"Luke!" Masayang sinalubong ni Jackielyn si Luke. "I'm glad you're safe,""Mr. Cruise..." may gulat na bati ni Javier pagkatapos ay pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.Agad na napansin nito ang madungis niyang kasuotan.Bakit narito na siya? Nagawa niya bang maitaboy ang Night Bandos?"A-ayos ka lang ba Mr. Cruise? Nagawa mo ba silang paalisin?" may pag-aalala sa boses na tanong nito."Talaga bang mas inaalala mo pa ang kalagayan ng lalaking 'yan? Kayo na nga ang muntik nang madukot ni Lance!" bulyaw ni Dominica na ikinahinto ni Luke.Tinangka nga talagang dukutin ni Jason si Kina.Seryosong tiningnan niya si Kina na ngayon ay nakatitig lang sa kanya. Gustong-gusto niya itong kausapin at parang ganoon din ito.Bahagyang nakangiting binalingan niya si Javier. "'Wag n'yo po akong alalahanin. Masaya akong nasa mabuti kayong kalagayan."Ang sinabi niyang iyon ay para talaga kay Kina.Naunawaan
Kahit saang dako ng La Fernandia magpunta si Luke ay pinagtitinginan siya ng mga tao. Dahil iyon sa kumakalat na litrato."What's with the long face? Hindi ka ba masayang sikat ka na?" tanong ni Alona.Magkasalikop ang kamay nito sa likod ng ulo nito habang naglalakad. Kasalukuyan silang papunta ng cafeteria.Napasinghap si Luke. Diretso lang ang kanyang tingin habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay.Hindi siya nag-abalang magsalita. Nasa malalim lang siyang pag-iisip.Hindi niya maintindihan kung anong klaseng likido ang pinapakuluan ni Jason. Hindi niya iyon malasahan.Anong pinaplano nito sa pagpapakalat ng litrato ng naging laban niya at ng Night Bandos?"Yow! Tingnan mo nga naman kung sino ang narito, ang sikat na mandirigmang tumalo sa pinakabrutal na gang sa buong bansa!" salubong sa kanila Andrie sa malakas na boses kaya mas lalo pang pinagtinginan si Luke pagkarating nila ng cafeteria.Pero kahit ito
'Deathstalker gang?' tanong ni Luke sa kanyang isip.Nagtataka siya kung paanong nagawa ni Tiffany na mapakiusapan ang gang.Ang gang na ito ang pumapangalawa sa Luzon. Higit na makapangyarihan kumpara sa gang ni Malcov at higit ding may mas malawak na kontrol sa underground society.Halos kasinglawak lang ng WDK. Pero pagdating sa mga mandirigma ay higit na mas malakas pa rin ang kanyang gang. Doon lang sila nagkakatalo.Hindi siya kumbinsidong dahil lang sa binayaran ni Tiffany ang mga ito kaya nito napapapayag ang mga ito."Mr. Famous guy, how have you been?" nakangising lumapit si Tiffany sa kanyang harapan. "Napanood ko ang mga laban mo. Honestly... napahanga ako sa husay mo even though may atraso ka pa sa'kin. But that one photo... I don't think that's possible. Baka totoo rin ang sinasabi nilang ikaw rin mismo ang nagpakalat n'on. Hindi ba?"Tumaas ang isang kilay ni Luke. 'Kalokohan. Hindi ako ganoon kauhaw sa atensyon.'
Makikita ang gulat na reaksyon sa kanilang mga mukha. Kahit sina Andrie ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Luke.Kahit pa mahusay ito sa pakikipaglaban, imposible namang matalo nito ang halos buong Night Bandos. Bukod pa roon ay may mga baril ang mga ito."L-Luke, nasisiraan ka na ba? Tingin mo maniniwala sila sa'yo?" bulong na sambit ni Andrie sa kanya. Iniisip nitong baka sinisindak lang ni Luke ang mga miyembro ng Deathstalker.Hindi umimik si Luke. Nasa kanila na iyon kung papaniwalaan nila ang sinabi niya.Makaraan ng ilang saglit ay nag-umpisang tumawa si Reden. Kahit pa nabigla ang mga kasamahan nito sa ginawa ni Luke kay Otep ay sinabayan ng mga ito si Reden.Napuno ng tawanan ang cafeteria."Ano kamo? Ikaw ang nagpatumba sa isang batalyong miyembro ng Night Bandos? Ang pinakabrutal na gang sa buong bansa?" tumatawang saad ng isa, kumpletong hindi naniniwala."Hoy iho, alam mo ba kung anong sinasabi mo? May ideya
Ilang saglit na natigilan si Reden pati na ang mga kasama nito. Kahit pa nagsisinungaling si Luke, hindi makabuluhan para sa kanila kung paano nito nalaman ang tungkol sa sekreto ng kanilang gang. Nagsasabi kaya ito ng totoo? "I-Imposible! Sinasabi mo bang... kakilala mo si Leon?" usisa ni Reden sa hindi pa rin makapaniwalang itsura. Mahinang natawa si Luke. "May isip rin pala ang isang katulad mo. Nakakasurpresa." sarkastiko niyang sambit. Napaawang nalang ang bibig nina Andrie. Hindi lang tauhan ni Luke si Malcov kung hindi ay kakilala rin nito si Leon. Talagang nakakamangha iyon! Mas nakakamangha pa kung nagsasabi rin ito ng totoo na tinalo niya nga ang lider ng Deathstalker. Nakahalukipkip na pumagitna si Tiffany kina Reden at Luke. Nagpalipat-lipat ang iritableng tingin nito sa dalawa. "What's the matter?" mataray na tanong nito kay Reden. "Anong pinag-uusapan n'yo? Is it that really important para mahinto kayo sa dapat n'yong gawin?" Isang beses pang napalunok si Reden ba
Tahimik lang na nakaupo si Alona sa tabi ni Luke habang nakapangalumbabang nakatanaw sa labas ng bintana. Paminsan-minsan niyang sinusulyapan ang rearview mirror ng taxi."Y'all being wierd," mahinang sambit ni Alona. Napatingin siya rito. "You, Lance, Kina..."Napakunot ang kanyang noo. "Paano mo naman nasabi?""Hindi ako kumbinsidong tungkol nga sa future n'yong dalawa ni Kina ang pinag-usapan n'yo sa limo ni Joaquin." Humarap ito sa kanya. "Tell me, anong eksaktong pinag-usapan n'yo? Why so... dramatic?"Napatikhim si Luke saka nag-iwas ng tingin at tumanaw sa labas. Maliban kina Javier ay wala nang iba pang nakakaalam sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Kina. Kahit si Alona."'Yon naman talaga ang pinag-usapan namin. Tingin mo ba nagsisinungaling sa'yo si Kina?" pagsisinungaling niya.Sumimangot si Alona. "Gina-gaslight mo ba ako?""Ano pa ba sa tingin mo ang iba naming pag-uusapan?"Ilang saglit siyang pinag
Kahit si Lauren ay nagulat nang marinig ang boses ni Luke. Nanlalaki ang matang inilayo nito ang telepono sa tainga nito at tinitigan iyon."Luke..." usal nito."Hello?" Kinunutan ni Luke ng noo ang mga tauhan ni Lauren. "Si Lauren 'to 'di ba?" naniniguradong tanong niya sa mga ito.Maang na tumango-tango ang mga ito."Anong meron? Bakit mo ako pinapasundan sa mga ito?" balik niya kay Lauren.Napapikit si Lauren dahil sa inis sa mga tauhan. "Luke? What's up? Kamusta ka na?" Awkward itong natawa. "Ako pinapasundan ka? Hindi ah. Baka nagkataon lang na nandiyan ang mga tauhan ko—""Kung may kailangan ka sabihin mo lang. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa pagpapamanman sa'kin dahil may relasyon na kami ni Kina."Natahimik sa kabilang linya ng tawag. Hindi niya gustong sabihin iyon pero batid niya ang dahilan ni Lauren kung bakit nito ginagawa ang pagpapamanman nito sa kanya. Bukod pa roon ay kasal na ito."W-what do you mean? That's not what I'm trying to do," sambit nito. Mahahalata sa ga
Sinulyapan ni Luke si Alona, makikita sa mukha nitong naghihintay ito ng paliwanag."Pasensya na kung hinila man kita sa sitwasyong ito. Kailangan ko lang masigurong ligtas kayo habang nasa iba ang atensyon ko," wika niya.Hindi man siya sigurado ay malamang na pakulo na naman ito ni Jason upang ilihis ang kanyang atensyon. Mas mainam kung isama niya nalang si Kina upang kahit papaano ay mababantayan niya ito."T-teka nga, ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Alona.Hindi agad tumugon si Luke. Nag-isip siya ng tamang salitang gagamitin upang ipaliwanag ang nangyayari."May umaatake sa kumpanya ko," tugon niya lang.Tumaas ang isang kilay ni Alona. "Then?" Kasunod niyon ay ang pagtaas din ng balikat nito. "So what? Bakit kailangan mo pa kaming isama ni Kina? Saka ligtas saan?""Hindi mo na kailangan pang malaman ang tungkol do—""I want to know what's going on, Luke. I'm your friend for God's sake, hindi
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t