Sinulyapan ni Luke si Alona, makikita sa mukha nitong naghihintay ito ng paliwanag.
"Pasensya na kung hinila man kita sa sitwasyong ito. Kailangan ko lang masigurong ligtas kayo habang nasa iba ang atensyon ko," wika niya.Hindi man siya sigurado ay malamang na pakulo na naman ito ni Jason upang ilihis ang kanyang atensyon. Mas mainam kung isama niya nalang si Kina upang kahit papaano ay mababantayan niya ito."T-teka nga, ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Alona.Hindi agad tumugon si Luke. Nag-isip siya ng tamang salitang gagamitin upang ipaliwanag ang nangyayari."May umaatake sa kumpanya ko," tugon niya lang.Tumaas ang isang kilay ni Alona. "Then?" Kasunod niyon ay ang pagtaas din ng balikat nito. "So what? Bakit kailangan mo pa kaming isama ni Kina? Saka ligtas saan?""Hindi mo na kailangan pang malaman ang tungkol do—""I want to know what's going on, Luke. I'm your friend for God's sake, hindiUnang nagkaroon ng malay si Luke makaraan ng ilang saglit. Yakap-yakap niya pa rin si Alona. Nagkalat ang bubog sa loob at labas ng kotse."A-Alona," Niyugyog niya ang balikat nito pero hindi ito dumilat. "Alona gising..."Napamura siya nang mahawakang basa ang batok nito. Batid niya agad na dugo iyon hindi niya pa man tinitingnan.Iginala niya ang kanyang paningin. Marami nang sasakyan ang nakahinto malapit sa kanila.Umayos siya ng higa at malakas na sinipa ang pintuan ng kotse pagkatapos ay paatras na gumapang palabas.Marahan at maingat niyang hinila ang katawan ni Alona palabas doon. Saka ito nagkaroon ng malay. Iniupo niya ito sa gilid ng kotse at may pag-aalalang siniyasat ang katawan nito."A-Alona, ayos ka lang? Anong masakit sa'yo?"Kahit na nanlalabo ang paningin ay sinamaan siya nito ng tingin. "Tingin mo ba ayos ako sa lagay na'to... shit."Nakita nito ang dugo sa kamay nito matapos nitong hawakan a
Dinumog ng medya at mga reporter ENDX Corporation. Nagtayo pa ang ilan sa kanila ng tent sa mismong labas ng gusali. Mayroon ding mga ralehistang nagmula sa upperclass upang humingi ng kumpensasyon sa kumpanya. Lahat ng kasalukuyang balita ay patungkol halos sa ENDX ang paksa. Kasalukuyang tinititigan ni Luke ang sarili sa salamin habang inaayos ang pagkakatupi ng sleeve ng kanyang damit. Hiniram niya lang iyon kay Bernard pero saktong-sakto pa rin iyon sa kanya. "Tama na ang kahibangan mo, Jason Zheng." bulong niya sa malamig at determinadong boses. Oras na makita niya ang pagmumukha nito ay hindi siya magdadalawang isip na gulpihin ito bago iharap sa kanyang pamilya. Lumabas siya ng banyo at diretsong nagtungo ng conference room. Pagkapasok niya palang ay nakita niyang halos puno na ang kwartong iyon. Kapansin-pansin ang pagtataka sa mukha ng mga tao roon habang nakatingin sa kanya. Nakatayo lang siya sa may pintuan, pinagmamasdan ang bawat sulok ng kwarto. May hinahanap. Mabab
Makaraan ng ilang saglit na pagkahinto ay muling tumawa si Jason na parang baliw. Tila hindi nito iniinda ang tinamong suntok mula kay Luke. Binalewala nito ang nakita sa pag-aakalang namamalikmata lang ito."You're taking too much time staying here. Aren't you going save your darling?" makahulugang sambit nito na ikinatigil ni Luke.Si Kina."Anong binabalak mong gawin sa kanya?" pasigaw na tanong niya rito. Bumabakat na ang ugat sa may sintido niya dahil sa galit.Marahas na hinila niya ang kwelyo nito kaya bahagya iyong napunit."Go find out yourself. Kung sa tingin mo ay nasa peligro siya ngayon, well... definitely she is," Mapaglaro itong tumawa. "May dalawa ka lang pagpipilian, siya o ang kumpanya mo. If you stay here, pwede mong depensahan ang tore mo. Ang isa sa nagpapatibay ng pundasyon ng pamilya Cruise. If you choose the latter, you can save your queen. But the chance is... thirty-seventy. My knights are already on the move, attacking your queen. So the chance saving her is
"Luke, sandali!" tawag ni Alona na naiwan sa loob ng taxi.Hindi pa humihinto ang taxi ay agad na bumaba si Luke at patakbong tinungo ang classroom ni Kina. Dahil sa ala sais na ng gabi ay labasan na ng mga estudyante, kaya nahirapan pa siyang makarating doon dahil sa dami ng kasalubong."Luke?" kunot noong tanong ni Jackielyn nang madaanan niya ito. "Sa'n ka pupunta?" subok na tawag nito pero hindi niya ito pinansin.Saktong kakarating niya pa lang sa labas ng classroom ni Kina nang makasalubong niya itong palabas. Agad na natigilan ito nang makita siya."W-what are you doing he—""Ayos ka lang ba? May nanakit ba sa'yo?"Hindi mapakali si Luke sa pagsiyasat ng katawan ni Kina. Pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante roon."What's wrong with him?" patanong na sambit ng isa.Napansin nila ang natuyong dugo sa kamay at damit ni Luke."L-Luke, ang kamay mo..." napatitig si Kina sa mga kamao ni Luke."'Wag mo akong alalahanin, gusto kong sumama ka sa'kin," sambit niya sa nakikiusap na
Natagpuan ni Luke ang kanyang sarili sa isang maaliwalas at napakagandang kapaligiran. Napakaraming puno at mga hayop doon. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili, pilit na inaalala kung paano siya napadpad doon. Ang huling natatandaan niya ay sinusubukan niyang kumbinsihin si Kina hanggang sa mawalan siya ng malay. "N-nasa langit na ba ako?" parang tangang tanong niya sa sarili. "Kamusta? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Narinig niya ang napakagandang boses ng isang babae sa kanyang likuran kaya nilingon niya ito. Abala ito sa pagdidilig ng mga halaman. Kumunot ang kanyang noo at agad na humanga siya sa ganda ng babae kahit na tingin niya ay nasa edad kalagitnaan na ito ng kwarenta. Nakasuot ito ng napakalinis at kulay puting napakahabang damit. Mayroon itong koronang gawa sa pinagtahi-tahing rosal. "Sino ka?" taas kilay na tanong niya rito. "Talaga bang... nasa langit na ako?" Mahinang natawa ang babae. Tumingin ito nang diretso sa kanya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ka
Saglit na nagtagpo ang kanilang tingin pero agad ding nag-iwas si Kina. Nauna na itong pumasok sa loob.Pumasok na rin sila at nadatnan nila ito sa sala.Mapaglarong siniko siya ni Alona habang may mapanudyong ekspresyon sa mukha. "Naks," ani nito. "Kanina nang nawalan ka ng malay, wala kang ideya kung gaano siya nag-alala sa'yo. She almost cried thinking that—""Alona, would you mind..."Natahimik naman agad si Alona nang sitahin ito ni Kina. Seryoso pa rin ang mukha nito.Napa-peace sign nalang si Alona habang may nakabungisngis na mukha bago sila iwan sa sala at nagtungo ng sariling kwarto.Naunang naupo si Kina, nakatungo ang ulo nito.Bubuka pa lang sana ang bibig niya upang pagaanin ang atmospera sa pagitan nila nang mauna na itong magsalita."Juice?" alok na tanong nito."H-hindi na," tugon niya lang habang tinititigan ito. Iniisip kung totoo ba ang sinabi sa kanya ni Alona.Talaga bang muntik nang maiyak si Kina?Nabalot sila ng saglit na katahimikan bago muling magsalita si K
Tumamis ang ngiti ni Kina nang maunawaan nito ang sinabi ni Luke. "Again, I'm... sorry for what I did to you," tumungo ito upang tingnan ang kanilang magkahawak na kamay. "May karapatan kang magalit sa'kin kung gusto mo."Ngumiti si Luke. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Ni minsan ay hindi pumasok sa isip kong magalit sa'yo." wika niya sa malumanay na boses.Tumahimik si Kina at makikita ang pagkalungkot sa mukha nito."Anong problema?" tanong niya."It's just..." Tumitig ito sa kanya nang may pag-aalala. "You... ano nang gagawin mo ngayon? Talaga bang handa kang talikuran ang pamilya mo?" Mababaw siyang napabuntong hininga at mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ni Kina na nanlalamig. Ramdam niya kung gaano ito kakaba."'Wag mo nang alalahanin pa ang bagay na 'yon. Ang alalahanin mo nalang ay ang kinabukasan nating dalawa," Mahina siyang natawa. "Gaya ng sinabi mo kay Alona." pabirong dugtong niya kaya napangiti ito.
"You know him?" tanong ni Antonette kay Patricia.Umismid si Patricia. "How could I not? Sa katunayan ay..." nilingon nito sina Matthew. "We know him. We love this dog so so much. He's a total loser."Lumapit ito sa kanya. Medyo tipsy na ito."Enjoying your life huh? Hiyang ka ba sa La Fernandia?""Pat, nakainom ka na. L-leave him alone," saway ni Matthew rito.Matapos ng nangyaring pagtalo ni Luke kay Ludwig sa mansyon ng pamilya Alanis ay hindi na nito makalimutan kung gaano kahalimaw si Luke.Lalo pa kaya siguro kung napanood nito ang laban niya sa martial arts competition?Si Ludwig ay naninigas lang sa kinatatayuan nito habang nakahawak sa noong may suot na bandana upang takpan ang itim na marka na nilikha ni Luke roon. Kaunting titig lang siguro dito ni Luke ay baka maihi na ito.Gustong matawa ni Luke habang pinagmamasdan ang mga ito. Mabuti naman at nadala na ang mga ito kung ganoon.Tumalim ang tingin ni Patricia kay Matthew. "What did you say?" Kumurbada ang gilid ng labi ni
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t