Tinulungan naman ni Callix ang girlfriend niya na si Isabel na dalhin ang ibang mga gamit nito sa kanyang kuwarto. Matapos nilang dalhin doon ay nagbihis na sila para lumabas. Kakain sila sa labas ng dinner na dalawa. Nagpa-reserve na si Callix sa isang restaurant na kakainan nila ng dinner. Si Callix ang nagmaneho ng kotse. Na-miss niya na magmaneho ng isang linggo. Tama lang ang pagmamaneho niya ng kanyang kotse. Maaga pa naman para magmadali sa dinner nila 'yon. Wala naman na silang kailangan na problemahin pa dahil naka-reserve naman na sila. Alam nilang mata-traffic sila sa daan kaya ang ginawa nila ay doon sila dumaan sa shortcut way para hindi sila maipit ng mahabang traffic. Nag-uusap naman silang dalawa habang nagmamaneho si Callix. Pinag-uusapan nila ang mga bagay na maisipan o makita nila sa daan. After a few minutes ay nakarating na nga sila sa restaurant na kakainan nila ng dinner na dalawa. Um-order naman kaagad sila ng pagkain na gusto nilang kainin. Mabilis naman na n
"Hindi, bro. Hindi pa alam ni Tita Daisy ang tungkol sa relasyon naming dalawa ni Isabel. Napagdesisyonan muna namin na dalawa ni Isabel na girlfriend ko huwag na munang sabihin 'yon sa kanya to avoid any issues about it. Kilala mo naman ang mommy mo. Mas mabuting huwag na muna namin sabihin 'yon sa kanya sa ngayon. Sasabihin rin naman namin 'yon sa kanya pero sa ngayon ay huwag na muna, bro. Nakikiusap rin ako sa 'yo na kung puwede ay huwag mo sa kanya sasabihin ang tungkol sa relasyon naming dalawa ni Isabel na katrabaho niya. Naniniwala naman ako na hindi mo sasabihin 'yon sa kanya, 'di ba? Please don't tell about it to her, bro," sagot ni Callix kay Daniel na naiintindihan naman siya sa sinasabi niya.Kaagad naman na tumango si Daniel pagkasabi niya. Ayaw naman niyang biguin ang cousin slash best friend niya kaya hindi niya gagawin 'yon. Hindi niya sasabihin sa mommy niya ang tungkol sa relasyon nito at ni Isabel na girlfriend nga niya."Wala kang kailangan na ipag-alala sa akin,
Pinakilala ni Callix sa cousin slash best friend niya na si Daniel ang girlfriend niya na si Isabel sumunod na gabi. Pinapunta niya ito sa mansion niya para doon na rin kumain ng dinner. Nagpahanda siya ng maraming pagkain. Natutuwa naman si Isabel na makilala sa wakas si Daniel na pinsan slash best friend ng boyfriend niya na anak ni Mrs. Daisy."Natutuwa akong makilala ka, Daniel," wika ni Isabel kay Daniel matapos nilang magkamayan na dalawa. Daniel gave her a wide smile on his face. Guwapo rin naman si Daniel pero para kay Isabel ay mas guwapo pa rin ang boyfriend niya na si Callix. Hindi talaga ipagtataka na magpinsan ang dalawa. "Same with me, Isabel. Ang ganda mo pala," nakangising sagot nito sa kanya. Napatawa naman si Isabel pagkasabi nito sa kanya. "Salamat sa sinabi mo. You're handsome too," sabi rin ni Isabel kay Daniel. Katabi niya si Callix na boyfriend niya at naririnig nito ang pinag-uusapan nilang dalawa. Hindi naman siya naiirita o nagseselos sa sinasabi ng pinsan
Tumawag kay Isabel si Mrs. Daisy sumunod na araw. Pinapapunta siya nito sa opisina. Sinabi naman niya kay Callix na boyfriend niya ang tungkol doon. Dali-dali siyang naligo at nagbihis. Medyo kinakabahan siya. Hindi pa naman niya nai-interview si Callix kaya wala pa siyang naisusulat na article kahit isang paragraph lang. Nakalimutan pa naman niya na asikasuhin ang dapat niyang asikasuhin dahil sa masasayang sandali na magkasama silang dalawa. "Do you have an idea why she wanted to talk to you today, babe?" tanong ni Callix sa kanya habang naglalagay siya ng kaunting makeup sa mukha. Nasa loob sila ng kuwarto ni Callix Huminga muna nang malalim si Isabel bago sinagot ang tanong ng guwapong boyfriend niya na si Callix."Siguro gusto niya akong makausap tungkol sa article na kailangan ko na ipasa sa kanya. Hindi pa naman kita nai-interview, eh, kaya hindi pa ako makakapagsulat kahit isang paragraph lang. Wala namang ibang dahilan kung bakit niya ako gustong makausap sa opisina niya. N
"Kumusta ang pag-uusap n'yo kanina ni Tita Daisy, babe?" tanong ni Callix sa girlfriend niya na si Isabel pagkatapos nilang kumain ng dinner. Sa loob ng mansion na lang sila kumain ng dinner. Gusto sana ni Callix na kumain sila ng dinner sa labas ngunit hindi na pumayag si Isabel na kumain pa sila sa labas. Hindi naman na pinilit ni Callix ang girlfriend niya. Sumunod na lang siya sa sinabi nito. May pagkain naman kasi sa mansion."Maayos naman ang pag-uusap naming dalawa ni Mrs. Daisy na tita mo, babe," malumanay na pagkakasabi ni Isabel kay Callix. "Oh, talaga ba, babe? Ano ba ang sinabi niya sa 'yo? Tinanong ka ba niya sa article mo, huh?" tanong ni Callix sa kanya. Tumango naman si Isabel sa kanyang boyfriend. "Oo, babe. Pero bago natin pag-usapan ang tungkol sa isusulat ko na article ay may gusto muna akong sabihin sa 'yo na hindi naman natin kailangan na pag-usapan ng matagal," sabi ni Isabel kay Callix."Ano 'yon, babe?" malumanay na tanong ni Callix kay Isabel na humugot mu
Kinabukasan ay tinawagan ni Callix ang Tita Daisy niya pagkarating niya sa opisina ng kompanya niya. Nakaupo siya sa swivel chair habang kausap ito. Kaagad naman na sinagot ni Mrs. Daisy na tita niya ang tawag niya. Tinanong siya nito kung bakit tumatawag sa kanya. She could feel that he needs something to her."Bakit ka pala napatawag ngayong umaga, Callix?" malumanay na tanong ni Mrs. Daisy sa kanya. He breathes deeply before he answers to her question."May sasabihin lang po ako sa 'yo, Tita Daisy. Importante po ang sasabihin ko sa 'yo ngayong umaga na 'to. Hindi ka naman po siguro busy. Aren't you busy this morning, Tita Daisy?" sagot ni Callix sa kanya. Tinanong niya ito kung busy."Hindi naman ako masyadong busy ngayong umagang 'to, Callix. Ano ba ang importanteng sasabihin mo sa akin, huh?" sagot naman ni Mrs. Daisy sa kanya. Muling humugot nang malalim na buntong-hininga si Callix bago nagsalita muli sa Tita Daisy niya."'Di ba pumunta po kahapon d'yan sa opisina n'yo si Isabe
Sinabi naman kaagad ni Callix kay Isabel na girlfriend niya ang sinabi niya sa Tita Daisy niya pagkarating niya sa mansion kinagabihan. Hindi makapaniwala si Isabel na sinabi 'yon ni Callix na boyfriend niya. Hindi 'yon ang inaasahan na sasabihin ng boyfriend niya kaya nakaramdam siya ng kaba't takot. "Paano na n'yan, babe? Dahil sa sinabi mo na 'yon ay sigurado ako na galit na galit ngayon ang Tita Daisy mo n'yan. Akala ko pa naman ay makikusap ka lang sa kanya na kung puwede na i-extend ang pag-submit ko ng article na 'yon tapos iba naman pala ang sasabihin mo sa kanya. Sinabi mo sa kanya na hindi na ituloy ang pinapagawa niya sa akin," nakangusong tugon ni Isabel sa guwapong boyfriend niya na si Callix.Humugot nang napakalalim na buntong-hininga si Callix bago niya sinagot ang girlfriend niya na halata sa mukha ang kaba at pag-aalala sa nalaman niya mula sa kanya."Inaasahan ko na 'yon na magagalit siya sa akin, babe. One hundred percent na galit talaga siya sa akin ngayon dahil
"Oh, you're here, Isabel. Kanina ka pa pala pinapapunta ni Mrs. Daisy sa opisina niya. She wants to talk to you," maarteng sabi ni Camille kay Isabel na nakasalubong niya. Papunta na rin naman si Isabel sa opisina ni Mrs. Daisy. Nakasalubong niya lang ito.Isabel gave her a fake smile. She shook her head and said, "I know, Camille. Papunta na nga ako sa kanyang opisina. Hindi mo ba nakikita?" "Nakikita ko naman, Isabel. She's waiting for you there," sabi pa nito sa kanya na tinatarayan siya."Thanks for saying that, Camille," tanging sinabi ni Isabel sa kanya at iniwan na niya ito. Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito sa kanya. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad patungo sa opisina ni Mrs. Daisy na editor-in-chief nila.Bago siya pumasok sa loob ay humugot muna siya nang malalim na buntong-hininga. Dahan-dahan niya na binuksan ang pinto ng opisina ni Mrs. Daisy. Seryoso itong nakaupo sa kanyang swivel chair. Binati naman niya ito ng good morning ngunit hindi siya binati nito