##### Chapter 28 A SongHINDI alam ni Sandra kung saan niya kinuha ang lakas ng loob para tumabi sa boss niya. Nagulat talaga siya pagkakita sa mga ito. Mukhang ito ang sinasabing surprise ni Clara.'Sira ulo talaga ang babaeng 'yon!'Hindi niya talaga inaasahan as in muntik na siyang lumabas ulit nang magtagpo ang mga mata nila ni Aj. Nailang pa nga siya dahil sa pagtitig at pasimple nitong paghagod sa katawan niya. Pero nagawa pa rin niya magsalita at biniro ito na baka matunaw siya. Mukhang lumalabas ang pagkapilyang taglay niya sa katawan na halos dalawampung taong nagtago."Drink?" Nabalik siya sa sarili nang marinig ang tinig sa kanyang tabi. It was Kevin at may nakalahad na baso ng alak. Ngumiti siya rito bago kinuha ang alak at tinungga iyon."Wow! Mukhang malakas kang uminom, Sandra," may pagkamanghang sambit ulit ni Kevin."Gusto mo ba akong hamunin?" biro niya rito na ikinatawa nito at nang iba pa nilang kasama. Napansin niyang tahimik si Aj. Kaya siniko niya ito na ikinalin
NASUNDAN na lamang ng tingin ni Aj si Sandra na nagpunta ng rest room Hindi nakaligtas sa kanya ang lumarawang kalungkutan sa mga mata nito. Pati na rin ang pagkanta nito ay tila tumatagos sa kanya puso. Bakit tila may gusto itong iparating? Nag-ha-halucinate lang ba siya?Pero ramdam niya ang bawat liriko sa pagkanta nito.Pwede kayang…'She's falling with me?'Naramdam niyang tumabi si Anthony sa kanya. "Would you catch her?" bulong nito sa kanya. Napalingon siya rito at bahagyang tumawa."You're crazy couz, 'di kami talo, ok. Kaya 'wag n'yong binibigyan ng malisya ang mga bagay-bagay saka magkaibigan na kami." Nagsalin siya ng alak at mabilis itong nilagok. Pero taliwas sa kanyang sinabi ang nararamdaman. May isang bahagi ng puso niya na umaasa na sana nga, she's falling for him.'Would you able to catch her?' tanong ng isip niya.Napabuntung-hininga siya."Ang lalim no'n ah, pag-isipan mong mabuti," muling wika ni Anthony at tinapik pa siya sa braso bago tumayo."Sorry, Sandra, 'di
KAHIT na alam na ni Aj na isang bakla si Jayson ay tila mas lalo siyang nainis dito lalo nang sinabi nitong bagay ito at si Sandra."Bakit sino ba gusto mo bagay sa kanya? Ikaw?" singit ng traydor niyang isip.Bago niya pa masagot ang sariling tanong ay naramdaman niya ang ulo ni Sandra sa kanyang balikat. Napalingon tuloy siya rito."Pasandal lang saglit," mahina nitong wika."Akala ko ba malakas ka uminom? Ang yabang-yabang mo kanina," biro niya rito bago inakbay ang braso niya kaya imbes sa balikat ay sa dibdib na niya ito nakahilig. Naramdaman niyang natigilan ito pero hindi naman umalis sa pagkakasandal sa kanya. Ramdam niya ang pag-react ni junior dahil sa mas lalong pagkalapit ng katawan nila. Ramdam niya ang napakalambot nitong katawan. Kahit ang biniyayaan nitong dibdib ay nadidikit sa kanya.'F*ck you junior! I said behave, she's a friend, ok!'Pilit niyang sinusuway ang alaga dahil gustong-gustong bumati. Inalis niya ang atensyon dito. Kaya kita niya ang nanunuksong tingin
KANINA pa nakahiga si Sandra pero tila nawala ang pagkalasing niya dahil hindi siya dalawin ng antok. Halos isang oras na rin ang nakakalipas nang maihatid siya ni Aj. Buti na lang at hindi lumabas ang kambal kaya hindi nakita ng mga ito na iba ang naghatid sa kanya. Hinayaan din siya na magpahinga ng mga ito. Pero hanggang ngayon ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata.Tumayo siya at pumunta sa kanyang cabinet. May kinuha siyang isang box do'n. Bumalik siya sa kanyang kama at pasalampak na umupo habang hawak pa rin ang box.It's been a long time since she last opened it. Inilagay niya ang password upang mabuksan ito. It was a safety box at tanging siya lamang ang nakakaalam nito kahit ang kambal ay 'di alam ang tungkol dito. Pagkabukas ay muli niyang nasilayan ang isang notebook. It's her diary. Kinuha niya ito.Binuksan niya ito at unang bumungad sa kanya ang isang litrato at isang kwintas.Kinuha niya ang mga ito. Isa itong litrato noong pitong taong gulang siya kasama ang i
PAGSAPIT ng Monday ay ine-expect na ni Sandra na uulanin siya ng tanong ng mga kaibigan. Buti na lang at hindi sila nagkaroon ng pagkakataon dahil isinama siya ni Aj sa lunch meeting nito. Naging maayos naman sila, hindi na ito bumubuga ng apoy. Pormal lang sila sa trabaho.Natapos ang buong araw niya na hindi nakikita ang mga kaibigan. Tinex at tinawagan naman siya ni Jayson at Sarah sinabi na lang niya na busy siya. Pagkarating niya sa bahay ay nagtaka pa siya dahil nakita niya ang sasakyan ni Anthony na nakaparada sa labas. Pagkapasok niya ay nakita niyang masayang nakikipagkwentuhan sina Clara at Anthony sa mga kapatid. Tumikhim siya dahil mukhang hindi siya napansin ng mga ito."Ate," sabay pang wika ng kambal. Tumayo ang mga ito at sinalubong siya ng halik sa pisngi."Beshie, I miss you!" masayang bati ni Clara sa kanya at mahigpit din siyang niyakap.Naiiling na lang siyang yumakap din dito. "I miss you too, beshie. Akala ko tinakasan mo na si Anthony," biro niya rito."Sandra
HINDI mapalagay si Sandra. Kasalukuyan siyang nakasakay sa kotse ni Anthony. Sinundo kasi nito si Clara at sinabay na rin siya dahil hindi siya pwede mag-motor.At bakit???Dahil sa bruha niyang beshie na sigurado siyang sinadyang sirain ang zipper ng pants niya. Kaya ngayon ay wala siyang choice kundi suotin ang skirt."You look good in that uniform, Sandra," narinig niya komento ni Anthony."I told you love, she's beautiful," nakangiti pang pangsang-ayon ni Clara."Gusto ko tuloy makita ang magiging reaksyon ni Andrew." Napalingon siya tuloy rito. Nakita niya ang nakakaloko nitong ngiti."Alam mo, Anthony. Parang binubugaw mo na 'yang pinsan mo, ah. Alam niya ba 'yang mga pinanggagawa mo? Idadamay n'yo pa ang inosente kong puso," sambit niya rito.Narinig naman niyang tumawa si Clara. "Inosente? Oh' cmon beshie! 'Wag ako pwede. Ang pagkakaalam ko sobrang na-damage na 'yan at kailangan ng repair. Pati 'yang matris mo pakinabangan mo, sayang ang lahi." Napaubo siya sa huling sinabi ni
NAPAPIKIT na lang si Aj pagkalabas ni Sandra. Ngunit mabilis din nagmulat ng mga mata ng lumitaw ang imahe nito habang suot ang skirt na hanggang taas ng tuhod lang.Matangkad na babae ito, may mga mahahabang hita na tila kay sarap itaas habang-"F*ck! F*ck you junior!" mahina niyang mura sa alaga niya dahil naninigas na naman ito. Iba talaga epekto ni Sandra sa kanya pero alam niyang hindi pwede.Napabuga siya ng hangin. Marami siyang trabaho kaya kailangan niya mag-focus.Nagpaka-busy siya upang mawala sa isipan ang secretary na tila hindi na siya pinatahimik. Nagulat na lamang siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at isa-isang nagsipasukan ang mga saltik niyang kaibigan at pinsan. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito."What are you doing here?" bulyaw niya sa mga ito.Imbes na sagutin siya ay nkanya-kanyang upo ang mga ito. May mga dala rin ang mga ito na plastic na hinala niya ay pagkain. Sino na naman kaya ang magbabayad nito."Don't worry couz, it's my treat kaya 'w
HALOS tatlong araw na ang lumipas simula nang makita ni Aj si Sandra. 'Yon ang araw na ininsulto niya ang kanilang junior.Naiiling siya sa tuwing maalala iyon. Willing na sana siyang ipakita rito kaso tinakbuhan siya. Takot din pala.Nagkaroon kasi siya nang biglaang out of town conference kaya three days siyang wala.Aaminin niya namimiss niya si Sandra. Ang napakagandang mukha nito. Kaya ito imbes sa bahay na siya dumiretso ay sa opisina siya nagpahatid. Lunch time kaya sigurado siyang nasa canteen ngayon si Sandra. Nang makarating ay mabilis siyang nagtungo sa kanyang opisina.Pagkarating niya sa palapag ay diretso na sana siya sa kanyang opisina ng makaramdam siya ng uhaw kaya dumiretso siya sa pantry. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niyang mahimbing na natutulog si Sandra. Nasasabik siyang nilapitan ito nang dahan-dahan at hindi gumagawa ng ingay.Nang makalapit siya ay malaya niyang napagmasdan ang napakagandang mukha nito. Kung titingnan mo talaga ay walang bakas ng pagka-