Share

Chapter 314

Author: Zaligma
last update Last Updated: 2024-11-23 20:00:15

Kasalukuyang nakaupo mismo sa harap ng monitor si Javier, pinagmamasdan si Luke at Kina.

Kahit papaano ay lumuwag-luwag ang pakiramdam niya. Tiwala siyang hangga't si Luke ang kasama ng kanyang apo ay walang masamang mangyayari dito.

Ang iba namang staff ay doon nakatuon ang atensyon sa walang buhay na halimaw, nagkukumpulan sa isang monitor.

"What a monster..." bulong na usal ng isang staff.

"Oo nga. Paanong mayroong ganyang nilalang palang naninirahan sa maliit na gubat na ito? I mean... it's in the middle of a freakin' city, hindi sa amazon!" wika naman ng isa.

"Ang ibig kong sabihin ay ang lalaking 'yan," pagtatama ng isa sa kahulugan ng sinabi nito sabay turo kay Luke. "Nakita n'yo naman kung paano niya pinatay ang kakaibang nilalang na 'yan sa isang sipa lang. Walang sinumang normal na tao ang makakagawa ng bagay na 'yon." Napayakap ito sa sarili habang pabirong natatakot. "He's the real monster."

Napatango-tango bilang pag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Chen Avila
sana po more updates po🥹...
goodnovel comment avatar
12-HUMMS K BOLANTE, CLARK KEN
gumawa na tayo ng matinding gulo ngayon.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 315

    "A-anong..."Gulat na nagpalinga-linga si Joey nang marinig ang mga atungal na iyon. Kumpletong natigilan ito maging na sina Ferdinand.Ilan lang sa mga security personnel ang may dalang baril, na nagkanya-kanya agad ng hugot bilang pangdepensa sa bantang hindi pa nila sigurado kung ano."Hindi ba't isang tigre lang ang sinasabing nakawala? Bakit parang dumami sila?" Sa kabila ng takot na dulot niyon sa kanila ay nagawa pang magbiro ni Nolan."Hindi ngayon ang tamang oras para d'yan. Marahil ay katulad sila ng halimaw na bigla nalang sumulpot sa may gitna ng gubat kanina." seryosong wika ni Joey, pilit na ikinakalma ang sarili upang hindi ipahalata ang kabang nararamdaman. "Kaya natin sinundan si Kina," dagdag na paliwanag nito na ikinatigil saglit ni Ferdinand."H-halimaw?" naguguluhang tanong ni Nolan. Maging ang ilang security personnel ay naintriga sa sinabi ni Joey."Mamaya ko na ipapaliwanag sainyo. Kailangan nating magmada

    Last Updated : 2024-11-23
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 316

    "Hmm? Interesting,"Nilaro ng babaeng binabalot ng itim na kasuotan ang dulo ng kulot ng buhok nito. May suot-suot itong itim na maskara.Nakapangalumbabang nakaupo ito sa malaking gintong upuan na tila trono, sa gitna ng malaki at malawak pero napakadilim na silid.Sa harap nito ay isang bolang kristal, na siyang bukod tanging nagbibigay ng liwanag sa buong silid na iyon. Nagagawa niyong bigyan ng buhay ang hikaw ng babae na may disenyong buwan, waning crescent sa kanan at waxing crescent kaliwa, kaya nagmumukha iyong totoong buwan sa ilalim ng mga tainga nito.Sa pamamagitan din ng bolang iyon ay napapanood nito ang nagaganap ngayon sa gubat kung nasaan sina Luke.Nakasentro iyon kay Luke."Opo, madame, pinoprotektahan ng lalaking 'yan ang Divine Maiden. Kaya napag-isipan kong siya muna ang puntiryahin. Pero hindi ko akalaing... mayroon siyang kakaibang abilidad," paliwanag ng boses ng lalaki sa magkahalong magalang at may pagkadismayang tono.Hindi malaman ang eksaktong kinatatayua

    Last Updated : 2024-11-24
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 317

    Wala na silang ideya kung nasa daigdig pa ba sila nang puntong iyon. Hindi ba at nagpunta sila sa gubat na iyon para mag marathon? Totoo ba talagang nangyayari ito o nananaginip lang sila?Mula sa kakaibang atungal na narinig nila kanina, hanggang sa patay na katawan ng nilalang na hindi nila matukoy kung ano, nalaman nilang pagpaslang dito ni Luke sa isang sipa lang, pagsulpot ng iba pang katulad ng nilalang na iyon, at pakikipaglaban ni Luke rito sa kakaibang lebel na kakayahan.Ngayon ay may panibago na naman silang kakaibang nasasaksihan. Dalawang hindi nila alam kung tao ba o kung ano na nakikipaglaban sa mga halimaw. Hindi na nga rin nila alam sa kanilang mga sarili kung sino ba sa mga ito ang tunay na halimaw.Magkabilaang dako si Luke at Natalia sa pagdepensa. Dahil sa pagdating ni Natalia ay mas lalo pang ginanahan sa pakikipaglaban si Luke.Kasalukuyan na siya ngayong pumaloob sa mismong kasukalan na parang gusto niyang tunguhin kung saan man nagmumula ang mga iyon at alamin

    Last Updated : 2024-11-24
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 318

    "Auntie, can you please just relax? Ako ang nahihilo sa inyo eh." inis na sambit ni Harley, magkasalubong ang kilay na pinagmamasdan si Caroline na kanina pa paroon at parito sa paglalakad.Si Javier at Dominica naman ay parehas lang na nakatitig kina Joey na kanina pa nananahimik. Mga nakatulala ang mga ito sa kawalan. Maging ang mga kasama ng mga itong security personnel ay ganoon din.Sinubukan nilang tanungin ang mga ito patungkol sa kung anong nangyari pero wala silang nakuhang kahit na anong sagot."Ano ba talagang nangyari sa inyo?" Sa pang siyamnapu't-siyam na hindi mabilang na beses, muling tanong ni Mylene kay Nolan habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa tatlong magkakapatid. "Nakainkwentro n'yo ba 'yong... halimaw na sinasabi ni dad?"At sa pangsiyamnapu't-siyam na hindi rin mabilang na pagkakataon ay katahimikan lang ang muling itinugon ni Nolan.Makalipas ng ilang saglit, nakarinig sila ng ingay na nagmumula sa may may bukana ng gubat. Ang mga young masters iyon.Nagkaka

    Last Updated : 2024-11-25
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 319

    Ilang segundo silang nasa ganoong estado. Pinakiramdaman niya muna kung anong naging reaksyon nito sa ginawa niyang iyon kasabay ng pagdama niya ng malambot at manamis-namis na labi nito. Pero laking tuwa niya nang sinasabayan nito ang ginagawa niya kahit na nagpipigil ito ng hininga.Nakakabaliw iyon, lalo na at parang gustong-gusto rin iyon ni Kina. May kung anong sensasyon iyong ibinibigay sa kanyang isip at parang ayaw niya nang itigil pa nila iyon.Pero makaraan ng ilang saglit ay marahan siya nitong itinulak papalayo."W-what was that?" tanong nito, namumula ang magkabila nitong pisngi na agad ikinatawa niya.Parang nabasa naman nito ang iniisip niya kaya agad din itong nag-iwas ng tingin saka tinakpan ang mukha gamit ang buhok. Isinubsob nito ang mukha nito sa mga hita nito."N-ninakaw mo ang... first kiss ko," sumbat nito sa hiyang-hiyang boses."Bakit, ipinagkaloob ko naman sa'yo ang unang halik ko ah." nakatawang wika niya. "Patas lang tayo."Nag-angat ito ng tingin sa kanya

    Last Updated : 2024-11-25
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 320

    "Ah, the cunning Private, Luke... Cruise," wika ng heneral, mahahalata ang pagkasarkastiko sa boses nito.Naglakad ito papalapit sa kanya habang nasa likod ang mga kamay. Nakapaskil sa mukha nito ang kakaibang ngisi na agad pinalitan ng pagkurbada ng ilalim na labi habang sinisiyasat nito ang katawan niya."Anlaki na ng pinagbago mo bata ah," puri nito sa mapang-uyam na tono.'Hanggang ngayon ba ay galit pa rin ito sa'kin?' naitanong nalang ni Luke sa kanyang isip habang natatawa."Major Osmeña, long time no see! Kayo din naman, anlaki na ng pinagbago n'yo,"Pinagmasdan niya ang insigniya nito sa balikat at gitnang dibdib. Apat na nakabordang bituin."Grats." sambit niya, syempre sa nang-uuyam ding tono.Nagsalubong ang kilay ng brigadier pagkatapos ay lumapit ito kay Luke sa naglalakihang hakbang. "Show respect to the general!" mahinang singhal nito. "Isang four star general ang nasa harapan mo ngayon kaya ayusin mo ang pananalita mo!"Pagkasabi nito ay bahagya pa nitong iniyuko ang

    Last Updated : 2024-11-26
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 321

    Naramdaman ni Luke ang presensya nito kaya mabilis na nilingon niya ang bukana ng gubat, pero walang tao roon."What's wrong?" tanong ni Alona na huminto pa para lang balikan siya ng tingin."Wala," wika niya lang saka nauna na ritong umakyat sa bus.Dahil sa dalawang bus nalang ang natira, isa para sa pamilya Alanis at ang isa ay para sa mga security personnel, napagpasyahan niyang makisabay sa bus ng pamilya Alanis.Para na rin syempre makasabay niya si Kina.Pero mabilis na hinarang siya ni Caroline. "Wait a minute, you are not supposedly be in this bus. Ano ka, siniswerte? Doon ka sa bus ng mga guwardya!" mahinang singhal nito sa mataray na mukha.Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Javier nang marinig ang sinabi ni Caroline. "Caroline, tumigil ka! Si Luke ang pumrotekta sa anak mo, tapos pagsusupladahan mo siya? Ni hindi ka pa nga nagpapasalamat sa kanya!" singhal nito na ikinatahimik ng buong bus.Maging ang driver na hindi naman nila kaanu-ano ay pasimple nalang na tumitingin s

    Last Updated : 2024-11-26
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 322

    Nagsalubong nalang ang kilay ni Luke dahil sa sinabi ni Dominica. Hindi naman niya talaga kailangang patunayan ang kanyang sarili sa mga ito. Sa katunayan ay ayaw niya rin naman nang ipaalam pa sa mga ito ang nangyari sa kanila sa loob ng gubat na iyon.Pero dahil sa dami ng pares ng matang nakasaksi ay hindi niya makokontrol ang sitwasyon. Kakalat at kakalat ang kwentong iyon. Ebidensya lang ang nawala na hindi niya alam kung ikakatuwa niya ba o hindi.Saan napunta ang mga bangkay ng mga halimaw na iyon? Hindi, ng mga demonyo palang iyon.Ibinalik na ba ang mga katawan ng mga ito ni Luciana sa ibang dimensyon?Magkasalubong ang kilay ni Kina na umalis ito sa kinapipwestuhan nito at lumapit kay Luke. "Let's go," wika nito sabay hatak sa kamay niya palabas sa bus.Hindi na nakayanan pa ni Kina ang walang kabuluhang pangmamaltrato ng kanyang ina at lola kay Luke. Kung ayaw nilang doon si Luke, madali lang naman siyang kausap."K-Kina, where are you going?" gulat na napatayo si Dominica

    Last Updated : 2024-11-26

Latest chapter

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 343

    Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 342

    Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 341

    "May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 340

    Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 339

    "This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 338

    "Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 337

    Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 336

    "Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 335

    Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t

DMCA.com Protection Status