Gulantang na napaupo sa basang lupa si Danny dahil sa sobrang pagkagulat. Hindi ito mapakali sa paglinga sa mga imahe ni Luke. Lahat ng mga iyon ay may malalamig na awra.Hindi ba at side-jump technique ang minaster na technique nito? Paanong nahigitan pa nito ang kanyang husay sa paggamit swift voyage na ilang taon niyang sinanay?Lahat ng mga tao sa entablado ay napanganga rin nang husto. Maging si Kina ay namilog din ang mga mata sa sobrang pagkagulat sa kayang gawin ni Luke."Hindi ko alam na ganito ka pala talaga kahusay..." naiusal nalang nito sa malumanay at manghang tono.Sa isang dako naman ng stadium ay nandoon pa rin sina Jason. Sa kanila ay si Lance ang may pinakagulat na reaksyon. Naikuyom nito ang kamao nito sa galit.Noong naglaban ba silang dalawa ay pinaglalaruan lang siya ni Luke? Talagang minamaliit ba ni Luke ang kanyang kakayahan upang hindi siya nito seryosohin?Napuna iyon ni Jason. "Seems like Luke has more potential than we thought. You can't take him down alo
"Mr. Bernard, dalhin mo sila sa ligtas na lugar. Ako nang bahala rito," utos ni Luke kay Bernard.Pagkasabi niya niyon ay tiningnan niya si Kina. May pag-aalala sa mukha nito habang may nangungusap na matang nakatitig lang sa kanya."Who are you to order Mr. Bautista around? Are you nuts?" pagalit na singhal sa kanya ni Sean.Hindi ito pinansin ni Luke. Wala siyang oras upang bigyan pa ito ng atensyon."Sean! Watch your mouth!"Natikom din naman agad ang bibig ni Sean nang marinig ang galit na sigaw ni Javier.Nagtataka man kung bakit lagi nalang nitong kinakampihan si Luke ay hindi na ito nag-usisa pa dahil sa takot kay Javier.Hinihingal na dumating doon si Alona at Jackielyn."Luke, who are they?" tanong ni Alona pagkatapos ay tumabi kay Kina."Night Bandos," tugon niya.Namilog ang mata nina Joey nang marinig ang sinabi ni Luke. May takot na napatingin ito sa napakaraming sasakayan na halos mapuno na ang field."N-Night Bandos? Hindi ba't sila ang pinakabrutal na gang sa buong ban
"Hindi ako interesadong malaman ang tungkol diyan. Diretsuhin mo na ako sa kung anong sadya n'yo rito." Pinutol ni Luke ang pagsasalita ni Razid.Para itong nagkikwento ng kagandahan ng pagkakaroon ng gang nito ng bago at upgraded na mga armas kahit na wala naman siyang pakialam doon.Ang mas ikinaiinis niya pa ay napakabagal nitong magsalita."Bastard! Magpasalamat ka at maayos kang kinakausap ng aming pinuno! Anong karapatan mong sumabat habang nagsasalita siya?" pagalit na bulyaw ng isang tauhan ni Razid sabay tinutukan siya nito ng pistol sa ulo.Mahinahong inawat ito ni Razid at ibinaba ang kamay nito. "Kalma ka lang. Parang hindi mo pa kilala si Luke," natatawang saad nito. Tumingin ito sa kanya. "Pasensya ka na. Sadyang... maiinitin lang talaga ang ulo ng mga tauhan ko."Muli nitong ibinalik ang hawak nitong baril sa tauhan nito at may makahulugang ngiti sa labing pinagmasdan siya."Wala akong ideya sa kung anong eksaktong pinaplano ni Mr. Zheng. Pero sinabi niya sa'ming..." Um
Napaismid si Lance, kaakibat niyon ang hinanakit. "Mr. Cruise, Mr. Cruise, Mr. Cruise. Wala na kayong bukambibig kung hindi ang mang-aagaw na 'yon. He's just making a show to win over Kina. There's nothing especial about him. Katulad din siya ng ibang lalaking gagawin ang lahat kahit na pandaraya pa maangkin lang ang babaeng gusto nila."Pare-parehas na natahimik sina Javier sa narinig. Anong sinasabi ni Lance?Nagsimulang dumami ang mga tao may distansya sa kanilang kinaroroonan. Bumaba si Cadmus ng kotseng parehong kinaroroonan ngayon ni Jason upang paalalahanan si Lance na madaliin nito ang ginagawa nito."P'Four," sambit lang nito at agad naman iyong naunawaan ni Lance.Tiningnan nito si Kina. "Kina, come with me. Alone.""Hindi sasama ang apo ko sa'yo. Hindi mo siya—""Or we will bring your entire family with us." putol ni Lance kay Javier.Lumikot ang mata ni Kina. Titig na titig lang ito kay Lance. Katulad ni Luke ay napansin din nito ang kakaibang personalidad ni Lance kumapar
May mga armas ding dala sina Leon. Mabuti nalang at eksaktong papunta na ang mga ito nang magpadala ng mensahe si Bernard dito.Kahit nakabonet ang isang kasamahan ni Lance ay makikita sa panginginig ng katawan nito ang matinding takot nang makita sina Leon.Anong ginagawa rito ng nangungunang gang sa Luzon? Nandito ba sila upang tulungan ang pamilya Alanis?Isa-isang napaurong ang mga armadong kalalakihan. Bukod sa higit na mas marami ang miyembro ng WDK kaysa sa kanila ay talagang nakakatakot ang presensya ng mga ito.Kung hindi sila nagkakamali ay mga gang officials pa ang iba sa mga ito."Mr. Zheng, mukhang kailangan na nating umalis," sambit ng assistant ni Jason sa mahinahong tono.Kalmadong nakaupo lang si Jason sa backseat ng kotse nito habang abala sa pag-i-scroll sa cellphone. May nakasalpak na earbud sa isa nitong tainga.Tumanaw ito sa labas at saglit na pinagmasdan sina Leon. "Sabihin mo kay Lance na aalis na tayo. Wala na tayong gagawin pa rito."Agad na nilapitan ni Mal
Laglag ang mga pangang sinasabayan lang ng kanilang tingin ang bawat galaw ni Luke.May kalayuan man mula sa kanilang kinatatayuan ay kitang-kita nila kung paano isa-isang nagsisitumbahan ang mga miyembro ng Night Bandos."T-this is impossible! Naiilagan ba ni Mr. Cruise ang mga bala ng baril?" gulat na sambit ni Malcov sa hindi makapaniwalang reaksyon.Maging si Leon ay namangha rin nang husto sa kayang gawin ni Luke.Alam niyang kaya nitong dis-armahan ang kalabang may baril, kung mag-isa lang. Ang nasasaksihan niya ngayon ay ibang lebel na ng Luke Cruise dahil sa kaya nitong kalabanin ang bata-batalyong kalabang may armas.Hindi niya maiwasang panayuan ng balahibo dahil sa sobrang pagkamangha.Sa dako naman ng kinaroronan nina Cleo, pare-parehas din ang mga itong may hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha habang nakasunod lang ang tingin kay Luke.Nakakubli ang mga ito sa mismong sasakyan ng mga miyembro ng Night Bandos.Napayuko si Larry nang tumama ang bala ng baril sa sasakya
"Luke!" Masayang sinalubong ni Jackielyn si Luke. "I'm glad you're safe,""Mr. Cruise..." may gulat na bati ni Javier pagkatapos ay pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.Agad na napansin nito ang madungis niyang kasuotan.Bakit narito na siya? Nagawa niya bang maitaboy ang Night Bandos?"A-ayos ka lang ba Mr. Cruise? Nagawa mo ba silang paalisin?" may pag-aalala sa boses na tanong nito."Talaga bang mas inaalala mo pa ang kalagayan ng lalaking 'yan? Kayo na nga ang muntik nang madukot ni Lance!" bulyaw ni Dominica na ikinahinto ni Luke.Tinangka nga talagang dukutin ni Jason si Kina.Seryosong tiningnan niya si Kina na ngayon ay nakatitig lang sa kanya. Gustong-gusto niya itong kausapin at parang ganoon din ito.Bahagyang nakangiting binalingan niya si Javier. "'Wag n'yo po akong alalahanin. Masaya akong nasa mabuti kayong kalagayan."Ang sinabi niyang iyon ay para talaga kay Kina.Naunawaan
Kahit saang dako ng La Fernandia magpunta si Luke ay pinagtitinginan siya ng mga tao. Dahil iyon sa kumakalat na litrato."What's with the long face? Hindi ka ba masayang sikat ka na?" tanong ni Alona.Magkasalikop ang kamay nito sa likod ng ulo nito habang naglalakad. Kasalukuyan silang papunta ng cafeteria.Napasinghap si Luke. Diretso lang ang kanyang tingin habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay.Hindi siya nag-abalang magsalita. Nasa malalim lang siyang pag-iisip.Hindi niya maintindihan kung anong klaseng likido ang pinapakuluan ni Jason. Hindi niya iyon malasahan.Anong pinaplano nito sa pagpapakalat ng litrato ng naging laban niya at ng Night Bandos?"Yow! Tingnan mo nga naman kung sino ang narito, ang sikat na mandirigmang tumalo sa pinakabrutal na gang sa buong bansa!" salubong sa kanila Andrie sa malakas na boses kaya mas lalo pang pinagtinginan si Luke pagkarating nila ng cafeteria.Pero kahit ito
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t