HINDI mapigilan mapangiti ni Aj. Pasimple niyang sinusulyapan ang kanyang secretary na tahimik lamang sa kanyang tabi. Nakasakay na sila sa private elevator.Buti at napigilan niya pa ang sarili kanina. Dahil kung hindi baka nahalikan na niya ito. Gustong-gusto niyang lamukusin ng halik ang mapupulang labi nito na natural lamang dahil wala naman bakas ng lipstick. Pero nakapagtimpi siya dahil alam niyang hindi sila talo! Baka mawalan pa siya ng secretary.'Eh, 'di ba 'yon nga ang goal mo! Ang lumayas siya!'Naipilig niya ang ulo sa sinabi ng traydor niyang isip. Oo, nga pala hindi ba 'yon ang plano. Hindi ba pwedeng magbago ng isip! Sa ngayon kailangan niya ito. She is competent and he needs like her.''Yon, lang ba talaga?'Bago niya mapatulan ang sariling isip ay bumukas na ang elevator. Nauna itong lumabas. Halata ang mabilis nitong hakbang na tila may nakakahawa siyang sakit."She's really make my day!" bulong niya sa sarili.Dumiretso na rin siya sa kanyang office para mag-ready
PALAISIPAN pa rin kay Sandra kung bakit gusto siyang makausap ni Dragon at talagang after office hours pa. Ibig sabihin ay walang kinalaman ito sa trabaho.Imbes na mabaliw siya kakaisip ay minabuti na lamang niyang ituon ang atensyon sa trabaho."Overtime?""Ay p*ke!" Napapikit siya sa lumabas na naman sa bibig niya."I forgot to search that word," wika nito.Napalingon tuloy siya rito. Prente itong nakatayo sa gilid ng table niya at nakatingin sa kanya."Sinabi ko na huwag n'yo ako gugulatin Mr.Villaflor," inis niyang wika.Ngumisi lamang ito."Let's go, pwede naman siguro ipampabukas 'yan. Baka mamulugi ako sa overtime mo lang."Tumayo na siya para ayusin ang kanyang mga gamit. Hindi niya napansin ang oras."Saan ba tayo pupunta?" tanong niya."To a peaceful place."Napahinto siya sa pagpatay ng computer at lumingon dito."Mr.Villaflor, anong gagawin natin sa sementeryo? May dadalawin ka ba do"n? Hindi mo naman ako ipapasalvage do'n, 'di ba? Ayoko pa mamatay, vir-"Pinutol nito ang
NAKASALAMPAK ng upo sa may carpet si Sandra habang nakatutok sa kanyang phone. Ka-chat niya kasi si Clara, kwinento niya rito ang mga nangyari sa kanya lalo na ang pakikipagkaibigan ni Dragon. Oops! Sabi nga pala nito 'wag na itong tawaging dragon. Magrereply palang sana siya rito nang biglang mawala ang phone sa kamay niya. Pag-angat niya ng mukha ay ang magkasalubong na kilay ni Samuel ang sumalubong sa kanya habang sa tabi nito ay si Sammy.Late na siya nakauwi kagabi dahil ang sira ulo niyang boss nagyaya ba naman maglaro na parang bata lang. Nando'n na mag-basketball, car racing at kung ano-ano pa naisipan nito.Kaya ayun, alas dyes na ng gabi siya nakauwi. Ihahatid niya pa sana ito sa opisina dahil nando'n ang kotse nito pero nagpasundo na lang pala ito sa driver. Iniwanan pa sa kanya ang bagong helmet at dinala nito ang kanya. Peace offering daw nito sa kanya. Kaya kagabi pa siya kinukulit ng kambal na magkwento. Pero dahil pagod na siya ay tinulugan niya ang mga ito.Hanggang
PABABA nang hagdan si Sandra nang makarinig siya ng mga boses na nag-iingay sa kanilang sala. Mukhang dumating na ang kanyang mga sundo.Niyaya kasi siya ng mga kaibigan na sina Jayson, Sarah at Raymond na mag-bar. Isasama nga sana nila si Clara kaso nasa Cebu pa rin ito. Nakakapagbar naman siya pero ang kambal ang lagi niyang kasama. Matagal-tagal na rin noong last silang lumabas. Isasama niya sana ang kambal pero tumanggi ang mga ito. Ang sabi mag-enjoy raw siya kasama ng mga kaibigan.May tiwala naman ang mga ito sa kanya at alam nilang kaya niya ang sarili. Malakas ang tolerance niya sa alak. Kaya hindi siya agad malalasing at alam niya ang limitasyon niya."Grabe! Ang gwapo naman ng kambal na ito!" rinig niyang tili mula sa sala. Kung 'di siya nagkakamali si Jayson iyon.'Bakla talaga ang gaga!'Pagkababa niya ay natuon ang atensyon ng lahat sa kanya. Bigla tuloy siyang nailang. Unang nakabawi ang kambal."Bro, ang gwapo natin, ah." Ngumisi pa si Samuel sa kanya.Mukhang paninind
##### Chapter 28 A SongHINDI alam ni Sandra kung saan niya kinuha ang lakas ng loob para tumabi sa boss niya. Nagulat talaga siya pagkakita sa mga ito. Mukhang ito ang sinasabing surprise ni Clara.'Sira ulo talaga ang babaeng 'yon!'Hindi niya talaga inaasahan as in muntik na siyang lumabas ulit nang magtagpo ang mga mata nila ni Aj. Nailang pa nga siya dahil sa pagtitig at pasimple nitong paghagod sa katawan niya. Pero nagawa pa rin niya magsalita at biniro ito na baka matunaw siya. Mukhang lumalabas ang pagkapilyang taglay niya sa katawan na halos dalawampung taong nagtago."Drink?" Nabalik siya sa sarili nang marinig ang tinig sa kanyang tabi. It was Kevin at may nakalahad na baso ng alak. Ngumiti siya rito bago kinuha ang alak at tinungga iyon."Wow! Mukhang malakas kang uminom, Sandra," may pagkamanghang sambit ulit ni Kevin."Gusto mo ba akong hamunin?" biro niya rito na ikinatawa nito at nang iba pa nilang kasama. Napansin niyang tahimik si Aj. Kaya siniko niya ito na ikinalin
NASUNDAN na lamang ng tingin ni Aj si Sandra na nagpunta ng rest room Hindi nakaligtas sa kanya ang lumarawang kalungkutan sa mga mata nito. Pati na rin ang pagkanta nito ay tila tumatagos sa kanya puso. Bakit tila may gusto itong iparating? Nag-ha-halucinate lang ba siya?Pero ramdam niya ang bawat liriko sa pagkanta nito.Pwede kayang…'She's falling with me?'Naramdam niyang tumabi si Anthony sa kanya. "Would you catch her?" bulong nito sa kanya. Napalingon siya rito at bahagyang tumawa."You're crazy couz, 'di kami talo, ok. Kaya 'wag n'yong binibigyan ng malisya ang mga bagay-bagay saka magkaibigan na kami." Nagsalin siya ng alak at mabilis itong nilagok. Pero taliwas sa kanyang sinabi ang nararamdaman. May isang bahagi ng puso niya na umaasa na sana nga, she's falling for him.'Would you able to catch her?' tanong ng isip niya.Napabuntung-hininga siya."Ang lalim no'n ah, pag-isipan mong mabuti," muling wika ni Anthony at tinapik pa siya sa braso bago tumayo."Sorry, Sandra, 'di
KAHIT na alam na ni Aj na isang bakla si Jayson ay tila mas lalo siyang nainis dito lalo nang sinabi nitong bagay ito at si Sandra."Bakit sino ba gusto mo bagay sa kanya? Ikaw?" singit ng traydor niyang isip.Bago niya pa masagot ang sariling tanong ay naramdaman niya ang ulo ni Sandra sa kanyang balikat. Napalingon tuloy siya rito."Pasandal lang saglit," mahina nitong wika."Akala ko ba malakas ka uminom? Ang yabang-yabang mo kanina," biro niya rito bago inakbay ang braso niya kaya imbes sa balikat ay sa dibdib na niya ito nakahilig. Naramdaman niyang natigilan ito pero hindi naman umalis sa pagkakasandal sa kanya. Ramdam niya ang pag-react ni junior dahil sa mas lalong pagkalapit ng katawan nila. Ramdam niya ang napakalambot nitong katawan. Kahit ang biniyayaan nitong dibdib ay nadidikit sa kanya.'F*ck you junior! I said behave, she's a friend, ok!'Pilit niyang sinusuway ang alaga dahil gustong-gustong bumati. Inalis niya ang atensyon dito. Kaya kita niya ang nanunuksong tingin
KANINA pa nakahiga si Sandra pero tila nawala ang pagkalasing niya dahil hindi siya dalawin ng antok. Halos isang oras na rin ang nakakalipas nang maihatid siya ni Aj. Buti na lang at hindi lumabas ang kambal kaya hindi nakita ng mga ito na iba ang naghatid sa kanya. Hinayaan din siya na magpahinga ng mga ito. Pero hanggang ngayon ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata.Tumayo siya at pumunta sa kanyang cabinet. May kinuha siyang isang box do'n. Bumalik siya sa kanyang kama at pasalampak na umupo habang hawak pa rin ang box.It's been a long time since she last opened it. Inilagay niya ang password upang mabuksan ito. It was a safety box at tanging siya lamang ang nakakaalam nito kahit ang kambal ay 'di alam ang tungkol dito. Pagkabukas ay muli niyang nasilayan ang isang notebook. It's her diary. Kinuha niya ito.Binuksan niya ito at unang bumungad sa kanya ang isang litrato at isang kwintas.Kinuha niya ang mga ito. Isa itong litrato noong pitong taong gulang siya kasama ang i
MABILIS ang paglipas ng mga araw, buwan at taon. Sampung taon na nga ang lumipas mula nang magsama sila bilang mag-asawa. At sa loob nang mahigit sampung taon na 'yon ay walang pagsidlan ng saya ang naramdaman ni Sandra. Having three kids was enough to be grateful. At sa mga taon pang darating ay mas sisiguraduhin niya na patuloy niyang papahalagahan ang pamilyang binuo kasama ng pinakamamahal niyang asawa. "Are you ready, baby girl?" Napalingon siya sa asawa na kakapasok lang sa silid nila. At kahit sampung taon na ang lumipas. Her husband remains as one of the handsome men in her eyes. "Baby girl, stop staring at me like that. May lakad tayo at alam ko na ayaw mo na ma-late." Natawa na lang siya sa sinabi ng asawa."Why? It is bad to admire how handsome my husband is?" Pinalandi niya pa ang boses para asarin ang asawa. Alam niya naman kasi kung ano ang kahinaan nito. Aj groaned. At bago pa niya ito tuluyan matukso ay nagmamadali na siyang tumayo. "Baby girl! You really know how to
HINDI maipinta ang mukha ni Sandra. Kanina pa siya wala sa mood at hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil sa kanyang pagbubuntis. Mga tatlong buwan na ang tiyan niya. Hindi naman siya pinabayaan ng asawa dahil todo asikaso ito sa kanya. Pero itong mga nakaraang araw ay ayaw niya itong nakikita. Mas gusto niya makita ang kuya ni Clara—si Jacob. "Baby girl, I'm home!" Ang malakas na boses ng asawa ang kanyang narinig. Nanatili siyang nakahiga at nagtalukbong ng kumot. "Baby girl, are you okay? May masakit ba sayo? Masama ba pakiramdam mo? I will bring you to the ho—" "Nothing! And please, stop asking. Ayoko marinig ang boses mo!" naiinis niyang sagot at mas hinigpitan ang hawak sa comforter nang maramdaman niya na inaalis 'yon ng asawa."Baby girl naman, stop doing it. Nasasaktan na ako," bakas ang sakit sa boses nito pero ewan niya ba kung bakit wala siyang maramdaman na awa. Imbes ay mas lalo siyang naiinis. Bakit naman kasi ganito ang epekto ng pagbubuntis niya?Hindi siya nag
TALAGANG sinulit ni Aj ang kanilang travel honeymoon. Napapailing na lang si Sandra habang pinagmamasdan ang asawa na masayang nakikipagkwentuhan sa mga pinsan at sa kambal niyang kapatid. Sigurado siya na puro kalokohan at kayabangan lang ang ipinagsasabi nito. Wala naman maganda do'n."Pretty Beshie!" Napalingon siya sa tawag ni Clara. Napangiti siya saka sinalubong ito ng yakap. "Blooming, ah. Mukhang maraming vitamins ang naitarak sayo." Natawa siya sa sinabi nito. Wala na talagang bahid ng kainosentehan ang kanyang beshie. "Isang linggo ba naman sinulit…ewan ko lang kung hindi pa mabuo ang bunso namin," ganting biro niya rito sabay himas sa kanyang maliit pa na tiyan. One week vacation in Hawaii is really great. Lalo na kung libre. Dahil nga nanalo ang asawa sa pustahan nito at nina Kevin at Anthony. Na-enjoy niya ang lugar. Siyempre hindi naman pwedeng magkulong lang sila sa kwarto at puro jugjugan lang. Kumusta naman ang beauty niya."Hello there, pretty ladies," bati naman ni
"SANDREW, bumaba ka d'yan!" sigaw ni Aj sa anak na lalaki. Paano ba naman kasi ay umakyat sa may railings ng hagdan at naglambitin. Mabuti at sa may mababang parte lang."Daddy, look I feed snoopy." Nanlaki ang mga mata niya nang makitang punong-puno ang bunganga ng pinabili nitong aso na ang breed ay Chihuahua kahit na ayaw niya. Wala siyang nagawa dahil nagwala ito at sinang-ayunan naman ni Sandra. Kaya ayon, talo ang kinalabasan niya."Lyna! Snoopy will die if you continue to feed him," sabi niya habang itinatabi ang nakahanda pang pagkain nito."Daddy!! help! help! I'm gonna die!" Mabilis naman niyang dinaluhan si Sandrew na nakakapit sa pangatlong baitang ng railings ng hagdan.Dinala niya ito sa tabi ni Lyna at namaywang siya sa harapan ng dalawa. "Can you please behave, tatlong taon pa lang kayo pero sobrang likot n'yo na! Isusumbong ko kayo sa mommy n'yo!" sermon niya sa kambal. Tatlong taon na ang kambal nila ni Sandra. Sobrang saya niya dahil talaga namang nagbigay kulay an
NASA LIVING room si Sandra habang nanonood ng TV. Hindi na kasi siya pinapakilos pa. Dahil kabuwanan na niya kaya naman medyo nahihirapan na talaga siyang gumalaw.Maswerte nga si Aj dahil hindi niya ito pinahirapan sa paglilihi. Mukhang kakampi nito ang mga anak. Yes, they are going to have a twins, a boy and a girl. She can't wait to see them. Everyone was excited to see their twins, especially Aj's grandparents.Dito na sila pinatira ng magulang ni Aj sa mansion. Ang rason ng mga ito ay wala naman daw magmamana nito kung hindi si Aj. Kaya pumayag na rin sila para mapagbigyan ang magulang nito.Maging ang kambal ay rito na rin nakatira. Ayaw niya kasi malayo sa mga ito. Saka gusto rin naman ng mga magulang ni Aj, mas sumaya nga raw dahil nagkaroon ng buhay ang mansion.Masaya siya sobra dahil naka-graduate na sa wakas si Samuel habang si Sammy ay ipinagpatuloy ang pagiging doctor nito.Bumalik siya sa kasalukuyan nang maramdaman na sumakit ang kanyang tiyan."Ahhhh!!!" sigaw niya ha
DAHAN-DAHAN iminulat ni Sandra ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang puting kisame."Baby girl, you're awake! Thanks God," masyang tinig ni Aj ang kanyang narinig. At naramdaman niya ang paghawak sa kanyang kamay.Inilipat niya ang tingin dito dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito habang hawak-hawak ang kanyang kamay at hinahalikan iyon.Lumibot ang tingin niya sa paligid ng silid at napaawang ang kanyang bibig sa nakita. Lahat ng pamilya ni Aj ay narito maging ang kambal. Naalala niya ang huling nangyari. Oo nga pala, bigla na lang siya nawalan ng malay."Iha, maayos na ba ang pakiramdam mo? Ano ba nangyari at hinimatay ka?" tanong ng lola ni Aj.Akmang uupo siya nang mabilis siyang inalalayan ni Aj. Napangiti tuloy siya. Napa-sweet talaga ng mahal niya. Nang sa wakas ay nakaupo na siya ay biglang tumuon ang tingin niya kay Kevin. Napasimangot tuloy siya."Oh! Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Parang ang laki ng kasalanan ko. The last
"WHAT?!" malakas na sigaw ni Sandra kay Clara na nasa kabilang linya. Palagay niya ay nabasag ang eardrums nito."Beshie, balak mo ba sirain ang eardrums ko. Makasigaw lang wagas! Kainis ah!" reklamo nito.May ibinalita kasi ito na dahilan para tawagan niya ito. Lagpas dalawang linggo na simula nang umalis siya sa Manila. Pinatay niya ang kanyang cellphone dahil sigurado na uulanin siya ng tawag at message. Ngayon niya lang naisipan buksan at ang unang bumungad sa kanya ay ang mensahe ng kanyang kaibigan."Still there beshie?" Nabalik siya sa sarili nang marinig ang boses ni Clara. Oo nga pala, kausap niya pa ito."Ye-yeah.""So, ano na? Okay lang sayo? Hahayaan mo na lang na maikasal si Andrew sa Nicole na 'yon? Angkinin ang anak na 'di naman kanya," dire-diretsong wika nito."Pero ikakasal na kami.""Ikakasal? Hindi ba nag-run away bride ka? Paano kayo ikakasal? Ano ba kasi nangyari at nag-alsa balutan ka?" bakas na ang iritasyon sa boses nito. "I don't like that Nicole. Mabait siya
"NANAY, sandali lang po magpapaalam lang po ako kay panget," paalam niya sa kanyang nanay."Aj, hindi na pwede nandito na 'yong tricycle na maghahatid sa atin. Balikan mo na lang siya." Wala na siyang nagawa nang hilahin na siya ng kanyang ina pasakay sa naghihintay na tricycle."I'm sorry panget, pero pangako babalikan kita. Hintayin mo ako!" piping usal niya sa sarili habang unti-unting lumiliit ang lugar na espesyal sa kanya.…"Andrew, anak wake up. Kevin, call a doctor or call Dominic now!"Dahan-dahan ni Aj iminulat ang mga mata."Oh my God! Thank God you're awake," tinig ng kanyang mommy ang kanyang naririnig."Apo, how are you?" sunod niya narinig ang tinig ng lola niya.Gising na siya at gusto niya ibuka ang bibig pero tila hindi niya kontrolado ang kanyang katawan."What happened to him? Where is the doctor?" tinig ng kanyang daddy.Narinig niyang bumukas ang pintuan at may lumapit sa kanya.Ramdam niya ang ginawang pag-eksamin sa kanya habang nananatili siyang nakahiga."A
NAPAGDESISYON ni Aj na bumalik na sa kanyang condo. Pagkalabas niya kanina ay sa rooftop siya dumiretso kung saan may isang restobar. Puwesto siya sa pinakatagong lugar. Gusto niya mapag-isa. Gusto niya ilabas ang sakit na nararamdaman niya. Gusto niya itanong nang paulit-ulit kung ano ba ang mali at kulang para hindi siya maging sapat? Pero alam niya na hindi niya ito masasagot.Nang halos tatlong oras na siya nakatambay sa rooftop ay nagdesisyon na siyang bumalik sa kanyang condo. Umaasa na naroon pa rin si Sandra. Baka nahimasmasan na ito at pwede na silang mag-usap nang maayos.Kung kinakailangan niya humingi ng tawad sa mga nasabi ay gagawin niya. Manatili lamang ito sa kanyang tabi. Being alone for a while made him realize that he can't afford to lose her. He will fight until she says that she doesn't need him anymore.Pagkarating sa may pintuan ay bumuga muna siya ng hangin bago pinindot ang kanyang password at binuksan ang pinto.Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kan