Natigilan s'ya nang mapansing parang tumigil ang yate. At nang tumingin s'ya sa ibaba ay tama nga s'ya. Tumigil ito.
Maya-maya pa'y nakita niya si Mang June na palapit sa gawi niya.
"M-Manong June," bati niya sa matanda. "Bakit ho tayo tumigil?"
"Ah, utos po kasi ni Sir Matteo."
Nagtaka naman s'ya. Mukha namang nakuha nito ang pagtataka niya kaya muli itong nagsalita.
"Sa parte kasi na ito maganda para mag-scuba diving."
Napatingin naman s'ya sa gilid niya. Nakita niya ang islang pinuntahan nila noon.
"Nasa baba si Sir Matteo. Kung nais rin
Matapos pakainin ang anak ay nakiusap muna si Sunday kay Jennie na bantayan si Lexi. Hindi nila nakasabay sa pagkain si Matteo at hindi pa niya ito nakikita simula kaninang pumasok s'ya dito sa resthouse.Lumabas s'ya para hanapin ito. Nagtungo s'ya sa dalampasigan at tumingin sa paligid. At sa kanan niya'y nakita niya ito. Sa harap nito'y kahoy na sinisigaan.Habang pinapanood niya ito ay ramdam niya ang malungkot nitong presensya. At kahit s'ya ay nadadala sa ipinapakita nitong emosyon.Napabuntong-hininga s'ya at lakas loob na lumapit sa lalaki. Walang imik s'yang umupo sa tabi nito. Tumingin naman ito sa kaniya."It's cold here," ani nito.Gustuhin man niyang magalit at sigawan ito dahil sa ginawa nito ay hindi niya magawa."Payag na ako," sabi niyang hindi tumitingin sa lalaki. Nakita naman niya sa gilid ng kaniyang mata na lumingon ito sa kaniya. "S-Sige. P-Payag na akong k-kunin mo si L-Lexi," garalgal ang boses niyang sabi pero
Nagising si Sunday nang wala si Lexi sa tabi niya ng umagang 'yon kaya agad s'yang kinabahan at dali-daling lumabas."Lexi anak?""Mama!"Nakahinga s'ya ng maluwag nang makita itong nasa salas at nakasakay sa elepante nitong stuffed toys habang binabantayan ni Jennie."Good morning ma'am."Nginitian niya ang dalaga at saka nagpalinga-linga para hanapin si Matteo."Hinahanap niyo po ba si Sir Matteo? Nauna na po s'ya sa resort. Kaninang madaling araw pa sila umalis ni Mang June."Napatango naman s'ya."Ihahanda ko lang po ang almusal. Kumain po muna kayo bago bumalik.""A-Ah.. Hindi na, ako na lang," sabi naman niya at agad na tinungo ang kusina. Ininit niya ang pagkain na nandoon at pagkatapos ay tinawag na ang mga ito. Pinakain niya si Lexi habang s'ya naman ay panaka-naka lang na sumubo. Kahit masarap ang pagkain ay parang wala iyong lasa sa kaniya."Si Mang June, nariyan na ba?" tanong niya kay Jennie hab
🔥🔥🔥🔥🔥Nang dumating ang hapon ay nagtaka si Sunday sa ingay na nagmumula sa labas. Bumaba s'ya sa kama at saka lumabas ng kwarto. Nakita niya doon ang dalawa, si Jessa at si Shaina. Kaya naman pala maingay."Narito kayo?""Bawal ba?" pabirong sagot ni Shaina."Ano pang hinihintay mo, tara na?"Nagtaka naman s'ya. "Anong tara na?""Tara na means tayo na? Let's go," ani Jessa."Baliw.""Ano nga? Magbihis ka na at aalis tayo," si Shaina."Bakit nga? Saan tayo pupunta?" tanong niyang nangungunot ang noo."Girls night out!" bulalas ni Jessa."Hindi ako p'wede ano ba kayo." Umupo s'ya sa sofa at in-on ang tv. Inagaw naman agad sa kaniya ni Shaina iyong remote at pinatay 'yon."Sino naman ang may sabing hindi ka p'wede? May nakikita ka bang dahilan para hindi ka sumama sa'min?" si Jessa. "Ipinagpaalam ka na namin kay tita kahit matanda ka na.""Pero hindi pa rin p'wede.""Wala dito
Ang nangyari ay sa mismong kotse s'ya pinagbihis ng mga ito. At hindi talaga s'ya tinantanan hagga't hindi s'ya pumapayag na suotin ang satin dress na iyon. Nilagyan din s'ya ng mga ito ng make up at pati ang buhok niya ay maayos ng mga itong itinali sa likod reaviling her delicate shoulder and neckline.Niyuko niya ang sarili at agad napangiwi nang makita ang bukana ng dibdib niya."Kung blonde hair ka lang, mukha ka na talagang amerikana," ani Jessa at inabutan s'ya ng salamin. "Ganda mo girl!"Inabot naman niya ang salamin at pinagmasdan ang sarili doon. Namangha naman s'ya sa nakikita. Hindi malaswang tingnan ang suot niya katulad ng iniisip niya."Oh di ba? Sabi ko naman kasi sa'yo eh, magugustuhan mo rin," sabi naman ni Shaina. "Oh, dagdagan pa natin ng pula iyang labi mo.""Tama na, tama na 'to," tanggi niya. Masyado na kasing mapula 'yon para dagdagan pa. "Ano ba kasi ang pinaplano niyo at pinagsuot niyo ako ng ganito?"
Mag-isang nilalango ni Matteo ang sarili sa loob ng VIP room, hindi talaga s'ya umalis, sinabi lang niya iyon para hindi na maguluhan pa si Sunday. Isa pa ay narito ang kaibigan niya, si Lorenzo, kasama nito si Alessandra bago pa man niya dalhin si Sunday at Lexi sa isla.Habang umiinom ay paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang nakita kanina. Nakita niya si Sunday at napakaganda nito sa suot nito at kung wala lamang sila sa sitwasyon ngayon ay hinigit na niya ito at ipailalim sa mga bisig niya. Ngunit hindi na niya iyon magagawa ngayon. He's done with her.Nakikita niya ang sarili three years ago. Wasting himself because of the same person, same pain. Ito ba ang karma niya sa ginawa niya noon? Nasasaktan s'ya ngayon dahil hindi mapasakaniya ang nag-iisang babae na nagutuhan at minahal niya sa buong buhay niya.Natawa s'ya sa sarili. S'ya si Matteo, walang makakapigil sa gusto niyang gawin at iyon ay gagawin niya, gusto man nila o hindi. Isang babae lang
🔥🔥🔥🔥🔥Two days after..."I'm excited." Nakayakap si David mula sa likuran ni Sunday. Nasa rooftop silang dalawa ng gabing iyon. Isang araw na lang ang hihintayin at araw na ng kanilang kasal. At wari niya'y napakabilis no'n.Hinalikan s'ya nito sa buhok. "Are you?""H-Huh? Oo naman." Pilit s'yang ngumiti. Excited nga ba s'ya?"Three years ago..."Natigilan s'ya."Matapos kong gawin ang bagay na 'yon... I thought I will lose you forever. It really sounds selfish but that was when I realized that you are everything to me at hindi ko kakayanin na mawala ka. You're my everything, you and Lexi."Napangiti s'ya dahil sa huling linya nito. Alam niyang mahirap gawin 'yon pero wala itong pagdadalawang-isip na gawin ang bagay na 'yon kaya paano niya makakayang saktan ang katulad nito?Pagiging selfish na rin ba ang tawag dito?Siguro nga, oo.Maya-maya ay hinawakan ni David ang
🔥🔥🔥🔥🔥Lorenzo and Matteo are sitting on the beach bed that morning. They are talking about the wedding."Sei sicuro che la lascerai sposare quell'uomo?" (Are you sure you will just let her marry that man?)"È una sua decisione, non mia." ( It's her decision, not mine.)"It's not you. Giving up is not on your vocabulary.""Le persone sono cambiate, and I've changed." (People change.)Tinapik ni Lorenzo ang balikat ng kaibigan. "You still have a day chance, spend it before it's too late for you and her. It is now or never."Umiling lang si Matteo. "I can't be with a woman whom heart is already into someone else.""You're wrong about that. Look, Alessandra and I are two years married now. It was impossible at first, you know her, she was crazy in loved with you.""It's a different story."Napabuntong-hininga na lang si Lorenzo. "Yeah, maybe you're right." Matteo really did changed. Par
Nakatayo si Sunday sa harap ng kaniyang wedding dress. Malungkot s'yang nakangiti habang dinadama ang tela niyon. Napakaganda pero parang hindi niya iyon kayang suotin sa darating na bukas. Napatungo s'ya at ibinaba ang kamay at nilisan ang kwarto. Bumaba s'ya at lumabas ng kanilang bahay. Hindi na niya nagawang magpaalam sa inay Marita niya at kay Lexi. Sumakay s'ya ng tricycle at sinabi dito kung saan s'ya pupunta. Bumaba s'ya sa isang flower shop at bumili ng white flower bouquet at pagkatapos ay sumakay na ulit sa tricyle. "Sa cemetery ho tayo." Sumandal s'ya at bumuntong hininga at niyuko ang bulaklak. Sampung minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang makarating. "Hihintayin ko ho ba kayo ma'am?" tanong ng driver. "Hindi na ho, mukhang matatagalan kasi ako dito." Inabot niya ang bayad sa driver. "Thank you, kuya." Tumalikod na s'ya at naglakad na papunta sa puntod ng kaniyang ama. Agad na nagbadya ang kaniyang l