Share

Chapter 15: Zack's Anger

Habang mahimbing na natutulog si Amy sa ospital, hindi maalis sa isip ni Zack kung gaano kasakit para kay Amy ang malaman na wala na ang kanilang anak. Kahit na dalawang buwan pa lamang iyon, kitang-kita ni Zack kung gaano kamahal ni Amy ang kanilang anak, kahit hindi pa ito lumabas sa mundo.

Biglang tumunog ang telepono ni Zack, at nakita niyang si Vanessa ang tumatawag. Agad na dumilim ang kanyang ekspresyon, ngunit sinagot niya pa rin ang tawag.

“Babe! Seryoso ka? Hindi ka sumipot,” reklamo ni Vanessa, puno ng inis ang kanyang boses. “Talagang pinili mo ang babaeng 'yon kaysa sa akin? Oh my gosh, Zacky!”

“Nasaan ka?” malamig na tanong ni Zack, pinuputol ang pagsasalita ni Vanessa.

"i'm at your house. Nandito si Tita,” walang pakialam na sagot ni Vanessa. Pinatay ni Zack ang tawag, nagpipigil ng galit. Pagharap sa kapatid niya, sinabi niya, “Quen, can you stay here for a while. i'm just going to fix something.” Kita sa mukha ni Zack ang galit habang papalayo siya.

"Sure kuy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status