She open her eyes slowly and furrowed her brows as she saw the unfamiliar ambiance of the room around her. Gray na kisame ang unang tumambad sa kanyang mga mata.
Puno ng pagtatakang iginala niya ang paningin. Muli, napapikit siya ng makaramdam ng pagkahilo at pagkirot ng kanyang ulo. Pinilit niyang igalaw ang kanyang katawan pero parang napakabigat ng kanyang pakiramdam at...
'Bakit parang may mabigat na bagay na nakadagan sa bandang tiyan niya?
'Bakit masakit ang buo niyang katawan?'
At..
'Bakit kumikirot ang bahaging 'iyon' sa pagitan ng kanyang mga hita?
Bigla siyang napadilat, agad na inikot ang mata sa gilid niya kung saan nararamdaman niya ang mainit na hanging bumubuga sa bandang leeg niya--para lamang magulat at manlaki ang mga mata nang makita ang mukha ng isang lalakeng nakapikit at tila himbing na himbing na natutulog sa gilid niya. Ang buong mukha nito ay nasa balikat niya at bahagya pang nakasiksik sa bandang leeg niya.
Nang i-angat niya ang kumot, lalo siyang nagimbal ng makitang kapwa silang nakahubad sa ilalim non at nakayakap pa sa may tiyan niya ang isang kamay ng lalakeng iyon.
Agad niya itong itinulak at nagpabalikwas ng bangon. Hinila niya agad ang kumot at itinakip sa kanyang katawan.
Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig ng matanto niya kung ano ang posibleng nangyari sa kanilang dalawa kagabi.
"Hey.. What's wrong?" Pupungay-pungay pa ang mga mata nito ng magmulat.
"Si..sino ka?" histerikal na tanong niya.
Kumunot naman ang noo nito at sandali siyang tiningnan, pagkunwa'y parang balewalang inabot nito ang towel sa mesita na nasa gilid ng kama at itinakip nito sa hubad din nitong katawan, hinilot-hilot pa nito ang ulo na tanda na kumikirot din iyon.
"Sumagot ka..! S..sino ka? Anong ginawa mo sa akin?" sa nanlalaking mga matang sigaw niya, nag u-umpisa ng mamuo ang kanyang mga luha.
"Hey.. What's really wrong with you woman?" Umiling-iling ito, saka ngumisi na lalo niyang ikinagalit.
"Anong ginawa mo sa akin hayop ka?!"
Sandali itong napakunot noo sa sinabi niya, pero maya-maya ay napataas din ang kilay.
"Ganyan ba talaga ang dapat na reaksyon ng mga gaya mo matapos na makipag-sex sa nagdaang gabi? aaktong inosente kinabukasan?"
Lalong kumunot ang kanyang noo sa tinuran nito.. 'Gaya mo?.. Aaktong inosente?'
"Well, alam ko na.. You want some extra payment for your job well done last night--" tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa saka muling nagtaas ng kilay, na para bang disgustadong-disgustado ito sa kanya.
Doon lang na sinc-in sa utak niya kung ano ang mga pinagsasabi nito.
'Pinagkamalan ba siya nitong isang babaeng bayaran?
"Just tell me honestly miss.." Ngumisi itong muli. "hindi mo na kailangang umakto ng ganyan, you don't have to play some tricks to get what you want!" tumayo ito saka dinampot ang pantalon at boxer nito at isa-isang isinuot.
Umiling-iling siya. Ang kaninang pamumuo niyang luha ay sunod sunod ng naglandas sa kanyang mga pisngi.
Sunod-sunod siyang napalunok, nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa kumot na tanging nakatakip sa kahubaran niya, her knees were trembling too na kung hindi lang yon bahagyang nakasandig sa gilid ng kama ay kanina pa siya bumigay at natumba.
Mariin siyang napapikit.
'Please if this was some kind of nightmares, can someone please wake her up?'Pero ng magmulat siya at tumambad parin sa kanya ang silid na iyon at ang lalakeng iyon na nagbibihis ay tuluyan na siyang napahagulgol. Hindi iyon panaginip, hindi rin yon bangungot, totoong nasa loob siya ng silid na iyon, nakahubad at ang nakakagimbal pa ay ang katotohanang may nangyari sa kanila ng estrangherong yon ng nagdaang gabi!
Ang lalakeng ni sa panaginip ay hindi niya pa nakikita.
Paanong nangyari yon? Bakit wala siyang matandaan?
Ang huli niyang natatandaan ay binigyan siya ni Antonette ng isang baso ng alak kagabi sa party, pagkatapos non wala na siyang matandaan sa sumunod na mga nangyari.
Hindi kaya..
Did they drugged her?
Oo nga, bago siya tuluyang nawalan ng malay at sa malabong anag-ag ng diwa niya may nakita pa siyang dalawang lalakeng palapit sa kanya.
'Isa ba ang lalakeng ito sa lumapit sa kanya kagabi?
Sigurado na siya ngayon, maaring nilagyan ng gamot ang inumin niya kagabi, hindi siya naniniwalang sa isang shot lang ay mawawalan siya ng malay.
Someone drugged her and..
'God..! She was raped by this man!'"Walang hiya ka!" Muli, histerical niyang sigaw sa naisip. "Pinagsamantalahan mo ako, hayop ka!"
"What..?" gulat na sambit nito, maya-maya, rumehistro sa mukha nito ang pagkainis "raped?.. did you just said that I raped you?" Sarkastiko itong tumawa.. tawa na pakiramdam niyang nang-iinsulto pang lalo.
"Wag na wag mo akong pagbintangan sa isang bagay na hindi ko ginawa miss.." may diin nitong sabi.. "Kung naaalala mo ang nangyari kagabi, mas ikaw itong nagbigay ng motibo sa akin na ankinin ka.. and here you are acting like a victim.." nagtiim ang mga bagang nito.. "Don't play naive miss, because that.." Umiling-iling ito "...won't work with me!, kung iyan ang paraan mo para humuthot pa ng pera sa akin bukod pa sa naibayad ng mga kaibigan ko sayo kagabi.. Just tell me--"
Kinuha nito ang wallet nito at humugot doon ng iilang libuhing papel.. Saka initsa sa kama.
"Here..! Siguro naman sapat na iyan para hindi ka na umarte pa ng ganyan!"
Sinundan niya lang ng tingin ang perang yon na nakakalat ngayon doon sa kama, hindi na siya makapagsalita, pati yata mga boses niya ay tuluyang sumuko kasabay ng panghihina ng kanyang katawan sa sinabi nito.
"I know every kind of woman like you.." madilim ang anyo nito at nanunuot ang tingin sa kanya.
"You can't fool me miss! Pero dahil nasiyahan naman ako sa serbisyo mo kagabi, I think you have the right to earn that extra payment.. tip ko na yan sayo!" dugtong pa nito bago siya nito tuluyan tinalikuran at tinungo ang pinto.
Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kama, blanko ang isip, hindi na niya alam kung anong gagawin niya, sasabog yata ang utak niya sa sobrang pagkabigla.
Hindi na niya alam kung gaano siya katagal na nanatili doon, at nang mahimasmasan siya ay pinilit niyang tumayo kahit hinang-hina ang pakiramdam niya, napangiwi pa siya ng muli, naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang kaselanan.
Inut-inot siyang nagbihis, sandamakmak parin ang luha na umaagos sa kanyang mga mata, hanggang sa mga Sandaling iyon hindi parin siya makapaniwalang nangyari nga iyon sa kanya.
Kinuha niya ang kanyang bag, Mapait siyang ngumiti, dapat ba siyang magpasalamat na sa kabila ng nangyari sa kanya ay nagising pa rin siyang naroroon ang bag niya? Should she thank him for at least he have the decency to bring her bag along with her? Hindi iyon nawala gaya ng pagkawala ng kanyang malay at kanyang pagkababae, dinala ba yon doon ng lalakeng yon?
Wala sa sariling dinampot niya iyon, unang hinanap ang kanyang cell phone, isang tao lang ang makakapagsagot sa lahat ng mga katanungan niya.. si Antonette ang kaibigan niyang kasama niya kagabi.
Nanginginig ang mga daliri na hinanap niya ang number nito sa phonebook niya saka di-nial, Ngunit napuno siya ng panlulumo ng answer machine lang ang sumagot sa kanya, 'cannot be reach'.
Mas lalo siyang kinabahan, 'hindi kaya, tulad niya may nangyari ring hindi maganda dito?'
Sa naisip, dali-dali niyang ibinalik ang cellphone sa kanyang bag at wala sa sariling dinampot iyon, hilam sa mga luha ang mga matang tinungo niya ang pinto.
Dagli pang nasagi ng mga mata niya ang perang naka-itsa sa kama ng dumaan siya, pero hindi na niya inabalang tapunan pa iyon ng tingin.
'Hindi niya kailangan ang perang iyon!
'Iyon lang ba ang katumbas ng pagka babae niyang nasira ng gabing iyon? Iyon lang ba ang kabayaran sa pagkatao niyang nilapastangan ng lalakeng iyon?
Nanghihina ang mga tuhod niya habang nakasakay sa elevator pababa sa ground floor ng hotel, kinailangan niya pang humawak sa pader ng elevator para hindi siya tuluyang mabuwal.
ANG apartment nila ni Antonette ang una niyang pinuntahan, subalit laking gulat niya ng sabihin ng landlady nila na nagmamadali raw itong umalis kaninang madaling araw, bitbit nito ang lahat ng mga gamit nito at may kasamang lalakeng umalis.
Sinubukan niya ulit itong tawagan, pero gaya ng nauna, answer machine lang din ang sumagot sa kanya.
Bakit pinatay nito ang cellphone nito?
Bakit nagmadali itong umalis?
Hindi kaya..
Ang sinabi ng lalakeng iyon na binayaran siya ng mga kaibigan nito, si Antonette ba ang tumanggap ng perang iyon kapalit niya?
Ito rin ba ang naglagay ng hinala niyang gamot sa inumin niya kung kayat nawalan siya ng malay?
Naalala nga niya, ito ang nag abot sa kanya ng alak kagabi.
'Did she betrayed her?'
'She did,' iyon lang ang tanging sagot sa kung bakit bigla itong umalis at hindi na niya ito makontak.
Ibinenta siya nito sa hayop na iyon!
Nanlulumong napaupo si Jade sa hagdan ng ikalawang palapag ng apartment ng matanto nya iyon. Pakiramdam niya sasabog ang puso't isipan niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya.
Napahagulhol siya.
Paano ito nagawa sa kanya ng taong pinagkatiwalan at itinuring niyang kapatid?
Paano nito nagawang sayangin ang halos tatlong taon nilang pagkakaibigan?
At higit sa lahat.. paano na siya ngayon?
Anong gagawin niya?
Nadagdagan pa lalo ang sakit ng kanyang ulo sa mga katanungang iyon. Katanungang hindi niya alam kung ano ang kasagutan.
Pinilit niyang ibaon sa limot ang nangyari sa kanya ng gabing iyon. Sinikap niyang ipagpatuloy parin ang kanyang buhay sa kabila ng pakiramdam niyang may kulang na sa kanyang pagkatao. At gaya nga ng inaasahan niya. Hindi na niya nakita pa si Antonette sa second sem ng pasukan. Bigla itong naglaho na parang bula matapos ang nangyari sa kanya ng gabing iyon. Doon niya higit na napatunayan na tama ang hinala niyang ito ang may kagagawan kung bakit nangyari yon sa kanya. Sinarili niya ang pangyayaring yon. Pinilit niyang maging masaya sa harap ng pamilya niya nong umuwi siya sa kanilang bahay sa Buenavista para doon mag pasko at bagong taon. "Dalawang linggo lang naman ang bakasyon ninyo, sana hindi ka nalang umuwi." Sa pagitan ng pagsubo sabi sa kanya ng kanyang ina. Napataas siya ng tingin. "Wala naman po akong gagawin sa manila 'ma." "Kahit na, mas mabuti yung manatili ka nalang doon para mas makatipid sana tayo, yung da
Mga boses na nag uusap ang una niyang narinig habang unti-unting bumabalik ang kanyang diwa. Nang imulat niya ang mga mata nasa kanyang kwarto na siya. Una niyang nakita ang tiimbagang na mukha ng kanyang papa. Napakunot-noo siya ng makita ang madilim nitong anyo habang nakatingin sa kanya. Naroon din ang kanyang madrasta, taas kilay at tila nang-uuyam ang mga matang nakatuon sa kanya. Ang kuya Darwin niya ay nakasandig sa may pinto at nakasalikop ang mga braso at nasa kanya rin ang tingin. Masyadong tahimik at ewan niya kung bakit ang katahimikang iyon ay nag-iiwan ng matinding kaba sa kanyang dib-dib. "A..ano po ang nangyari?" Basag niya. "Sino'ng Ama?" Her Father cold voice thunder the whole room. Napatingin siya rito. "Huh..?" "Tinatanong kita Jedea, Sino ang ama niyang pinagbubuntis mo?" Halos
Puting kapaligiran ang unang sumalubong sa kanya ng magmulat siya ng mata."Gising ka na pala," anang isang ginang na nakaupo sa gilid ng kanyang kama "nakita ka namin kanina na hinimatay kaya dinala ka na namin dito sa ospital."Wala sa sariling inikot niya ang kanyang tingin, doon niya pa lang napansin na hindi nag iisa ang ginang. Sa may pader ng ward na iyon may isang lalakeng nakasandig habang nakasalikop ang mga kamay sa dib-dib at mataman siyang tinitingnan.Matangkad ang lalake, naka puting t-shirt, faded na maong at rubber shoes, medyo mahaba ang buhok nito, matangos ang ilong at mga matang tiim na nakatitig sa kanya."Ako nga pala si Cecilia Romero at ang anak kong si Alex," sabi nong babae saka sandaling binalingan ang lalakeng iyon na nakasandig pa rin sa may pader."Baka gusto mong tawagan natin yung pamilya mo para malaman nila ang nangyari sayo baka nag aalala na
Five years later..Nagmamadaling bumangon si Jade ng makitang mag aalas sais na ng umaga sa wall clock na nakasabit sa bandang paanan ng kanilang kama. Halos takbuhan niya ang banyo.Late na siya sa kanyang trabaho!Tiningnan niya ang alarm clock at napamura siya ng makitang hindi iyon umaandar. Kagabi lang maayos pa iyon ng i-set niya ah? Kung kailan kailangang maaga siyang papasok sa hotel saka pa iyon nasira.Agad siyang pumasok sa banyo at dali-daling naligo. Pagkalabas niya, derecho siya sa tokador at nagsuklay ng buhok, hindi na siya nag abalang i-blower pa iyon. Pagkatapos ay dali-dali rin niyang isinuot ang kanyang uniporme. Isang polo shirt na may naka embroidery na pangalan ng pinagtatrabahuhang hotel sa bandang itaas ng dib-dib at isang slack pants na kulay itim. Matapos ring isuot ang kanyang sapatos ay lumabas na siya sa kanilang kwarto. Hinak
Pakiramdam niya tinakasan siya ng lakas ng makilala ang lalakeng iyon. Nanginginig ultimo ang kaliit-liitang bahagi ng kanyang mga ugat.Napakapit siya sa braso ni Cynthia na noo'y nasa kanyang tabi. Kailangan niyang gawin iyon dahil kung hinde, pakiramdam niya mahubuwal siya sa kanyang kinatatayuan.Bigla naman itong napatingin sa kanya. Naramdaman siguro ang kanyang panghihina at ang nanlalamig niyang mga kamay."Okey ka lang Jade?" kunot noong tanong nito. Bakas sa mukha ang pag-aalala. "Teka.. namumutla ka ah?" dali-dali nitong sinalat ang kanyang noo.She open her mouth to somehow speak but then her voice won't come out. She was so shocked that even her throat were trembling.How could she ever forget that man's face? Ito ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang lahat, kung bakit kinamuhian siya ng kanyang pamilya, kung bakit muntik ng mawala ang papa niya.Pi
It was as if, time stop and the world just revolve to the two of them. Nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa kanilang dalawa. His eyes remain in her, still staring at her intently. At base sa reaksyon nito, alam niya nakikilala siya nito.Nagtiimbagang siya saka taas noo at buong tapang na sinalubong ang mga mata nito. While his eyes was gentle, ang kanya ay nag aapoy sa galit! She can feel her blood boils with just the mere sight of him.Nakakasuka!Na kung pwede lang niya itong pagsasampalin ng mga oras na iyon nang hindi siya mae-eskandalo ay gagawin niya.Oh how she hates him! she really hates him to the moon and back!"Napasyal ka sir Adrian?"Boses ni manager Leo ang gumising sa kanyang kamalayan.Agad siyang tumabi ng maramdaman ang paglapit nito.Adrian eyes were still drifted on her. Ramdam niyang naka
"Miles and Jade, palitan ninyo yung kurtina at bed sheet sa room 208. Hindi gusto ng guest yung kulay ng kurtina doon at ang bed sheet. Avery and rica room 189, nag check out na si Mr. Solis" Sabi ng head supervisor nilang si Mrs. Sofia Manuel.Araw-araw bago sila mag umpisa ng kani- kanilang trabaho ay ipinatitipon muna sila nito sa may locker room at ibinibigay ang kani- kanilang mga gagawin para sa araw na iyon."Benjie paki-check yung gripo sa villa kwatro, sabi kasi ni Mr. Lacsamana, tumutulo daw ang gripo niya doon.""Ako na po ang bahala doon ma'am sofie," si Benjie.Tumango ito saka muling binalingan ang iba pa nilang kasamahan at binigyan rin ng kanya-kanyang gawain.Kanya-kanya na rin silang alis matapos ang maiksing pagtitipong iyon at gaya nga ng inutos sa kanila, naroon sila ngayon sa kwartong 208 sa ika pitong palapag ng hotel.
"Ipinatawag ka daw ni sir Adrian?" kuryosong tanong ni Cynthia ng mag-pang abot sila sa locker room. "Bakit?" halos bulong lang ang boses nito. Ingat na ingat na baka may makarinig sa kanila."Nagtanong kung bakit ako nag resign. The nerve, may lakas pa ng loob!""So, naalala ka niya?""Oo!" matigas niyang sabi."Anong sabi? nag sorry ba?"Sarkastiko siyang napatiimbagang. "Sa tingin mo ang mga kagaya niya, marunong humingi ng tawad?""Nagtanong lang talaga kung bakit ka nag resign? Walang reminiscent about the past? Walang paliwanag?"Mapait siyang ngumiti. "Magpaliwanag man siya, hindi na niyon mababago ang mga nangyari at hindi na niyon maibabalik ang mga nawala sa akin. Hindi na niyon maiibsan ang lahat ng hirap at sakit na dinanas ko, kaya anong silbi non?"Napakagat labi ito. Sandaling natahimik, tin
AUTHOR'S NOTEThis is the final chapter.. Thank you so much guys for reading my story till this very end. Thank you for the never ending support, to my AE and SE, thank you so much. Words are not enough to express how happy and thankful I am right now. I am where I am because of you guys. Thank you.. thank you... thank you. Hanggang sa muli.. Shanelaurice<<<<<-->>>>>Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi matapos na ibaba ang kanyang cellphone. Gladness was in her heart after that talked.Matagal ring panahon na hindi sila nag-usap ni Arie. After that incident four years ago ay hindi na sila muling nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Umalis ito ng bansa and settled in Paris kung saan ito naging full time model ng isang sikat na kumpanya.Noon pa man alam nitong napatawad na nila ito, but still, she choose to stay away from them at piliin ang karerang magpapaligaya rito at magpapalimot sa mga masamang nangyari.
---Cynthia--Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti sa nakikita niya sa kanyang harapan. It was a picture of a happy and contented family. Kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito ang hindi matatawarang kaligayahan. At masayang-masaya siya para kay Jade, para sa kaibigang saksi siya kung ano ang pinagdaanan at kung anong klaseng hirap ang naranasan.Seeing her this happy with her husband and two angels made her tears form at the corner of her eyes. Alam niya magiging maligaya na rin ito sa wakas. Lihim niyang kinuha ang kanyang cellphone at kinunan ang mga ito ng larawan. The scene infront of her is pictured perfect. Hanggang sa sasakyan na sila ni Darwin ay minamasdan-masdan niya ang larawang iyon.Naramdaman niya ang pag-abot nito sa kanyang kamay at mahigpit iyon na hinawakan. "Magiging masaya rin tayo kagaya nila Cyn. We will be a complete family and live happily like them kasama ng anak natin at magiging anak pa. I
Six months later...Nagising siya sa kalagitnaan ng madaling araw na humihilab ang kanyang puson. Napahawak siya sa kaumbukang iyon kasabay ng pag-ngiwi ng maramdaman ang paggalaw niyon. Dahil sa nangyari ay mas lalong nadepina ang sakit. "A..Ade.." baling niya sa asawang himbing na natutulog sa kanyang tabi."A..Ade.." ulit niya, marahan niyang niyugyog ang braso nito."Hmm.." nagmulat naman ito ng mga mata na tila naaalimpungatan pa. "May problema ba sweetheart?" paos nitong tanong na iniyakap pa sa kanya ang kanang braso at sumiksik pa sa bandang leeg niya.Pinaglapat niya ang kanyang mga labi. "M..Masakit ang tiyan ko.." mahinang sabi niya."Do you want me to get something to eat?" tila wala pa rin kamalay-malay na sabi nito. Buong akala siguro nito na gutom lang siya kaya sumasakit ang tiyan niya. He was used to her waking up in the middle of the night to eat. Umuling siya. "I.. it's different this time,
"J..Jade?"Kitang-kita niya kung paano nawalan ng kulay ang mukha nito habang gulat na nakatingin sa kanya. Sunod-sunod rin itong napalunok."A..Antonette.." Kung nagulat ito ay higit siya. Hindi niya inaasahan na magtatagpo pa ang landas nilang dalawa. Nakalimot na siya. Kinalimutan na niya ang ginawa nito sa kanya. But fate really play it's part in between them. And of all places sa lugar pa na iyon sila muling nagkita. All this time, naroroon lang pala ito. What a coincidence, ang kaibigan niyang ibinenta siya ay naroroon lang pala sa lugar ng lalakeng bumili sa kanya!Hindi man diretsang si Adrian, pero dito pa rin siya ineregalo nina Thorne at Fred. And Antonette was the main culprit. Ito ang tumanggap ng pera mula sa dalawa in the exchange of her.Ngayon nakita niya itong muli, hindi maiwasang hindi manariwa sa kanya ang mga ala-ala ng nakalipas na limang taon. Bumalik lahat. Lahat-lahat."Sweetheart do you know Annette?" Boses ni A
--ADRIAN--Namumungay ang mga matang minasdan niya si Jade habang mahimbing na natutulog. She is breathing high and low, kita niya iyon sa dib-dib nitong taas-baba at bahagya pang nakabukas ang bibig nito.She look so exhausted. Umangat ang gilid ng kanyang mga labi. Paano magiging hindi kung buong magdamag niya itong inangkin kagabi. He made love to her not just twice but thrice. Madaling araw na yata niya itong pinatulog. When it comes to her, para siyang nawawala palagi sa sarili. He always wanted to made love with her, to be inside of her. Hindi siya naging ganoon ka sabik sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. Ngayon lang. Mag-asawa na sila, magkasama bawat oras but still, he keep on missing her, he keep on wanting her.Gaya na lang ng mga sandaling iyon, ramdam na ramdam niya ang pagwawala ng pagkalalake niya habang minamasdan ang maganda nitong mukha.He breath heavily. Pilit na pinapakalma ang sarili. "Hmm.." Bahagya itong umungol.
"Where are we going, hmm?" tanong niya habang marahan na inihilig ang ulo sa balikat ni Adrian habang abala ito sa pagmamaneho.Wala siyang ideya kung saan sila papunta para sa kanilang honeymoon. Hindi pa man natatapos ang reception ng kanilang kasal kanina ay nauna na silang umalis. They just change their clothes at pagkatapos ay hinila na siya nitong muli pasakay sa pick-up nito.He gently rested his head on hers too saka marahan at pilyo na ngiti ang sumilay sa labi."Sa lugar kung saan solong-solo kita." Natatawang tinampal niya ang braso nito."As if naman hindi mo ako nasosolo sa bahay." she playfully hissed. Pero sa totoo lang nae-excite siya sa sinasabi nito."Wala nga yatang gabi na--" napakagat-labi siya. Biglang nag-init ang kanyang mukha ng maalala na halos gabi-gabi siya nitong inangkin. May pagkakataon pa ngang inangkin siya nito sa opisina nito mismo sa hotel and even in the car in broad dayli
READY?" bulong sa kanya ng kanyang Papa saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa nakaabrisiete nitong isa pang kamay.Kung hindi lang dahil sa handgloves niya, mararamdaman na nito ang panlalamig ng kanyang kamay o baka ganoon nga kaya nito iyon hinawakan. She's too nervous that she can't feel her feet on the carpet, sa sobra ngang lakas ng tibok ng kanyang puso ay para na iyon lalabas sa kanyang lalamunan. Pangalawang beses na iyon na ikakasal sila pero hindi pa rin niya maiwasan ang hindi kabahan. She was so nervous at the same time very happy. They begin to walk down the aisle slowly habang kinakanta ang kanilang wedding song. Nang mag angat siya ng tingin, naroon si Adrian nakatayo sa may altar, katabi nito ang kuya Darwin niya na siyang bestman nila sa kasal and Mandy as their maid of honor.Sa kaliwang gilid nila, naroon si Zach, looking so handsome in his little tuxedo, napapagitna ito kina nanay Cely, Alex at kay Cynthia na tulad niya ay halata na
Kita niya kung paano unti-unting nawala ang ngisi sa mukha ni Adrian ng sabihin na niya dito ang tungkol kay Arie. Agad na nagtagis ang bagang nito."She's not herself Ade, kapag nanatili siya doon baka lumala ang kondisyon niya, baka tuluyan siyang mabaliw doon." mahinang sabi niya. Sana makumbinsi niya ito na iurong na lang ang kaso laban sa kapatid."If we're going to let her go, baka ulitin niya lang ang ginawa niya, baka sa susunod mas malala pa dito, God I can't imagine it Jade. Kung alam mo lang ang takot na naramdaman ko sa ginawa niya sa inyo ni Zach!""Siguro naman narealized na niya ang pagkakamali niya, at the end she still save me, binaril niya si Banjo kaya nakaligtas ako."Hindi ito nagsalita, nanatili lang ang tiim na mga mata."She needs to see a psychiatrist para hindi lumala ang kondisyon niya,""How sure are you that she's not faking it?" tanong nito. "Hindi kaya umaarte
Tulalang Arie ang nadatnan niya sa kulungan ng dalawin nila limang araw mula ng makalabas siya sa ospital. Dahil sa hindi pa nag-uumpisa ang hearing ay doon muna ito mananatili sa kulungan ng presinto.Naroroon ito at nakasandal lamang sa pader at tila wala sa sarili na nakatingin lang sa kawalan.Maayos naman ang suot nito. Her stepmother make sure to visit her everyday.Ngayon lang siya nakadalaw rito dahil ngayon lang medyo bumuti ang kanyang pakiramdam at unti-unti na ring naghihilom ang kanyang sugat kaya ngayon niya lang nakita ang kalagayan nito."Arianna Sandoval, may bisita ka!" sabi nong babaeng pulis at binuksan ang selda kung saan ito naroroon.Dagli lang ang pagsulyap nito. Walang emosyon ang mga mata nito ng dumako sa kanya.Pinosasan ito ng isa pang babaeng pulis at ilang sandali lang ay inilalabas na ito sa kulungan para dalhin sa visiting area.Pero hindi niy