Hindi ko alam kung anong mas matimbang—ang kaba sa dibdib ko o ang poot na bumabalot kay Terrence. Sa bawat segundo, ramdam ko ang malamig na panlalamig ng dugo ko, lalo na’t alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya natitiyak na ligtas ako.Pero paano kung hindi lang ito isang beses mangyari? Paano kung mas malala pa ang susunod?“Greg, sundan natin siya,” utos ko, kahit nanginginig ang tinig ko. Hindi ko kayang manood lang. Hindi ko kayang hintayin kung anong posibleng gawin ni Terrence. Kilala ko siya—kapag galit siya, hindi siya nagdadalawang-isip. Mabilis namang sumunod sakin si Greg na kahit iika-ika dahil napuruhan ang kanyang mga paa. Napatingin ako sa paligid. Ang mga bodyguard kong duguan, si Shinon na halos hindi na makagalaw. Si Denver na nakahilata na lang sa sahig. Si Axel na natulala na sa bugbog. Pero wala akong oras para sa kanila ngayon. Hindi ko magawang isipin ang iba maliban kay Terrence.“Makakapag maneho ka pa kaya?” hindi siya sumagot kaagad. Dinaing ni
Malayo pa lang ako sa campus, ramdam ko na ang mga matang nakabantay sa bawat galaw ko. I tightened my grip on my bag strap, inhaling deeply as the car slowed down in front of the university gates.Nang bumaba ako, hindi ko na kinailangang lumingon para malaman na nasa paligid lang sila—ang mga bodyguard na iniwan niya para bantayan ako. Ilang linggo na rin simula noong halos hindi na ako makahinga sa higpit ng seguridad sa paligid ko. Hindi na ako makagalaw nang hindi may sumusunod sa akin.“Besss!!!”I barely had time to react bago ako niyakap ni Xander nang sobrang higpit, halos mapaatras ako. His floral perfume mixed with the strong scent of coffee, a familiar combination I hadn’t realized I missed. Medyo naduwal ako dahil naalala kong sensitive ako sa perfume ni Xander. “Kaloka! Nagbago na ako ng pabango, mabaho pa rin?” aniya at inamoy ang sarili. Tumawa ako sa kanya. Napanguso naman siya na parang bata. “Where the hell have you been pala girl?!” He pulled back, holding my sho
Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang binabaybay namin ni Terrence ang kalsada. Akala ko, pagkatapos ng lahat ng nangyari, makakahinga na ako nang maluwag. Pero may kung anong bigat pa rin sa dibdib ko. Parang may kulang."Raisha, may gusto ka bang kainin?" tanong ni Terrence habang nagmamaneho.Umiling lang ako. Wala akong ganang kumain.Napabuntong-hininga siya. "Baka kailangan mong magpahinga. Ilang araw ka nang halos walang tulog."Hindi ko na nasagot si Terrence. Napalingon ako sa isang madilim na sulok ng kalsada. Doon, may isang maliit na batang nakaupo sa gilid ng bangketa. Madungis, walang sapin sa paa, at nanginginig sa lamig. Pero hindi iyon ang nakakapagpatigil sa puso ko.Kilala ko siya."TERRENCE, HUMINTO KA!" halos pasigaw kong utos.Nagulat siya pati na yung driver namin. Ganun din yung ginawa ng mga nakasunod sa aming mga sasakyan na bodyguard.“Boss, bakit huminto?” rinig kong tanong ng isa sa mga bodyguard ko sa radio ng driver. Hindi ko na hinin
Nanginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa kawalan. Ang sinabi ng kidnapper noon ay bumalik sa isipan ko na parang isang malupit na bangungot. Hindi ba talaga ako lulubayan ng kamalasan sa buhay? Alam kong nakakatakot ang pinasok ko dahil buhay ang nakasalalay sa bawat minuto. Pero ang masali sa usapan ang buhay ng mga mahal kong pamilya, parang hindi ko makakaya.“Ipapalaglag ang bata o mawala ang pamilya?” Ito na ba ‘yun? Ito na ba ang kapalit ng desisyon kong ipaglaban ang isang inosenteng buhay na nasa sinapupunan ko. Anak, hindi ka pa man nailalabas at malayo ang lalakbayin natin para mabuo ka, may mga tao na agad na ayaw sa presensya mo. May mga tao na agad na gusto kang mawala sa mundo. Mga taong halang ang kaluluwa na handang pumatay kahit gaano ka pa kainosente sa buhay. “Raisha,” mahinang tawag ni Terrence. Hinaplos niya ang aking pisngi. Dinig ko ang pag-aalala sa kanyang boses, pero hindi ko siya magawang tignan. Hindi ko kayang ipakita sa kanya kung gaano ako kasira n
Nakita ko kung paano makipaglaban si Terrence—mabilis, walang takot, parang hindi iniinda ang panganib ng bawat putok ng baril na umaalingawngaw sa paligid. Wala siyang pakialam kung daplis o diretsong tama ang aabutin niya. Lahat ng galaw niya, sigurado. Lahat ng putok niya, walang mintis. Parang sanay na sanay siya sa ganitong laban, tulad ng mga bodyguards kong parang mas nag-eenjoy pa kaysa kinakabahan. Para bang laro lang ito sa kanila. Isang madugong laro kung saan ang buhay ang kapalit ng pagkakamali.Napasinghap ako at mahigpit na niyakap si Roman. Nanginginig ang buong katawan niya habang mahigpit na tinatakpan ang kanyang tainga. Ganito siya palagi kapag naiingayan. Gusto ko ring takpan ang sarili kong tainga—gustong tumakas sa reyalidad na nasa gitna kami ng barilan, pero hindi ko magawa. Mas gusto kong protektahan si Roman kaysa takasan ang bangungot na ‘to.Hindi ko alam kung gaano pa katagal ‘to. Ang alam ko lang, ang daming nagbuwis ng buhay ngayon. Para sa akin. Para p
Mabilis ang lahat ng pangyayari. Halos hindi ko ma-process ang mga nangyayari sa paligid ko. Isang iglap lang, may bumagsak na lalaki sa harapan ng sasakyan namin. Hindi ko pa lubos na naiintindihan ang nangyayari nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril.Nagkaroon ng butas ang bintana sa tapat ko.Napasinghap ako. Kung hindi lang ako mabilis na napayuko, baka ako na ang tinamaan ng bala. Nanginginig ang buong katawan ko, ngunit bago pa ako makakilos, hinila ako ng lalaking may hawak sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba gusto niya akong protektahan o gusto niya lang akong manatiling buhay para sa taong nag-utos sa kanya."Montenegro!" Sigaw ng isa sa mga tauhan ng kidnapper. "Huwag kang makialam dito!"Ngunit hindi natinag si Lucas. Isang putok lang ng baril ang pinakawalan niya at agad bumagsak ang isa pang lalaki sa tabi ng sasakyan. Kitang-kita ko kung paano niya kinalas at ni-reload ang baril na para bang sanay na sanay siya rito. Parang si Terrence noon, wal
Mabilis akong hinila papalayo habang ang puso ko ay parang dinudurog sa bawat hakbang na lumalayo kay Lucas. Hindi ako makapaniwala. Paano nangyari ‘to? Bakit bigla akong nadamay sa gulong ‘to? Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa—"Bilis, Raisha!" Napatingin ako sa lalaking may hawak sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko, pilit akong ipinapasok sa isang itim na sasakyan."Sino ka ba?!" sigaw ko habang pumipiglas. "Anong gusto niyo sa akin?!"Napapikit ako nang biglang lumipad ang isang bala malapit sa amin. Sinamantala ng lalaki ang pagkakataon para mabilis akong isakay sa loob. Saka ko lang napansin na tatlo sila. Ang isa ay nasa driver’s seat na, habang ang isa pa ay may hawak na baril, binabantayan ang paligid."Raisha, kung gusto mong mabuhay, tumahimik ka na lang muna!" mariing sabi ng lalaking nasa tabi ko.Nagsimula nang umandar ang sasakyan, mabilis na lumalayo sa lugar kung nasaan si Lucas. Para akong binabayo ng matinding emosyon. Hindi ako dapat umalis! Dapat kasa
Sobrang bigat ng mga revelation sa araw na ito. Parang inisang bagsak sakin ng tadhana ang problema. Sobrang bilis din ng pangyayari, pwede bang taym pers muna? Parang hinahabol ako sa bilis ng tibok ng puso ko. At hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang mundong pati sa Montenegro isisiksik pa sakin. Hindi ko naman na hinahangad na makilala ko ang biological family ko, okay na ako na may kinalakihan pamilya kahit hindi ko kadugo, kuntento na ako sa pagiging magandang mahirap at naging pokpok kalaunan na naging daan para maging asawa ng isang Terrence Ashford. Hindi ko na hinahangad ng napakalaking koneksyon o kayamanan para maging tagapagmana o kilalanin ng kung sino. Sapat na ako sa kung anong meron ako. Pero bakit ngayon pa? Kung kikilalanin ako bilang Montenegro, bakit ngayon pa? Kung kailan natanggap ko na ang lahat. Kung kailan naranasan ko ang hirap, ang gutom at maabuso, bakit ngayon lang? Ang daming tanong sa isip ko. Ang dami kong gustong isumbat. Hindi ko lang alam kun
Raisha's POVAng dilim ng paligid ay tila sumasalamin sa gulo ng isipan ko. Nasa loob kami ng isang abandonadong safehouse—sira-sira ang mga pader, may mga basag na bintana, at ang amoy ng amag ay kumakapit sa bawat sulok. Pero sa kabila ng lahat, dito ako dinala ni Terrence matapos kaming habulin ng mga tauhan ni Xander."You need to rest," sabi niya, habang inaayos ang lumang sofa na may punit-punit na upholstery. "It’s not much, but it’s safe—for now."Umupo ako, hawak-hawak ang tiyan ko. Ramdam ko ang pagod ng mga anak ko sa loob. "Salamat," mahina kong tugon.Tahimik siyang umupo sa tabi ko, ang mga mata'y nakatuon sa akin. "Raisha, I know this is overwhelming. But I need you to trust me."Tumingin ako sa kanya, pilit inaalala ang mga alaala na tila nawala. "I want to, Terrence. But I don't remember anything."Huminga siya ng malalim, ang kanyang mga mata'y puno ng sakit. "I understand. But know this—I will do everything to protect you and our children."Napayuko ako, pinipigilan
Raisha's POVMABILIS ANG HAKBANG ko kahit hindi ko alam kung saan ako patungo. Parang ang ingay ng mundo kahit tahimik naman ang paligid. Pati ang mga huni ng ibon sa Malesice Park, parang biglang naging sigaw na humahabol sa akin. Tuluy-tuloy ang iyak ko habang pinipilit kong itago ang sarili sa lilim ng mga puno. Kahit sobrang sakit ng puson ko, hindi ako huminto. Kinakabahan na baka maabutan ng mga humahabol sakin. Mabuti na lamang at nakalayo ako sa isang lalaki kanina, narinig ko na tinawag niya ako sa aking pangalan. Mukhang hindi rin mapagkakatiwalaan. Madami talaga ang gusto akong saktan pati na ng mga anak ko. Kailangan naming makalayo. Kailangan ko silang protektahan. “My twins… kapit kayo kay Mommy ha… kailangan nating lumayo, kailangan nating maging ligtas…”Bawat hakbang ko ay parang may tinatakasang multo. Hindi lang si Xander. Hindi lang 'yung mga kasabwat niya. Kundi pati ang sakit ng mga kasinungalingang tinanggap ko bilang totoo. Bakit ba kasi nawalan ako ng alaala?
Raisha’s POVGAYA ng inaasahan ko ay sinamahan ulit ako ni Xander. Pero sa ibang park niya ako dinala, dito sa Malesice Park. Hindi ko alam kung bakit pero ang tahimik ng lugar na ’to. Para bang... pinipilit akong kalmahin kahit ang gulo-gulo sa loob ko. The trees sway lazily, and the scent of fresh grass lingers in the air. Nakakagaan. Nakakapanatag. For the first time in weeks, parang nakakahinga ako nang maluwag.I look down at myself. Suot ko pa rin ’yung simple cream-colored knitted dress na pinili ni Xander para sa akin kaninang umaga. Soft, stretchy, and comfortable for my seven-month baby bump. Sabi niya bagay daw sa ’kin. That it makes me look calm and gentle—exactly what I don’t feel inside.Napahawak ako sa tiyan ko. My baby. The only thing that keeps me grounded. The only proof that I had a past before everything blurred into nothing.“Are you okay?”Napalingon ako kay Xander. Nakaupo siya sa tabi ko, isang siko nakapatong sa backrest ng bench habang nakatitig sa akin. His
Raisha’s POVMay kakaiba.Hindi ko maipaliwanag kung anong pakiramdam ‘to pero simula pa lang kanina habang nakaupo kami ni Xander sa park, parang may mabigat na bumabalot sa paligid, lalo na rin sa pagitan naming dalawa. Akala ko pagod lang ako. O baka dahil buntis ako kaya overreacting ako sa mga simpleng bagay. Pero the way he looked at me kanina... hindi siya ‘yung Xander na kilala ko. Hindi siya ‘yung bestfriend ko. ‘Yung taong nag-aalala sakin palagi. ‘Yung laging masaya. Maingay. Malambing.Kanina, habang nakatitig siya sa kawalan, parang may ibang tao sa loob ng katawan niya. Ibang mata. Ibang lakad. Ibang kilos. Parang anytime may sasabog sa kanya. "Rai, tara, need na natin umuwi… magpahinga ka na." Napatango na lang ako. Umakbay siya, and I leaned into him, gaya ng nakasanayan. Pero sa loob-loob ko, tinatanong ko ang sarili ko—bakit parang may lamat na sa tiwala ko sa kanya? Bakit parang may tinatago siya?Madalas kong mapanaginipan ang mga piraso ng aking alaala—yung hind
Xander's POVI've always been a good actor. The kind of actor who knew how to smile with sincerity, laugh with ease, cry with sympathy. Pretending to be Raisha’s gay best friend was the easiest role I ever played—because I got to stay close to her, protect her… or so she thought.The truth? I never wanted to protect her. I wanted to use her. Siya lang naman kasi ang sagot para mapabagsak ko ang mga kumakalaban sakin. At mas lalo kong pagbubutihan ang actingan ko para mas makuha ko ang loob niya. Lalo pa’t wala siyang maalala ngayon. Alam kong nag-iisip din itong babaeng ito. Hindi pa rin mawawala sa dugo niya ang pagiging Montenegro, mauutak at tuso. I clenched my fists. Montenegro tss. Totoo naman ang sinabi ko kay Raisha na yung Kuya niya ay minurder ang isang clan na naglelead kung na saan siya. Ang clan na mayroong 350 katao, pinatay niya lahat ng mag-isa lang. Ang tindi ng galit ni Lucas nung malaman niyang nawawala ang kapatid niya. Isama pa ang galit ng isang Terrence Ashford n
"Boss, there’s movement in Prague. May nakapagsabi sa isa sa ating mga sources, a woman matching Raisha’s description was seen escorted out of a safe house by the Luceros."Carlos’ voice cut through my thoughts like a blade. I turned to him, jaw clenched. "Show me."He tossed a folder onto the table. Inside were blurry surveillance photos. A woman with her face partially covered, but those eyes—God, those eyes looked like hers."She’s under heavy guard," Lucas said. "It’s like they’re hiding a ghost."A twisted grin spread across my face. "Then it’s time we haunt them."Within hours, we were in the air. The jet roared across the sky while my mind screamed louder. This could be it. Another shot. Another piece to the puzzle. And even if it wasn’t her—Someone would bleed for daring to pretend.We arrived in Prague under cover of night, our people already deployed. I watched the monitors from our mobile command center as we tracked the convoy. I didn’t blink. I couldn’t. I sat forward, e
Terrence’s POVThe jet hadn’t even fully stopped when I was already out of my seat, fingers gripping the armrest like it owed me answers. My lungs burned with every breath. Hawaii’s night air met me with a warm breeze, but it didn’t calm the storm that was ripping through my chest.Lucas trailed right behind me, his stance tight, every muscle in his body ready to strike. Neither of us said a word. We didn’t need to. The silence between us screamed louder than bullets—this was it. We’d followed the trail across oceans, through blood and betrayal, and it led us here: a secluded beach house at the edge of Oahu.It looked peaceful. Untouched. The kind of place lovers would disappear to, not a battlefield.But I wasn’t here for peace.I was here for my wife.My boots landed hard on the wooden path leading to the house, the creaking under my weight syncing with the crash of waves in the distance. The smell of the sea lingered in the air—salt, sand, and something sharp underneath it. Metal.
Terrence's POVI swirled the deep red wine in my glass, watching the way it clung to the sides before taking a slow sip. The silence of my office was deafening, a stark contrast to the chaos in my mind. My fingers tapped against the wooden desk, the weight of regret pressing down on me like a fucking vice.I had spent months drowning in my own torment, every breath a reminder of what I had lost. The moment Raisha disappeared, my world crumbled, leaving nothing but an empty shell of the man I used to be.Our home felt like a graveyard—cold, lifeless, filled with memories that mocked me at every turn. Her scent still lingered on our sheets, a cruel ghost that haunted my sleepless nights. Every time I closed my eyes, I could see her—her soft, tear-streaked face, the pain I had carved into her heart, the fear in her eyes when she walked away from me.And fuck, I let her go.What kind of man does that? What kind of husband, what kind of father?I was supposed to be a goddamn mafia boss, po
Malamig ang simoy ng hangin sa loob ng kwarto, banayad na dumadampi sa aking balat habang nakadungaw ako sa malawak na bintana ng hotel namin ni Xander. Isang linggo na kaming nasa Hawaii—malayo sa gulo, sa ingay, at sa mga taong pilit akong hinahabol. Pero kahit gaano kalayo, hindi ko matakasan ang sarili kong isip.Dahan-dahan kong hinaplos ang tiyan ko, pinapakiramdaman ang munting kiliti na parang paalala—hindi na ako mag-isa. Hindi pa halata, pero alam kong nariyan siya. Ang anak ko. Isang lihim na kahit ako, hindi ko pa rin lubos na maintindihan.Paano kung bumalik ang alaala ko? Paano kung ang katotohanang pilit kong tinatakasan ay bumalik at guluhin ang tahimik kong mundo?"Rai? Okay ka lang ba?"Narinig kong tanong ni Xander mula sa likuran, mababa ang boses niya, parang nag-aalalang baka masyadong malakas ang tunog ng mundo para sa akin ngayon.Napalingon ako sa kanya at tipid na ngumiti. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong tinanong niyan sa loob ng isang linggo