Follow the f avebook page: Pariahrei Stories
Chapter 50 “Huwag mong kalimutan na magpasalamat kay Kuya Igor, ha,” ani SK nang mabanggit ang tungkol kay Igor na siyang nagbigay sa kanya ng pangontra sa lason. D-mn that deadly bullet. It almost took his life. Hindi pa siya pwedeng mamatay! Marami pa siyang gustong gawin kasama ang asawa niya. Ni hindi pa nga naipapanganak ang panganay nila, babawiin na agad ang buhay niya? “Kasalanan niya kung bakit ako nabaril.” Gusto niyang umingos kaya lang baka pitikin ni SK ang nguso niya. Kaya nga humingi siya ng tulong sa kapatid ng asawa niya para huwag ng malagay sa alanganin ang buhay niya. Pero, sadyang may sapak din yata sa utak si Igor dahil sinama-sama pa siya kahit alam nitong hindi basta-basta ang mga kumidnap kay Leveyna. They’re not a normal syndicate nor terrorist that he was fighting over the years in service. Ibang klase ang mga iyon. Ang grupo yatang iyon ang isa sa mga mortal na kaaway ng Sigma. “Kahit na. Ma
Chapter 51 Napatingin siya kay Igor nang umupo ito sa harap niya. Ang mga mata nito ay nasa telibisyon din. “You know them?” Atubiling umiling siya. “Napapanood ko lang sa TV.” “Hindi ka ganon tumingin. You seem curious with Torillo. May atraso ba siya sa iyo?” Sumeryoso ang mukha nito na para bang isang sabi niya lang na may ginawang masama sa kanya ang lalaking iyon ay hindi ito magdadalawang isip na iganti siya. “Iyong babae kasi na katabi niya,” tinuro niya ang telibisyon. “Nasa labas siya ng mansyon kanina. Sabi niya siya raw ang mama ko.” “You believe her?” Saglit siyang natahimik nang bumalik sa kanyang isipan ang mukha nito nang makita niya nang malapitan. May pagkakahawig talaga sila ng babae. Sapat na ba iyong dahilan para sabihing ito nga ang tunay niyang ina? “Gusto mo bang tingnan ko kung nagsasabi siya ng totoo?” Mukhang naintindihan ng kapatid niya na bagaman may pagdududa si
Chapter 52 Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Sunshine Kisses sa tunay niyang ina sa kabila ng ilang buwan na ang nakalilipas mula nang pormal na makilala niya ito. Mabibilang lamang kasi sa mga daliri niya ang ilang beses nilang paglabas-labas. “How’s my granddaughter? What’s her name again?” tanong ni Glaiza sa kanya habang eleganteng umiinom ng tsaa sa harap niya. Inimbitahan siya nito sa bahay ng asawa nitong senador. Nakilala niya na rin ang step son nitong si Bernard—anak ni Senator Torillo sa unang asawa. “A-Alexi Vitoria po, Mommy.” May bumikig sa lalamunan niya dahil walong buwang gulang na ang kanyang anak ay hindi pa rin nito alam ang pangalan. Isa sa mga napansin niyang ugali nito ay hindi ito magiliw sa mga bata. Isang beses pa nga lang nito nakita si Baby Tori. Dumalaw ito sa bahay ng mga Almeradez dalawang linggo matapos niyang makalabas sa hospital. “Alexi. Such a beautiful name.” Sa kabila ng edad,
Chapter 53 (Part 1) “Huwag mong ki-kidnapin ang anak ko ha?” sita ni Sunshine Kisses kay Cassiopea nang makitang naglalakad ito pabalik-balik sa pwesto nito habang karga-karga si Baby Tori. “Ang kyut-kyut naman ng baby na iyan. Milyonarya ako panigurado kapag pinagbili ko ‘to.” Tinaliman niya ng tingin ang matalik na kaibigan. Ngali-ngali niya itong sabunutan at agawin si Baby Tori. “Ikaw ang nag-ere?” “Hindi,” tawa nito. Pinagh ahalikan nito si Tori sa pisngi na ikinahagikhik ng anak niya. Ang mga mata nito ay kumikislap sa bawat tama ng sikat ng araw. “Ang ganda-ganda ng mata. Kapareho nina Sir Ali at Sir Nix.” Relax na sumandig siya sa dati niyang swivel chair na ngayon ay pag-aari na ng empleyadong pumalit sa kanya. “Akalain mo iyon, ang nagtatago palang asawa mo ay si Sir Ali naman talaga,” malakas itong tumawa kaya napatingin sa kanila ang mangilan-ngilan na empleyadong nagla-launch sa kanya-kanyang working station. “Dine-demonyo pa kita noon n
Chapter 53 (Part 2) Bastos si Bernard sa hapag-kainan. Binabara nito ang sariling ama—mas lalo na ang kanyang mommy, kapag may ikinkwento o ipinagmamalaki man ang mag-asawang Torillo. “The head of finance will contact you for the information funds that the empire will give.” Ngumisi si Roger dahilan para makita ang sungki-sungki nitong mga ngipin. “Hindi nga ako nagkamali na tanggapin si SK.” Hindi niya naitago ang pagngiwi. Para kasing sinasabi na napilitan lang ito na tanggapin na may anak ang mommy niya dahil makikinabang ito sa kanya. Sa ilang sandali, gusto niya ng hilahin si Alejandro patayo at lumayas na sa bahay na iyon. Subalit natigilan siya nang makita ang kinang sa mga mata ng kanyang ina. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na nakita niya si Glaiza na maaliwalas ang bakas ng mukha, hindi napipilitan ang ngiti at nagsusumigaw ng kasayahan ang mga mata. Hindi talaga siya nito ginusto!
Chapter 54 Agad na nakita ni SK ang kanyang asawa nang makarating siya sa hardin ng mansyon. Mayabang ang ngisi ni Alejandro habang karga-karga nito si Baby Tori na nagb-baby talk na naman at bibong-bibo na kumakawag-kawag ang mga paa’t kamay na para bang naiintindihan nito ang sinasabi ng ama. Nasa bahagi ng hardin na nasisikatan ng pang-umagang araw ang dalawa. “What? You look like daddy? Kamukha mo rin si Mommy.” Bumungisngis si Tori bago nanghahaba ang maliit nitong bibig. Gigil naman si Alejandro na pinaghahalikan ang anak sa pisngi’t leeg. Kapwa nangingislap sa kasayahan ang magandang uri ng kulay asul na mga mata ng mag-ama niya. “Da…da.” Kapagkuwan ay napatingin ito sa kanya. Awtomatikong tumaas ang kamay nito at kumawag-kawag para abutin niya. “Ma..ma, m-m.” “Good morning,” agad siyang h inalikan ni Alejandro sa labi nang tuluyan siyang makalapit sa mga ito. Wala na ito sa tabi niya nang ma
Chapter 55 (Part 1)(ESPEGEE!!) Dumiin pa ang pagkakalapat ng mga labi niya sa labi ni Alejandro habang nakaupo siya sa kandungan nito. They were kissing and this is one of the rare moments where she was being aggressive. Mainit ang pagkakalapat ng palad ng kanyang asawa sa baywang niya. Kapagkuwan ay humaplos nang agresibong tinugon niya ang h alik nito—pinapakalma siya sa samu’t-saring bumbagabag sa kanya. Nang kagat-kagatin nito ang kanyang pang-ibabang labi, dinilaan niya ang ang gilid ng bibig nito bago habol ang hiningang humiwalay siya. “You okay?” lasing ang mga matang tanong sa kanya ni Alejandro. Hindi siya sumagot bagkus ay inilapat niya lamang ang kanyang bibig sa pisngi nitong tumutubo na naman ang maliliit na balbas. Nakakaintinding inayos nito ang pagkakaupo niya paharap rito bago siya niyakap. Ang kamay ay humahaplos pa rin sa kanyang baywang—gumagawa ng bilog at paminsan-minsan ay pumi
Chapter 55 (Part 2) Kumunot ang noo ni Alejandro nang mapansin ang cellphone niyang nasa gitna ng kama. Nabitawan niya iyon kanina dahil sa panghihina nang tuluyan siyang manginig sa ibabaw ng kanyang asawa. Napahagikhik siya nang nagsalubong sa pagtataka ang mga kilay nito nang makita ang sarili sa screen ng cellphone niya. Yinuko siya ng asawa at pailalim niya itong sinulyapan. “You don’t have a plan selling this to p orn site, right?” Malakas siyang natawa at inagaw rito ang cellphone niya. “Para lang ito sa mga mata ko.” “P inagnanasaan mo ako. Ah, my wife.” “Feeling ka. Ikaw nga crush mo na ako dati pa kahit matanda ka na.” Nakangising inirapan niya ito habang inililipat sa folder na may security password ang ‘rated-spg’ na larawan ni Alejandro. “Gusto mong magsimula, huh? Who’s this woman who cannot resist my charm?” “Ikaw ang nag-offer na maging kabit ko!”