong binuksan ang pinto pero ano mang pilit ko wala rin naging saysay. I'm in panic kaya naman agad akong lumapit sa bintana pero laking gulat ko nang makita kong napakataas pala ng kwartong kinaroroonan ko. Gusto ko mang tumalon ay tiyak mababalian ako ng buto at kung nagkataon madali lang akong huliin ng mga kidnapper at hindi mapapadali sa akin ang sumubok na tumakas muli kung may bale ako.

Tumingin ako sa paligid para sana humingi ng tulong pero puro puno lamang ang nakikita ko, kaya naman, palagay ko nasa isang private property ako. Wala akong makitang kalsada mula sa bintanang ito.

"Anong gagawin ko?" nasa isip ko habang ramdam ko ang kaba sa puso ko. Bumagsak ang mga luha mula sa aking mga mata, hindi ako makapaniwalang nakidnap ako, at hindi ko man lang alam kung nasaan ako o kung sino ang nagpakidnap sa akin, maging ang dahilan ng pagpaparito ko. Ang tanging hiling ko na lang ay ang marelaize sana agad ng tatay ko o kaya ni Kurt na nawawala ako.

Nanlambot ang mga tuhod ko sa takot at naupo ako sa kama nang biglang narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong gumilid at rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang inaabangan kung sino ang taong nagbukas ng pinto.

Maya't maya pa ay isang matandang lalaki na sa palagay ko ay nasa edad 40 o 50 pataas ang tumambad sa harapan, maputi, matangkad at kahit matanda na ay may hitsura pa rin ito. Well, kasunod niya ang dalawang naglalakihang lalaki na nakasuot ng itim na damit, mukha silang bodyguards ng matandang ito. Tinitigan ko silang dalawa, isa sa kanila ang lalaking nagpunta sa bahay namin. Tumayo lamang ang dalawa sa magkabilang gilid ng pintuan habang ang matanda ay palapit akin.

Napaatras ako mula sa kama, takot pero wala akong matakbuhan, hindi ko alam kung anong balak niyang gawin pero naglakas loob akong magsalita, "Sino ka? At anong kailangan mo sa akin?!" nanginginig kong tanong habang nakatitig sa matanda.

"I'm Herbert Shaw, and to answer your question, you're here because your father used you as a collateral to his debt. Ikaw ang kabayaran sa lahat ng utang niya na hindi niya na kayang bayaran," paliwanag nito.

Nanlaki ang mga mata ko, nagulat ako sa mga sinabi niya. Pero hindi ako naniniwala, hindi iyon kayang gawin ng kinilala kong ama sa akin. Hindi siya ganung klaseng tao!

"Ipinambayad ako ng amain ko? Nagkakamali kayo, baka mali kayo ng taong kinuha, hindi iyon magagawa ng tatay ko," naiiyak kong sabi. Bagama't ayaw kong maniwala, hindi ko pa rin maitatanggi na labis ang kaba ko sa pwedeng mangyari sa akin.

Bumuntong-hininga ang matanda at saka tumitig sa aking mga mata, "You're Ms. Zoe Reyes, and your stepfather, Albert Cruz, right? Ngayon sabihin mo sa akin na nagkamali ako ng taong dinakip?" sabi niya. Napahawak ako ng mahigpit sa kumot na nasa tabi ko at takot na tumitig sa kanya. Alam niya ang buong pangalan ko at ang amain ko, nagpapatunay lamang na may posibilidad na totoo ang sinasabi niya. Pero paano kung gawa-gawa lamang ng matandang ito ang lahat? Hindi ako magpapaloko.

"Hindi! Hindi magagawa ng tatay ko iyon!" sigaw ko at bakas sa mukha niya ang pagka-irita, hindi siya nagsalita bagkus tinawag niya ang isa sa bodyguards niya at may inabot itong isang brown envelope sa kanya.

"Heto, basahin mo," sabi ng matanda at nilapag ang envelope sa may harapan ko, agad ko naman kinuha iyon upang maibsan ang pagtatakang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Binasa ko ng mabuti ang nakasulat sa isang papel at kitang-kita ng mga mata ko ang pirma ng aking amain na nasa hulian, at tulad nga ng sinasabi ng matandang ito nakasaad dito na ako ang magiging kabayaran o ang buhay niya sa milyong inutang niya sa araw na hindi niya iyon nabayaran sa takdang oras. Hindi ako makapaniwala, paano nagkautang si papa ng ganitong halaga? Kilalang-kilala ko ang pirma niya, at sinasabi ng dokyumentong ito na tama ang matandang nasa harapan ko ngayon.

"Hindi! Hindi ito totoo!" sigaw ko, hindi ko kayang tanggapin, napakasakit. Pinunit ang papel na hawak ko at saka itinapon iyon sa sahig.

"Punitin mo man iyan, marami akong kopya. Maniwala ka man o hindi, wala akong magagawa. Kung gusto mo tanungin mo mismo ang tatay mo at nang marinig mo mismo sa labi niya ang katotohanan!"

Parang akong binagsakan ng langit at lupa, ang kinilala kong tatay na akala ko ay mahal ako ay ibinayad ako sa matandang ito. Halos manghina lahat ng buong katawan ko, wala akong magawa kundi ang umiyak. Para akong lantang gulay at hindi ko na alam ang dapat na gawin.

"Palagay ko ay natauhan ka na din," sabi ng matanda.

"Anong kailangan mo sa akin? Bakit ako?!" tanong ko habang humahagulhol pa rin sa sakit, hindi ko matanggap na nagawa ito ng amain ko. Bakit? Bakit?

"Isa lamang ang dapat mong malaman, ikakasal ka, iyon ang kabayaran para sa nautang na tatay mo," sabi niya.

Kasal? Bigla akong napahinto sa pag-iyak. Tumitig ako sa matandang nasa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na iyon ang gusto niyang mangyari... ang pakasalan ko siya? Ano naman makukuha niya sa akin? Tila nanlamig ang buong katawan ko. Ano pa nga ba ang maaari niyang gawin? Ang pilitin akong matulog kasama niya? Hindi! Nilukob ng takot ang dibdib ko sa mga iniisip ko.

"Kasal? Hindi, hindi ako papayag," sigaw ko, hindi ako papayag na ikasal sa matandang ito, hindi... hindi maaari.

"Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo ang anak ko, kung hindi buhay ng amain mo ang kapalit! Naiintindihan mo ba ako, Zoe Reyes?"

Para akong estatwa na nakatitig sa kanya, natatakot ako sa maaari niyang gawin sa amain ko, oo, galit ako, galit na galit ako dahil sa ginawa niyang ito pero ang mamatay siya, hindi ko kaya, hindi ko kayang mawalan ulit ng pamilya, siya na lang ang meron ako pero... Napapikit ako sa sobrang sakit.

Matapos kong manahimik ay lumapit ako sa matanda at lumuhod sa harapan niya, "Parang awa mo na, babayaran ko ang lahat ng utang ng tatay ko sa oras na magkapera ko, hindi man ngayon pero babayaran ko kayo, ipinapangako ko," pagmamakaawa ko pero tila hindi man lang nakramdam ng awa ang matandang ito.

"Tumayo ka jan, kahit magmakaawa ka pa o umiyak ng dugo, hindi magbabago ang desisyon ko, papakasalan mo ang anak ko, iyon lamang at wala ng iba," seryosong sabi niya at tinalikuran ako pero bago pa man siya makaalis ay niyakap ko ang paa niya at pilit pa ring nagmamakaawasa kanya.

"Parang awa mo na, hayaan niyo na lamang akong umalis," pagmamakaawa ko pero hindi ito tumugon at bigla na lamang akong hinila ng dalawang lalaking kasama niya pero nagpupumiglas pa rin ako. Ayaw ko siyang bitawan pero tila wala na ata akong lakas. Kinain na ako ng sakit at awa ko sa sarili ko.

Isinara nila ang pinto at patuloy ako sa pagkabog dito.

"Parang awa niyo na pakawalan niyo ako. Ayoko dito! Parang-awa niyo na!" paulit-ulit kong sigaw pero walang nakikinig, halos mamula na ang mga kamay ko sa kakakatok, at wala akong pakialam kung dumugo man ito, dahil ang alam ko lang ay gusto kong umalis sa lugar na ito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grabe naman ang amain nya ginawang collateral,paano na ang kanyang bf
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • A VOW OF HATE   Chapter 3: Going Home

    Chapter Three Zoe's Perspective Ilang araw na akong nandito sa loob ng kwartong ito. Nagmumukmok at halos mabaliw na ako. May banyo at Cr na sa loob ng silid na ito kaya subukan ko mang magpanggap na naiihi ako upang makatakas ay hindi ko magagawa. Iniisip ko kung kamusta na kaya si Kurt? Ilang araw akong nagdasal na sana may taong magliligtas sa akin pero wala. Sigurado akong nababaliw na si Kurt kakahanap sa akin. At ang amain ko? Wala akong ideya kung ano ba ang nararamdaman niya, pero hindi niya nga siguro ako mahal dahil heto ako, nakakulong sa isang kwarto, at ikakasal sa taong hindi ko naman mahal. Ilang beses akong nagmakaawa na pauwiin nila ako, pero kahit ano pang gawin ko hindi nagpapatinag ang matandang iyon. Hindi siya tumitigil hanggang hindi ako pumapayag na pakasalan ang anak niya, ni hindi ko nga kilala o alam ang pagkatao ng anak niya, kaya bakit ko siya papakasalan? Hindi ko alam kung bak

    Last Updated : 2022-02-03
  • A VOW OF HATE   Chapter 4: Zoe's Father

    Chapter 4 Zoe's Perspective Habang nag-iikot kami sa lugar, papunta sa bahay namin ay ramdam ko ang nakaka-awkward na katahimikan sa pagitan namin ni Mr. Herbert. Hindi siya nagsasalita at seryoso lamang siya sa buong biyahe namin. Ako naman ay walang tigil sa pagtingin sa tinted na bintana ng sasakyang ito at minememorize ang bawat lugar na nadadaanan namin. Sinisigurado kong alam ko kung saan ako nanggaling para masabi ko kay Kurt ang lahat. Habang pinagmamasdan ko ang daan ay napansin kong palapit na kami ng palapit sa bahay at hindi ako makapaniwala na medyo may kalapitan lang pala ang lugar kung saan ako kinulong dito sa bahay namin. Maya't maya pa ay huminto ang sasakyan at napagtano ko na lang na nasa tapat na pala kami ng bahay. Nang titigan ko ito, ang kaninang excited kong nararamdaman ay ngayo'y napalitan na ng matiniding kaba. Mabibingi na ata ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Napakabigat ng bawat paghinga ko.

    Last Updated : 2022-02-03
  • A VOW OF HATE   Chapter 5: Forcing Daxton

    Chapter Five Daxton's Perspective "Ano? Hindi ako papayag, papa. Hindi ko man lang siya kilala, " sagot ko sa tatay ko nang sabihin niya sa akin na ikakasal ako sa ayaw at sa gusto ko. "Kilala mo man o hindi, ikakasal kayo ngayong Lunes," seryosong sabi niya na siyang ikinagulat ko? Lunes? Tatlong araw mula ngayon? Hindi ko alam kung ano bang nakain ni papa para magdesisyon ng wala man lang akong nalalaman, hindi man lang niya ako tinanong bago niya ako ipakasal. "Enough, dad. Kahit pa pilitin mo ako, hindi ko papakasalan ang babaeng iyon. I didn't even know her name," sagot ko. "Then you have two days to get to know each other before your wedding." Ngumiti siya sa akin. "No, dad. Buo na ang desisyon ko, hindi ko papakasalan ang babaeng iyon!" sigaw ko. "Don't make me mad, Daxton," my father groaned. "Tama ang anak mo, Herbert. Hin

    Last Updated : 2022-02-06
  • A VOW OF HATE   Chapter 6: Meeting my soon-to-be Husband

    Chapter Six Zoe's Perspective Nakasakay ako ngayon sa isang napakagarang sasakyan, hindi ito ang sasakyang ginamit namin ni Mr. Herbert noong nakaraan- mas maliit ito ng kaunti pero mas mukha itong mamahalin. Napakalamig dito sa loob kahit na napakaaraw sa labas, iyon ay dahil sa air conditioner nito. Ganito nga ata kung mayaman ang isang tao, nagagawa nilang bumili ng ganitong klaseng sasakyan. Mga bagay na hanggang pangarap na lang naming mga mahihirap. "Nandito na tayo," sabi ni Mr Herbert sa akin at bigla namang bumaba ang drayber ng sasakyan at pinagbukasan niya ng pintuan si Mr. Herbert at sinunod naman niyang buksan ang katabi kong pintuan. "Salamat," pagyuko ko sa kanya at tumingin ako sa isang napakalaking restaurant. Isa ito sa mga nadadaanan ko lamang na kainan. Isa sa mga sikat na restaurant dito sa lugar namin. Hindi ko alam kung dapat ba akong mamangha o dapat ba akong matakot dahil sa ora

    Last Updated : 2022-02-07
  • A VOW OF HATE   Chapter 7: Breaking up with my Boyfriend!

    Chapter Seven Zoe's Perspective "Ma'am, ayos ka lang po ba?" tanong sa akin ng make-up artist na syang nag-aayos sa akin. Tinignan ko siya mula sa reflection niya sa salaming nasa harapan ko. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng sakit ng nararamdaman ko. I broke up with Kurt bago pa man ako ikasal. At hindi ko matanggap na ang taong pinakamamahal ko ay kinamumuhian ako. Ramdam ko pa din lahat ng sakit. *Flash back* Nasa isang park ako naghihintay. Hindi sana ko magpupunta dito dahil dalawang oras na lang ay ikakasal na ako, pero buti na lang nagawa kong pakiusapan si sir Herbert na makipagkita ako kay Kurt bago ko tuluyang iwanan ang buhay ko bilang Zoe Reyes. Dahil magiging ganap na Zoe Shaw na ako maya-maya, at ibig sabihin nun ay ako at si Kurt ay wala na ring kinabukasan pa. Hinayaan naman ako ni sir Herbert pero syempre may bantay ako. Sumama sa akin ang isa sa mga maids nila at dalawang body guards. &nb

    Last Updated : 2022-02-16
  • A VOW OF HATE   Chapter 8: The Vow

    Chapter Eight Zoe's Perspective Pagkahakbang ko ng simbahan, lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Napakaunti lamang ng bisita halos nabibilang lang sila. Siguro nasa mga 20 lamang ang bisita kasama na doon ang pamilya ni sir Herbert. Hindi ko alam kung bakit kakaunti lamang sila, marahil kaunti lamang ang may alam dahil isa lang naman itong biglaang kasalan. Pero kahit na kakaunti lamang ang nasa paligid ko pakiramdam ko, mga higit isang daang mga mata ang nakatitig sa akin. Huminga ako ng malalim at patuloy lamang sa paglapit sa altar. My groom is waiting there, wearing a beautiful white suit. Seryoso ang mga tingin niya sa akin at ako naman ay pilit na itinatago ang lungkot. Tulad ng sabi ni Mr. Herbert, huwag kong ipapahalata ang tunay kong nararamdaman, so I am currently faking a smile, napakahirap itago na nasasaktan ako. The wedding continued and it is time for us to say our vows. Humarap ako sa supladong

    Last Updated : 2022-02-21
  • A VOW OF HATE   Chapter 9: After the Wedding

    Chapter Nine Daxton's Perspective Standing in front of me is this girl, I am observing her as she is letting out her vow. And honestly, her words are coming from somewhere. Hindi ko alam kung parte ba ng pagpapanggap niya ang mga sinasabi niya ngayon. When did I become her best friend and later on his boyfriend? Hindi ko alam pero habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya, imbes na mainis ay nalilito ako, tila pakiramdam ko ay may pinaghuhugatan siya. Her words sound substantial in my ear, like it really happened. She is saying every word with sincerity. 'Come on! Daxton, don't be lost in her facade. She is only acting! That's her nature!' Bumuntong-hininga ako at ramdam ko ang kumukulo kong dugo pero pilit kong kinakalma ang sarili ko. I just let her say what she wants to say at nang ako na ang sumunod na magsasalita. Hindi ko na mapigilan at sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Ramdam ko ang kaba sa hitsura niya.

    Last Updated : 2022-02-26
  • A VOW OF HATE   Chapter 10: After the Wedding 2

    Chapter Ten Zoe's Perspective Nakatitig ako sa salamin habang pinagmamasdan ang mamahalin kong wedding dress... Dahan-dahan ko itong hinubad at nagpalamig muna ako sa umaagos na tubig sa shower room. Nakakarelaks ang lamig na dumadaloy sa katawan ko pakiramdam ko naaalis ang mga kinikimkim ko. 'Zoe, kaya mo 'to! Makakaalis ka rin, balang araw makakalaya ka rin!' bulong ko. Nang lumabas ako matapos kong nagtagal sa loob ng shower room ay agad namang tumingin sa akin si Daxton at napakasungit niya kung tumingin, parang kakainin niya ako ng buhay... Kulang na lang masuka siya sa tuwing nakikita niya ako. Kung alam niya lang mas nakakainis siyang tingnan. Nakakairita ang awra niya, lagi na lang seryoso. "Zoe, anak, halika maupo ka," biglang tawag sa akin ni sir Herbert. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Isa pa siya, bigla na lamang naging iba ang trato niya sa akin matapos ang kasal, as if we are so c

    Last Updated : 2022-03-01

Latest chapter

  • A VOW OF HATE   Chapter 67: The End Of Us!

    Chapter 67: The End Of Us!DAXTON'S PERSPECTIVE I went straight to Zoe's house, napakaganda ng ngiti ko dahil susunduin ko na ang asawa ko. But my heart shuttered into pieces when I saw her with his ex boyfriend. Palabas sila ng bahay nila at agad naman ako nagtago sa gilid ng bahay nila. I must be crazy for hiding abruptly but I don't know."Thank you, Kurt, sa pagtulong sa akin ngayon," rinig kong pasasalamat ni Zoe kay Kurt."Okay lang, basta ikaw. Sorry sa nangyari kay tito, sorry din if nahuli akong hanapin ka at alamin ang katotohanan, Zoe. I hated myself, sobra, dapat sinabi mo sa akin..." ramdam ko ang sakit sa mahinang boses ni Kurt."Kurt, tapos na, wala ka namang kasalanan... I'm sorry I left you wondering kung ano bang mali sa'yo... I regret everything pero..." Hindi ko na narinig na itinuloy ni Zoe ang sinasabi niya kaya naman sumilip ako at parang gumuho ang mundo ko nang makita kong makadikit ang nga labi nilang dalawa. I want to punch that guy, but I have no right k

  • A VOW OF HATE   Chapter 66: Missing my Wife!

    CHAPTER 66:Daxton's Perspective I woke up just to find out that my wife was no longer by my side. Instead of worrying about where she went, I constantly beamed. She must be embarrassed about what happened, she's cute. Napasapak naman ako sa noo ko, habang inaalala ang mga nangyari pero di ko pa rin maiwasan ang mapangiti, hindi din ako makapaniwala na ang kinamumuhian kong asawa ay mahal ko na ngayon. Nagshower muna ako sandali at nang bumaba ako aya agad kong hinanap si Zoe, tulog pa daw si mama at si papa. Tangibg mga katulong ang gising pa dahil napakaaga pa naman. Hindi ko mahagilap ang asawa ko, hndi ko alam kung tinataguan ba niya ako dahil sa hiya o ano. "Sir, hinahanap niyo po ba si Zoe?" tanong ni ate Edna at tumango naman agad ako sa Kanya."Yes, where is she?" agad kong tanong."Nasa may entrance gate po sir, sabi po ay may naghahanap daw po sa kanya na lalaki..." sagot niya na ikanakunot ng aking noo. *Sino naman kaya ang lalaking iyon? Paano niya natunton si Zoe?*

  • A VOW OF HATE   Chapter 65: ZOE'S FATHER

    CHAPTER 65: Zoe's FatherZoe's Perspective Nagising na lang ako na katabi ang asawa ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, lahat-lahat ay di ko inaasahan pero isa lang ang alam ko. What happened last night, was the best night of my life. Tumitig ako sa mukha ni Daxton, napakagwapo niya kahit tulog siya, hindi ko alam kung bakit labis ang ngiti ko, I think I really love him already. Nagpaside view ako ng higa, lumapit ako ng kaunti sa kanya at dahan-dahan kong hinawi ang buhok niya at napangiti naman to kahit tulog pa, pero nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Namula agad ako kase akala ko gising na siya pero nang ibulong ko ang pangalan niya ay napagtanto kong hindi pa pala. Hinayaan ko munang yakapin niya ako ng ilang minuto, it was awkward cause we were still naked under this sheet and I just couldn't believe that we really made love.Mahimbing pa din ang tulog ni Daxton, kaya naman dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa katawan ko. Ayaw ko siyang gisingin

  • A VOW OF HATE   Chapter 64: Pool

    CHAPTER 64 Zoe's Perspective Nang makatulog na si sir Herbert ay lumabas na ako ng kwarto and I was surprised to see Leon. Leaning his back at the wall near the door. he looked into my eyes with teary eyes. Hindi ko man tanungin sa kanya kung bakit sya naluluha, alam kong narinig niya ang sinabi ni sir Herbert sa akin.Dahan-dahan kong sinara ang pinto ni sir Herbert at huminga ng malalim."Narinig mo lahat, tama ba ako?" pilit kong ngiti. Umayos ng tayo si Leon at saka hinawakan ang kamay ko."I'm sorry for what my uncle did, the wedding, sa lahat," sabi niya. Mukha siyang guilty kahit alam niya naman na ang tungkol sa force marriage na naganap... Pero mas masakit naman marinig iyon mula sa bibig ni sir Herbert, kaya naiintindihan ko kung bakit nagsosorry siya."Huwag kang mag-alala, okay lang ako. Wala ka namang kasalanan, Leon," sabi ko nang biglang may parang umubo sa likod ni Leon and there I saw my husband staring at our hands. Kaya naman agad kong hinila ang kamay ko mula sa

  • A VOW OF HATE   Chapter 63: Herbert's Confession

    Chapter 63Zoe's Perspective"Ayos ka lang ba, Zoe?" tanong nina ate Edna sa akin habang nakatambay ako dito sa labas para magpahangin. Parang ang hirap kaseng huminga sa loob. Tapos idagdag mo pa na ang dami kong iniisip sa daming bagay na nangyari at nalaman ko. Si ma'am Diana, hayun panay ang iyak sa may living room. Si Daxton naman hindi ko alam pero, I didn't expect to find out na may desperate ex girlfriend siya at ex na niloko siya, maybe because of his unpredictable attitude, minsan kase pabago-bago si Daxton, ang hirap niyang basahin.Matapos akong i-comfort nina ate Edna, ay ipinagtimpla pa nila ako ng kape kahit wala naman akong sinasabi, alam kase nila na mahilig akong magkape. Iniwan muna nila akong tatlo para asikasuhin si ma'am Diana."Mukhang malalim ang iniisip natin diyan ah?" biglang upo ni Leon sa may harapan ko, nakangiti siya sa akin at nakatingin sa mukha ko."Leon, salamat nga pala kani...""You don't have to thank me..." pagputol niya sa sinasabi ko."Anyway,

  • A VOW OF HATE   Chapter 62: Revelation Between Claire and Leon!

    Chapter 62Leons's Perspective"Ihahatid na kita," sabi ko kay Claire knowing that tita Diana and tito Herbert didn't like her after what happened in the past. Tumango naman siya at habang papalabas kami ng ranch house ay napatingin naman siya kay Daxton at hindi ko maipinta ang ekspresyon ng kanyang mukha, tila ba napakalalim ng iniisip at mukhang napakalungkot niya, alam ko namang gusto niya pa din na magkaayos sila ni Daxton as friends, pero looking at her right now, kakaiba ang mga titig niya, same with Daxton kanina when he was looking at Zoe habang ginagamot siya ni Zoe. There were something that hard to pinpoint kung ano bang meron. Pinagmamasdan ko lang ang mukha ni Claire at napapaisip tuloy ako minsan kung ano na ba ang nararamdaman niya ngayon kay Daxton after what she had done to him and after meeting him these days ng ilang beses na? Is she suddenly changed her heart, does she felt regretful and realized she loved Daxton? Hindi ko alam, but I'm afraid to know the truth,

  • A VOW OF HATE   Chapter 61:

    Chapter 61Daxton's Perspective"What? You can't cure my father?" tanong ko sa Doctor ni dad nang makarating kaming lahat sa bahay at ihiga sa kama si dad. Hindi ko kase nagawang kausapin si Doctor Fajardo kanina dahil sa pag-aalala ko kay dad, and know that we were talking about how to cure my dad, it's a sad information that dad can not be cured. My mom, who is with me, talking to Doctor Fajardo, is still in shock to learn about my father's illness, the same with my wife. Alam ko namang it was a sad news, but as far as I know, she hated my dad for forcing her to marry me, but then, she looked devastated after what she heard about my father's condition.She was speechless and I am worried because she clearly has a brain fog, kanina pa siya walang imik at mukhang napakalalim ng iniisip niya simula nang umalis kami kina Akie hanggang sa pagbalik namin dito a Ranch house. Kasama din namin sina Claire at Leon na umuwi pero hindi kami nag-uusap. "Sorry, Daxton, your father's illness ha

  • A VOW OF HATE   Chapter 60: Herbert

    Chapter Sixty Third Person's Perspective The Shaw family were all surprised to see Mr Herbert punch his son, Daxton. "Honey! What are you doing?" sigaw naman ng asawa ni Mr. Herbert habang nilalapitan ang kanyang anak at hinawakan ito sa mukha, scanning her son's face, making sure he's alright. "Isa ka pa? What the hell do you think are you doing here? Dapat nasa Manila ka but you went here and ask Leon to take good care of the company? Are you going insane? Hindi mo man lang sinabi sa akin, and I found out you treated your daughter in law horrible while I'm away,is this all your plan, hah, Diana!" sigaw niya at gigil na gigil na tinignan sila ng masama. Nanginginig at nangangatog siya sa galit kanin pa bago pa man siya dumating sa lugar na iyon, dahil napag-alaman niya ang ginawa nila kay Zoe. Mr. Herbert didn't want her to be hurt especially that he knew that she is already damaged inside her dahil sa ginawa niya. "Honey, let me explain," pagyakap nito sa kay Mr. Herbert

  • A VOW OF HATE   Chapter 59: The Video

    Chapter Fifty- FourDaxton's PerspectiveLahat ay nanahimik at wala pa din akong magawa. Hindi ko din mahanap si Leon pero alam kong makikita niya si Zoe and that would be great.Habang nakatingin sa dalawang babaeng nasa stage, which are Akie and Zoe, biglang pumasok si Claire and she was surprised to see me being held by these men. I looked at her feet at medyo okay naman na siya ng kaunti. "Anong ginagawa niyo sa kanya!" sigaw niya agad but I eyed her, telling her not to do something stupid cause it's clear that we can't do anything right now."Just go find Leon!" I said."Pero..." bigla niyang hinawakan ang isa sa mga lalaki trying to help me but it's useless. I felt hopeless but I had to make sure Zoe is alright dahil alam kong may hindi magandang plano si Akie know ing that he hired these men to stop me. "Claire, get your self together! Just go find Leon!" I shouted and she looked at me with a curious face but then she blinked, and I know she realized what I'm trying to say Le

DMCA.com Protection Status