A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE
BY ; MHAYIE CHAPTER 4 EUNICE; Nagising ako na masakit ang buong katawan ko lalo na sa pagitan ng mga binti ko pero kailangan ko bumangon dahil baka maabutan akong gising ng kasama ko wala pagsisi na binigay ko ang sarili ko sa kanya dahil ginusto ko naman pero hindi pwede magtagal pa ako dito sa kwarto niya ,dali dali kong dinampot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at maingat na nagtungo sa banyo para magbihis kahit masakit at iika-ika ako maglakad ay sinubukan ko talaga ihakbang ang mga paa ko at tiniis ang sakit, nang matagumpay na nakapasok ng banyo nagmadali na ako magbihis . Matapos ko magbihis lumabas na ako buti naman ay mahimbing ang tulog nito kaya paniguradong hindi ako nito mahuhuli na patakas sa silid niya,walang ingay na binuksan ko ang pinto ng silid niya bago ko pa masara ay napatingin pa ako sa gwapong mukha niya mahimbing ito natutulog hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa kaisipan na iiwan ko siya ng ganun ganun lang kaya huminga ako ng malalim at napagpasyahan na isarado na ang pinto ,buti nalang ay wala ibang tao ako nadatnan sa ibaba kaya malaya ako nakalabas ng bahay niya ,swerte ko dahil paglabas ko sa may gate ay saktong may taxi na dumaan ng ganitong oras pinara ko ito huminto naman ang taxi kaya binuksan ko ang pinto ng taxi para pumasok,napatingin pa ako sa bahay niya bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan at tahimik na naupo. “Maam san po tayo?” tanong ng driver . “Sa J.S.D !” sambit ko. “Ah sa Condominiums po ni Sir JACKSON maam?” Tanong ng driver . “Opo kuya !” Tugon ko kilala ang unit na tinitirhan ko ngayon ,kaya hindi na ako nagtataka kung marami ang nakakakilala sa kaibigan ko . Pinikit ko ang aking mga mata habang minamasahe ang aking sintido,pero hindi ko alam bakit sa pagpikit ko mukha ni Cian ang nakikita ko ,bigla ako napadilat at napaayos ng upo ng maisip ang mainit niyang mga halik. “Sh*t !” Mura ko at nagpupumaypay gamit ang kamay ko . “Maam ok lang po kayo?” Usisa ng driver na mapansin na parang naiinitan ako. “O-k lang po ako kuya!” “Para po kasing naiinitan kayo? Malakas naman po ang aircon ng sasakyan ko kaya po nagtataka ako bakit naiinitan kayo?” Usisa nito. “Naku manong malapit na po ba tayo?” Pag iiba ko alam ko naman malapit na pero gumawa lang ako ng ibang alibay para naman hindi na ako mapuna ni manong . “Opo Maam narito na po tayo!” Anunsyo nito at maingat na hininto ang sasajyan sa harapan ng entrance ng building ng J.S.D. “Salamat po kuya!” Sabi ko sabay abot ng bayad. Pagbaba ko nagtungo na agad ako papasok sa loob binati pa ako ni manong George na guard nitong building. “Good morning maam! Inumaga tayo ngayon ah?” Sabi nito ,alam ko naman nagtataka ito kasi di naman ako nauwi ng ganitong madaling araw. “Opo nagkasiyahan po sa labas!” Sabi ko . “Ok po maam kanina papo kasi kayo tinatanong ni Sir Jackson kung umuwi na kayo!” Balita ni Manong George. “Ok po Manong ,sige po akyat na rin po ako!” Sabi ko at nagtungo na sa unit ko. Nang marating ko ang aking silid agad ako pumasok at nagtungo sa kwarto ,kasi dama ko parin ang pananakit ng katawan ko at sa pagitan ng binti ko, hanggang sa muli ako nakatulog dala ng pagod . Nabulabog nalang ako sa ingay ng tugtog kaya naman bumangon ako para lumabas ng silid ko ,hindi ako nagkakamali kung sino ang maingay na nanggugulo dito sa unit ko habang naglalakad ako papuntang pinto naririnig ko pa ang kantang pinakikinggan nito. ???????? alam kong hindi tama pero walang magagawa baguhin man ang tadhana sa ‘ting dalawa limutin ka nga ay hindi ko kaya at hindi ko magawa giliw ko , mahal ko pakingan mo. ang tibok ng puso ko ay pangalan mo kahit di na tayo sana’y maalala mo, kahit di na tayo sana’y pakingan mo, ang awiting kong ito na para lang sayo, at saking pagtulog, ang panaginip ko’y ikaw. pati saking pag gising , ikaw ang sinisigaw. at kung tayo’y magbalik, ayaw ko ng bumitaw, yayakapin ka ,at muling isasayaw. pagkat ikaw ang gustong makasama buong araw. ?????????? Paglabas ko ng kwarto doon ko napakinggan ng maayos ang kanta na talagang nagpainit ng ulo ko . ???????? kahit di na tayo sana’y maalala mo, kahit di na tayo sana’y pakingan mo, ang awiting kong ito na para lang sayo kahit di na tayo sana’y maalala mo, kahit di na tayo sana’y pakingan mo, ang awiting kong ito na para lang sayo ???????? “Jackson Delmundo!”sigaw ko sa ingay ng unit ko ,nabwiset pa ako sa tugtug nito na di ko mawari san nalaman na tila gandang ganda pa sa tugtog at masaya pang nakikinig ang loko. “Yes Baby?” Masayang sabi nito ,lumapit ako sa speaker ko na pinakielaman pa ng mokong na ito at madiin na pinindot ang off botton at muling binalingan ng masamang tingin si Jackson. “Bweset ka sino nagsabing pumasok ka rito? Hindi porket pag mamay ari mo ito pwede kana pumasok sa mga silid na gusto mo pasukan !” Gigil na asik ko . “Elona Eunice saan ka galing? Uwi ba ng babaeng matino iyan?” Parang magulang na sabi nito,tinaasan ko ito ng kilay dahil imbis na sagutin ang katanungan ko ay binalik sakin ay katanungan din. . “Need ko paba magpaliwanag?” “Yes!” “Barangay kaba?” “Hindi !” “So ano reason para magpaliwanag at sa susunod na mambubulabog ka sa unit ko pasasabugin ko talaga unit mo!” Banta ko na kinatawa lang nito. “Gera ba gusto mo Baby? Then pagbibigyan kita!” Seryosong sabi nito at naupo sa sofa habang ang mga matang mapanuri na nakatingin sakin. “What?” Sita ko . “San Gera ka nagpunta? “ Sabi nito na kina kunot ng noo ko . “Gera?” Bulalas ko . “Nevermind oh siya halika na sa kusina mo pinagluto na kita alam ko namang pagod ka sa Gera!” Muling sabi nito na may ngisi sa labi . Hindi na ako nagprotesta dahil gutom narin ako at buti nga may nagluto sakin ,malaki din pasasalamat ko rito dahil maalalahanin at maalaga itong mokong na kaibigan namin BIANg kahit ang sakit niya sa ulo. “Kumain ka ng marami mukhang ginutom ka eh!” Sabi nito na kinasama na talaga ng tingin ko . “Hindi kaba kakain?” Na tanong ko nalang kahit gusto ko na talaga siya bulyawan pero dahil pinagluto niya ako palalampasin ko inis ko sa kanya ngayon lang naman bukas hindi na. “Sa labas na ako kakain!” Sabi nito na kinatango ko. “Ok!” “O siya aalis na ako magpahinga ka lang diyan,saka nga pala napag paalam na kita kay Dexter kung bakit hindi ka makakapasok kaya malaya kang makakapagpahinga buong maghapon!”.sabi nito bago tuluyang iwan ako sa kusina.A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 5EUNICE;Maaga ako gumayak para sa pagpasok ko sa opisina need ko na kasi pumasok at ang boss ko ay nagiging halimaw na sa galit at baka tambak narin ang gawain ko,habang nakatingin ako sa salamin bigla kong napansin ang suot kong sing sing hindi ko malaman pero bigla akong napangiti ng maalala ang gabing iyon kung saan nakipaglaro ako ng kasal kasalan na para kaming mga batang naglalaro lang,pero ng biglang sumagi sa isip ko ang mainit naming tagpuan ng gabi ring iyon bigla ako nahimasmasan .“Sh*t bakit ba ganito pakiramdam ko bakit sa tuwing sasagi sa isip ko iyong mga nangyari samin bigla nalang nag iinit ang katawan ko? Ano Eunice landi lang? Hinahanap ? Gosh erase! Erase! Erase! Hindi pwede maging tanga ah di kapa ba nadala?” Saway ko sa aking sarili .Pinakalma ko ang aking sarili bago tuluyang umalis na ,paniguradong umuusok na ang ilong ng Boss ko mahirap na baka tuluyan na ako isuplong nito .**********Nagmamadali na nagt
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 6CIAN;May ngiti sa mga labi na kinapa ko ang katabi ko ngunit para lang mapadilat at bumalikwas ng bangon ng mapansin kong wala na akong katabi pa ,tumayo ako para hanapin siya sa buong sulok ng bahay ko pero wala ni isang bakas niya ang naiwan kaya bigo akong muling nagtungo sa aking silid at naupo sa aking kama .“Hindi maaring nanaginip lang ako ? Ang maamong mukha,malalambot na labi mapupungay na mata ay aking nasilayan kagabi pero bakit paggising ko ? Parang panaginip lang ang lahat!” Pagkausap ko sa aking sarili halos maglukmok ako sa kaisipang panaginip lang ang lahat pero ng makita ang singsing sa aking kamay doon ako nabuhayan ng loob,na hindi lahat ng nangyari kagabi ay ilusyon o dala ng alak marami ako nainom pero hindi yun sapat para malimutan ko lahat lalo pa ang mainit na tagpo naming dalawa .Pero malaking katanungan sa akin na bakit ito umalis at iniwan nalang ako ng ganun ganun lang? Kaya pabagsak akong humilata sa
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 7CIAN;“Good morning Mr.Buenaventura! Kanina papo kayo hinihintay ni Sir”.salubong sa akin ng isang Staff.“Ok !” Tanging tugon ko.Tahimik lang kame habang tinatahak namin ang opisina na sinadya kong puntahan,napahanga ako sa galing kung paano tumanggap ng Client ang mga nagtatrabaho sa building na ito.Bumukas ang pinto ng Elevator hudyat na narito na kame sa building na aming sadya,pinauna ako lumabas ng Staff ng building naito kaya bahagya ako tumango bilang pasasalamat ,ilang lakad palang ay may natanaw akong isang babaeng nakayukyok sa kanyang desk at sa tansya ko natutulog ito hindi ko alam pero iba ang naging pakiramdam ko ng masilayan ko ito,parang pamilyar yung init at kaba na bumabalatay ngayon sa akin,palapit na palapit lalong tumitindi yung narramdaman ko.“Gosh ELona bakit natutulog ka?” Naririnig ko bulong ng Babaeng kasama ko ,at akmang gigisingin ang babaeng natutulog ng pigilan ko ito.“Miss it’s ok !” Natigilan it
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 8Eunice;“Kailangan mong siguraduhin na walang problema o aberya sa pagdating ng Client ko! Kailangan natin makuha siya kaya please lang Eunice umayos ko ,hindi basta tao lang itong makakaharap natin huwag ka mawawala o matutulog Eunice,utang ng loob .!” Mahaba habang litanya nito na kinairap ko lang.“Tssk oo na!” Naiinis na sagot ko para kasi nagbibilin sa bata ang pamamaraan nito .“Naiintindihan mo ba ako?” Nakataas ang isang kilay na tanong nito.“Opo Boss noted po lahat ! Wala na po problema! May idadagdag ka paba?” Sagot ko na kinatango nito,akala naman nito elementary ang pinagsasabihan ,kahit kailan talaga sama nito sa akin naglilihi ba ito o takaga habit na niya ang insultuhin ako?.“Maari kana lumabas pakisalubungin nalang sa baba si Mr.Buenaventura mamaya gusto ko ikaw ang kumaon sa kanya pababa!”“Ano yun Boss bata? At kailangan pa kaunin?”.pilosopo kong tanong.“Oo kayang gumawa ng bata! Kaya umayos ka baka ikaw ang ga
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 9Eunice;Nang matapos ang tungkulin ko sa loob napagpasyahan kong lumabas na sana dahil para ako malulusaw sa pamamaraan ng pagtitig ni Cian tapos biglang eepal pa ang Boss ko pagnakita ang buong atensyon ni Cian ay nasa akin lamang ,Dexter is Dexter pagdating sakin walang patawad imbis na hayaan ako lumabas pinigilan pa ako nito makaalis, nakikita ko pa ang pasimpleng pang iinis ni Dexter may pangisi ngisi pa ang Aso na kinaasiwa ko,kaya pasimple korin ito tinataasan ng kilay at iniirapan,pero lagi lang ako nahuhuli ni Cian kaya nagiging masama ang awra at pagtitig nito na wari mo naasiwa sa aming dalawa ni Dexter,naku kung alam lang ni Cian na matagal na ako napipikon diyan sa Boss ko dinadaan ko nalang sa biro at pang iinis ng sa ganun makabawi naman ako sa dating pagpapahirap sakin nito.“Kung nakakatunaw lang ang pagtitig malamang kanina kapa lusaw !” Bulong ng siraulo kong Boss sa tenga ko,hindi ko alam pero nakaramdam ako ng
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 10Eunice;“Maganda ang awra natin ngayon ah?”sita ng taong panira sa araw-araw ko.“Palibhasa pangit ang araw mo kaya nandadamay ka!” Bulong ko na narinig ata nito.“Dahil maganda ang araw mo today tumayo ka riyan at ituro mo kay Max ang ang dapat niya gawin!” Utos nito.“Max ? ““Yes ang secretary ni Mr.Buenaventura!” Sabi nito.“Ano meron Dexter? At bakit ako ang dapat magturo sa kanya anarami naman diyan iba? Secretary po ako dito hindi Trainor!”sabi ko.“Yeah i Know secretary ka kaya dapat ituro mo sa kanya ang ginagawa mo sa araw araw na gawain mo rito sa kumpanya ko!” Utos nito na kinasimangot ko.“Naghired ka?” “Nope!” “Then ano?”“Need koba magpaliwanag sa secretary ko?” Pabalang na sabi nito .“Tssk sabi ko nga tuturuan kona!” Sabi ko at padabog na umalis ako para puntahan sa ibababa si Max na sinasabi nito.Naupo ako pang dalawahang upuan dito sa Cafeteria ,binilin ko narin sa Receptionist na si Maylene na papuntahin na
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 11EUNICE ;Nang hindi kona matanaw ang sasakyan ni Cian napagpasyahan ko nang pumasok sa loob ,iba ang nakaduty ngayon at katulad ni Manong George ,magalang at mabait din naman ito, dahil binati pa ako nito ng pagkapasok ko sa building na ito,lulan ng elevator pagod at tamlay ako nakasandal at hinihintay ang pagbukas nito ,saglit pa ay nagbukas na ang pinto ng Elevator mabibigat ang katawan na naglakad ako patungon sa room ko ,akmang pipindutin ko ang Lock ng Room ko ng mapansin ko bukas ito ,marahil pumasok na naman si Jackson ng walang pahintulon mula sa akin ,sa susunod talaga papalitan ko na ng Password ng pintuan ko,dare daretsyo ako pumasok sa loob at nagtungo agad ako sa silid ko para ibaba ang gamit ko maghahalf bath sana ako ng maamoy ko ang mabangon luto ni Jackson kaya naman nagutom ako,pagkalapag ng mga gamit ko nagtungo na agad ako ng kusina.“Jack—--Dom?” Gulat ko ng makita kung sino ang abalang lang nagluluto.“Hi Bab
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 12EUNICE ;Tahimik akong nanonood habang si Cian ay abala sa kusina ,hindi ako nito pinakilos sa kusina kahit pa na ako ang nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin ,pero tumanggi lang siya at ang katwiran pa nito ay kaya naman niya at hindi siya sanay na pinagsisilbihan ,kaya lahat ng gawaing bahay ay kaya niya gawin ,siguro sobra ang pagka independent nitong si Cian noon pa man ,inferness Husband Material ang tulad niya.Muli ko tinuon ang buong atensyon ko sa TV at nanood ng Thaidrama na ang pamagat ay Hidden Love nakita ko lang ito ng isang beses madaanan ko si Maylene nanonood aa kanyang Cellphone minsan narin din pinanood aakin ni Maylene ang isang episode at talaga naman nakakakilig yung scene ng ML at FL ngayon ko nalang uli’t naranasan manood ,mapapasana all ka sa bidang babae kasi naman naghintay si Boy ng matagal pero nawala ang gana ko ng maalala na yung lalaking naghintay? Na alam ko naman in true life
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 35*****HULING YUGTO*******“F-eliciano B-uenaventura!” Sigaw ko ng maramdaman ko na ang sakit sa buong tiyan at balakang ko,nagkukumahog naman na lumapit sa akin si Cian.“W-hat happen Love?” Natataranta naman tanong nito.“Yung Bag!? Manganganak na yata ako aaahh!” Sigaw ko kaya naman natatarantang umakyat sa taas si Cian para kunin ang mga gamit namin ni Baby .“C-ian ano ba bakit ang tagal mo?” Inis na turan ko dahil ang tagal kumilos ni Cian.“Hey what happen?” Si Jackson na biglang dumating.“Manganganak na ako!” Sigaw ko .“D*mn where's your Husband?” Usisa nito.“Nasa Taas kinukuha ang gamit!” “Bastard!” Sabi ni Jackson at inalalayan na ako palabas ng bahay pasakay na ako sa saksakyan ni Jackson sakto naman labas din ni Cian at hawak ang gamit namin ni Baby.“Bilisan mo at manganganak na ang asawa mo!” Sigaw ni Jackson kay Cian na bakas ang pagkataranta at pamumutla nito.Mabibilis ang kilos na binuhay ni Jackson ang makina
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 34*********Wedding Day**********Song: In Love With YouBy;shania Yan🎶🎶🎶🎶🎶Just a gentle whisper, tell me that you'd goneLeaving only memories, where did we go wrong?I couldn't find the words then, so let me say them nowI'm still in love with you.🎶🎶🎶🎶🎶🎶Tell me that you love me, tell me that you careTell me that you need me, and I'll be thereI'll be there waiting…🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶Hindi mahupa ang luhang tuloy na lumalandas sa mga mata ko ,sa dami ng pagsubok na pinagdaanan namin heto ako naglalakad papunta sa taong mahal ko habang suot suot ang pangarap kong wedding Gown at naghihintay sa altar ang taong gusto ko makasama habang buhay ang taong nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal ang taong paulit ulit ko patatawarin sa tuwing magkakamali siya at ang taong nag iisa lang na pag aalayan ko ng aking pagmamahal.🎶🎶🎶🎶🎶I will always love you, I will always stay trueThere's no one who loves you like I doCome
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 33Eunice;Malaki ang pagbabago sa aming buhay mula ang kaganapan na iyon sa aming pagitan ni Ate ,hindi na muli pa nanggulo si Ate Elyze saamin hindi ko alam kung hanggang kelan ko siya kayang patawarin pero di naman ibig sabihin nun ay tuluyan kona sinarado ang puso ko sa pagpapatawad sa kanya.Syempre kahit masama ang loob ko sa ate ko hindi ko parin hinayaan na palakihin niya ng solo si Devon dahil deserve niya rin may makasama magpalaki rito sa pamangkin kong si Devon at hindi mo maipagkakaila na habang nalaki si Devon nagiging kamukha nito ang Ama,halos madurog din ang puso ko sa tagpo nila mag ama nung una natakot ako baka itakwil o hindi tanggapin ang pamangkin kong si Devon ng Ama niya pero nagkamali ako dahil grabe ang pangungulila ang nakita ko sa mag ama ni Ate.Napagpasyahan din ng Ama ni Devon na iuwi na sila mag ina at masaya ako para sa ate ko hindi man nagsimula ang pagsasama nila sa pag iibigan alam kong si Devon an
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 32Eunice;Maaga ako gumising para magprepare ng almusal namin habang tulog na tulog pa ang mag ama ko sa silid namin natulog si Gael,dito talaga nagsumiksik ang Anak namin si Gael sa kanyang Ama nais daw niya makatabi ang amang si Cian at ayun na nga sobra napagod sa harutan nila kagabi at pareho na pagod at tulog parin.Nagluto ako ng paboritong adobong manok ni Gael gustong gusto niya kapag pinatuyo sa toyo ,at syempre nagprepare ako ng kapeng paborito namin dalawa ni Cian ang kapeng barako.Malapit na ako matapos sa pagluluto ng may mga brasong pumulupot sa bewang ko at humalik sa leeg ko.“Goodmorning sa maganda kong Asawa!” Bati nito .“Goodmorning rin sa gwapo kong asawa!”balik bati ko na kinatahimik nito.“Hey what's wrong?” Usisa ko ng hindi na ito umimik.“D*mn Love!” mura nito .“Why?” “Nag iinit mukha ko sa sinabi mo !” Pag amin nito na kinatawa ko .“Really may i see Love?” Sabi ko pero umiling lang ito at nakayukyok pa
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 31Eunice;Saktong pagbaba ko siyang dating ni Dom,hindi ko na pinababa pa nang sasakyan ito dahil gusto ko narin talaga makalayo riito matapos ang kaganapan saming dalawa ni Cian,sa sobrang taranta ko hindi ko narin nagawa magpaalam kay Gael.Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko na namalayan ang daan na tinahak namin ni Dom at laking taka ko bakit naririto kame sa lugar kung saan ko sinagot si Dom noong nanliligaw pa lamang siya..“Ano ginagawa natin dito Dom?” Tanging usal ko ng dalhin ako nito sa lugar kung saan ko siya unang sinagot.Hindi ito umimik bumaba lang ito at umikot para pagbuksan ako ng pinto,nilahad ni Dom ang kamay para alalayan ako kahit may pagtataka ay tinanggap ko parin ang kamay niya.“Hindi ko malilimutan ang araw na napa oo kita!” Sabi nito kaya napatingin ako kay Dom na seryosong nakatingin sa malayo,hindi ako umimik .“Kaso mukha dito rin sa lugar na ito magtatapos ang lahat!” Dagdag pa nito.“D-om?” Tanging
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 30Eunice;****Pag ang Tadhana na ang gumawa ng paraan talo ka talaga********“Let's Talk?” Sabi nito na kinatigil ko,hindi ako lumingon o kumibo dahil hindi ko alam ano ba dapat ko sabihin .“Please Love?” Pagmamakaawa nito,pero di parin ako kumibo at nais na lamang sana iwasan siya ng bigla ako nito niyakap mula sa likuran ko ,naramdaman ko ang bahagyang pamamasa ng damit ko at mahina nitong paghikbi.Parang tinusok ang puso ko sa natutunghayan kong Mahinang Cian,hindi ko alam na ibababa niya ang pride niya para lang makausap ako.“P-lease L-ove kausapin mo naman ako,K-asi gulong gulo na ako !?” Hikbing sabi nito ,bumuga ako ng hangin para palakasin ang loob ko at binaklas ko ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko , hinarap ko ito kahit nahihirapan narin ako sa mga kaganapan namin tatlo.Sinapo ko ang mukha ni Cian tumingin naman ito sa akin at hinakawan din ang kamay ko habang paulit ulit na nakikiusap.“Please Love? Please
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 29Cian;*****Nanalamin?********“D*mn !” Mura ko ng maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko dala ng hang over .“Sa wakas nagising ka rin!” Napatingin ako sa lalaking nagsalita.“What happen?” Tanging tanong ko.“Wow huh wala man lang thank you Max?” Sabi nito.Tinitigan lang ito ni Cian na akala mo may nagawa pang mali si Max.“Ok fine ! Matapos mo magpakalulong sa Alak pinahirapan mo lang naman ako sa pagalalay sayo! Ilan beses na kita inawat pero di ka nagpaawat! Walang masamang ang mag inom ka hanggang gusto mo pero sana nagtitira ka para sa pang uwi mo!” Makahulugang sabi nito.“Thanks Bro!” Tanging usal ko lang na kinatigil nito at parang abnormal lang na lumapit sakin at sinalat ang noo ko “Wala ka naman sakit di karin lasing o nagdidiliryo ?ikaw ba talaga yan o Sinaniban ka ng ibang Elemento?” Sabi pa nito .“D*mn you Max!” Mura ko lang dito.“Ah si Cian ka nga! O siya bumangon kana kamahalan at ang iyong agahan ay nakahanda n
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 28Eunice;“Saan ka galing?” Natigilan ako sa taong nagsalita ,mukhang hindi ako makakalusot sa isang ito.“Diyan lang sa labas!” Sabi ko .“Dis oras ng gabi? Na walang pasabi?”. Makahulugang sabi nito,kaya napabuntong hininga ako at nagtungo sa may terrace at naupo.“Nung una umuwi ka na may gasgas ang sasakyan ko ,ngayon tumakas ka ng ganitong oras? Kilala mo ako alam mo naman siguro may tracker lahat ng sasakyan ko kaya kahit anong palusot mo hindi uubra!” “K-asi Jackson Ano—!?” “Hindi mo matiis na hindi sundan o puntahan tama ba?” Sabi nito na kinailing ko agad.“H-indi naman sa ganun!?”“Paanong hindi sa ganun? Sinundan mo siya tapos sa inis mo ginasgasan mo ang sasakyan niya na pati sasakyan ko dinamay mo sa inis mo?” Natigilan ako sa sinabi ni Jackson.“A0no kasi—!?”“Ngayon pinuntahan mo siya kasi di mo matiis o di ka mapakali kung ano na kalagayan niya ngayon,at ayun lunod sa Alak!”sabi nito.“Ikaw na!” Tanging nasabi ko l
A PLAYFULL AND PRETENTIOUS LOVEBY ; MHAYIECHAPTER 27Cian;“Oo para malaya na kame magsama ni Dom deserve ni Dom ang pagmamahal na matagal kong hindi binigay sa kanya Deserve ni Dom ang mahalin pabalik!”Hindi ko malilimutan Ang masasakit na mga katagang binitiwan ni Eunice ,Hindi ko inaasahan na yun ang unang araw ng pagkikita namin pero bakit ang sakit ng makita siya may kasamang iba,hindi ko inaasahan na si Dom ang kasama niya,bakit mas pinili niya makasama ang lalaking iyon kesa sa akin na asawa niya?.Pinilit kong habulin siya pero bigo ako ng makita na magkayakap silang dalawa ni Dom ,anong laban ko kung yun ang pinili niya? Paano ako lalaban kung siya na mismo ang umayaw? Paano ko pa itatama ang lahat kung sa paningin niya ay niloko ko siya?.“Hey Bro stop!” Awat sakin ni Max.“Kaya ko!” Sabi ko at hinablot muli ang bote ng alak sa kanya.Narito ako ngayon sa Bar nilulunod ang sarili sa alak ,nasa point ako na gusto ko nalang idaan sa alak ang sakit at magpakalasing ng sa gan