Puting kapaligiran ang unang sumalubong sa kanya ng magmulat siya ng mata.
"Gising ka na pala," anang isang ginang na nakaupo sa gilid ng kanyang kama "nakita ka namin kanina na hinimatay kaya dinala ka na namin dito sa ospital."
Wala sa sariling inikot niya ang kanyang tingin, doon niya pa lang napansin na hindi nag iisa ang ginang. Sa may pader ng ward na iyon may isang lalakeng nakasandig habang nakasalikop ang mga kamay sa dib-dib at mataman siyang tinitingnan.
Matangkad ang lalake, naka puting t-shirt, faded na maong at rubber shoes, medyo mahaba ang buhok nito, matangos ang ilong at mga matang tiim na nakatitig sa kanya.
"Ako nga pala si Cecilia Romero at ang anak kong si Alex," sabi nong babae saka sandaling binalingan ang lalakeng iyon na nakasandig pa rin sa may pader.
"Baka gusto mong tawagan natin yung pamilya mo para malaman nila ang nangyari sayo baka nag aalala na ang mga iyon sayo lalo na ang asawa mo. May numero ka ba nila para--"Napalunok siya, doon lang rumehistro sa isip niya kung bakit naroon siya at kung ano ang nangyari bago siya napadpad doon.
Ang Papa niya..!
Dali-dali siyang napabangon ng maisip ang kalagayan ng kanyang ama. Ano na kaya ang nangyari rito? Kailangan niyang bumalik sa ospital kung nasaan ito para malaman kung kumusta na ito.
Pero muli siyang napaupo sa kama ng muling makaramdam ng pagkahilo.
Agad naman siyang inalalayan nong babaeng nagdala sa kanya doon.
"K..kailangan ko pong puntahan ang Papa ko sa ospital ng Buenavista. m..malubha ang lagay niya.. pupuntahan ko po siya.." Sabi niya at muling nagtangkang tumayo, kaya lang hilong-hilo talaga siya.
"Wag ka munang masyadong gumalaw iha, hindi ka pa masyadong magaling. Isa pa baka makasama sa baby mo pag pinilit mong--"
Umiling-iling siya saka tiningnan ang matanda. Nagsimulang mamuo ang kanyang mga luha. Kahit ilang ulit siyang mahimatay at magising, kahit ilang drum pa ng luha ang kanyang iiyakan, hindi na talaga mababago ang katotohanang dinadala niya ngayon ang bunga ng gabing iyon!
Ano ng gagawin niya?
Mas lalong nagalit sa kanya ang madrasta niya, pati yata ang kuya Darwin niya ay galit na rin sa kanya at alam niya ganoon din ang magiging reaksyon ni Arie na sigurado niya sa mga sandaling iyon ay naroroon na sa ospital kung nasaan ang papa niya.
At ang papa niya, paano kung hindi na ito magising?
"Hinde! Ayoko nito! " Mapait siyang napahagulgol, "ayoko sa batang ito!" tigmak sa luha na histerikal niya at kanyang pinasusuntok-suntok ang impis pa niyang puson."Ayoko nito!"
Gulat naman ang matandang babae sa ginawa niya. Dali-dali nitong hinawakan ang makabila niyang mga braso at ipinirmi sa kanyang gilid.
Naramdaman niya rin ang pagdiretso ng tayo nung lalakeng kasama nito at kung hindi pa siya marahil tumigil ay nakahanda itong patigilin siya sa pagsakit niya sa kanyang sarili.
"Tama na iyan iha, tama na.." sabi nong babae saka siya niyakap.
"Sana pinabayaan ninyo nalang akong mamatay doon! Sana iniwan ninyo nalang ako. Ayoko na.. Ayoko nito!" sa mahihinang piglas ay sambit niya.
Mas lalo lamang humigpit ang yakap nito sa kanya.
At doon sa mga bisig nito ay tuluyan siyang bumigay. Lahat ng pait, lahat ng sakit, lahat ng kanyang mga hinanakit ay ibinuhos niya doon sa bisig ng babaeng ni hindi niya matandaan ang pangalan.
Sa mga bisig nito, nakaramdam siya ng kapayapaan, hindi man niya maintindihan kung bakit? pero doon ay napayapa ang kalooban niya.
Kapayapaan na kay tagal na yata niyang hindi naranasan mula noong namatay ang Lola niya.
Nagpatuloy siya sa mahinang paghikbi. Inalo-alo naman siya nong babae. Walang salita o katanungang namutawi sa mga labi nito, basta niyakap lang siya nito hanggang sa tuluyan siyang nanghina at tumigil sa mahinang pagpupumiglas.
NAROON pa rin siya sa ospital ng muli siyang magising. Naroroon pa rin ang babae pero wala na doon ang lalakeng kasama nito.
Doon pa lang siya nakaramdam ng pagkapahiya ng matanto niya kung anong klaseng pang abala ang kanyang nagawa.
"P..pwede ninyo na po akong iwan," Sabi niya at pinilit na makaupo sa kama.. "P..pasensiya na po talaga sa abala at salamat po sa ginawa ninyo."
Ngumiti ang matandang babae.. "Wala yon iha, kahit sino naman siguro ang nakakita sayo kagabi, ganoon rin ang gagawin."
She doubt that. Hindi lahat ng tao ay gaya nitong may mabuting kalooban.
"Pasensiya na po talaga," pinilit niyang ngumiti. " pwede ninyo na po akong iwan, m K..kaya ko na po."
Nananantya ang tingin nito sa kanya. "Ilang taon ka na iha?"
Napatingin siya sa mukha nito. Kaya ba ito nagtatanong dahil hindi rin itong makapaniwalang napakabata niya pa para mabuntis?
Tiim siyang napalunok saka kagat-labing sumagot. "Nineteen po."
Nineteen and pregnant!' Mapakla niyang naisip.
Ngumiti ito, "Kaedad mo pala ang anak kong babae, si Cynthia, naiwan siya sa bahay namin sa Baguio, pumunta lang kami ng Buenavista para umatend sa kasal nong pamankin ko at pauwi na kami ng makita ka namin doon na nakahandusay," Tumiim ang titig nito sa kanya.
"Hindi mo man sabihin, alam ko mabigat ang problemang dinadala mo iha."
Umiwas siya ng tingin.
"Hindi ko hinihiling na pagkatiwalaan mo ako, lalo na't hindi mo ako kilala pero kung mabigat na masyado, handa akong makinig." Dugtong pa nito at hinawakan ang kanyang mga kamay.
Napatingin siya rito, malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Hindi niya man ito kilala pero masasabi na niyang napakagaan ng loob niya dito. Ang maamo nitong mukha at mainit nitong hawak sa kanyang mga kamay ay nakakagaan ng loob niya.
Kung buhay kaya ang kanyang mama.. ganito rin kaya ang pakiramdam niya?
Ah, siguro kung buhay ang kanyang mama hindi nito hahayaang danasin niya ang lahat ng sakit na dinanas niya, kung buhay lang sana ito, hindi siya nag iisa ngayon at miserable, kung buhay ito, sana may nasasabihan siyang mga problema niya ngayon.
Napatingin siya ulit sa babaeng iyon. 'Mama ipinadala mo ba ang babaeng ito bilang kapalit mo? Pwede ko nga ba talagang sabihin sa kanya lahat ng problema ko?'
Ilang lunok muna ang ginawa niya bago niya nagawang magsalita.
"W..wala po akong asawa," Kagat-labi niyang sabi. " wala rin po akong nobyo."
Naghintay siyang magtanong ito kung paanong nabuntis siya ng wala siyang asawa o nobyo pero hindi nito iyon ginawa. Hinayaan lang siya nito na kusa niyang sabihin ang kanyang problema, ang kanyang mga nararamdaman. Hindi niya ito nakitaan ng pagkadigusto sa kabila ng lahat ng sinabi niya, hindi rin niya ito nakitaan ng mga pagdududa.
Hindi ito nagtanong o nanghusga sa kanya, basta naroon lang ito at nakikinig sa kanya.
Mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kanya matapos niyang sabihin ang lahat dito.
"May awa ang Diyos iha, hindi ka niya pababayaan. Magtiwala lang tayo sa kanya."
Mapait siyang ngumiti. Hanggang sa ngayon hindi niya pa alam kung anong gagawin niya tungkol sa mga nangyayari sa kanya. Isa lang ang gusto niya, ang mabuhay lang ang kanyang papa. Kapag nangyari iyon, ipinapangako niyang hindi na siya magiging pabigat rito, hindi na siya manggugulo, lalayo siya, doon sa lugar na walang nakakakilala sa kanya o sa pamilya nila gaya ng gusto ng madrasta niya.
"Maraming salamat po ulit 'nay Cely." pinilit niyang ngumiti sa matanda ng bumaba na siya sa owner ng mga ito.
Nagpumilit pa kasi ito na ihatid siya sa kanilang bahay sa kabila ng sinabi na niyang kaya niya na ang kanyang sarili.
Tiningnan niya rin ang anak nito na nooy tahimik lang din at tiim ang titig sa kanya. "S.. salamat rin sayo ahm, A..alex, pasensiya na talaga sa abala"
He just heaved a sigh ang then nodded.
"Basta kung may kailangan ka iha, tawagan mo lang ako hah.."
Tumango siya saka kinapa ang munting papel sa kanyang bulsa, isinulat nito ang cellphone number nito sa munting papel na iyon at inilagay sa kanyang bulsa.
Malayo na ang sasakyan ng mga ito ay nanatili pa rin siya sa labas.
Malalim siyang nagpabuntong-hininga bago na tahimik na pumasok sa loob ng kanilang gate at gaya ng piping hiling niya, walang tao sa kanilang bahay.
Diretso siya sa ospital pagkagaling doon. Wala siyang planong magpakita sa kanyang madrasta at kuya niya doon, aalamin niya lang ang kalagayan ng ama at kung mabuti na, Aalis siya gaya ng ipinangako niya sa kanyang sarili.
"Miss pwede ko bang malaman kung nasaan na ang Pa-- si engineer Sandoval?" agad niyang tanong doon sa nurse sa may nurse station, abot langit ang kabang nararamdaman niya ng makitang wala na doon sa ICU ang kanyang papa.
"Si engineer Sandoval po ba ma'am? Sandali lang po.." sabi nito saka binuklat ang tingin niyang patient's record ng kanyang Papa.
Tumango-tango siya. "w..wala na kasi siya doon sa ICU," Napalunok siya, nanginginig ang mga kamay, hindi niya gustong isipin na may nangyaring di maganda sa ama kaya wala na ito doon sa ICU.
"Ah.. nasa kwarto na ma'am, sa room 105. Nailipat na siya kaninang madaling araw matapos maging stable na ang heartbeat niya."
Napapikit siya, sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha, abot langit ang pasasalamat na wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang papa, pakiramdam niya ngayon lahat ng tinik sa kanyang dib-dib ay unti-unting nawawala.
Nagpasalamat siya sa nurse bago siya tumalikod, diretso ang mga paa sa kwarto kung saan naroroon ang ama, gusto niya itong makita bago siya umalis pero napahinto siya at napakubli sa pader ng makita si Arie na nakaupo sa bench sa labas ng kwartong iyon kasama ang kanyang ina-inahan.
Napakagat-labi siya, gustong gusto niyang makita at magpaalam na rin sa ama pero alam niyang hindi iyon makakabuti sa kanilang lahat, baka tulad ng madrasta niya, sisisihin lang din siya ni Arie or worst baka hindi lang sampal ang aabutin niya dito oras na makita siya nito. Knowing her sister's temper, hindi ito mangingiming mag eskandalo doon.
At ayaw niya ng gulo, baka lalo lang iyon makakasama sa kanilang Papa.
Tahimik siyang umalis, bitbit ang backpack na naglalaman ng kanyang mga importanteng gamit ay nilisan niya ang lugar na iyon.
Natagpuan niya ang sarili na nakaupo sa bench doon sa terminal ng bus, maingay ang paligid pero hindi niya iyon alintana, gulong-gulo ang kanyang isip, hindi niya alam kung saan siya pupunta o kung hanggang saan lang ang kayang abutin ng konting pera na kanyang dala.
Kung babalik siya sa manila, sa boarding house niya, hindi rin siya pwedeng tumagal doon dahil hanggang sa katapusan lang ng buwan ng enero ang ibinayad niyang renta doon, isa pa alam ng pamilya niya ang lugar na iyon, hindi nga ba't umalis siya para hindi na siya magiging kahihiyan at pabigat sa mga ito?
Kaya lang saan siya pupunta?
Hindi na niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo doon at nang makabuo ng desisyon ay dali-dali siyang tumayo.
Bahala na..
Iyon ang nasa isip niya ng inihakbang niya ang mga paa papunta sa bus na patungong bulacan.
Babalik siya doon. Sa lugar ng Lola at Mama niya. Ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip.
Pero bago pa man niya nai-akyat ang mga paa sa hagdan ng bus ay may matitigas na kamay ang humawak sa braso niya sanhi para mapahinto siya.
Gulat at puno ng pagtataka siyang napalingon at lalo lamang nanlaki ang kanyang mga mata ng masilayan ang taong iyon na pumigil sa kanya.
"A.. Alex?"
Nang ideretso niya ang tingin, nakita niyang humahangos na papunta sa direksyon nila si Nanay Cely.
"Nay Cely?"
Ngumiti ang matanda saka malamlam siyang tiningnan.
"Saan ka papunta?" agad nitong tanong pagkalapit sa kanila.
"S..sa bulacan po sana,"
"May kilala ka doon?"
Napakagat labi siya, bukod sa Lola niya, wala na siyang ibang matandaan sa lugar na iyon. Ni hindi niya maalala ang mga kapitbahay nila noon.
Umiling siya saka nagbaba ng tingin para lamang mapadako sa braso niyang nanatiling hawak ni Alex.
Napansin naman iyon ng lalake kaya parang napapasong binitiwan siya nito.
Napahalukipkip siya saka umiling.
"Naku.. bata ka, di ba sinabi ko naman sayo na pag kailangan mo ng tulong tawagan mo ako!"
"Ayoko na pong makaabala pang lalo, sobra-sobra na po ang naitulong ninyo kaya--"
"Halika ka na," sabi nito saka hinawakan ang kanyang kamay.
Napa angat ang tingin niya rito. Nagtatanong ang kanyang mga mata.
"Hindi kita pwedeng pabayaan nalang. Hindi ako patutulugin ng konsensya ko. Kung aalis ka rin lang naman, sumama ka nalang muna sa amin."
"P..pero Nay Cely--" gusto niyang tumutol pero lalo lamang humigpit ang hila nito sa kanya.
Napatingin tuloy siya kay Alex na noo'y tahimik lang din na sumusunod sa kanila. Umiwas lang ito ng tingin sa kanya.
Noon lang niya narealized na mula pa pala kahapon ni hindi niya narinig na nagsalita ang lalake.
"May anak rin akong babae, kasing edad mo rin, hindi kaya ng konsensiya ko na pabayaan ka gayong alam ko na may mabigat kang problemang dinadala ngayon"
Napabaling muli ang tingin niya sa harapan.
"Hanggang sa bumuti ang lagay ng iyong ama at kaya mo ng bumalik sa inyo, doon ka nalang muna sa amin."
Napatigil siya, nagsimulang mamuo ang kanyang mga luha, her heart ache. Ang pag-alala at pag aaruga na hindi niya naranasan sa ina-inahan ay nararanasan niya ngayon sa babaeng kakikilala niya pa lamang.
"S..salamat po nay Cely."
Ngumiti ito. "Halika na." muling anyaya nito at hinila na siya papunta sa owner ng mga ito na nakaparking sa di kalayuan.
Five years later..Nagmamadaling bumangon si Jade ng makitang mag aalas sais na ng umaga sa wall clock na nakasabit sa bandang paanan ng kanilang kama. Halos takbuhan niya ang banyo.Late na siya sa kanyang trabaho!Tiningnan niya ang alarm clock at napamura siya ng makitang hindi iyon umaandar. Kagabi lang maayos pa iyon ng i-set niya ah? Kung kailan kailangang maaga siyang papasok sa hotel saka pa iyon nasira.Agad siyang pumasok sa banyo at dali-daling naligo. Pagkalabas niya, derecho siya sa tokador at nagsuklay ng buhok, hindi na siya nag abalang i-blower pa iyon. Pagkatapos ay dali-dali rin niyang isinuot ang kanyang uniporme. Isang polo shirt na may naka embroidery na pangalan ng pinagtatrabahuhang hotel sa bandang itaas ng dib-dib at isang slack pants na kulay itim. Matapos ring isuot ang kanyang sapatos ay lumabas na siya sa kanilang kwarto. Hinak
Pakiramdam niya tinakasan siya ng lakas ng makilala ang lalakeng iyon. Nanginginig ultimo ang kaliit-liitang bahagi ng kanyang mga ugat.Napakapit siya sa braso ni Cynthia na noo'y nasa kanyang tabi. Kailangan niyang gawin iyon dahil kung hinde, pakiramdam niya mahubuwal siya sa kanyang kinatatayuan.Bigla naman itong napatingin sa kanya. Naramdaman siguro ang kanyang panghihina at ang nanlalamig niyang mga kamay."Okey ka lang Jade?" kunot noong tanong nito. Bakas sa mukha ang pag-aalala. "Teka.. namumutla ka ah?" dali-dali nitong sinalat ang kanyang noo.She open her mouth to somehow speak but then her voice won't come out. She was so shocked that even her throat were trembling.How could she ever forget that man's face? Ito ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang lahat, kung bakit kinamuhian siya ng kanyang pamilya, kung bakit muntik ng mawala ang papa niya.Pi
It was as if, time stop and the world just revolve to the two of them. Nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa kanilang dalawa. His eyes remain in her, still staring at her intently. At base sa reaksyon nito, alam niya nakikilala siya nito.Nagtiimbagang siya saka taas noo at buong tapang na sinalubong ang mga mata nito. While his eyes was gentle, ang kanya ay nag aapoy sa galit! She can feel her blood boils with just the mere sight of him.Nakakasuka!Na kung pwede lang niya itong pagsasampalin ng mga oras na iyon nang hindi siya mae-eskandalo ay gagawin niya.Oh how she hates him! she really hates him to the moon and back!"Napasyal ka sir Adrian?"Boses ni manager Leo ang gumising sa kanyang kamalayan.Agad siyang tumabi ng maramdaman ang paglapit nito.Adrian eyes were still drifted on her. Ramdam niyang naka
"Miles and Jade, palitan ninyo yung kurtina at bed sheet sa room 208. Hindi gusto ng guest yung kulay ng kurtina doon at ang bed sheet. Avery and rica room 189, nag check out na si Mr. Solis" Sabi ng head supervisor nilang si Mrs. Sofia Manuel.Araw-araw bago sila mag umpisa ng kani- kanilang trabaho ay ipinatitipon muna sila nito sa may locker room at ibinibigay ang kani- kanilang mga gagawin para sa araw na iyon."Benjie paki-check yung gripo sa villa kwatro, sabi kasi ni Mr. Lacsamana, tumutulo daw ang gripo niya doon.""Ako na po ang bahala doon ma'am sofie," si Benjie.Tumango ito saka muling binalingan ang iba pa nilang kasamahan at binigyan rin ng kanya-kanyang gawain.Kanya-kanya na rin silang alis matapos ang maiksing pagtitipong iyon at gaya nga ng inutos sa kanila, naroon sila ngayon sa kwartong 208 sa ika pitong palapag ng hotel.
"Ipinatawag ka daw ni sir Adrian?" kuryosong tanong ni Cynthia ng mag-pang abot sila sa locker room. "Bakit?" halos bulong lang ang boses nito. Ingat na ingat na baka may makarinig sa kanila."Nagtanong kung bakit ako nag resign. The nerve, may lakas pa ng loob!""So, naalala ka niya?""Oo!" matigas niyang sabi."Anong sabi? nag sorry ba?"Sarkastiko siyang napatiimbagang. "Sa tingin mo ang mga kagaya niya, marunong humingi ng tawad?""Nagtanong lang talaga kung bakit ka nag resign? Walang reminiscent about the past? Walang paliwanag?"Mapait siyang ngumiti. "Magpaliwanag man siya, hindi na niyon mababago ang mga nangyari at hindi na niyon maibabalik ang mga nawala sa akin. Hindi na niyon maiibsan ang lahat ng hirap at sakit na dinanas ko, kaya anong silbi non?"Napakagat labi ito. Sandaling natahimik, tin
Napa atras siya ng makitang unti-unti, naglalakad ito palapit sa kanya. His eyes bore directly into her face and then suddenly a mocking smile crept in his lips. "I clearly remember you told me yesterday that you want to stay away from me. So may i asked why on earth you're here today?" Sarkastiko niya itong tiningnan. Trying to gain her composure. Hindi niya gustong mahalata nitong nanginginig ang kanyang mga tuhod at gustong gusto niya nang tumalikod at tumakbo palayo doon. It was her pride that won't let her! She held her head up high and also give him a mocking smile and god knows how much she avoided her eyes on the lower part of his body. "Hindi pa ba obvious.." Sinenyas niya ang kanyang mga dala. "Oh," Tumaas ang kilay nito. "On duty huh? You can always make an excuse kung ayaw mo talagang pumunta rito para--" Mas lalo pang kumulo ang dugo niya sa sinabi nito. Anong gusto n
Malalim siyang napabuntong-hininga saka pilit na kinalma ang sarili bago lumabas ng restroom. Ngumiti pa siya kay Avery ng masalubong niya ito sa may pasilyo na parang walang nangyari.She's not okey but she needs to looks okey. She need to pretend that she's alright despite the fact that she's not. Ang maapektuhan ang trabaho niya dahil sa personal niyang problema ang kahuli-hulihang bagay na nanaisin niyang mangyari."Jade!"Napatigil siya. Benjie was walking urgently towards her."Papunta na sana ako doon sa villa dos para tawagin ka!"Kumunot ang kanyang noo."Bakit? Anong nangyari?" hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang kinabahan sa tono ng boses nito."May problema sa room 208. Nagwawala at galit na galit yung babaeng guest doon. Nawawala daw yung engagement ring niya. At..at kayo lang naman daw ni miles ang pumasok doon k
"Mama sa tingin mo po, pinanonood tayo ni papa mula sa heaven ngayon?"Napa-angat siya ng tingin sa anak, nagulat kung bakit biglang-bigla ay nagtanong ito ng ganoon.They were already lying in bed at naghahanda na sana para matulog."Sa tingin mo po, masaya siya ngayon sa heaven?" Dugtong pa nito.Hindi niya alam kung bakit? but his innocent question makes her heart ache so much.Hindi ito palatanong tungkol sa ama nito. Ito pa lang yata ang pangalawang beses. Ang una ay noong pumapasok na ito sa school. Maybe some of his classmates asked him about his father kaya itinanong nito sa kanya pagka-uwi.Sinabi niya noon na nasa heaven na ang papa nito at hindi niya akalain na nanatili iyon sa isip nito hanggang sa ngayon.How odd.. He asked question about his father again after a few days she met Adrian.Napalunok s
AUTHOR'S NOTEThis is the final chapter.. Thank you so much guys for reading my story till this very end. Thank you for the never ending support, to my AE and SE, thank you so much. Words are not enough to express how happy and thankful I am right now. I am where I am because of you guys. Thank you.. thank you... thank you. Hanggang sa muli.. Shanelaurice<<<<<-->>>>>Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi matapos na ibaba ang kanyang cellphone. Gladness was in her heart after that talked.Matagal ring panahon na hindi sila nag-usap ni Arie. After that incident four years ago ay hindi na sila muling nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Umalis ito ng bansa and settled in Paris kung saan ito naging full time model ng isang sikat na kumpanya.Noon pa man alam nitong napatawad na nila ito, but still, she choose to stay away from them at piliin ang karerang magpapaligaya rito at magpapalimot sa mga masamang nangyari.
---Cynthia--Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti sa nakikita niya sa kanyang harapan. It was a picture of a happy and contented family. Kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito ang hindi matatawarang kaligayahan. At masayang-masaya siya para kay Jade, para sa kaibigang saksi siya kung ano ang pinagdaanan at kung anong klaseng hirap ang naranasan.Seeing her this happy with her husband and two angels made her tears form at the corner of her eyes. Alam niya magiging maligaya na rin ito sa wakas. Lihim niyang kinuha ang kanyang cellphone at kinunan ang mga ito ng larawan. The scene infront of her is pictured perfect. Hanggang sa sasakyan na sila ni Darwin ay minamasdan-masdan niya ang larawang iyon.Naramdaman niya ang pag-abot nito sa kanyang kamay at mahigpit iyon na hinawakan. "Magiging masaya rin tayo kagaya nila Cyn. We will be a complete family and live happily like them kasama ng anak natin at magiging anak pa. I
Six months later...Nagising siya sa kalagitnaan ng madaling araw na humihilab ang kanyang puson. Napahawak siya sa kaumbukang iyon kasabay ng pag-ngiwi ng maramdaman ang paggalaw niyon. Dahil sa nangyari ay mas lalong nadepina ang sakit. "A..Ade.." baling niya sa asawang himbing na natutulog sa kanyang tabi."A..Ade.." ulit niya, marahan niyang niyugyog ang braso nito."Hmm.." nagmulat naman ito ng mga mata na tila naaalimpungatan pa. "May problema ba sweetheart?" paos nitong tanong na iniyakap pa sa kanya ang kanang braso at sumiksik pa sa bandang leeg niya.Pinaglapat niya ang kanyang mga labi. "M..Masakit ang tiyan ko.." mahinang sabi niya."Do you want me to get something to eat?" tila wala pa rin kamalay-malay na sabi nito. Buong akala siguro nito na gutom lang siya kaya sumasakit ang tiyan niya. He was used to her waking up in the middle of the night to eat. Umuling siya. "I.. it's different this time,
"J..Jade?"Kitang-kita niya kung paano nawalan ng kulay ang mukha nito habang gulat na nakatingin sa kanya. Sunod-sunod rin itong napalunok."A..Antonette.." Kung nagulat ito ay higit siya. Hindi niya inaasahan na magtatagpo pa ang landas nilang dalawa. Nakalimot na siya. Kinalimutan na niya ang ginawa nito sa kanya. But fate really play it's part in between them. And of all places sa lugar pa na iyon sila muling nagkita. All this time, naroroon lang pala ito. What a coincidence, ang kaibigan niyang ibinenta siya ay naroroon lang pala sa lugar ng lalakeng bumili sa kanya!Hindi man diretsang si Adrian, pero dito pa rin siya ineregalo nina Thorne at Fred. And Antonette was the main culprit. Ito ang tumanggap ng pera mula sa dalawa in the exchange of her.Ngayon nakita niya itong muli, hindi maiwasang hindi manariwa sa kanya ang mga ala-ala ng nakalipas na limang taon. Bumalik lahat. Lahat-lahat."Sweetheart do you know Annette?" Boses ni A
--ADRIAN--Namumungay ang mga matang minasdan niya si Jade habang mahimbing na natutulog. She is breathing high and low, kita niya iyon sa dib-dib nitong taas-baba at bahagya pang nakabukas ang bibig nito.She look so exhausted. Umangat ang gilid ng kanyang mga labi. Paano magiging hindi kung buong magdamag niya itong inangkin kagabi. He made love to her not just twice but thrice. Madaling araw na yata niya itong pinatulog. When it comes to her, para siyang nawawala palagi sa sarili. He always wanted to made love with her, to be inside of her. Hindi siya naging ganoon ka sabik sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. Ngayon lang. Mag-asawa na sila, magkasama bawat oras but still, he keep on missing her, he keep on wanting her.Gaya na lang ng mga sandaling iyon, ramdam na ramdam niya ang pagwawala ng pagkalalake niya habang minamasdan ang maganda nitong mukha.He breath heavily. Pilit na pinapakalma ang sarili. "Hmm.." Bahagya itong umungol.
"Where are we going, hmm?" tanong niya habang marahan na inihilig ang ulo sa balikat ni Adrian habang abala ito sa pagmamaneho.Wala siyang ideya kung saan sila papunta para sa kanilang honeymoon. Hindi pa man natatapos ang reception ng kanilang kasal kanina ay nauna na silang umalis. They just change their clothes at pagkatapos ay hinila na siya nitong muli pasakay sa pick-up nito.He gently rested his head on hers too saka marahan at pilyo na ngiti ang sumilay sa labi."Sa lugar kung saan solong-solo kita." Natatawang tinampal niya ang braso nito."As if naman hindi mo ako nasosolo sa bahay." she playfully hissed. Pero sa totoo lang nae-excite siya sa sinasabi nito."Wala nga yatang gabi na--" napakagat-labi siya. Biglang nag-init ang kanyang mukha ng maalala na halos gabi-gabi siya nitong inangkin. May pagkakataon pa ngang inangkin siya nito sa opisina nito mismo sa hotel and even in the car in broad dayli
READY?" bulong sa kanya ng kanyang Papa saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa nakaabrisiete nitong isa pang kamay.Kung hindi lang dahil sa handgloves niya, mararamdaman na nito ang panlalamig ng kanyang kamay o baka ganoon nga kaya nito iyon hinawakan. She's too nervous that she can't feel her feet on the carpet, sa sobra ngang lakas ng tibok ng kanyang puso ay para na iyon lalabas sa kanyang lalamunan. Pangalawang beses na iyon na ikakasal sila pero hindi pa rin niya maiwasan ang hindi kabahan. She was so nervous at the same time very happy. They begin to walk down the aisle slowly habang kinakanta ang kanilang wedding song. Nang mag angat siya ng tingin, naroon si Adrian nakatayo sa may altar, katabi nito ang kuya Darwin niya na siyang bestman nila sa kasal and Mandy as their maid of honor.Sa kaliwang gilid nila, naroon si Zach, looking so handsome in his little tuxedo, napapagitna ito kina nanay Cely, Alex at kay Cynthia na tulad niya ay halata na
Kita niya kung paano unti-unting nawala ang ngisi sa mukha ni Adrian ng sabihin na niya dito ang tungkol kay Arie. Agad na nagtagis ang bagang nito."She's not herself Ade, kapag nanatili siya doon baka lumala ang kondisyon niya, baka tuluyan siyang mabaliw doon." mahinang sabi niya. Sana makumbinsi niya ito na iurong na lang ang kaso laban sa kapatid."If we're going to let her go, baka ulitin niya lang ang ginawa niya, baka sa susunod mas malala pa dito, God I can't imagine it Jade. Kung alam mo lang ang takot na naramdaman ko sa ginawa niya sa inyo ni Zach!""Siguro naman narealized na niya ang pagkakamali niya, at the end she still save me, binaril niya si Banjo kaya nakaligtas ako."Hindi ito nagsalita, nanatili lang ang tiim na mga mata."She needs to see a psychiatrist para hindi lumala ang kondisyon niya,""How sure are you that she's not faking it?" tanong nito. "Hindi kaya umaarte
Tulalang Arie ang nadatnan niya sa kulungan ng dalawin nila limang araw mula ng makalabas siya sa ospital. Dahil sa hindi pa nag-uumpisa ang hearing ay doon muna ito mananatili sa kulungan ng presinto.Naroroon ito at nakasandal lamang sa pader at tila wala sa sarili na nakatingin lang sa kawalan.Maayos naman ang suot nito. Her stepmother make sure to visit her everyday.Ngayon lang siya nakadalaw rito dahil ngayon lang medyo bumuti ang kanyang pakiramdam at unti-unti na ring naghihilom ang kanyang sugat kaya ngayon niya lang nakita ang kalagayan nito."Arianna Sandoval, may bisita ka!" sabi nong babaeng pulis at binuksan ang selda kung saan ito naroroon.Dagli lang ang pagsulyap nito. Walang emosyon ang mga mata nito ng dumako sa kanya.Pinosasan ito ng isa pang babaeng pulis at ilang sandali lang ay inilalabas na ito sa kulungan para dalhin sa visiting area.Pero hindi niy