Share

Chapter 58

🔥🔥🔥🔥🔥

Kung hindi lamang ito guest sa hotel na ito'y kanina pa sana sinagutan ni Sunday ang babaeng ito na kanina pa nananadya.

"Oppps," maarteng bulalas ni Abby na kunwaring nasagi ang isang galloon na nips. Nagkalat tuloy ito sa sala. Idagdag pa na mga bilog ito at madulas kaya kung saan-saang direksyon na iyon nagkalat sa carpeted na sahig. Kanina ay sinadya nitong ilaglag ang basong hawak, muntik pa nga s'ya noong matalsikan sa mukha dahil nagpupulot s'ya ng mga basurang sinadya yata nitong ikalat.

Nagtitimping inipon iyon ni Sunday pero maya-maya'y hindi na s'ya nakatiis kaya hinarap na niya ang babae na ngayon ay nakangisi na sa kaniya.

"May problema ka ba sa'kin?" tanong niya. Sumasakit na rin ang ulo niya kaya hindi na niya kaya pa ang pananadya nito. Kanina pa s'ya naglilinis pero hindi s'ya matapos-tapos dahil panay din ang kalat nito.

"What do you think?"

Napairap s'ya sa kawalan. "Kaya nga tinatanong kita

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status