A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVE
BY ; MHAYIE CHAPTER 5 EUNICE; Maaga ako gumayak para sa pagpasok ko sa opisina need ko na kasi pumasok at ang boss ko ay nagiging halimaw na sa galit at baka tambak narin ang gawain ko,habang nakatingin ako sa salamin bigla kong napansin ang suot kong sing sing hindi ko malaman pero bigla akong napangiti ng maalala ang gabing iyon kung saan nakipaglaro ako ng kasal kasalan na para kaming mga batang naglalaro lang,pero ng biglang sumagi sa isip ko ang mainit naming tagpuan ng gabi ring iyon bigla ako nahimasmasan . “Sh*t bakit ba ganito pakiramdam ko bakit sa tuwing sasagi sa isip ko iyong mga nangyari samin bigla nalang nag iinit ang katawan ko? Ano Eunice landi lang? Hinahanap ? Gosh erase! Erase! Erase! Hindi pwede maging tanga ah di kapa ba nadala?” Saway ko sa aking sarili . Pinakalma ko ang aking sarili bago tuluyang umalis na ,paniguradong umuusok na ang ilong ng Boss ko mahirap na baka tuluyan na ako isuplong nito . ********** Nagmamadali na nagtungo ako sa elevator ng Makita ko pasarado na ito ,para akong tanga na nagmamadaling tumakbo buti nalang napansin ako ni Maylene ,hingal na pumasok ako sa loob talagang nakakapagod ikaw ba naman tumakbo na akala mo hinahabol ng Aso,buti nalang ay si Maylene lang ang nasa loob nito.. “Nyare?”si Maylene “S-alamat girl!” Hingal na sabi ko. “Grabe ano ba nangyayari sayo?kahapon di ka pumasok tapos ngayon naman para kang hinahabol ng aso? Nagdadrugs kaba naku girl tigilan mo yan masama yan ganyan nangyari sa japit bahay namin ayun naglalakad ng nakahubo babae pa naman din?” Walang prenong sabi nito kaya umayos ako ng tayo . “Hala sya grabe mang husga walang preno ? Di ba pwede pagod lang kahapon kaya hindi nakapasok? Tapos na traffic lang kaya nalate pumasok?drugs talaga anteh! Wagas naman sa adik?” sabi ko na kinatawa nito. “Eto naman di mabiro ! Bakit ang init ng ulo natin ngayon?ganyan ba talaga ang walang dilig?” Nasamid ako sa sinabi nito kaya naman ,ngumisi ito at tumingin sakin. “What?” Sita ko . “Oh? Defensive agad wala pa nga ako sinsabi galit yarn?” Biro pa nito. “Di wow!” Sabi ko at hinawi ang hibla ng buhok na nagpunta sa mukha ko. “Wow Wedding ring?” Usisa ni Maylene ng makita ang Singsing na hindi ko parin pala nahuhubad kanina. “A-h eto?b-inigay ng friend ko! Oo binigay ng friend ko !” Natatarantang sabi na kinangiti lang ni Maylene. “Ah kaibigan mukhang especial at mamahalin ah!”makahulugang sabi nito,na kinatawa ko. “Especial? mamahalin? Naku Maylene nabili lang to sa Tiangge yung tig 50 pesos galing no? Pati ikaw na daya!” Sabi ko. “Seryoso? Patingin nga!” Sabi nito at hinablot nalang bigla ang kamay ko. “Aray ah !” Sabi ko kasi nasaktan din ako sa biglang paghablot nito. “Sorry naman hubarin mo nga patingin ako?”sabi nito syempre ako naman itong hinubad at inabot sa kanya hinayaan ko nalang siya na suriin ang singsing ayaw maniwala na mura lang . Bumukas ang pinto ng elevator kaya naman nagmadali na ako lumabas at iniwan si Maylene hindi ko na nagawang magpaalam dahil mukha busy naman ito sa pagsesearch. Pasalampak na naupo ako sa upuan ko sinilip kopa kung nasa opisina na niya ang boss kong busangot,laking pasasalamat ko na sarado pa ito at mukhang may dinaanan pa. Malamang sa alamang katakot takot na seremonya ang aabutin ko mamaya dahil sa pagliban ko kahapon ,ilan beses na kasi ako absent at madalas natetyempuhan na maraming tambak na gawain ,at kahapon nabalitaan ko daming dapat asikasuhin at pirmahan kaya ang Boss ko ayun inumaga ng uwi na talaga patay ako ngayon,dinatnan ako ng antok dahil sa aga ko nagising kaya naman habang wala pa si Boss ay yumukyok muna ako sa table ko at naidlip. “ELONA EUNICE! “ napabalikwas ako ng tayo ,dahil doon parang binibiyak ang ulo ko sa sakit at kamuntikan pang matumba dahil sa biglaang pagtayo ,umangat ako ng tingin . “Nakakahiya ka sa Client ko ! Alam mo bang nakauwi na lahat tulog ka parin !? Ano nalang sasabihin na sarap buhay ng Secretary ko patulog tulog sa oras ng trabaho,mukhang bitin pa ang bakasyon mo pwede kana umuwi!” Galit na asik nito. “Grabe naman diba pwede namahinga lang,saka umidlip lang ako boss! bakasyon agad? May bayad ba ang pagliban ko boss? “ Pilosopong sagot ko. “Really na idlip? 3hours kang tulog nadaanan kapa ng Client ko hanggang palabas?”sabi nito kaya napasilip ako sa orasan at talagang 3 hours nga ako nakatulog. “Sus parang yun lang ,masyado naman ito,saka mo na ako pagalitan pag yang client mo hindi natutulog sa opisina niya ng oras ng trabaho!” Sabi ko nalang na kinahimas ng sintido niya . “Maaga ako tatanda sayo Eunice! Hindi basta Client lang yun !” Sabi pa nito. “Matanda ka na naman talaga ano tingin mo bumabata?” bulong ko sa aking sarili na mukhang narinig ata nito. “Anong sabi mo?” “A-no ah eh,sabi ko hindi na mauulit Boss!” “Tsk Next week babalik iyon dito kailangan kita kaya huwag kang aabsent o matutulog! Kailangan natin makuha siya para mag invest dito sa atin !” “Ako? Bakit ako?” “Sino ba secretary ko?” “Ako!” “So alam mona kung bakit kaya huwag ka nang madaming reklamo !” Sabi nito at umalis na sa harap ko at muling bumalik sa opisina niya. Pabalya na umupo ako sa upuan ko “shutaness ang sakit ng ulo ko bakit ba kasi nanggugulat pa siya ?” pagkausap ko sa aking sarili. Maya maya lang ay bumaba na muna ako para bumili sa cafeteria kailangan ko idaan sa kape baka di ako makapagpigil gerahin ko boss ko sa opisina niya dahil siya may kasalanan bakit napakasakit ng ulo ko,pagkakuha ko ng order kong Coffee talagang binili ko yung matapang BARAKO para naman mawala sakit ng ulo ko,umupo ako sa pang dalawahang chair ng marinig ko ang pag uusap ng dalawang Staff sa malapit sa kinauupuan ko . “Ui Girl nakita mo yung kasama ni Sir.Dexter ?” Sabi ng babaeng parang pinaputukan ang nguso sa pula ng lipstick. “Ah oo yung gwapo at hot grabe girl makalaglag panty!” Kinikilig na sabi ng babaeng putpot ang bangs. “Tsk buti may panty kapa ngayon!” Kastigo ko sa aking isipan. “Kaso girl balita ko sa isang Staff dito Taken na,!” Ramdam ko ang panghihinayang ni redlips.. “Sus asawa nga naagaw Jowa pa kaya!?” Proud na sabi ni Bangs na halata ang pagiging mang aagaw . “Sabagay ! Balita ko babalik yun dito pagkakataon mona Girl!”si Redlips. “Talaga ?” Kinikilig na sabi ni Bangs. “Sus nanaginip na naman itong dalawang mahaderang ito! Asa naman ipagpalit kayo sa asawa nun o jowa ? Kayo na nagsabi gwapo at Hot sa tingin niyo papatol sa inyo? Sabagay pwede naman kung idadaan sa gayuma!” Natatawang kastigo ko sa aking isipan. Bahagya pa ako nagulat ng tumingin ang dalawa sa akin na para bang naririnig ang sinasabi ng Isipan ko,may lahi atang mangkukulam itong dalawa,kaya bago pa sakin mabaling ang usapan ng dalawa ay tumayo na ako para sa taas ko nalang ito iinumin baka mawalan pa ako ng gana sa mga pagpapatansya ng dalawang feelingerang ito.A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 6CIAN;May ngiti sa mga labi na kinapa ko ang katabi ko ngunit para lang mapadilat at bumalikwas ng bangon ng mapansin kong wala na akong katabi pa ,tumayo ako para hanapin siya sa buong sulok ng bahay ko pero wala ni isang bakas niya ang naiwan kaya bigo akong muling nagtungo sa aking silid at naupo sa aking kama .“Hindi maaring nanaginip lang ako ? Ang maamong mukha,malalambot na labi mapupungay na mata ay aking nasilayan kagabi pero bakit paggising ko ? Parang panaginip lang ang lahat!” Pagkausap ko sa aking sarili halos maglukmok ako sa kaisipang panaginip lang ang lahat pero ng makita ang singsing sa aking kamay doon ako nabuhayan ng loob,na hindi lahat ng nangyari kagabi ay ilusyon o dala ng alak marami ako nainom pero hindi yun sapat para malimutan ko lahat lalo pa ang mainit na tagpo naming dalawa .Pero malaking katanungan sa akin na bakit ito umalis at iniwan nalang ako ng ganun ganun lang? Kaya pabagsak akong humilata sa
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 7CIAN;“Good morning Mr.Buenaventura! Kanina papo kayo hinihintay ni Sir”.salubong sa akin ng isang Staff.“Ok !” Tanging tugon ko.Tahimik lang kame habang tinatahak namin ang opisina na sinadya kong puntahan,napahanga ako sa galing kung paano tumanggap ng Client ang mga nagtatrabaho sa building na ito.Bumukas ang pinto ng Elevator hudyat na narito na kame sa building na aming sadya,pinauna ako lumabas ng Staff ng building naito kaya bahagya ako tumango bilang pasasalamat ,ilang lakad palang ay may natanaw akong isang babaeng nakayukyok sa kanyang desk at sa tansya ko natutulog ito hindi ko alam pero iba ang naging pakiramdam ko ng masilayan ko ito,parang pamilyar yung init at kaba na bumabalatay ngayon sa akin,palapit na palapit lalong tumitindi yung narramdaman ko.“Gosh ELona bakit natutulog ka?” Naririnig ko bulong ng Babaeng kasama ko ,at akmang gigisingin ang babaeng natutulog ng pigilan ko ito.“Miss it’s ok !” Natigilan it
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 8Eunice;“Kailangan mong siguraduhin na walang problema o aberya sa pagdating ng Client ko! Kailangan natin makuha siya kaya please lang Eunice umayos ko ,hindi basta tao lang itong makakaharap natin huwag ka mawawala o matutulog Eunice,utang ng loob .!” Mahaba habang litanya nito na kinairap ko lang.“Tssk oo na!” Naiinis na sagot ko para kasi nagbibilin sa bata ang pamamaraan nito .“Naiintindihan mo ba ako?” Nakataas ang isang kilay na tanong nito.“Opo Boss noted po lahat ! Wala na po problema! May idadagdag ka paba?” Sagot ko na kinatango nito,akala naman nito elementary ang pinagsasabihan ,kahit kailan talaga sama nito sa akin naglilihi ba ito o takaga habit na niya ang insultuhin ako?.“Maari kana lumabas pakisalubungin nalang sa baba si Mr.Buenaventura mamaya gusto ko ikaw ang kumaon sa kanya pababa!”“Ano yun Boss bata? At kailangan pa kaunin?”.pilosopo kong tanong.“Oo kayang gumawa ng bata! Kaya umayos ka baka ikaw ang ga
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 9Eunice;Nang matapos ang tungkulin ko sa loob napagpasyahan kong lumabas na sana dahil para ako malulusaw sa pamamaraan ng pagtitig ni Cian tapos biglang eepal pa ang Boss ko pagnakita ang buong atensyon ni Cian ay nasa akin lamang ,Dexter is Dexter pagdating sakin walang patawad imbis na hayaan ako lumabas pinigilan pa ako nito makaalis, nakikita ko pa ang pasimpleng pang iinis ni Dexter may pangisi ngisi pa ang Aso na kinaasiwa ko,kaya pasimple korin ito tinataasan ng kilay at iniirapan,pero lagi lang ako nahuhuli ni Cian kaya nagiging masama ang awra at pagtitig nito na wari mo naasiwa sa aming dalawa ni Dexter,naku kung alam lang ni Cian na matagal na ako napipikon diyan sa Boss ko dinadaan ko nalang sa biro at pang iinis ng sa ganun makabawi naman ako sa dating pagpapahirap sakin nito.“Kung nakakatunaw lang ang pagtitig malamang kanina kapa lusaw !” Bulong ng siraulo kong Boss sa tenga ko,hindi ko alam pero nakaramdam ako ng
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 10Eunice;“Maganda ang awra natin ngayon ah?”sita ng taong panira sa araw-araw ko.“Palibhasa pangit ang araw mo kaya nandadamay ka!” Bulong ko na narinig ata nito.“Dahil maganda ang araw mo today tumayo ka riyan at ituro mo kay Max ang ang dapat niya gawin!” Utos nito.“Max ? ““Yes ang secretary ni Mr.Buenaventura!” Sabi nito.“Ano meron Dexter? At bakit ako ang dapat magturo sa kanya anarami naman diyan iba? Secretary po ako dito hindi Trainor!”sabi ko.“Yeah i Know secretary ka kaya dapat ituro mo sa kanya ang ginagawa mo sa araw araw na gawain mo rito sa kumpanya ko!” Utos nito na kinasimangot ko.“Naghired ka?” “Nope!” “Then ano?”“Need koba magpaliwanag sa secretary ko?” Pabalang na sabi nito .“Tssk sabi ko nga tuturuan kona!” Sabi ko at padabog na umalis ako para puntahan sa ibababa si Max na sinasabi nito.Naupo ako pang dalawahang upuan dito sa Cafeteria ,binilin ko narin sa Receptionist na si Maylene na papuntahin na
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 11EUNICE ;Nang hindi kona matanaw ang sasakyan ni Cian napagpasyahan ko nang pumasok sa loob ,iba ang nakaduty ngayon at katulad ni Manong George ,magalang at mabait din naman ito, dahil binati pa ako nito ng pagkapasok ko sa building na ito,lulan ng elevator pagod at tamlay ako nakasandal at hinihintay ang pagbukas nito ,saglit pa ay nagbukas na ang pinto ng Elevator mabibigat ang katawan na naglakad ako patungon sa room ko ,akmang pipindutin ko ang Lock ng Room ko ng mapansin ko bukas ito ,marahil pumasok na naman si Jackson ng walang pahintulon mula sa akin ,sa susunod talaga papalitan ko na ng Password ng pintuan ko,dare daretsyo ako pumasok sa loob at nagtungo agad ako sa silid ko para ibaba ang gamit ko maghahalf bath sana ako ng maamoy ko ang mabangon luto ni Jackson kaya naman nagutom ako,pagkalapag ng mga gamit ko nagtungo na agad ako ng kusina.“Jack—--Dom?” Gulat ko ng makita kung sino ang abalang lang nagluluto.“Hi Bab
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 12EUNICE ;Tahimik akong nanonood habang si Cian ay abala sa kusina ,hindi ako nito pinakilos sa kusina kahit pa na ako ang nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin ,pero tumanggi lang siya at ang katwiran pa nito ay kaya naman niya at hindi siya sanay na pinagsisilbihan ,kaya lahat ng gawaing bahay ay kaya niya gawin ,siguro sobra ang pagka independent nitong si Cian noon pa man ,inferness Husband Material ang tulad niya.Muli ko tinuon ang buong atensyon ko sa TV at nanood ng Thaidrama na ang pamagat ay Hidden Love nakita ko lang ito ng isang beses madaanan ko si Maylene nanonood aa kanyang Cellphone minsan narin din pinanood aakin ni Maylene ang isang episode at talaga naman nakakakilig yung scene ng ML at FL ngayon ko nalang uli’t naranasan manood ,mapapasana all ka sa bidang babae kasi naman naghintay si Boy ng matagal pero nawala ang gana ko ng maalala na yung lalaking naghintay? Na alam ko naman in true life
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 13EUNICE ;Sabay kame pumasok ni Cian sa trbaho pero nagpababa ako sa may iskinita na malapit lang sa kumpanya niya ayoko kasi pag usapan kame ng mga staff niya at ano nalang ang sabihin sakin na kaya nakipagpalit para lang malapit ang malalandi, baka di ko mapigilan ang dragon na natutulog sa pagkatao ko at bigla nalang ako bumuga ng apoy ,ayoko nagiging topic sa usapan dahil hindi nila alam kung ano at sino ako.“Dito nalang ako Cian!” Sabi ko at napipilitan na tinigil nito ang sasakyan niya.“Are you sure Love? Pwede ka naman sa parking lot na bumaba kesa maglakad ka pa riyan!” “Oo kaya ko naman exercise narin! “ Sabi ko .“Di pa ba exercise sayo ang ginawa natin kagabi at kaninang umaga?” Walang prenong sabi nito na kinalaki ng mata ko.“Feliciano!?” Bigkas ko sa buong pangalan niya,na kinaasiwa niya.“Cian Love! “Pagtatama nito.“Asus yun naman ang name mo at ang cute kaya!” Biro ko na kinaangat ng isang kilay nito.“Really?”
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 35*****HULING YUGTO*******“F-eliciano B-uenaventura!” Sigaw ko ng maramdaman ko na ang sakit sa buong tiyan at balakang ko,nagkukumahog naman na lumapit sa akin si Cian.“W-hat happen Love?” Natataranta naman tanong nito.“Yung Bag!? Manganganak na yata ako aaahh!” Sigaw ko kaya naman natatarantang umakyat sa taas si Cian para kunin ang mga gamit namin ni Baby .“C-ian ano ba bakit ang tagal mo?” Inis na turan ko dahil ang tagal kumilos ni Cian.“Hey what happen?” Si Jackson na biglang dumating.“Manganganak na ako!” Sigaw ko .“D*mn where's your Husband?” Usisa nito.“Nasa Taas kinukuha ang gamit!” “Bastard!” Sabi ni Jackson at inalalayan na ako palabas ng bahay pasakay na ako sa saksakyan ni Jackson sakto naman labas din ni Cian at hawak ang gamit namin ni Baby.“Bilisan mo at manganganak na ang asawa mo!” Sigaw ni Jackson kay Cian na bakas ang pagkataranta at pamumutla nito.Mabibilis ang kilos na binuhay ni Jackson ang makina
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 34*********Wedding Day**********Song: In Love With YouBy;shania Yan🎶🎶🎶🎶🎶Just a gentle whisper, tell me that you'd goneLeaving only memories, where did we go wrong?I couldn't find the words then, so let me say them nowI'm still in love with you.🎶🎶🎶🎶🎶🎶Tell me that you love me, tell me that you careTell me that you need me, and I'll be thereI'll be there waiting…🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶Hindi mahupa ang luhang tuloy na lumalandas sa mga mata ko ,sa dami ng pagsubok na pinagdaanan namin heto ako naglalakad papunta sa taong mahal ko habang suot suot ang pangarap kong wedding Gown at naghihintay sa altar ang taong gusto ko makasama habang buhay ang taong nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal ang taong paulit ulit ko patatawarin sa tuwing magkakamali siya at ang taong nag iisa lang na pag aalayan ko ng aking pagmamahal.🎶🎶🎶🎶🎶I will always love you, I will always stay trueThere's no one who loves you like I doCome
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 33Eunice;Malaki ang pagbabago sa aming buhay mula ang kaganapan na iyon sa aming pagitan ni Ate ,hindi na muli pa nanggulo si Ate Elyze saamin hindi ko alam kung hanggang kelan ko siya kayang patawarin pero di naman ibig sabihin nun ay tuluyan kona sinarado ang puso ko sa pagpapatawad sa kanya.Syempre kahit masama ang loob ko sa ate ko hindi ko parin hinayaan na palakihin niya ng solo si Devon dahil deserve niya rin may makasama magpalaki rito sa pamangkin kong si Devon at hindi mo maipagkakaila na habang nalaki si Devon nagiging kamukha nito ang Ama,halos madurog din ang puso ko sa tagpo nila mag ama nung una natakot ako baka itakwil o hindi tanggapin ang pamangkin kong si Devon ng Ama niya pero nagkamali ako dahil grabe ang pangungulila ang nakita ko sa mag ama ni Ate.Napagpasyahan din ng Ama ni Devon na iuwi na sila mag ina at masaya ako para sa ate ko hindi man nagsimula ang pagsasama nila sa pag iibigan alam kong si Devon an
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 32Eunice;Maaga ako gumising para magprepare ng almusal namin habang tulog na tulog pa ang mag ama ko sa silid namin natulog si Gael,dito talaga nagsumiksik ang Anak namin si Gael sa kanyang Ama nais daw niya makatabi ang amang si Cian at ayun na nga sobra napagod sa harutan nila kagabi at pareho na pagod at tulog parin.Nagluto ako ng paboritong adobong manok ni Gael gustong gusto niya kapag pinatuyo sa toyo ,at syempre nagprepare ako ng kapeng paborito namin dalawa ni Cian ang kapeng barako.Malapit na ako matapos sa pagluluto ng may mga brasong pumulupot sa bewang ko at humalik sa leeg ko.“Goodmorning sa maganda kong Asawa!” Bati nito .“Goodmorning rin sa gwapo kong asawa!”balik bati ko na kinatahimik nito.“Hey what's wrong?” Usisa ko ng hindi na ito umimik.“D*mn Love!” mura nito .“Why?” “Nag iinit mukha ko sa sinabi mo !” Pag amin nito na kinatawa ko .“Really may i see Love?” Sabi ko pero umiling lang ito at nakayukyok pa
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 31Eunice;Saktong pagbaba ko siyang dating ni Dom,hindi ko na pinababa pa nang sasakyan ito dahil gusto ko narin talaga makalayo riito matapos ang kaganapan saming dalawa ni Cian,sa sobrang taranta ko hindi ko narin nagawa magpaalam kay Gael.Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko na namalayan ang daan na tinahak namin ni Dom at laking taka ko bakit naririto kame sa lugar kung saan ko sinagot si Dom noong nanliligaw pa lamang siya..“Ano ginagawa natin dito Dom?” Tanging usal ko ng dalhin ako nito sa lugar kung saan ko siya unang sinagot.Hindi ito umimik bumaba lang ito at umikot para pagbuksan ako ng pinto,nilahad ni Dom ang kamay para alalayan ako kahit may pagtataka ay tinanggap ko parin ang kamay niya.“Hindi ko malilimutan ang araw na napa oo kita!” Sabi nito kaya napatingin ako kay Dom na seryosong nakatingin sa malayo,hindi ako umimik .“Kaso mukha dito rin sa lugar na ito magtatapos ang lahat!” Dagdag pa nito.“D-om?” Tanging
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 30Eunice;****Pag ang Tadhana na ang gumawa ng paraan talo ka talaga********“Let's Talk?” Sabi nito na kinatigil ko,hindi ako lumingon o kumibo dahil hindi ko alam ano ba dapat ko sabihin .“Please Love?” Pagmamakaawa nito,pero di parin ako kumibo at nais na lamang sana iwasan siya ng bigla ako nito niyakap mula sa likuran ko ,naramdaman ko ang bahagyang pamamasa ng damit ko at mahina nitong paghikbi.Parang tinusok ang puso ko sa natutunghayan kong Mahinang Cian,hindi ko alam na ibababa niya ang pride niya para lang makausap ako.“P-lease L-ove kausapin mo naman ako,K-asi gulong gulo na ako !?” Hikbing sabi nito ,bumuga ako ng hangin para palakasin ang loob ko at binaklas ko ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko , hinarap ko ito kahit nahihirapan narin ako sa mga kaganapan namin tatlo.Sinapo ko ang mukha ni Cian tumingin naman ito sa akin at hinakawan din ang kamay ko habang paulit ulit na nakikiusap.“Please Love? Please
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 29Cian;*****Nanalamin?********“D*mn !” Mura ko ng maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko dala ng hang over .“Sa wakas nagising ka rin!” Napatingin ako sa lalaking nagsalita.“What happen?” Tanging tanong ko.“Wow huh wala man lang thank you Max?” Sabi nito.Tinitigan lang ito ni Cian na akala mo may nagawa pang mali si Max.“Ok fine ! Matapos mo magpakalulong sa Alak pinahirapan mo lang naman ako sa pagalalay sayo! Ilan beses na kita inawat pero di ka nagpaawat! Walang masamang ang mag inom ka hanggang gusto mo pero sana nagtitira ka para sa pang uwi mo!” Makahulugang sabi nito.“Thanks Bro!” Tanging usal ko lang na kinatigil nito at parang abnormal lang na lumapit sakin at sinalat ang noo ko “Wala ka naman sakit di karin lasing o nagdidiliryo ?ikaw ba talaga yan o Sinaniban ka ng ibang Elemento?” Sabi pa nito .“D*mn you Max!” Mura ko lang dito.“Ah si Cian ka nga! O siya bumangon kana kamahalan at ang iyong agahan ay nakahanda n
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 28Eunice;“Saan ka galing?” Natigilan ako sa taong nagsalita ,mukhang hindi ako makakalusot sa isang ito.“Diyan lang sa labas!” Sabi ko .“Dis oras ng gabi? Na walang pasabi?”. Makahulugang sabi nito,kaya napabuntong hininga ako at nagtungo sa may terrace at naupo.“Nung una umuwi ka na may gasgas ang sasakyan ko ,ngayon tumakas ka ng ganitong oras? Kilala mo ako alam mo naman siguro may tracker lahat ng sasakyan ko kaya kahit anong palusot mo hindi uubra!” “K-asi Jackson Ano—!?” “Hindi mo matiis na hindi sundan o puntahan tama ba?” Sabi nito na kinailing ko agad.“H-indi naman sa ganun!?”“Paanong hindi sa ganun? Sinundan mo siya tapos sa inis mo ginasgasan mo ang sasakyan niya na pati sasakyan ko dinamay mo sa inis mo?” Natigilan ako sa sinabi ni Jackson.“A0no kasi—!?”“Ngayon pinuntahan mo siya kasi di mo matiis o di ka mapakali kung ano na kalagayan niya ngayon,at ayun lunod sa Alak!”sabi nito.“Ikaw na!” Tanging nasabi ko l
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 27Cian;“Oo para malaya na kame magsama ni Dom deserve ni Dom ang pagmamahal na matagal kong hindi binigay sa kanya Deserve ni Dom ang mahalin pabalik!”Hindi ko malilimutan Ang masasakit na mga katagang binitiwan ni Eunice ,Hindi ko inaasahan na yun ang unang araw ng pagkikita namin pero bakit ang sakit ng makita siya may kasamang iba,hindi ko inaasahan na si Dom ang kasama niya,bakit mas pinili niya makasama ang lalaking iyon kesa sa akin na asawa niya?.Pinilit kong habulin siya pero bigo ako ng makita na magkayakap silang dalawa ni Dom ,anong laban ko kung yun ang pinili niya? Paano ako lalaban kung siya na mismo ang umayaw? Paano ko pa itatama ang lahat kung sa paningin niya ay niloko ko siya?.“Hey Bro stop!” Awat sakin ni Max.“Kaya ko!” Sabi ko at hinablot muli ang bote ng alak sa kanya.Narito ako ngayon sa Bar nilulunod ang sarili sa alak ,nasa point ako na gusto ko nalang idaan sa alak ang sakit at magpakalasing ng sa gan