Pagka uwi ko sa condo ay agad naman akong napasalampak sa sofa. Hindi parin makapaniwala sa mga nangyari. I can't imagine why cupid always do this to me! Kung pinaglalapit man niya ang landas namin ni Zadiel, well, i will make sure na hindi siya magtatagumpay! At isa pa, may girlfriend na yung tao! Oh my God! Tapos nakipag sex ako sa lalaking iyon? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na ang isang sikat na modelo sa buong mundo ay may affair sa isang babae, at ako yun! Pareho lang kaming masisira! What a life!
Naligo muna ako at nagpahinga lang. Wala akong ganang kumilos sa ngayon, magmumukmok nalang ako dito kaysa sabihin ito kay Sab at mag isip ng kung ano ano. Nahiga ako sa kama ng biglang tumunog naman ang cellphone ko. Nakita kong si Sevi ang tumatawag.
"What?" "Ate I thought uuwi ka dito sa bahay? Sabi ni Mommy nandirito ka?""Nakikita mo ba ako diyan?" sarkastiko kong tanong sa kaniya, "Kapag hindi mo nakita ang bulto ko diyan, malamang wala ako." pagtataray ko."Sungit naman, parang nagtatanong lang naman ako." for sure he's pouting again, gaya ng nakasanayan niya pag nagmamakaawa."Malaki ka naman na Sev, nandiyan naman sina Manang eh, sa kanila ka nalang magpa asikaso. Nag'aayos pa ako para sa kompanya.""Ate namimiss na kita kase, next next week aalis na naman ako para bumalik sa probinsya.""Eh bakit umuwi ka pa kung babalik ka rin naman agad?" hindi ko na maintindihan to'ng kapatid ko. Nagsasayang lang ng panahon, babalik din naman pala agad sa Province."Dad told me that there have an even next week kaya pina-uwi niya ako. Kasama ka rin naman yata do'n eh, hindi naman siguro pwedeng hindi ka kasama?" takang tanong niya."Kasama ako, next week ba iyon? Hindi ko naman kase masyado naintindihan iyong sinabi ni Dad, para saan daw ba kase yun?" tanong ko sa kaniya dahil wala akong ideya kung para saan iyong event na gaganapin."Sabi ni Dad, he want us to meet his friends in company, baka mga kasosyo niya sa negosyo." "Bakit kasi isasama pa ako doon? Ikaw naman ang magmamana ng kompanya ni Daddy ah? kailangan bang kilala rin ako?" hindi naman kase importante iyon! Ang dami lang alam ni Daddy."Ewan ko, baka siguro dahil maganda ka para lalong maging interesante iyong mga kasosyo niya."Napahalakhak naman siya sa pagbibiro niya. "Napaka epal mo talaga, i know naman na maganda ako noh!""Oo na nga ate, basta uwi kana dito sa bahay. Bye! Ingat sa pag-drive!" magsasalita pa sana ako ng agad na niyang patayin ang line. Bwesit talaga iyon! Magpapahinga nga ako ngayon eh! Pero wala narin akong nagawa. Nagpalit lang ako at umalis na, kung hindi ko lang talaga siya kapatid!Nakarating din ako sa bahay, at nadatnan kong nag ce-cellphone ang kapatid ko habang nakade-kwatro sa may sofa. Akala mo naman talaga senyorito! Hilaw naman!
"Katext mo na naman iyang girlfriend mo?" nagulat naman siya at napabalikwas sa kinauupuan."Ate hindi ka naman nagsasabi na darating ka!" "Aba, at sino bang may sabing umuwi ako dito? diba ikaw naman? Eh bakit parang nagtataka kapa?" tinaasan ko siya ng kilay."What i mean is, hindi ka manlang sumigaw sa may pintuan na nandirito kana, hindi iyong parang multo ka diyan na bigla bigla nalang sumusulpot." pagdadahilan niya."Arte mo." bulong ko tumabi na rin sa kaniya. "Sina manang?" mukha kasing tahimik sa kabahayan."Maggro-grocery daw si Manang, si ate Anna naman nasa laundry." simpleng sagot niya habang nagtitipa sa phone niya."Sino ba ya'ng katext mo?""Wala to" hindi na ako nakatiis at hinablot ko sa mga kamay niya ang kaniyang cellphone."Ate naman!" "I miss you, babby?" basa ko sa message na kakasent niya lang. "Babby? really? Babby ang pangalan niya? chubby yan no?" sunod sunod kong tanong habang inaabot sa kanya ang cellphone."Callsign namin iyon, wag ka nga diyan. Basag trip ka naman eh!" medyo namumula na ang kaniyang tenga, halata kapag kinikilig o nahuhuling may ginawang kakaiba. Napa iling naman ako sa kaniya. Binata na talaga ang kapatid ko kahit tatlong taon lang naman talaga ang agwat namin.Wala naman kaming gaanong ginawa sa bahay. Nagbonding lang kaming magkapatid maghapon. Dito nalang siguro ako matutulog tutal sunday pa lang naman bukas. Okay lang na gabi na rin akong uuwi sa condo. Sabay kaming kumain ng hapunan. Naubusan yata kami ng pag uusapan kaya wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Patuloy lang kami sa pagkain."Break na pala kayo ni Jade ate?" pagbasag niya sa katahimikan."At bakit mo naman natanong?" walang ka amor amor kong tanong."He'd always message me na kausapin mo na raw siya, ako lagi ang ginugulo no'n." binlock ko na kase sa lahat ng social media accounts ko iyong lalaking iyon, sex lang naman pala ang gusto sakin. Pinaabot pa ng limang buwan ang relasyon. Eh sa ayaw ko ngang makipag sex! tapos ang ending nakipag sex ako sa iba! What a shame! "Huwag mo nalang replayan, magsasawa rin iyon kamemessage sa'yo." "So totoo ngang break na kayo? medyo matagal rin kayo no'n ah? Tumagal ng hindi nalaman nina Mommy at Dad." "Basta tumahimik ka nalang diyan, ang intindihin mo si babby mo, huwag ako. Isumbong kita kay Mommy diyan eh!" pananakot ko, hindi pa kase tumigil! "Palagi ka nalang galit pag nagtatanong ako." umiling naman siya at pinagpatuloy ang pagkain. Ngunit hindi pa pala matatahimik ang mokong! Nagsalita pa ulit!"Oh I remember, nakauwi na pala yung anak ni tito Zaniel? yung bestfriend ni Dad?" biglang nanlamig naman ang pakiramdam ko. Heto na naman tayo."Bakit ba kase ang dami mong nalalaman diyan? Hindi ka nalang manahimik? Hindi ko kilala iyon okay?" pagdadahilan ko sa kaniya."Oww hindi mo kilala si kuya Zadiel? kawawa ka naman buti pa ako kilala ko." napa inom naman agad ako ng tubig at tiningnan siyang nangingisi. "Sobrang sikat kaya no'n? sana ma'meet ko siya ulit. Gusto ko pa naman maging modelo rin!"
"Hibang kana Severino! kumain ka nalang, pinag aarchitect ka ni Mommy at alam kong iyon din ang gusto mo!" "Iba na ngayon ate, maging Model na ang gusto ko. Baka nakikita mo ang muscle ko." at pinakita pa niya ang muscle niya sa braso. "Ewan ko sayo, para kang alitaptap." inirapan ko at nagpatuloy na ulit sa pagkain.Sumapit ang linggo ng gabi at nagpaalam na akong uuwi sa condo. Wala naman problema sa kapatid ko dahil makakasama naman niya sina Manang."I'll go now, tumawag ka nalang sakin pag kailangan mo ako, may trabaho na ako bukas. Mag aral ka at wala ka naman ibang gagawin." habilin ko sa kaniya."Yes Ma'am Seferene!" napatawa naman ako sa kaniya. Yinakap ko siya at tumalikod na.Habang nasa byahe ako ay nakita ko naman tumatawag si Sabrina. "What Sab? Nasa byahe pa ako." "Tara sa Casa de' reza, nandoon sina Meg at Hailey, bonding daw tayo." bungad niya. Wala naman ako gagawin. Kaso Lunes bukas baka naman kung ano na naman ang mangyari."Okay, game ako, nasaan na ba kayo?" "On the way na ako, nandoon na rin sila. Tayo nalang ang hihintayin." "Ahh sege, magkita nalang tayo, bye" pinatay ko na at iniba ang gawi para pumunta sa nasabing bar. Paborito namin puntahan iyon, dahil bukod sa masasarap ang inumin, maaliwalas din ang ambiance ng place. Sobrang relaxing at mapapasayaw talaga sa ganda ng mga pinapatugtog ng DJ.Sabay din kaming nakarating ni Sabrina sa bar. Buti nalang para hindi na ako mahirapang hanapin kung nasaan sina Hailey."Nasaan daw sila nakapwesto?" tanong ko sa kaniya habang pinapakita namin sa bouncer ang aming id. Suki na kase talaga kami dito.
"Nasa private room sila. Gusto nila ng privacy para naman daw makapag usap tayo ng matino, pagbigyan mo na yung dalawang iyon at minsan lang makauwi ng Pilipinas, daig pa ng mga Amerikana yung mga y'on eh!" napatawa naman ako sa kaniya. Sabagay totoo naman, minsan nalang kase sila umuwi ng Pilipinas simula ng pumunta sila sa Canada para doon magtrabaho.
Nang magkita kami ay nagyakapan agad kaming apat! sobrang namiss ko talaga sila. "Kamusta na kayo?" tanong ni Meg. "Okay lang kami, lalo pang gumaganda. Ikaw Hail? ano na? kayo parin ba?" si Sab na ang nagtanong."Hay nako, huwag niyo nang tanungin dahil baka umiyak na naman, ang hirap kayang patahanin niyan" si Meg. "It's okay! naka move on na kaya ako! tagal na non." sabi ni Hailey, halata naman na okay na talaga siya base sa nakikita ko sa kaniya."Sege na Girls! Okay lang yan! Nandito tayo para mag bonding at hindi para balikan ang mga nakaraan! Let's cheer up guys!" Sabi ko para maging jolly naman kami. Puro kadramahan lang ang napag uusapan eh! Pasira lang talaga yung Jeremiah na'yon para saktan ang kaibigan namin, ayan tuloy. Broken.Medyo marami na rin agad ang nainom namin. Nag usap lang kami ng mga naging karanasan namin noong mga nagsisimula pa lang kami sa mga trabaho. Masaya naman kami lahat, hindi lang talaga maiwasang hindi maiyak ni Hailey dahil naalala niya si Jem, akala ko okay na siya. Totoo talaga siguro na kahit nakikita mo sa isang tao na kaya na niya, hindi pa rin talaga. Siguro pinapakita lang nila iyon para hindi sila kaawaan ng iba. And i stan Hailey for that. Sobrang strong parin niya kahit nasasaktan na siya. Sana pagdating ng araw, maging katulad niya rin ako.Nagpaalam muna ako saglit sa kanila upang pumunta sa comfort room. Hindi ko na kase matiis pa ton'g ihiin ko. Saka medyo hilo na rin ako sa dami na ng nainom kong alak. Pasuray suray na akong nakarating sa cr. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mabawasan ang dinadala ko sa katawan. Lumabas din ako agad sa cr at nanalamin. Tinitigan ko pa ang sarili ko kung okay pa akong tingnan. Naghilamos at nagretouch nalang ulit ako para hindi gaanong halata na may tama na ako. Nang matapos ako ay lumabas na rin ako.Inayos ko ang lakad ko at dere-deretsong tinungo ang place namin kanina, ngunit sa kalasingan ay hindi ko na alam kung sino ang nakabanggaan ko! "Sorry miss, are you okay?" tanong ng lalaki sakin. Hawak niya ako sa braso upang alalayan patayo. "I'm okay, sorry i'm just tipsy." saad ko sa kaniya. Unti unti naman akong nag angat ng tingin sa kaniya, upang ngitian sana. Kaso biglang napawi ang ngiti ko ng makilala ang may hawak sakin. Hindi ako makahinga dahil na rin sa tindi ng titig niya sa mga mata ko. Napagawi ang patingin ko sa mapupula nitong labi na napaawang. Hindi ko alam ang nangyayari but my heart beating so fast. Hindi naman ganito dapat. Siguro dahil ay mag nangyari sa amin kaya ganito nalang ang pakiramdam ko."Seferene" Iyon nalang ang narinig kong sinabi niya at dali daling umalis sa harapan niya!Hingal akong nakabalik sa private room na kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Napansin naman agad nila ang hitsura ko. "Oh anong nangyari sa iyo? Bakit parang tinira ka ng sampung kabayo diyan?" tanong ni Meg. Hindi ko man masakyan ang biro niya ay pinilit ko parin maging pormal sa kanya. Hindi pa rin talaga ako makahinga ng maayos at pakiramdam ko anytime ay pwede akong masundan ni Zadiel dito. "Sef, ayos ka lang ba?" si Sab naman ang nagtanong. Kita ko rin ang pagtataka sa kanyang mukha. "A-hhh O-oo, okay lang ako, medyo may nagka rambulan lang sa labas kaya medyo natakot ako." pagdadahilan ko. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo, pakiramdam ko ay nawala ang pagkahilo ko dahil sa nangyari. Naramdaman ko naman na kinublit ako ni Sabrina. "Ayos ka lang ba talaga? Parang hihimatayin ka na kanina
Hindi man komportable ay nagpatuloy pa rin ako sa pag- e'exercise. Mabilis ko naman nasusunod ang mga sinasabi ng instructor sa amin, ewan ko lang sa kasama ko na wala na yatang ginawa kung hindi tingnan ang mga kilos ko. Medyo ilang man ay hindi ko na lang pinansin. What did he want? "Okay Miss Dezaga and Mr. Remejo, dito na lang muna natin tapusin ang work out, mukhang nakuha niyo naman agad pareho ang mga pattern. Good job for today! baka next time kaya niyo nang gawin ito without my help." pagbibiro niya at ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. "Thank you for this Zaggie, madami akong natutunan today." pagpapasalamat ni Zadiel sa instructor namin. "Nako! As if naman ngayon ka lang nag-gym pero, thank you rin Mr. Remejo sa pagtitiwala, anytime! you can count on me, huwag lang Sunday!" sabay naman tumawa ang dalawa. Hindi naman na akong nag atubiling magsalita pa
Sevi texted me that they already in the venue. Samantalang ako ay papunta pa lang. Nag aalala na masyado si Mommy na baka hindi ako sumipot. Pagsisisihan ko pa nga daw kapag nangyari iyon. As if naman makaka urong pa ako sa event na ito! Minsan lang naman ito mangyari sa buhay ni Dad kaya pagbibigyan ko na."Yes, i'm on my way na. Masyado lang praning yan si Mommy, akala mo naman hindi talaga ako dadalo. Nag 'oo' na nga ako kagabi diba?" masyado kasing mga oa!"Oo nga Ate, alam ko. Pero syempre, can you make it fast naman? Parang hindi kasi mapakali si Mommy, ayaw sigurong mapahiya." napahalakhak naman siya sa sinabi."Ok fine. On the way na ako. Ibababa ko na, nagmamaneho ako." paalam ko naman sa kaniya."Okay, take care. We'll wait for you here." at pinatay niya na ang tawag.Wala naman problema sa akin kung a-attend ako sa event. Ang inaalala ko lang talaga a
Hindi na siguro alam nina Daddy kung nasaan na ako naparoon. Basta iniwan ko lang si Zadiel doon ngunit alam ko naman'g nakasunod siya sakin. Dumeretso ako sa parking lot at huminga ng malalim ng makarating doon. Hindi pa ako humaharap sa gawi niya dahil alam kong anytime ay baka himatayin ako dito mismo sa kinatatayuan ko! Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay saka lamang ako lumingon sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "So what about that night?" tanong ko sa kaniya na hindi pinapahalata ang kaba. Nanantya naman ang tingin niya sa akin. Hindi alam ang sasabihin. This is what you want right Zadiel? Bakit parang ngayon hindi mo masabi ang gusto mong sabihin? "Look, kung tungkol ito sa nangyari sa atin noong gabing iyon, wala na iyon sa akin. It's jus-t sex! Pareho lang naman nating kailangan yun?" nagkataon pang nautal ako sa salita ko! "K
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako makatanggap ng text. Agad ko naman binuksan ito at nangunot ang noo sa nabasa. Unknown number: It's me. Si Sabrina nga? Magrereply na ulit sana ako sa kaniya nang bigla ulit akong makatanggap galing din sa parehong numero. Unknown number: I'ts Zadiel, Sef. Para naman'g nabilaukan ako sa nabasa! Ano? Why did he text me? Paano niya nalaman na may sakit ako? And how did he know my fucking number? Wala naman sigurong magbibigay ng number ko sa kaniya diba? Or maybe Severino! Malalagot talaga sa akin ang lalakin'g yan! Nagreply na naman ako sa kanya! Me: Where did you get my number? Agad naman siyang nagreply! Kung kanina pinaghintay niya ako sa reply niya, ngayon naman ay parang naghihintayin na kami sa reply namin sa isa't isa!
Tuloy lang ang araw ko sa pagtatrabaho. Hindi na rin alintana ang pagod sa akin. Hindi ko naman nakalimutan kumain. Gaya ng dati ay nagpadala na lang ako ng makakain para sa tanghalian dahil madami pa akong tinatapos na trabaho. Natambakan kasi ako simula nu'ng umabsent ako kahapon. Wala naman'g ibang magaasikaso nito.Pahapon na rin ay agad na akong umalis sa opisina. Madali kong natapos ang trabaho sa ngayon. Nasalubong ko naman si Daddy sa elevator. Siguro ay pupunta na rin sa opisina niya."How are you feeling anak? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin."Okay naman na Dad, as you can see. Dahil kung hindi ay baka hindi naman ako pumasok ngayon sa opisina, di'ba?""Silly, I know it! I just want to make sure. Ayaw lang namin ng Mommy mo na mapaano ka." napangiti naman ako sa sinabi ni Dad. I know that he's concern and over protective with me. Kahit nama
"Dad, kahit 3 days lang." kausap ko si Daddy sa telepono habang kumakain ako ng umagahan."Okay, fine. Basta huwag kang magtatagal do'n. Bakit kasi hindi mo na lang patapusin ang buwan bago ka magbakasyon?""Oo nga noh?""Yes Seferene. Para hindi ka na rin mabitin sa bakasyon mo. I know you want to unwind. Hindi naman kita pinipigilan sa gusto mo.""Okay! Thank you Daddy! Tatapusin ko na lang muna ang trabaho ko.""Okay." iyo'n ang huling usapan namin ni Daddy. Nagpaalam ako sa kaniya kung pe'pwede ay magbakasyon ako ng ilang araw. Ito naman ang matagal ko nang binabalak. Masyado na akong lulong sa trabaho kaya naman I just want to give time to myself.Tinapos ko lang ang pagkain ko at umalis na ng condo. Ganoon pa rin ang takbo ng araw ko. Papasok ng opisina, magtatrabaho, kakain ng lunch, sasayangin ang
Nang tumigil ang kotse sa isang napakalaking bahay ay mas lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko. Nandito na ba kami? Bakit parang ang bilis naman? Hindi pa man lang yata ako nakakapag isip ng pwede kong sabihin kung sakaling magkita na kami nina Tito sa loob.Naramdaman kong inalis ni Zadiel ang seatbelt niya. Tumingin siya sa akin at ganoon din ako. Hindi pa ako mapalagay nang akma na siyang lalabas ng sasakyan."Sa-ndali lang Zadiel, dito na ba tayo?" tanong ko sa kaniya kahit obvious naman na."Yeah, ito ang bahay namin. Halika na. Hinihintay na tayo nina Mommy sa loob.""Alam ba nila na may kasama ka? At ako iyon?" kabado ko pa rin'g tanong."Sinabi ko na kasama ka, kaya huwag kang mag-alala. You have me." Kumindat pa siya at tuluyan nang bumaba ng kotse.Pinagbuksan niya ako ng pintuan at bumaba na ako. Wala nang atrasan to'! Naan
I was busy looking at my daughter while hard trying to tie her hair. Nandito kami ngayon sa kwarto habang hinihintay namin ang mag-aayos sa amin para sa gaganaping kasal namin ni Zadiel. This is the day that me and Zadiel will become as one. Hindi parin kami nagkikita simula kahapon dahil kasabihan na hindi raw maaari ang ganoon. Baka daw hindi pa matuloy ang kasal! As if naman marami pang naniniwala don'. Nasa tao narin naman iyon kung hindi nila itutuloy ang kasal. Basta kami ni Zadiel, mahal namin ang isa't-isa.Napatingin ako sa pinto nang biglang bumukas iyon. Masayang mukha ng babae ang pumasok dito sa aking silid."Hi Ma'am Seferene, ako po iyong make up artist na mag-aayos sa inyo ng anak niyo. Ako po ang pinadala dito ng mommy niyo." magalang niyang sabi sa akin habang inihahanda ang mga gagamitin para maayusan kami."Uhh right. Kanina ka parin namin hinihintay eh."
This will be the last chapter of this story. To all readers who reads the story of Zadiel and Seferene, I am very thankful to you all. Maraming salamat sa mga sumuporta at susuporta pa sa storyang ito. It might be this not your ideal story, but all along I am sincerely thankful to all of you. Sana basahin niyo parin ang kwentong ito hanggang sa katapusan!I love you Aleeeeys! ♥️ZADIEL JEREZON MERCADO REMEJOI want to fucking go home! I'm so tired being here! Being with her! Hindi ko alam kung bakit aabot kami sa ganito ni Sheena. Ni minsan hindi ko naramdaman na mararamdaman ko ito sa kanya. Wala na iyong saya, wala na iyong sigla, wala narin pati pagmamahal ko sa kanya. Alam kong isang kagaguhan ang lahat p
Maayos kaming nagpaalam sa mga magulang ko ganoon din kayna Lola Aurora at Lolo Mario. Hindi nila mapigilang mapaiyak dahil hindi manlang daw nila makakasama ng matagal ang kanilang apo. Pero nangako naman akong dadalawin sila sa probinsya para mabisita sila doon, dahil matagal narin na pahanon na hindi ako nakakapunta sa probinsya nila.Tahimik lang ako sa kotse at tanging pag-uusap lang ng mag-ama ang naririnig ko. Hinayaan ko nalang silang dalawang mag-usap, at ng mas makilala din naman ni Zadiel ang anak niya. Pero sa palagay ko naman ay madali silang magkakasundo."You're a model daddy?!" hindi makapaniwalang tanong ni Lea sa ama niya, kahit si Zadiel hindi makayanan ang kakulitan at kadaldalan ng anak niya!Humaklahak muna siya bago sumagot. "Yes baby.""Wow! Mommy is also a model daddy! She'd always wear a different clothes everytime she has a fashion show!"Hindi ko alam kung alam ni Zadiel na pumasok ako
Maaga akong gumising upang tulungan sina Ate Ana at manang sa pagluluto. Sa loob ng pitong taon na pananatili ko sa London ay nakasanayan ko narin magluto dahil narin kay Lola Ellen at lolo na tinuturuan ako. Hindi man ako masasabing magaling talaga pagdating sa pagluluto ay pinag-bubutihan ko naman.Kahit sina Lola Aurora ay hindi ako pinapayagan na magluto kesyo kinakailangan daw ay ako ang pagsilbihan nila. Pero hindi ako pumayag na ganoon nga ang maging sistema. Hindi naman kami iba sa isa't-isa para magturingan kami ng ganoon.Alas-singko palang ng umaga ng madatnan ko sila Ate Ana na nag-aasikaso sa kusina kaya hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng sarili. Tulog pa silang lahat at alam kong maya-maya lang ay gigising narin. Mamaya ko nalang pupuntahan ang anak ko sa kanyang silid."Naku naman Sefe sinabi na nga namin na kaya na namin tong' pagluluto, mabuti pa'y umakyat ka nalang muna sa taas at magpahinga pa." natawa naman ako sa inast
Hindi alam ni Zadiel kung makakaalis pa ba siya dahil pilit siyang hinahapit ng kanyang anak. Kung hindi ko pa sinabi na may kailangang ayusin ang daddy niya, hindi niya talaga paaalisin."It's your decision anak, malaki ka na. Wala na rin naman kaming magagawa kung ano ang magiging plano mo. Basta palagi kaming susuporta sa kung anong desisyon mo." si daddy habang nag-uusap usap kami tungkol sa sinabi ni Zadiel. Pinaliwanag ko sa kanila ang desisyon ni Zadiel at ito ang tanging sagot nila sa akin."Sef, matagal na namin alam ng daddy mo na walang pamilya si Zadiel, hindi na namin sinabi iyon sa'yo dahil wala kami sa lugar. Because in the first place, it's your problem. Kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan ni Zadiel labas na kami doon, kahit minsan ay nagalit kami kay Zediel. At ngayon naman na maayos na ang lahat para sa inyong dalawa, hahayaan ka na namin ng daddy mo na magdesisyon. You deserve happiness anak, at piliin mo kung ano a
Mabilis din akong umuwi matapos ang interaksyon namin ni Zadiel. Hindi siguro madali sa kanya na malaman na may anak kami, pero sana naman huwag niyang maisipan na itanggi ang anak niya. Alam ko naman na nagulat din siya sa mga nangyari kaya ganoon nalang ang naging reaksyon niya. Hahayaan ko nalang munang makapag isip-isip siya at saka ko nalang ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Ang dapat ko ngayong makausap ay ang aking anak."Mommy!" patakbo at pasigaw na salubong sa akin ng anak ko."Kanina ka pa talaga hinihintay ng bata na yan, hindi na mapakali. Nag-tanghalian ka na ba Seferene? At ipaghahanda kita.""Sige po La."Umibis narin naman si lola upang talikuran ako. Humarap ako sa aking anak na nakapulupot parin ang mga braso sa aking binti."Di'ba sabi ni mommy na mabilis lang ako? Dapat hindi ka umiiyak dahil kasama mo naman sina Lola at babalik din ako.""I'm sorry Mommy, I can't stop thi
Gulong-gulo ang isipan ko dahil sa mga nalaman at narinig mula kay Zadiel. Paano nangyari yun? Umalis ako dito na ang alam ko ay anak niya ang dinadala ni Sheena."W-what? I can't believe you Zadiel, kung ginagawa mo lang ito para magkabalikan tay----""Totoo lahat ang sinasabi ko! Sheenly is not my daughter. Kaya kong ipaliwanag sa'yo lahat basta bigyan mo lang ako ng pagkakataon na pakinggan mo."Kitang-kita ang pagmamaka-awa sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya tungkol dito. O baka ginagawa niya lang ito dahil gusto niyang magkabalikan pa kami! Pero wala naman masama kung pakikinggan ko siya. Baka ngayon, kaya ko na siyang pakinggan sa mga eksplenasyon niya."Okay, I'll listen."Nakita kong gumaan ang paghinga niya at nagningning ang mga mata.Umupo ako sa mahabang sofa upang doon siya pakinggan sa kanyang pagpapaliwanag. Humarap ako sa kanya upang
Hinayaan ko lang na magpahinga si Zadiel sa aking condo. Hindi ko alam kung alam niya ang mga sinasabi at ginagawa niya kanina. At kung alam niyang nandirito siya sa condo ko. Mag-tatanghali palang at bakit naisipan niyang maglasing? Isa lang talaga ang naiisip ko, siguro nag-away sila ni Sheena. Hindi ako basta-basta maniniwala sa sinabi niya sa akin kanina. Kahit pakiramdam ko ay may kakaiba akong naramdaman sa sinabi niyang iyon."Hello lola? Ano pong ginagawa ni Zellea diyan?" tinawagan ko muna sina lola dahil hindi pa ako nakakauwi ng bahay."Okay lang naman siya dito apo, heto at naglalaro sila ng lolo mo dito. Anong oras ka ba uuwi? Ang mommy at daddy mo ay wala parin baka daw mahuli sila sa pag-uwi.""Ahm hindi ko pa po alam kung anong oras ako uuwi lola eh, pwede po bang pakibantayan nalang si Zellea hanggat wala pa po ako? At kung sakaling mauna sa akin sina Mommy at ang kapatid ko, paki-sabi po na nasa condo a
Nang kinaumagahan ay nagbalak akong bumisita sa kompanya. Matagal na panahon na hindi ko na napupuntahan iyon. Sa palagay ko naman ay karamihan sa mga empleyado noon ay nandoon parin."Mommy can I come with you please?" pamimilit sa akin ng anak ko.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi siya pwedeng sumama sa akin. Maraming makiki-intriga kung sakaling makita siya ng maraming tao. Paniguradong maraming haka-haka na naman ang lalabas kapag nakita nila ang anak ko."Ahm baby, I take you some time. Babalik din naman agad ako. Sina Lola Aurora muna ang magbabantay sa'yo dito okay? Just wait for me here. I'll be quick.""But I want to see Papa's company Mommy!""Zellea huwag nang makulit okay?""But Mom---""I'll be back promise. I love you baby! Huwag masyado magpapa saway kayna Lola ah?" hinalikan ko nalang siya sa pisngi at dali-daling lumabas ng bahay. Mas la