Lumabas s'ya para hanapin ito. Nagtungo s'ya sa dalampasigan at tumingin sa paligid. At sa kanan niya'y nakita niya ito. Sa harap nito'y kahoy na sinisigaan.
Habang pinapanood niya ito ay ramdam niya ang malungkot nitong presensya. At kahit s'ya ay nadadala sa ipinapakita nitong emosyon.
Napabuntong-hininga s'ya at lakas loob na lumapit sa lalaki. Walang imik s'yang umupo sa tabi nito. Tumingin naman ito sa kaniya.
"It's cold here," ani nito.
Gustuhin man niyang magalit at sigawan ito dahil sa ginawa nito ay hindi niya magawa.
"Payag na ako," sabi niyang hindi tumitingin sa lalaki. Nakita naman niya sa gilid ng kaniyang mata na lumingon ito sa kaniya. "S-Sige. P-Payag na akong k-kunin mo si L-Lexi," garalgal ang boses niyang sabi pero
Nagising si Sunday nang wala si Lexi sa tabi niya ng umagang 'yon kaya agad s'yang kinabahan at dali-daling lumabas."Lexi anak?""Mama!"Nakahinga s'ya ng maluwag nang makita itong nasa salas at nakasakay sa elepante nitong stuffed toys habang binabantayan ni Jennie."Good morning ma'am."Nginitian niya ang dalaga at saka nagpalinga-linga para hanapin si Matteo."Hinahanap niyo po ba si Sir Matteo? Nauna na po s'ya sa resort. Kaninang madaling araw pa sila umalis ni Mang June."Napatango naman s'ya."Ihahanda ko lang po ang almusal. Kumain po muna kayo bago bumalik.""A-Ah.. Hindi na, ako na lang," sabi naman niya at agad na tinungo ang kusina. Ininit niya ang pagkain na nandoon at pagkatapos ay tinawag na ang mga ito. Pinakain niya si Lexi habang s'ya naman ay panaka-naka lang na sumubo. Kahit masarap ang pagkain ay parang wala iyong lasa sa kaniya."Si Mang June, nariyan na ba?" tanong niya kay Jennie hab
🔥🔥🔥🔥🔥Nang dumating ang hapon ay nagtaka si Sunday sa ingay na nagmumula sa labas. Bumaba s'ya sa kama at saka lumabas ng kwarto. Nakita niya doon ang dalawa, si Jessa at si Shaina. Kaya naman pala maingay."Narito kayo?""Bawal ba?" pabirong sagot ni Shaina."Ano pang hinihintay mo, tara na?"Nagtaka naman s'ya. "Anong tara na?""Tara na means tayo na? Let's go," ani Jessa."Baliw.""Ano nga? Magbihis ka na at aalis tayo," si Shaina."Bakit nga? Saan tayo pupunta?" tanong niyang nangungunot ang noo."Girls night out!" bulalas ni Jessa."Hindi ako p'wede ano ba kayo." Umupo s'ya sa sofa at in-on ang tv. Inagaw naman agad sa kaniya ni Shaina iyong remote at pinatay 'yon."Sino naman ang may sabing hindi ka p'wede? May nakikita ka bang dahilan para hindi ka sumama sa'min?" si Jessa. "Ipinagpaalam ka na namin kay tita kahit matanda ka na.""Pero hindi pa rin p'wede.""Wala dito
Ang nangyari ay sa mismong kotse s'ya pinagbihis ng mga ito. At hindi talaga s'ya tinantanan hagga't hindi s'ya pumapayag na suotin ang satin dress na iyon. Nilagyan din s'ya ng mga ito ng make up at pati ang buhok niya ay maayos ng mga itong itinali sa likod reaviling her delicate shoulder and neckline.Niyuko niya ang sarili at agad napangiwi nang makita ang bukana ng dibdib niya."Kung blonde hair ka lang, mukha ka na talagang amerikana," ani Jessa at inabutan s'ya ng salamin. "Ganda mo girl!"Inabot naman niya ang salamin at pinagmasdan ang sarili doon. Namangha naman s'ya sa nakikita. Hindi malaswang tingnan ang suot niya katulad ng iniisip niya."Oh di ba? Sabi ko naman kasi sa'yo eh, magugustuhan mo rin," sabi naman ni Shaina. "Oh, dagdagan pa natin ng pula iyang labi mo.""Tama na, tama na 'to," tanggi niya. Masyado na kasing mapula 'yon para dagdagan pa. "Ano ba kasi ang pinaplano niyo at pinagsuot niyo ako ng ganito?"
Mag-isang nilalango ni Matteo ang sarili sa loob ng VIP room, hindi talaga s'ya umalis, sinabi lang niya iyon para hindi na maguluhan pa si Sunday. Isa pa ay narito ang kaibigan niya, si Lorenzo, kasama nito si Alessandra bago pa man niya dalhin si Sunday at Lexi sa isla.Habang umiinom ay paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang nakita kanina. Nakita niya si Sunday at napakaganda nito sa suot nito at kung wala lamang sila sa sitwasyon ngayon ay hinigit na niya ito at ipailalim sa mga bisig niya. Ngunit hindi na niya iyon magagawa ngayon. He's done with her.Nakikita niya ang sarili three years ago. Wasting himself because of the same person, same pain. Ito ba ang karma niya sa ginawa niya noon? Nasasaktan s'ya ngayon dahil hindi mapasakaniya ang nag-iisang babae na nagutuhan at minahal niya sa buong buhay niya.Natawa s'ya sa sarili. S'ya si Matteo, walang makakapigil sa gusto niyang gawin at iyon ay gagawin niya, gusto man nila o hindi. Isang babae lang
🔥🔥🔥🔥🔥Two days after..."I'm excited." Nakayakap si David mula sa likuran ni Sunday. Nasa rooftop silang dalawa ng gabing iyon. Isang araw na lang ang hihintayin at araw na ng kanilang kasal. At wari niya'y napakabilis no'n.Hinalikan s'ya nito sa buhok. "Are you?""H-Huh? Oo naman." Pilit s'yang ngumiti. Excited nga ba s'ya?"Three years ago..."Natigilan s'ya."Matapos kong gawin ang bagay na 'yon... I thought I will lose you forever. It really sounds selfish but that was when I realized that you are everything to me at hindi ko kakayanin na mawala ka. You're my everything, you and Lexi."Napangiti s'ya dahil sa huling linya nito. Alam niyang mahirap gawin 'yon pero wala itong pagdadalawang-isip na gawin ang bagay na 'yon kaya paano niya makakayang saktan ang katulad nito?Pagiging selfish na rin ba ang tawag dito?Siguro nga, oo.Maya-maya ay hinawakan ni David ang
🔥🔥🔥🔥🔥Lorenzo and Matteo are sitting on the beach bed that morning. They are talking about the wedding."Sei sicuro che la lascerai sposare quell'uomo?" (Are you sure you will just let her marry that man?)"È una sua decisione, non mia." ( It's her decision, not mine.)"It's not you. Giving up is not on your vocabulary.""Le persone sono cambiate, and I've changed." (People change.)Tinapik ni Lorenzo ang balikat ng kaibigan. "You still have a day chance, spend it before it's too late for you and her. It is now or never."Umiling lang si Matteo. "I can't be with a woman whom heart is already into someone else.""You're wrong about that. Look, Alessandra and I are two years married now. It was impossible at first, you know her, she was crazy in loved with you.""It's a different story."Napabuntong-hininga na lang si Lorenzo. "Yeah, maybe you're right." Matteo really did changed. Par
Nakatayo si Sunday sa harap ng kaniyang wedding dress. Malungkot s'yang nakangiti habang dinadama ang tela niyon. Napakaganda pero parang hindi niya iyon kayang suotin sa darating na bukas. Napatungo s'ya at ibinaba ang kamay at nilisan ang kwarto. Bumaba s'ya at lumabas ng kanilang bahay. Hindi na niya nagawang magpaalam sa inay Marita niya at kay Lexi. Sumakay s'ya ng tricycle at sinabi dito kung saan s'ya pupunta. Bumaba s'ya sa isang flower shop at bumili ng white flower bouquet at pagkatapos ay sumakay na ulit sa tricyle. "Sa cemetery ho tayo." Sumandal s'ya at bumuntong hininga at niyuko ang bulaklak. Sampung minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang makarating. "Hihintayin ko ho ba kayo ma'am?" tanong ng driver. "Hindi na ho, mukhang matatagalan kasi ako dito." Inabot niya ang bayad sa driver. "Thank you, kuya." Tumalikod na s'ya at naglakad na papunta sa puntod ng kaniyang ama. Agad na nagbadya ang kaniyang l
Halos dalawang oras si Sunday na nanatili doon bago s'ya magpaalam sa itay niya. Gusto niyang magpaka-selfish ulit sa mga oras na iyon. Dumaan s'ya sa isang restaurant at kumain pagkatapos ay dumiretso s'ya sa tabing dagat. Hindi muna s'ya umuwi ng bahay, parang gusto lang muna niyang mapag-isa ngayon.Hindi naman sobra ang init ng tanghaling iyon kaya nakapaglakad-lakad s'ya sa tabing dagat. Bumuga s'ya ng hangin at tumigil sa paglalakad at tinanaw ang lawak ng dagat.Handa na s'yang magtapat, ayaw na niyang paasahin pa si David at lokohin ang sarili niya. Masyado s'yang naging selfish. Inisip niyang ayaw niyang saktan si David pero mas sinasaktan na pala niya ito nang dahil sa ginagawa niya. Gustuhin man niyang ibaling na lang muli ang atensyon niya dito dahil wala na rin naman s'yang aasahan kay Matteo pero hindi 'yon tama. Ayaw na niyang magpaka-selfish na tanging ang nararamdaman lang niya ang mahalaga sa kaniya.Lumakad s'ya sa tabi at umupo sa lilim
❤️-❤️-❤️-❤️-❤️Nagising si Sunday na katabi si Matteo. Napasiksik tuloy s'ya sa lalaki na ikinatawa naman nito."Good afternoon babe," anas nito at hinalikan s'ya sa noo. It's already noon?"Kanina ka pa?""Yeah, an hour before you wake up.""Pinanood mo akong natulog?" nakapikit pa rin niyang tanong at mas iniyakap ang mga braso dito."Yeah."Mahina niyang kinurot ang parteng tiyan nito. "Bakit mo naman ginawa 'yon?""Just can't help to watch your beautiful face."Tiningala niya si Matteo. "Bolero ka talaga." Bumangon s'ya paupo, si Matteo naman ay nanatiling nakahiga at nakatingin sa kaniya, hindi, nakatitig sa kaniya."What?" natatawang tanong ni Sunday. May iba sa mga tingin nito. "May gusto ka bang sabihin?"Hindi ito sumagot, imbis ay kinuha nito ang kamay niya kaya't napatingin din s'ya doon. Agad s'yang natigilan nang makitang mayroon s'yang singsing doon."W-What is this?" nauutal niyang tanong at hindi malaman kung ngingiti ba o
Lahat ay nakaayos, pati ang mga pagkain na sinadya niyang lutuin, lahat ay pagkaing pinoy na madalas noong kainin ni Matteo noong nasa Pilipinas sila. Sa gitna ay isang cake na s'ya rin ang nag-bake. Napatingin si Sunday kay Franscesca, sumenyas ito na dumating na si Matteo. Nginitian naman niya ang dalaga bago ito bumalik sa loob.Nagsimulang kumabog ang dibdib niya at nakagat din ang ibabang labi. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya ito ginawa.Napangiti s'ya nang marinig ang boses ni Emma at ni Matteo, pinapapunta ito sa kinaroroonan niya. S'ya naman ay gano'n na lang ang kaba, abot-abot na.Nang makitang gumalaw ang pinto ay napaayos s'ya ng upo.Heto na...Mas napangiti s'ya nang makita si Matteo. Natigilan ito at mukhang hindi inasahan ang nakikita."Hi," sambit niya at mas binigyan pa ito ng mas matamis na ngiti, nag-aanyaya na lumapit. Ngunit si Matteo ay naestatwa doon, bahagya pang napanganga. Nakaka
❤-️❤-️❤️-❤️-❤️Nang magtanghali ay nagdesisyon si Sunday na pumunta sa kompanya at hatiran ng tanghalian si Matteo, ipinagluto niya ito. Katulad ng sinabi niya kahapon, pupuntahan niya ito dito at sabay silang magtatanghalian.Hindi s'ya namalayan ni Matteo na pumasok sa opisina nito. May kausap ito sa laptop at kuntodo ang mga ngiti nito, ngiting puno ng pagmamahal. Sino naman kaya 'yon.Tumikhim si Sunday dahilan para mapatingin sa kaniya si Matteo, mabilis itong ngumiti sa kaniya pagkatapos ay mabilis ding ibinalik ang tingin sa laptop. Maya-maya'y isinarado na nito 'yon."Hi," gwapo nitong bati sa kaniya. Tumayo ito at niyakap s'ya mula sa likuran at inamoy ang buhok niya pababa sa leeg. "Smell so good..."Tinapik naman ni Sunday ang braso nito. "H'wag ka nga, kumain na tayo.""Yeah," kinagat nito ng mahina ang tainga niya dahilan para mangilabot s'ya at makaramdam ng kakaibang sensasyon. "I'm eating."Natatawa
Nagmulat si Sunday at agad na bumungad sa kaniya ang hubad na dibdib ni Matteo. Tiningala niya ang lalaki at himbing pa rin itong natutulog. Napangiti s'ya, hindi s'ya nagsisisi na ginawa niya 'yon, at iyong nangyari kahapon. Lihim na nagpasalamat si Sunday sa bakla, kailangan niya itong pasalamatan.Kumilos s'ya at umupo habang hawak ang kumot sa kaniyang dibdib para takpan ang hubad na katawan.Mukhang himbing na himbing pa si Matteo kaya't bumangon na s'ya. Sunday stood up naked and put her night dress on. At pagkatapos ay binalingan niya ulit si Matteo."Oh," bulalas niya. Nakatingin na pala ito sa kaniya. Agad s'yang pinamulahan ng pisngi. "Pinapanood mo ba ako?"Ngumisi ito. "What? What's wrong? Nakita ko na naman iyan lahat."Kunwaring napairap si Sunday."Good morning babe." Tumayo si Matteo na ikinalaki ng mga mata niya."H-Hey... atleast cover yourself."Prente lang itong naglakad palapit sa kaniya habang nanunu
Nang dahil sa ginawa nitong 'yon ay agad sumiklab ang init sa kaniyang katawan. At tila ay hindi na niya maramdaman ang malamig na tubig na nagmumula sa shower.Napasinghap s'ya nang bumaba ang strap ng kaniyang damit sa kaniyang kalahating braso."I don't like it," anas nito habang pinapasadahan ng kamay ay kaniyang hubad na likod.Napapikit s'ya. Parang biglang nanghina ang kaniyang buong sistema.Maya-maya'y tumigil ito sa ginagawa. "Clean yourself, Sunny. I don't like making love when someone touched this skin before me."Natigagal s'ya sa sinabi ng lalaki at hindi makakilos para lingunin ito.At nang maramdamang lumabas na ito ay naitukod na lang niya ang braso sa dingding upang kumuha doon ng suporta. Masyado s'yang pinanghina nito at kakailanganin niya iyon.Ilang minuto pa ang lumipas bago s'ya mahimasmasan at makuhang linisin ang sarili.Kinuha niya ang bathrobe nito at isinuot iyon nang matapos sa paglilig
Lumabas na si Sunday matapos ang kalahating oras. Wala ang secretary ni Matteo doon kaya naman mag-isa s'yang pumasok sa elevator. Tumigil iyon nang nasa 4th na s'ya."Grazie a Dio, sei qui," saad ng beki na pumasok. "Dove stai andando?"Itinuro ni Sunday ang sarili. "Excuse me, Am I the one you are talking to?"Inirapan s'ya ng bakla. "Yes, fino a quando non ho capito?""Ahh, I'm sorry but I don't understand you.""So che non ti piace, abbiamo davvero solo bisogno di un modello femminile in questo momento."Naiilang s'yang ngumiti. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I'm sorry but I can't understand Italian.""Are you kidding me?""H-Huh?"Kinapitan s'ya nito sa braso at hinila palabas ng elevator."T-Teka, wait.""It will only take minutes.""W-What are you talking about?"Hindi na ito umimik habang hila-hila pa rin s'ya nito. Hindi niya alam ang nangyayari. Ano bang sinasabi n
Hindi talaga niya maintindihan si Matteo. Kagabi lang ay pinapaalis na s'ya nito at ngayon naman ay ayaw nitong ma-bore s'ya sa mansion.Bumaba na s'ya nang matapos niyang ayusin ang sarili. Naabutan niya ang dalawa, si Emma at si Fransesca na naghihintay sa kaniya sa baba.Pormal ang mga itong tumungo."H-Hey, you don't have to do that, okay?""Ah... hehehe," nangiti na lang si Emma gano'n din si Franscesca pero kitang-kita niya ang lungkot sa mga ngiti nito."Ah, pwede bang sa agency nila tayo pumunta?""Yes, Miss Sunday?" hindi naiintindihang tanong ni Emma."A-Ah... Can we just go to their agency?" Pumasok s'ya sa kitchen at kinuha ang niluto niyang Filipino food para sa lalaki. "Sure, Miss Sunday," ani Franscesca. "Ah--- Sunday."Ngumiti naman si Sunday. "Let's go?"Nasa likod niya ang dalawa kaya naman nilingon niya ito at sinabing sumabay sa kaniya sa paglalakad. Nahihiya naman ang
Maghapong hindi nakita ni Sunday si Matteo dahil nasa agency ito. Nalaman niyang isa pala itong sikat na model bago sila magkakilala. At ngayon ay ito na ang CEO ng sariling agency ng mga ito.Kaya pala noong unang kita niya dito ay pansin na agad niya ang maganda at matikas nitong pangangatawan. Naisip pa niya noon na isa itong sikat na artista.Nalaman din niyang kaya ito nagpunta noon sa New York ay dahil sa issue ng mga ito at ni Alessandra na lumabas din na walang katotohanan. Ginawa lamang iyon ni Alessandra dahil sa pagmamahal nito kay Matteo.Hindi pa rin niya ito nakikita hanggang ngayon kahit nasa iisang bubong lamang sila.Lumabas s'ya mula sa kwarto, suot ang isang white satin night dress. Pinatungan niya iyon ng roba. Alas-nuwebe na rin ng gabi kaya naman nasisigurado niyang nasa kwarto na ito maliban na lang kung lumabas ito.Nakita niya si Emma kaya naman tinanong niya ito kung nakita nito si Matteo. Sinabi naman nitong naroon
Nasa loob pa rin ng kotse si Matteo. Nasa parking lot s'ya ng hotel kung saan naka-check in ang babae.He can't believe himself doing this. He shouldn't be doing this. He was not the one who left.And he should be still mad.Yeah...He's just an option.Matteo gritted his teeth and start manevouring his car and left.💔-💔-💔-💔-💔Matteo on his only boxer shorts, lying flat on his bed that morning when he heard knocks on his door. Hindi niya iyon pinansin, imbis ay hinagilap niya ang unan at itinabon iyon sa kaniyang mukha.Ngunit hindi pa rin tumigil sa pagkatok ng kung sinumang nang-istorbo sa tulog niya. Tumayo s'ya para buksan iyon."What?--" Agad s'yang natigilan.In front of him is gorgeous woman in a maid's cloth."Good morning."Napalunok s'ya nang mapatingin sa mapang-akit nitong labi."What are you doing here?" malamig niyang tanong pero hindi manla