MAAGANG pumasok sa restaurant si Leah. Natuwa siya ng makitang kompleto na ang waitress nila. Hindi na niya kailangang mag waitress ngayong araw.
Habang dumadaan ang mga oras, palabas-labas ng Manager's Office si Leah. Ang alam ng lahat nag oobserba siya pero ang totoo ay hinahanap palagi ng mga mata niya si Achilles. Pero hanggang sumapit ang hapunan, ni anino ni Achilles Williams ay hindi niya nakita.
Why did she even expect that he would come today? Sabi na nga ba niya, pare-pareho lang ang mga lalaki sa mundo. Mga walang isang salita at puro mga sinungaling.
After that disappointing night, her life came back to normal. Araw-araw siyang pumapasok sa restaurant at mina-manage iyon. Nag-umpisa nang magtanong ang mga empleyado ng restaurant kung bakit hindi na bumibisita si Kyle at buong puso naman niyang sinabi sa mga ito ang dahilan.
They pitied her. Of course. Tama si Kyle. Palaging issue ang pagiging plus size niya. At iniisip ng mga taong nakakaalam na wala na sila ni Kyle dahil sa pagiging plus size ng katawan niya ang dahilan. Masakit. Kahit pa ngumingiti siya sa harap ng mga tao na naawa sa kanya pero ang totoo, sa loob niya, nabibiyak ang buo niyang pagkatao.
Kung alam lang niya na ganoon ang kalalabasan ng relasyon nila ni Kyle, edi sana hindi nalang siya nakipag-relasyon sa lalaki.
"I'm sorry, Bes," sabi ni Dina, ang kapit-bahay nila na isa sa mga imbetado sa kasal. Puno ng awa ang mukha nito. "Sana mas nagpapayat ka pa para hindi ka niya niloko."
Mapait siyang ngumiti. "Hindi ko naman po alam na size na pala ngayon ang batayan sa isang magandang relasyon."
"Bes, hindi man natin tanggapin, iba na talaga ang mga lalaki ngayon. Kita mo naman ang nangyari sa'yo."
Tinanguan niya ang babae bilang pag-respeto saka tinalikuran niya ang babae at mabilis na pumasok sa bahay nila.
Hindi niya napigilan ang ilang butil ng luha na nalaglag sa pisngi niya. Mabilis niya iyong pinahid at naiinis na sinabunutan ang sariling buhok. Walang mangyayari kung iiyak siya. Walang magbabago kahit ilang balde pa ang iluha niya.
It had been a week since she found out that Kyle was cheating on her. Hindi pa niya nasasabi sa mga magulang niya na wala na sila ni Kyle. Natatakot siya sa magiging reaksiyon ng mga ito.
Leah couldn't help but ask herself if she really was the one in fault. Naloloka na siya sa kakaisip kung kasalanan ba niya o hindi. Dahil ba talaga ito sa size niya?
Biglang naputol ang pag-iisip niya ng may kumatok sa pinto ng bahay nila. Inayos muna niya ang sarili bago mabilis niyang binuksan iyon at napangiti ng makita si Cearina at Jenel sa labas. May dalang mga prutas si Cearina—no, isang prutas lang pala at iyon ay ang paboritong nitong saging— at si Jenel naman ay may dalang champagne. Tuwing linggo, tulad ngayon, bumibisita ang mga ito sa bahay nila at nag-iinoman sila. That was their routine. Linggo lang sila nakakapag-bonding kasi nga busy sila sa kanikaniyang trabaho.
"Hey, guys!" Natutuwang sabi niya at niyakap ang dalawang matalik na kaibigan.
"Hey, Leah," sabay na sabi ng dalawa at pumasok sa loob ng bahay.
Kumuha muna siya ng highball glass sa kusina saka dumeretso na sila sa kuwarto niya at pasalampak na naupo sa carpeted floor. Binuksan ni Cearina ang champagne at sinalinan ang mga highball glass nila na nakalapag lang sa sahig.
"So anong ganap sa'yo ngayong linggo? Kumusta kayo ni Kyle?" Tanong ni Jenel.
Walang pag-aalinlangan siyang sumagot. "Wala na kami."
Halatang nagulat ang dalawa pero bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga ito.
"Yes, finally!" Sigaw ni Cearina.
"Hell, yeah!" Hiyaw naman ni Jenel.
"Nahuli ko siyang ka-sex ang sekretarya niya," dagdag niya na ikinawala ng kasiyahan sa mukha ng mga ito.
"What?!" Cearina looked shock. "Oh, God. Please tell me that you kick that bastard's ass!"
"Please, sabihin mo samin na pinagsasampal mo ang malanding sekretarya ni Kyle," Dagdag naman ni Jenel.
Mapakla siyang ngumiti at nag-uunahang namalisbis ang luha niya. Kyle could still hurt her. Akala niya wala na siyang pakialam sa binata, pero kapag naalala niya ang panloloko nito, palaging may mga luha na dumadaloy sa pisngi niya.
"Noong gabing nahuli ko siyang may ka-sex, pumunta akong bar naglasing ako tapos ang tanga ko—" Napahagulhol siya siya ng iyak. "Nakipagsex ako sa lalaking kakikilala ko palang. Hindi na ako virgin!" Umiiyak na nahiga siya sa sahig ng patagilid. "Ang tanga ko talaga. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko 'yon!" She was now sobbing loudly. "I'm such a stupid woman."
Habang umiiyak siya sa kamiserablehan ng buhay niya walang imik ang dalawa niyang kaibigan na alam niyang mga virgin pa. Nakatitig lang ang dalawa sa kanya na bakas ang hindi makapaniwalang emosyon sa mukha ng mga ito.
"Y-You mean to say, s-sinuko mo na ang perlas ng silanganan?" Si Cearina ang unang nakabawi sa pagkabigla.
Humihikbi na tumango siya. "Noong lunes pa."
"Woah. Take that cheater Kyle!" Humugot ito ng isang malalim na buntong hininga. "Who's the guy?"
"Achilles Williams," sagot niya na hiyang-hiya sa sarili.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Jenel. "Achilless Kostas Williams, the owner of State Trend Magazine that distributes in the U.S. and Asia?"
Nagsalubong ang kilay ni Cearina. "Never heard of him pero pangalan palang mukhang katakamtakam na. Mahaba ba, Leah? Masarap ba? Magkuwento ka naman."
Umupo siya ulit at pulang-pula ang pisngi niya. "Oo, sakto lang naman," nakatungong sagot niya kay Cearina. "And no, hindi ko alam kung siya ba ang mayari ng sikat na State Trend Magazine."
"Well, kung siya man 'yon, ang swerte mo," ani Jenel. "Natikman mo ang isang Achilles Williams na habulin ng mga babae."
Napasimangot siya sa sinabi nito. "At nasisiguro kong wala ako sa kalingkingan ng mga babaeng humahabol sa kanya."
Cearina rolled her eyes. "Of course, may laban ka!"
Mariing sabi nito. "Maganda ka. Maputi. Matangkad. At higit sa lahat ma—"
"Mataba," aniya.
Pinukol siya ng masamang tingin ni Cearina. "Gaga. E, ano naman ngayon kung plus size ka? Sa 'yon ka na, e. Saka kahit naman hindi ka skinny, maganda pa rin ang hugis ng katawan mo. Makurba pa rin naman." Tinuro nito ang dibdib niya. "You have a 38D breast size." Ang beywang naman nito ang sunod na itinuro. "Thirty-one waistline and then 37 butt size. You're freaking sexy, Leaah."
Umiling siya. "No. Mataba ako."
Itinirik nito ang mga mata. "Ewan ko sayo. Basta para sa akin, isa kang malaman na sexy na babae. You are not fat. Just voluptuous."
Tumango si Jenel bilang pag sang-ayon. "Tama. At maswerte si Achilles dahil natikman niya ang isang kagaya mo."
Hindi nalang siya nag komento pa. Alam naman niyang hindi sila magkakapareha ng opinyon. Her friends were trying to build her up kaya ng mga ito sinasabi ang mga 'yon. But she knew the truth. Mataba siya. At sa mundong ginagalawan niya, kapag mataba ka, walang lalaking magmamahal sa'yo ng totoo.
It was base on experience.
Nagsalin siyang muli ng champagne sa baso niya at mabilis na inubos ang laman niyon. Pagkatapos ay nagsalin siyang muli
Mukhang napansin ng dalawa niyang kaibigan na balak niyang ubusin ang isang bote ng champagne kaya inaya siya ng mga ito na manuod ng action film. Ang the-A Team ang napili nilang panuorin. Isa 'yon sa mga paborito niyang pelikula pero hindi niya maappreciate 'yon ngayon. Malayo ang tinatakbo ng isip niya. Malayong-malayo.
Hanggang matapos ang pelikula, wala siya sa sarili. Hanggang sa umalis ang mga kaibigan niya, nagdinner siya ng mag-isa, malayo pa rin ang isip niya sa kasalukuyan.
At nang sumapit ang araw ng lunes, hindi siya nag treadmill katulad ng nakasanayan niya tuwing umaga. Hindi siya nag-agahan at pumasok sa restaurant na walang laman ang tiyan niya. And as usual, she waited for Achilles Kostas Williams to come by but nothing... not even his freaking shadow.
BUMUGA ng hangin si Leah habang nagsasara ng restaurant. Monday was boring. Tuesday was still boring. Now it was Wednesday, and it still was boring as hell.Pagkatapos niyang i-locked ang pinto, tamang-tama naman na tumunog ang cell phone niya.Cousin Tyron calling...Sinagot niya ang tawag at kaagad na nagsalita si Tyron na ikinagulat niya."Hey, cousin. Ano itong nalaman kong balita na hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Kyle? Sinaktan ka ba niya? Ano na naman 'to? Just an issue or it's true."llang minutong nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. "Gusto mong pag-usapan?""Nah. I'm good," pagsisinungaling niya.She was not good. She was depressed!"Sigurado ka? You could come by my house tomorrow.""Marami akong gagawin bukas," aniya. "Maybe next time.""Oh. Okay," ani Tyron na parang wala nang masabi."Yeah. I have to hang up now.""Sige. Ingat ka, okay? Kapag may kailangan ka,tawagan mo lang ako. Okay?""l will," walang buhay niyang sagot.Nang mawala sa kabilang linya ang pins
NANG makarating sa bahay niya sa Bachelor's Village si Achilles, nakatanggap siya ng tawag mula sa ina niya na nasa Greece. Kaagad niya iyong sinagot."How are you, mitéra?" Mitéra meant mother."I'm good, son," sagot ng ina niya. "Anyway, how is she? Did you already make a move? I told you to make it fast, my son. Always fight. Conquer!"Natawa siya sa pinagsasabi ng ina niya. "Mother, everything is going smoothly.""Oh yeah? If you need my aid, just tell me. Okay?" His mother offered. "l will gladly offer our house jewelries"Mom," Sansala niya sa ina. "It's fine. You don't need to do that.""Well, you are the prince of the House of Kostas—""Mom. Stop it," pigil niya sa iba pang sasabihin ng ina. "l already turned my back from that title. I am no prince of any house. I'm just plain me. I'm just Achilles Williams—""No!" May talim ang boses ng ina niya. "You are Achilles Kostas Williams. You are Greek, American, and Filipino combined but that doesn't stop you from being the prince o
KABABABA palang ni Leah mula sa kuwarto niya ng marinig niya ang pang-iingay ng doorbell nila. Hindi pa niya naayos ang sarili maliban sa nag toothbrush at naghilamos lang siya pagkagising. Buhaghag pa rin ang buhok niya at naka-pajama pa ng buksan niya ang pinto sa isiping ang kapit-bahay niya iyon at magbibigay na naman sa kanya ng chocolate cookies, panhilom daw sa nasugatan niyang puso. Hindi gumana ng maayos ang utak ni Keah ng mapagbuksan niya ng pinto si Achilles. Mabilis sanang isasara niya iyon pero naunahan siya nitong ilagay ang paa sa pinto para hindi sumara."Fuck! Ouch!" Hiyaw nito ng maipit ng pinto ang paa nito.Sa halip na maawa sa binata, inirapan pa niya ito. "Ang arte naman nito. Naipit nga lang, e. Saka naka-sapatos ka naman."Masama ang tingin nito sa kanya. "lkaw kaya ang ipitin ang paa gamit ang pinto?" Napamura ito ulit at sinipasipa nito ang paa para mawala ang sakit. "Bakit sa mga pelikula, kapag ginagawa ito ng bidang lalaki, hindi siya nasasaktan?"Doon si
ACHILLES felt disappointed when they reach Zaired Restaurant. He liked the feeling of Leah's breast against his back. Libreng tsansing na nga, bitin pa.Mabilis na bumaba si Leah mula sa pagkakasakay sa motor niya at ngitian siya."Salamat sa paghahatid," nakangiting wika nito."No problem.”Magsasalita pa sana si Leah ng pareho silang may narinig na boses ng isang lalaki. The man came out from a Ford car. Halatang may kaya ang lalaki. Pero nasisiguro niyang mas mayaman siya rito."Any! Who the hell is this guy!?" Pasinghal na tanong ng lalaki kay Leah habang naglalakad palapit sa kanya. "Siya ba ang ipinalit mo sakin? Wow naman!"Was this Kyle?Leah gave him an apologetic look. "Sorry, Achilles.Umalis ka na." Hindi siya nakinig kay Leah. "I'm staying.""No." Umiling-iling ito na para bang natatakot. "No.Umalis ka na please. Ayokong madamay ka sa gulo—""I'm staying, Leah. That's final," giit niya.HINDI man aminin ni Leah, nakahinga siya ng maluwang sa isiping naroon si Achilles s
NASISIGURO ni Leah na walang maglalakas loob na magtanong sa kanya tungkol sa kanila ni Achilles. Pero iba talaga pag-tsismis, e. Lumalakas ang loob ng mga tao. Tulad nalang ngayon, kinakausap siya ng mga server nila na matagal na ring nagta-trabaho sa kanila at maituturing na niyang mga kaibigan."Chef, kayo na ho ba si sir Achilles?" Tanong ni Lala, ang pinakamatagal nang waitress sa kanila. "Alam niyo ho chef, suki rito si sir Achilles kaya kilala namin siya. Hindi niyo lang alam kasi palagi kayong nagkakampo sa 100b ng kusina.""Oo nga po, chef," sabad naman ni Jessa na may kinikilig na ngiti sa mga labi. "Dito palaging kumakain si sir Achilles.""Oo nga po," dagdag naman ni Tala. "At saka alam mo chef, kapag lumalabas ka noon sa kusina dahil nandito ang walang kuwenta niyong ex-fiancé, palagi kang tinititigan ni sir Achilles."Doon na tumaas ang kilay niya at itinuro ang sarili. "Ako? Tinititigan niya?""Oho." Mabilis na tumango-tango si Lala. "Totoo 'yon, chef. Masyado ka nga la
HUMINGA siya ng malalim saka tumayo. Nanlalamig ang kamay niya dahil sa pinaghalong galit at kabang nararamdaman. Nang buksan niya ang pinto ng opisina at lumabas siya, hindi niya nagawang ihakbang ang mga paa lalo na nang makitang nakatingin sa gawi niya si Kyle at ang sekretarya nito.Nagbaba siya ng tingin at akmang tatalikod at babalik sa 100b ng opisina ng may brasong yumakap mula sa likuran niya saka may bumulong sa tainga niya."Go on." It was Achilles. He caressed the side of her waist as though to tell her it would be fine. "Nasa tabi mo lang ako. Ipakita mo sa kanila na hindi ka apektado. Because the more you show them that they have an effect on you, the more they will show up here just to get into your nerves."Bahagyan siyang bumaling kay Achilles at nakagat niya ang pang-ibabang labi ng mapansing malapit lang pala ang mukha nito sa mukha niya. At nahigit niya ang hininga ng gawaran siya nito ng halik sa mga labi."Go on, agåpi mou." Hinalikan nito ang likod ng tainga niy
HABANG abala si Leah sa pagku-kuwenta ng sales nila sa araw na iyon, si Achilles naman ay naka-upo lang sa visitor's chair at nakikigamit ng Wi-Fi sa opisina. Kanina pa niya ito pinapaalis kasi wala naman itong ginagawa pero ayaw talaga nitong umalis sa restaurant nila.Napatigil si Leah sa pagku-kuwenta ng narinig niyang nagsalita si Achilles."Do you like egg tart?""Oo. Lalo na ang egg tart sa Lord Stow's Bakery pero malayo naman 'yon dito samin. Mga one hour drive siguro." Tumingin siya kay Achilles na abala pa rin sa harapan ng cellphone nito. "Bakit mo naman naitanong?""l saw it. It looks tasty." lhinarap nito sa kanya ang screen ng cell phone. "See? The best egg tart in Asia. Matatagpuan iyon sa Lord Stow's Bakery sa Macau. May branch sila rito pero mas masarap siguro kapag doon sa Macau bumili."Tinaasan niya ito ng dalawang kilay. "So nakikigamit ka sa Wi-Fi namin para maghanap ng makakain?"Nginitian siya ni Achilles. "Naghahanap ako ng pagkain na masasarapan ka."Natigilan
ITINIGIL ni Achilles ang Ducati sa labas ng gym ni Elyes, ang kaibigan niyang half-Turkish, half-Filpino. Kasosyo niya ito sa ibang negosyo sa iba't-ibang panig ng mundo kaya naman naging malapit silang magkaibigan. He considered Elyes his best friend. Alam nito ang lahat ng tinatago niyang kadiliman sa pagkatao niya.Bukas pa ang gym pero wala namang tao. Nakasara na rin ang ibang ilaw pero ayos lang. Alam niyang naroon pa sa loob si Elyes. Dito kasi ito naglalagi pagkatapos ng trabaho nito sa Law Firm nito.Mabilis siyang tumakbo patungo sa pinto ng gym at kaagad niyang hinubad ang basang leather jacket ng makapasok siya. Sunod niyang hinubad ang t-shirt niya at mabilis na lumapit sa punching bag na naroon. With no gloves to protect his fist, he started punching the bag.Lahat ng galit at frustrasyon na nararamdaman niya ay inilagay niya sa bawat suntok na pinapakawalan niya. He never stopped until he was out of breath. Even then, he still kept on punching. At nang maramdamang nanga
"MOON CAKE, bakit ba hindi mo ako pinapansin?" Abol hanggang bubong ng bahay nila ang inis ni Achilles habang nagtatanong. "Wala naman akong ginawang masama sayo. Bakit ba?"Umismid ang asawa niya saka tumagilid ng higa, malaki na ang tiyan nito kaya dahan-dahan ang galaw nito. "Ayoko sayo. Ang baho mo."Holy fuck!Napanganga siya at napakurap-kurap. "Moon cake naman, e. Alam mo ba kung ilang beses na akong nagpalit ng pabango para lang hindi ako mabaho sa pang-amoy mo?"Inirapan siya nito. "Pakialam ko naman. Mabaho ka, kaya lumayo ka sa'kin!"Achilles gritted his teeth in so much annoyance. Pilit niya itong iniintindi kasi nga buntis, pero may mga pagkakataon na naiinis talaga siya.Galit na lumabas siya ng silid niya at malalaki ang hakbang na umalis sa bahay nila. Bibili siya ng bangong pabango. Mababaliw siya kapag hindi pa siya pansinin ng moon cake niya. It's been two days!Achilles sighed and went to the nearest store to buy new cologne. Nang makabili siya, kaagad siyang bumal
NAGISING si Achilles nang parang may humaharang sa ilong niya at hindi siya makahinga nang mabuti.Iminulat niya ang mga mata at napabuntong-hininga na lang nang makitang natutulog ang apat na taong gulang niyang anak na si Rivas sa mukha niya.Nasasanay na itong natutulog sa tabi nila ni Leah. At pagdating ng umaga ay nakadapa na ito sa mukha niya kaya hindi siya makahinga. Ang maliliit nitong paa ay nasa leeg niya at ang ulo ay nasa may buhok na niya. At ang tiyan nito ay nasa mukha niya.Dahan-dahan niyang tinanggal ang anak sa mukha niya, saka inilapag ito sa malambot na kama.Natigilan si Achilles nang makitang gumalaw ito. Akala niya ay iiyak pero kumipot uli ang cute nitong bibig.A soft chuckle awakened his senses. Bumaling siya sa pinanggalingan n'on ay agad siyang napangiti."Morning, moon cake.""Hey, baby." Dumukwang si Leah palapit sa kanya, saka hinalikan siya sa mga labi. "Pasensiya na, ha? Hindi ko nailipat si Riva dito sa kama. Nagigising, eh.""Good morning." Ngumiti
THEN the priest's voice filled the plane. "l now pronounce you, husband and wife." Bumaling ito kay Achilles. "You may now kiss your bride."Achilles grinned. "Thanks, Father. Kanina pa ako magtitimpi, eh." With that, he pressed their body together and crashed his lips on hers.Agad naman niyang tinugon ang halik nito at yumakap siya sa leeg ng asawa.Achilles was the one who pulled away. "l love you, moon cake.""l love you too, baby," namumungay ang mga matang sabi niya, saka siya naman ang sumiil ng halik sa mga labi nito."Congratulations, my friend!" sigaw ni Elyes. "Umpisa na ng pagiging undetstanding mo."Naghiwalay ang mga labi nila ni Achilles at humarap sila kay Elyes at sa mga kaibigan nito na panay ang congratulate sa kanilang dalawa."Congratulations," sabi ng ama ni AchillesEveryone was silent. Lahat na kaibigan ni Achilles ay nakatingin dito.Tumingin muna sa kanya ang asawa bago sumagot. "Thanks." Halatang pilit ang pagiging mabait nito.Ngumiti ang ama ni Achilles, s
PEOPLE said that happiness was so hard to chase, not easy to have and it could be easily taken away from you. But for Achilles Kostas Williams, happiness had a name. And she was Leah Olaer. His very lovely bride."Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na 'to," wika ni Elyes na umiiling-iling pa. "Siguradong hindi ka na makikipag-inuman sa 'kin. Hindi na tayo magbabonding. Wala na."Gustong kutusan ni Achilles ang kaibigan. "Montenegro, mag-aasawa ako, hindi magpapakamatay. Kung makapagsalita ka naman parang namamaalam na ako."Mahinang natawa ang kausap. "Hindi ka ba namamaalam? Sasakalin ka na—este, ikakasal ka na."Achilles rolled his eyes. "Montenegro, huwag kang madrama. Baka pagkamalan tayo.""Hindi pa ba?" Malakas na tumawa ang loko. "Sabi nga ni Shun, may future daw tayo, eh." 'Mang-asar ka pa." Iniumang niya ang kamao."Bubugbugin kita, pangako iyan."Elyes shook his head while chuckling hard. "l can always get into your nerves, huh?""Isn't that what they called friends
HINDI makagalaw si Achilles nang makalapag ang eroplanong sinasakyan. Naninigas ang buong kalamnan niya. Nakakuyom ang kamao niya at pakiramdam niya ay nanlalamig siya."Well, Achi, my friend, halika na," sabi ni Elyes na sumama sa kanya.Huminga siya nang malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob. Pagkatapos ay tumayo siya at pinilit ang mga paa na ihinakbang palabas ng eroplano.The moment his feet touched the Japan's soil, he cringed.Pero kailangan niyang makita si Leah. Ayaw na niyang mawalay ito sa kanya. Sa paglipas ng mga araw na hindi niya nakikita ang babae, natatakot siya na baka nga hindi na ito bumalik.The need to see her was much stronger than his hate to this country.Inakbayan siya ni Elyes. "Handa ka na? Halika na at hanapin natin ang ospital kung saan naroon ang ama ni Leah. Alam mo naman siguro kung nasaan."Tumango siya. "Sinabi sa 'kin ni Leah nang tumawag ako kagabi.""Good. Good." Tinapik nito ang balikat niya. "Let's go." Pilit ang bawat hakbang ni Achilles
DALA ni Achilles ang aso ni Leah at saka isang box ng moon cake habang papasok sa bahay niya. Excited na siyang makita ang nakangiti at masayang mukha ni Leah kapag nakita nito ang aso at ang moon cake."Moon cake?" tawag niya rito nang makapasok sa bahay. "Moon cake?"It's already past six, kaya nasisiguro niyang nakauwi na ito ngayon."Moon cake, I have something for you!" sigaw niya habang nakatingala sa hagdanan. "Come down, moon cake!"Naghintay siya ng ilang minuto pero walang bumaba. He sighed and went to his room. Napakunot ang noo niya nang makitang wala doon ang babae.Mabilis siyang bumaba at nagtungo sa kusina. No one was there. Inilapag niya ang box ng moon cake sa island counter at ang aso sa sahig, saka tinawagan si Leah.Error in connection.His frowned deepened even more. Nandoon pa ba ito sa restauraant? Why couldn't he contact her? He was starting to panic. Nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso niya sa kaba at nanlalamig ang mga kamay niya.Fuck! Sana nama
PAGKATAPOS nilang kumain, agad na bumalik sa pagtatrabaho si Achilles. Si Leah naman ay hinugasan ang pinagkainan nilang pinggan.Naiinis na tinapos niya ang ginagawa. Akala niya maguusap sila pero hayun, trabaho na naman. Nairita siya rito. Nakakainis! Nagagalit siya actually. Nanggigigil at nagtatagis ang mga bagang niya."Argh!" Nagpapadyak siya, saka nagtungo sa sala kung saan naroon si Achilles.Achilles was already busy working. Pero hindi niya hahayaang mapigilan siya n'on.Nilapitan niya ito. "Achilles, puwede ba tayong magusap?" tanong niya."Puwede bang mamaya na?" tugon nito nang hindi man lang tumitingin sa kanya. "Tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko, 'tapos mag-uusap tayo."Kinagat ni Leah ang pang-ibabang labi sa iritasyong naramdaman. "Baka madaling-araw ka na naman matapos diyan. Please, mag-usap muna tayo?"Achilles didn't stop working. "Leah, mamaya na, please? Kailangan kong gumawa ng report tungkol sa nangyaring aksidente, hinahanapan ako ng board. At saka kailanga
LUMIPAS ang mga araw, wala pa ring narinig si Leah mula kay Achilles. She was starting to get irritated and annoyed. Hinihintay niyang tanungin siya nito tungkol sa napag-usapan nila pero wala.Achilles stayed silent.And nakakairita pa, palaging trabaho ang inaatupag nito. Kung hindi busy sa harap ng laptop ay wala naman itong sa bahay at halos gabi na kung umuuwi.His reason? Work.Argh!At ang mas nakakabuwisit, ni minsan ay hindi siya nito hinalikan o hinawakan man lang. Basta na lang itong parang robot na tatabi sa kanya ng higa sa kama at kinabukasan ay wala na.In short, malamig ang pakikitungo ni Achilles sa kanya. Doon niya naisip na baka pinaglalaruan lang siya nito. Siguro kasama iyon sa plano ng lalaki. Maging mabait, paasahin siya, saka hindi siya papansinin.Maloloka na siya sa kakaiisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Wala naman siyang lakas ng loob na magtanong dito kasi natatakot siya sa magiging sagot nito.Nagpatuloy na lang siya sa pagiging alipin niya.Naglilin
MAAGANG nagising si Leah at wala na sa tabi niya si Achilles. Nang lumabas siya ng kuwarto at hinanap ito, natagpuan niya ang lalaki sa sala at abala na naman sa harap ng laptop. He seemed focus on what he was doing.Natulog ba ito? Napailing-iling na lang siya. Whatever he was doing seemed really important. Kaya naman nagtungo siya sa kusina, nagtimpla ng kape, saka inilapag iyon sa mesa, katabi ng laptop nito."Thanks, moon cake."Leah wasn't expecting a reply, but he did. At tinawag uli siya nitong moon cake. Good heavens! Would she dare hope? O naghihiganti lang ito? Huwag naman sana."Welcome," tugon niya.At dahil ayaw niyang maistorbo ito sa ginagawa, doon siya nagkape sa labas ng bahay. Dala-dala ang tasa, umupo siya sa hagdan at sumimsim ng kape habang nakatingin sa mga pine trees na nakapaligid sa bahay.Hanggang sa maubos ang kape niya ay nanatili siyang nakaupo sa hagdanan sa labas ng bahay. She liked looking at the fog hovering the pine trees. It looked eerie wonderful.B